9. START OF SOMETHING.

232 24 0
                                    

LIEN POV.

Pagbalik ni sir ay nag umpisa na kami mag demo per group. Pangatlo kami at kami na ang susunod. Medyo kinakabahan pero fighting lang..

"next third group"

At kami na nga ang sumalang sa unahan.. Inuna namin ang 3 posisyon na hindi pa nman need ng by 2 person.

Pero after nun ay ito na nga. Kabog ng Kabog ang dibdib ko. Na para bang sasabog Anytime..

"relax lien"bulong ni jeffrey at saka ako nginitian..

Totoo ba toh. Nginitian niya ako ng walang halong kalokohan. Baka nanaginip lang ako. Nauna na siyang nag SIT-UPS at pagkatapos niya ay ako naman.pagka tapos ay cross arm crunches na.. Tuloy lang ako sa pagbibilang gusto ko sana na pumikit at matapos na..

And sa wakas natapos na kami at wala namang nang balak mang asar.
Hanggang pagtayo ay naka hawak lang ako sa dibdib ko na feeling ko malalaglag na ang puso ko sa kaba.

Inabot ko na kay sir bonny ang instructions sheets. At saka naupo sa tabi ng nga ka group ko. Pero Syempre kay anj ako tumabi at sa kabila ko naman ay si mikko..

Nasa likod ko si Jeffrey at parang di siya mapakali at nakainis pa alam naman niyang sa sahig lang kami nakaupo ang paa niya ba naman ay tinabi sa gitna namin ni mikko nakakaloka tong lalaki toh di na nahiya sa amin. Mamaya may amoy yang paa niya ehh.

Pero dinedma na lang namin ni mikko at nanuod nalang sa mga ibang klasmeyt namin na nag dedemo.

After mag demo ng lahat ay bumalik na kami agad sa room medyo maaga pa may 1hr pa kami.. Nilayasan naman kami ni sir bonny at may meeting daw sila sa faculty at nandun daw ang principal. Ako naman syempre ay president at magbabantay baka mamaya may lumayas na ng maaga eh may 1hr pa..

Kanya kanya kaming busy sa mga bagay bagay. Maya maya si anj may dalang gitara at inabot sa akin..

"beshy kanta ka nga. Boring ehh. Diba marunong ka kumanta saka mag gitara.. "

" san mo naman nakuha tong gitara aber.. "

"diyan malapit sa table ni sir bonny.yan ata ung ginagamit pag music.. Sige na beshy kanta ka dali boring boring ehh.. "

"lah ayaw ko nga.. "

"cgeh na lien. Para di naman kami maboring diba klasmeyt.."
Sabat ni aileen...

"ou nga naman".
Sagot nila lahat.. Wow ahh ano ako performer..

Pero kahit ayaw ko ay napilitan na lang akong gawin. Tutal wla naman tao sa kabilang room at kami lang ang may klase sa hilera ng room namin so wala kami maiistorbo ..

"ayaw ko jan sa unahan ahh! Dito lang ako sa upuan ko.. Ayaw ko din tumayo ah..saka ano ba kakantahin ko. "

" sge besh basta kakanta ka yun naman mahalaga.. " sagot ni anj

"ikaw na bahala ano kakantahin mo lien"..makikinig lang kmi or pag alam namin ay sasabayan ka namin. " ani ni aileen

Nag isip ako ng kakantahin ko.. Pero isa lang talaga napasok sa utak ko kundi yung SA AKING PUSO yung cover ni ruth anna..
Saka yun din kasi ang madaling igitara.

Nag start na ako mag intro. Sila naman lahat ay nakatinggin sa akin. Napansin ko din na nakatinggin sa akin ang mga kolokoy kong mga klasmeyts. Lalo na si Jeffrey. Gagalingan ko nga hehe..

"sa aking puso"
Ruth anna mendoza cover.

Uulit-ulitin ko sa 'yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo
Kahit kailanma'y hindi magbabago

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon