49. SECOND YEAR HIGH SCHOOL

148 12 0
                                    

LIEN POV.

Lumipas ang ilang buwan at nagpatuloy ang pagkikita namin ni jeffrey. Walang sabado na hindi siya dumating. Dahil dun mas tumibay ang pagmamahalan namin. na kahit na nasa long distance relationships kami ay masaya kami.

Sunod linggo ay panibagong school year na naman. At nasa 2nd year high school na kami. Nakapag enroll na kami nila anj. Nakakatuwa lang na mag ka klasmeyts kami ulit nila anj at rosaly. Pati ang iba ko pang mga klasmeyts nung first year siguro mga 20 lang ang bago naming naging klasmate.

Andito pa din sila jayson at james. Si jerome klasmeyt ko na din. Nakakatuwa lang talaga na kahit papano madami pa din kami na magkakasama. Si Jeffrey lang talaga ang nawala.

Sana maging masaya si Jeffrey sa dadating na school year ngayon. Sana magkaroon siya ng mga panibagong kaibigan. At syempre wag sana siya lapitin ng mga babae hehe. Alam nyu na.

⛔⛔⛔⛔⛔⛔⛔⛔⛔⛔⛔

Linggo na ngayon at kahapon lang ay nagkita kami ni jeffrey. Sabi niya pipilitin pa din daw niya maka dalaw dito tuwing sabado kahit pasukan na.
At may cellphone na din si Jeffrey . Binigay niya ang number niya sa akin. Sayang lang at wala pa akong cellphone.

Napatayo ako sa kama ng marinig ko si mama na tinatawag ako. Kaya bumaba na ako.

"ma bakit po ano yun? " tanong ko nakaupo sila ni papa sa sofa at nanonood ng tv.

"anak may regalo sayo si papa mo, nako mukang matutuwa ka nito dali lapit ka dito. " na excite naman ako sa sinabi ni mama.

"oh ito anak cellphone! hindi yan bago kasi second hand yan binenta nung kapit bahay natin mura lang kaya binili ko na. Alam ko naman na nauuso na ang cellphone ngayon hindi ba anak! " hindi ako makapaniwala na mag kaka cp na ako. Nokia 3310 ang tatak nito.

"salamat papa, mama nako diko naman po need nito . Pero salamat po talaga mama papa. I love you both. " kiniss ko sila mama at papa sa sobrang saya ko.

"haha sabi na matutuwa yang anak natin. Deserve mo yan anak sa galing mo ba naman sa pag aaral. Proud na proud kami ni papa mo sayo ok"

"oh ano pa hinihintay mo anak. Matulog kana at may pasok ka na bukas. Alam ko excited ka sa cellphone mo pero matulog kana "

"ok sge po pa. Ma. Akyat na po ako ulit sa taas. Salamat po ulit sa cellphone love u both muaah! " umakyat na ako sa taas. At sobrang saya ko my ghadd makaka usap ko na si Jeffrey nito. Pero bukas ko na lang gagamitin di ko pa kasi alam toh pano gamitin eh. Magtatanong na lang ako kila anj. Alam ko kasi sila ay may cp na din.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

kinabukasan 🕣

Maaga ako gumising kahit pang hapon ang pasok ko. Nag plantsa pa kasi ako at nag ayos ng mga gamit ko. Ewan ko ba bakit hindi ako sinipag mag ayos nung linggo.

Pumasok na sila mama at papa. Mag aalmusal na lang muna ako. May luto na din namang almusal ehh. Naupo na ako at binuksan ko ang tv. Tamang tama ay Detective conan na. Paborito ko talaga tong cartoon na toh ehh.

10:30 na kaya nag asikaso na ako 12pm kasi ang pasok ko. At ayaw ko ma late. Napag usapan kasi namin nila anj at rosaly na sa gate kami mag aantayan at sabay kami papasok sa room.

Nakagayak na ako at palabas na ng compound namin. Pagkarating ko sa bayan ay medyo traffic ang init pa. Madaming mga studyante nako malamang mahihirapan ako makasakay nito. Kaya nag punta na lang ako sa sakayan ng trycicle mas mabilis dun wala ganong pila dahil madami naman pumapasada.

Nakasakay na ako at dala ko ang cp ko dahil mag papaturo ako kay anj paano gamitin ito. Dala ko din ang no. Ni jeffrey para matawagan siya mamaya.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now