34.RAINY DAY'S

200 11 0
                                    

LIEN POV.

Kinabukasan papasok sa school ay napaka lakas ng ulan. At napaka lakas pa ng hangin ewan ko ba bakit hindi pa nag aanunsyo na walang pasok. Nakakatamad tuloy pero need pumasok so fighting.

tinaas ko ang palda ko para hindi mabasa ang laylayan. Hinarap ko ang back pack ko at binalot ko ang Sapatos at medyas ko dahil mag tsitsinelas lang ako. Magdadala sana ako ng jacket kaso walang tuyo nilabhan kasi ni mama. Eh hindi naman na tuyo.

Sa room na ako mag sasapatos kesa naman mabasa at bumaho ang paa ko. Nagpaalam na ako umalis at naglalakad na ako palabas sa kanto namin.

Mahigpit ang pag hawak ko ng payong Takot ako baka lumipad eh. Nakita ko na agad si jerome na nag aantay na naman sa akin. Naalala ko na naman ang pinag gagawa nila kahapon ni jeffrey naiinis ako sa kinikilos nila.

Kunwari hindi ko siya nakita. Nag deretso lang ako maglakad. Lumapit siya sa akin.

"lien di ka namamansin! Alam ko nakita mo na ako! Galit ka pa ba? Sorry na sa nangyari kahapon! " sabi niya habang sinisundan ako pero di pa din ako tumitinggin sa kanya.

"lien psst! Sorry na kasi! Pansinin mo na ako please! " pakiusap niya. Habang sinusundan pa din ako.

"oky! Oky! Fine! Pinapatawad na kita. Ikaw naman kasi nakipag bangayan kapa dun kay jeffrey !" sagot ko sabay harap sa kanya.

" eh sorry na. Saka sino ba yun boyfriend mo ba !? Bakit ganun yun" tanong niya.

"sira hindi ko boyfriend yun. Basta mahabang storya. Tara na baka lalo pa lumakas ang ulan. Bilisan na natin!" aya ko

Nagmadali na kami maglakad at nakasakay na kami sa jeep. Hayst nabasa pa din ako kahit nakapayong na ako.

Pagdating namin sa school ay napakalakas pa din ng ulan. Dali dali kami maka punta sa social building para maka silong at makapag punas na. Sobrang nabasa pa din talaga ako.

Nakarating na ako sa room at sinampay ko agad ang payong ko sa bintana.. May mga payong na din kasi dun kaya dun ko na lang din sinampay ang payong ko.

Napansin kong kunte pa lang kami. Nako feeling ko madaming absent ngayon. Pumasok na ako sa loob at inilapag ang bag ko.

"besh basang basa ka naman ano walang payong teh! " sabi ni anj at nag abot na ng tissue sa akin pang punas sa basa kong uniforn.

Naupo na ako at nagsuot ng sapatos.
Lumapit ako sa electricfan at nagpatuyo ng buhok. Tinapat ko na din ang damit kong basa.

Nakita kong nakatinggin sa akin ang iba kong klasmeyts. Nagtaka tuloy ako. Maya maya lumapit sa akin si Jeffrey at kinover sa akin ang jacket na suot niya.

" oh ano pang tinitinggin tinggin nyu jan! Gusto nyung dukutin ko mga mata nyu! " galit na saway ni jeffrey sa mga klasmeyts kong todo tinggin Sa akin..

"teka ano bang pinagsasabi mo jan aah! " saway ko sa kanya.

Umiwas siya sa akin ng tinggin. Tapos nakita kong namula yung pisngi niya. Lalo tuloy akong nagtaka.

"yung ano kasi-yung ano mo ahmm. Hirap naman sabihin pano ba toh!!" pabulong na sabi niya.

humarap na ako sa kanya at bigla naman siyang tumalikod sa akin.

"yung panloob mo sa taas bakat ay hindi kita na nga ang kulay eh! Kaya pwd ba suotin mo na yang jacket ko!" saka nag lakad pabalik sa upuan niya

Nagulat naman ako at napatalikod ulit. Saka dali daling sinuot ang jacket na tinabon niya sa akin. My ghadd kaya pala todo tinggin sa akin ang mga klasmeyts kong lalaki dito.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now