42. FINAL EXAM 📃

172 11 0
                                    

LIEN POV.

Half day lang kami ngayon dahil periodical exam na. At ito na din ang last at final exam namin this last month namin sa school.

Nakakaramdam na ako ng lungkot sa dami ko ba naman ng pinagdaanan ngayong school year namin ay ngayon pa lang ako mas nagiging masaya. Although masaya naman ang mga nangyari sa akin pero iba kasi ang ngayon.

Lumingon ako sa likod at tuminggin kay Jeffrey. Mukang malalim ang iniisip niya ah tulala kasi siya! Ano kayang iniisip niya. Baka naman ako hehe!

Break time na kaya tumayo na ang lahat. Huli kami palagi nalabas kasi nag sasabay kami nila jeffrey.
Kami kami lang mga magkakaibigan ang nakaka alam ng relasyon namin ni jeffrey.

"bilisan nyu guys nagugutom na ako! " sigaw ni anj kila james.

"sus! Wag mo sabihing gutom kana talaga! Tignan mo nga yang bilbil mo oh! Kumakaway na! " asar ni james kay anj.

"talaga ba james! Gusto mo ba ng sapak! "sagot ni anj.

"alam nyu tumigil na nga kayong dalawa kunwari pa kayo. Eh sa pagmamahalan din naman kayo aabot katulad nila lien at Jeffrey." sabat ni jayson.

"ay agree ako diyan! " dagdag ni rosaly. Sabay tawanan namin.

Napansin kong tahimik si jeffrey.

"may problema ba Jeffrey? " tanong ko

"hah!? Ah wala wala! Ano gusto mong kainin lien! " pag iiba niya.

"sigurado ka ba? kanina ko pa kasi sa loob napapansin na malalim ang iniisip mo! " . Sabi ko

"so kanina mo pa pala ako sinusulyapan. nasa loob palang tayo ng room! napag hahalataan na patay na patay ka sakin!" sabay tawa niya.

"baliw! " sagot ko

"baliw sayo! " bulong niya sabay akbay sa akin. Nag blush naman ako bigla.

Nakarating na kami sa canteen. biscuit lang kinain namin kasi may balak kaming mag gala sa festival mamayang uwian.

" beshy anong kakainin natin mamaya dun! Nako gusto ko ng madaming pagkain hah! Ambagan naman tayo eh! " tanong ni anj.

"Oo madami tayong pagkain mamaya. Kaya nga tayo nag tipid ngayon eh! Mamaya babawi tayo ok" sagot ko.

"pagkain na naman nasa isip mo anj! Ahh! Grabe ka! partida breaktime pa lang natin!" asar ni james.

"ikaw papansin ka na naman ah! Crush mo ko noh umamin ka na! " tanong ni anj kay james.

"wow ah! Binaliktad mo pa! Ikaw nga tong dead na dead sakin!" sagot ni james.

"ang Kapal mo talagang lalaki ka! "sagot ni anj

"nako tara na nga bumalik sa room! Ang sakit sa tenga nitong dalawa na toh! " aya ni jayson. Nagtawanan lang kami.

Hanggang maka balik sa room ay nag tatalo pa din ang dalawa. Natatawa tuloy ako parang kami lang ni jeffrey pero mas hard mag away ang dalawa na toh kasi ang boses ni anj talaga namang napaka ingay haha!

Dumating na ang teacher na nagbabantay sa amin. Lalaki siya 3rd year ang hawak niyang mga studyante. Sir albaro medyo napapansin kong malambot pansin ko lang.

"beshy yang teacher na nagbabantay sa atin tinggin ko shokla! Gwapo pa naman tih! "bulong ni anj.

"psss! Ikaw talaga! Mag focus na tayo kasi mag eexam na ulit! " sagot ko

Nag sign Lang si anj ng ok 👌. Saka nag abot na ng test paper ang teacher namin. 2 exam na lang naman eh kaso math saka English nga lang.

------------------------------>

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now