66. FOREVER AGAIN 😘

178 10 0
                                    

LIEN POV.

1pm at Nakauwe na ako sa bahay galing school. Medyo nakakaramdam ako ng gutom kaya kumain na agad ako.

Matapos ko kumain ay dumeretso ako sa kwarto ko. Nag facebook ako saka nanood ng youtube. Nagtataka lang ako sa araw na toh kasi medyo weird ang kinikilos nila anj at rosaly.

Nagmamadali kasi silang umalis kanina at himala hindi nag aya na gumala muna. At pansin kong walang chat or text mula kay Jeffrey Medyo nalulungkot tuloy ako ano kayang balita sa kanya.

Naghikab ako at Nakaramdam ng antok kaya nahiga ako sa kama ko saka natulog.

💤💤💤💤💤💤💤💤💤💤💤

Nagising ako ng marinig na nag riring ang cellphone ko at may tumatawag. Kinuha ko agad saka sinagot ang call.

"Hello sino toh? "

"anong sino toh ka diyan! Hoy besh asan ka ngayon! "

"Huh? Asa bahay natutulog! "

"magbihis ka dali! Ung maganda ahh!"

"ha? Para saan naman! Saka 6pm na anong trip mo anj natutulog yung tao ehh! "

"basta magbihis ka ng maganda at mag ayos ka! Susunduin ka namin diyan! Mga 30 mins andiyan na kami ok!"

"Hoy teka anj! ano bang meron kas-i! "

Binaba na ni anj ang phone. Ano ba kasing meron tapos 30 mins lang daw?. kaya naligo na lang ako agad. Sinunod ko na lang si anj dahil malamang sasabunin na naman ako ng dakdak nun pag di ko siya sinunod.

Hindi ko tuloy alam ano susuotin ko ehh. Ang gulo kasi ni anj. Naisip ko na lang mag dress ng kulay dilaw. Simple lang yun pero maganda naman. Tapos flat na sandals na kulay brown.

Nag light make up na lang din ako tapos naglugay na lang. Matapos ko mag blower ay sakto namang dumating si anj at nagsisigaw na sa labas.

Pagkababa ko ay pinagbuksan ko siya agad. Nagulat ako ng kasama niya si james.

"beshh wow ok na yang awra mo ang ganda mo! " bungad ni anj saken.

"hi Lien! " bati ni james

"teka teka muna ok! Ano bang meron at bakit kasama mo si james? Kanina pa ako naguguluhan anj ahh! " tanong ko.

"mamaya mo malalaman beshh tara na " at hinatak na lang ako ni anj.

Dala ni james ang kotse niya. Ewan ko ba kung anong nangyayari talaga pero naisip ko makisama na lang at bahala na anong meron.

Napansin kong pa katarungan ang daan namin. Tapos lumiko pa puntang sungken ba kami? Tanong ko sa isip ko.

Madilim ang paligid pero alam kong sungken ang lugar na toh. Mas lalo tuloy ako naguluhan ano namang gagawin namin dito ehh ang dilim dilim. Bumaba na kami sa kotse.

"teka anj? San tayo pupunta ehh ang dilim diyan sa likod!. Sure ka ba dito!" takang tanong ko.

"basta beshh ! Wag ng madaming tanong ok! " sagot niya.

Medyo malayo ng kunte ang binabaan namin dahil sa likod pa daw kami pupunta sabi ni anj. Si james naman kasi kita na niyang madilim nilayo pa niya kami sa baba bababaan.

Ng makarating na kami sa likod ay naramdaman kong binitawan ako ni anj at saktong bumukas ang mga lights.

Napa wow na lang ako ng makita ang buong ang set up. May mga lights decor na iba't ibang kulay. Tapos andiyan si Jeffrey harap ko!.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now