64. ISN'T A FRIENDLY DATE? 😊

193 9 0
                                    

LIEN POV.

sabado na at ngayon na nga ang araw na magkikita kaming dalawa ni Jeffrey.
Medyo nakakaramdam ako ng kaba kasi iniisip ko ano kayang mang yayari mamaya. Sana lang ay hindi ako mailang sa kanya after so many years ngayon nalang kasi ulit ako lalabas na ang kasama ay lalaki tapos si Jeffrey pa.

5pm na at nagising ako sa alarm ko. Wala pa si mama kaya tinext ko na lang sya na aalis ako para di sya mag alala na wala ako dito sa bahay. Tumayo na ako at saka naligo.

Matapos kong maligo at saktong may nagtxt sa akin. Kinuha ko agad ang cellphone ko.

JEFFREY 📲
"hi lien ready ka na ba mamaya.? Ako kasi excited na. See you later?. "

Di ko talaga napigilang mapangiti ng wagas. Nag reply naman agad ako.

LIEN 📲
"see you later 😊"
Maikling reply ko.

Nagbihis na agad ako. Saka nag ayos ng sarili. Off shoulder na light pink dress ang suot ko, light pink na make up with light pink lipstick and white heels.

Natapos na ako at saka tumitig sa salamin kung ok na ba ang ayos ko. Napa wow na lang din ako sa kinalabasan. Masasabi kong ang ganda ko ngayon 😁😊.

Nakalabas na ako sa compound namin ng may kotseng bumusina sa akin. Nagulat ako pero mas nagulat ako sa lalaking bumaba sa kotse. Si Jeffrey.

Hindi ko naiwasang mapatitig sa kanya. Napaka gwapo pa din talaga niya. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang white polo. Sumabay pa ang maganda niyang ngiti na nagpalabas ng malalim niyang dimple.

"Hi! You look so beautiful as always lien" ani nya. Sa sobrang titig ko ata sa kanya di ko namalayang nakalapit na siya sa akin.

"ha? Ahh! Ikaw din" maikling sagot ko. Tumawa lang siya nako nahalata ata niyang nalutang ako saglit.

"so let's go" aya niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Nakita kong hinarang niya ang braso niya sa uluhan ko pagpasok para di ako mauntog. Grave parang yung mga napapanood lang sa korea novela napaka Gentleman padin talaga niya.

Nagdrive na siya at di ko alam san kami pupunta. Basta sabi niya lang ay mag dinner kami sa labas. Pareho kaming naka ayos ng pormal para tuloy kaming mag jowang mag dadate sa isang mamahaling restaurant.

"ahhm. Hindi kaya tayo mabangga niyan Jeffrey, kanina kapa kasi patingin tingin sakin ehh." ani ko

"im sorry i just can't stop my self to look at you. Napaka ganda mo kasi."
Sabay ngiti niya at ayan na naman ang dimple nya.

"bolero talaga" sagot ko.

Napatinggin ako sa labas ng kotse at wow napakaganda naman ng lugar na toh. Dito ba kami mag dinner. Diko tuloy napigilang mapangiti. Napaka ganda kasi ng lugar, ang daming iba't ibang lights mas lalo ko tuloy naramdaman ang christmas season.

"were here lien. Tara! " aya ni Jeffrey.

"dito ba tayo mag dinner Jeffrey? Mukang mahal ata dito ok lang naman ako sa mas mura siguro" ani ko.

"don't worry lien its my treat. And you know what lien, matagal ko na kasing pinangarap na makapunta dito. Na kasama ka! " mahinang sagot ni Jeffrey.

Napatingin ako bigla sa kanya. Sa mga mata niya at sa ngayon pagkakataon ay nakita ko na naman ang dating Jeffrey. Yung dating Jeffrey na nagustuhan ko. Nginitian ko siya saka tinapik ang kamay niya.

"So tara na gutom nako ehh! " sabay ngiti ko sa kanya.

Nakita kong napangiti siya. Pagkababa niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Hinawakan niya ako sa kamay na siyang kinagulat ko. Pero hinayaan ko na lang siya dahil baka inaalalayan niya lang ako dahil medyo pataas din kasi dito. Nanlaki ang mata ko ng makita ang magandang view.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now