31. NEW LOOK KA BESH!.

197 15 0
                                    

LIEN POV.

matapos ang ilang araw ng masaganang pagsalubong namin ng aking familya sa bagong taon.

Syempre tanghali na naman ako nagising. Pero sabado ngayon at wala pang pasok sila mama. Sa lunes ay may pasok na din ako sa school.

Nakaka excite nga syempre. Ang mga
Kaibigan kong miss na miss ko na. At oo na hindi naman syempre mawawala ang pagka miss ko kay Jeffrey.

Sa totoo lang medyo kinakabahan ako sa unang araw ng Official na panliligaw niya sa akin. Heheh. Pero syempre secret lang muna naming dalawa yun.

MAhirap na ma tsismis eh.. Nakababa na ako at nakita kong naka handa na ang almusal.

"good morning ma! Pa!. " bati ko

"oh magandang umaga den anak! " sagot ni mama.

"anak mamaya samahan mo ang mama mo magpagupit aba ang haba na ng buhok niyan panay patali pa sa akin. Saka tamang tama ikaw den magpa gupit ka na ang haba na din ng buhok mo aba hindi ba kayo nakakaramdam ng init! " puna ni papa.

"sge po pa. Gusto ko na nga ding magpagupit eh! " sagot ko ulit.

Kumain na kami ng almusal. Saka ako naligo at nagbihis. Excited na ako magpa gupit.

Pagkababa ko ay naka ayos na din si mama at pupunta na kami sa salon.
Naglakad Lang kami kasi sa munisipyo lang naman kami magpapa gupit malapit lang saka tipid.

"good morning maam! Ano pong ipapagawa! " tanong ng Bakla.

"ah! Magpapa gupit kami ng anak ko. Saka pwd bang ipa perm ang buhok ng anak ko para new look siya !" sabi ni mama.

"talaga ba magpapa perm ako ng buhok. Gusto ko yun ma salamat po! " tuwang sagot ko

"yes naman maam. Bagay na bagay kay baby girl yun. Ako na po bahala just relaxed lang po kayo mag mother jan! " sagot ng bakla.

Nagsimula na akong gupitan hanggang kalahati ng likod ang haba ng tinira sa buhok ko. Matapos ay may inilagay na gamot. Tapos ni roll saka ibinabad.

Si mama naman ay gupit, hair spa. Saka foot spa. Magpapa foot spa din sana ako kaso malakas ang kiliti ko sa paa eh. Kaya humindi na lang ako baka matadyakan ko ang magfoot spa sa akin eh.

Nakatulog si mama sa sobrang relax. Pinatayo na ako ng bakla ska binanlawan ang buhok ko. Maingat na binanlawan ng bakla ang buhok ko paano ba naman ay pumapasok sa tengga ko ang tubig. At isa pa nakikiliti din ako sa tengga.

Matapos ay blower na!. Nakaharap ako sa salamin at excited sa kalalabasan ng buhok ko.

Kumuha na ang bakla ng plantsa ata sa buhok yun. At sinimulang ikulot ng pa wave wave lang.

Medyo mainit sa anit Pero sabi nga nila ay tiis ganda diba. Medyo matagal ang pag plantsa ng buhok ko.

Si mama naman ay tapos na at nagbabasa na lng ng magazine. Pero tinggin ko hindi naman niya binabasa kasi mukang tulog na naman eh.

Sabagay sa sarap ng aircon dito eh makakatulog ka talaga. Ako nga kanina pang pigil na pigil sa antok.

Mga ilang oras din ang naka lipas at
Taaaaaa-daaaaaaaannnnn.

Wow hindi ako makapaniwala na ganto ka ganda ang ikakalabas ng buhok ko. Parang hair style ng mga teen artist ngayon.

〰〰〰〰 ganyan ang perm ng buhok. Hehe. Tapos may dala ako syempre ng hair clip. Isa to sa madaming hair clip na niregalo sa akin ni jeffrey. Este Nakuha ko sa ExchangeGift namin ni jeffrey.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now