71. HONEYMOON 😊💏

239 11 0
                                    

LIEN POV.

natapos na ang wedding celebration namin. Nagsipunta na ang iba sa kanya kanyang kwarto para makapag pahinga 12am na din kasi ng madaling araw at malamang ay napagod na din at nalasing na ang iba.

Si jeffrey ay busy pa sa pakikipag usap kay jayson at james hindi ko alam ano pinag uusapan nila pero muka silang seryoso. Habang ako heto nakaupo at medyo sumasakit na ang bewang ko sa higpit nitong suot ko.

"psst! Beshh !" tawag ni anj ng makalapit sila ni rosaly at aileen sa akin.

"ano yun anj at may pa sitsit kapa diyan nalalaman. Di pa ba kayo inaantok." tanong ko.

"sige anj i abot mo na kay lien tong gift natin sa kanya!" sabay tawa nilang tatlo.

"oy ano naman yan bakit kayo natawa. Kayo ahh!" hindi ko inabot ang paper bag na inaabot sa akin ni anj.

"ano ka ba lien! Kailangan mo yan mamaya! At Don't worry malayo ang pinili kong kwarto nyu ni jeffrey dito kaya malaya kang magsisigaw mamaya!" nagtawanan na naman ulit sila.

"teka ano bang sinasabi nyu. Hindi ko kayo maintindihan. Ikaw aileen nahawa kana din sa dalawa na toh!" napatayo na ako sa kinauupuan ko.

"shhhh! Wag tayo maingay girls baka marinig nila tayo. Basta besh! Itong nasa paper bag ang susuutin mo mamaya ok! Wag kana umangal sigi ka masisira ang honeymoon nyu mamaya! Hihihi" nako naman anj talaga.

"korek! At lien wag ka mag inarte mamaya alam kong first time mo pero. Wag mo sirain ang honeymoon nyu ni jeffrey ahh! Nako isa yan sa magpapatibay ng relasyon nyu ok!" tapos nagtawanan na naman sila.

"naks lien virgin na virgin eh! Galingan mo ahh! Wag ka mahiya malayo kami sa kwarto nyu. Nakikita mo yung nag iisang kwarto dun sa taas tapat ng dagat. Maganda dun at tamang hampas lang ng dagat ang maririnig mo. Exclusive yun para sa amin ng asawa ko at never pa namin nagamit kasi sa states kami nakatira. pero para sa inyu ni jeffrey welcome na welcome kayo dun. At pinatibayan ko na din ang kama nun at pinaganda ko pa para special hihihi! Thank me later sis!" tawa sila ng tawa.. hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

Narinig na ata nila jayson ,james at jeffrey ang tawanan ng tatlo kaya lumapit na sila sa amin.

"anong meron at ang saya saya nyu ata!" si jayson ang nagtanong.

"wala naman. May inabot lang kaming gift para kay lien!" si rosaly ang sumagot.

"ganun ba! Eh bat parang namumula ng sobra ang muka ni lien! Ano na namang pinagsasabi nyu kay lien" sabat ni james.

"babe! Tara na antok na ako tulog na tayo !" pag iiba ni anj. Sabay kindat sa akin.

"korek lets gets some sleep na. At para hindi tayo maka istorbo sa newly weds ok! Ahmm nga pala jeffrey nakikita mo yung nagiisang room dun sa taas tapat ng dagat dun ang special room nyu ni Lien ok! Goodnight!" kumindat din si aileen sa akin. Nako naman lalo nila ako pinapakaba ehh.

"tol ang layo ng kwarto nyu dito sa amin ah! Mukang naayon sayo ang lahat. Sige pre gudluck na lang. Tadaan mo yung mga sinabi namin sayo ni james.ok byeee gudnight." ani jayson at saka umalis kasama si rosaly.

Kami na lang ang naiwan ni jeffrey dito. At heto ako hawak ang paper bag na di ko alam kong totoo bang makakatulong toh sa akin.

"tara na love para makapag pahinga na tayo!"nagulat ako sa pag salita ni jeffrey.

"hah! Ahh o-ok sige!" hinawakan niya ang kamay ko. At naglakad na pa punta sa room namin.

Habang anglalakad kami ay hinubad ni jeffrey ang pang taas niyang tuxedo at sinuot sa akin. Napaka lakas kasi ng hangin, ang gentleman niya talaga.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now