"Ano bang problema, Jethro? Bakit nagkaganyan ka?" Kumalma na ako pero hindi ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Patuloy pa rin sa pag-agos ito.

"Ikaw." Huh ano? Ako? De, baka nabingi lang ako. Guni guni mo lang yun, Yumi.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko!" Napabuntong hininga nalang ako sa sinigaw niya. Hindi ako nabingi. Ako nga ang problema niya, pero bakit naman? Wala naman akong ginawang mali ah?

"B-bakit a-ako?" Nauutal kong sabi. Parang mapapaos na yata ako sa kakaiyak.

"Pagod na ako! Tama na. Ayoko na." Nung marinig ko yung huling dalawang salita na sinabi niya parang kulang nalang bigyan ko siya ng kutsilyo parang binibigyan ko na siya ng permiso na sige saksakin niya pa lalo yung puso ko sa sobrang sakit ng sinabi niya. Bakit napakadali para sabihin ng mga lalaki yung salitang ayoko na. Bakit sila lang ba ang napapagod sa relationshit na 'to?

"L-lasing k-ka lang J-jethro." Please sabihin mo na lasing ka! Please.

"Hindi ako lasing. Kahit anong beer pa ipainom mo sakin, hindi ako ganun kadali malasing. Kilala mo ako."

"Bakit ba napakadali niyong sumuko? Bakit kung sino pa ang lalaki siya ang unang gumigive up? Bakit? Dahil kayo ba ang mas madaling magpalit? Ang kakapal niyo manligaw pero kayo din ang mang-iiwan!" Buong lakas kong pinaglakasan yung boses ko. Hindi ko na kinakaya ang nangyayari samin. Ano ba ang nangyayari?! Nahihirapan akong huminga.

"Fuck this. Tama na. Ayoko na. I'm done with you."

And then he left me crying.

END OF FLASHBACK

"Psst girl! Huy!" Tapik sakin ni Diana.

"Lalim ng iniisip!" Biro naman ni Ecka.

Medyo nahimasmasan ako at bumalik sa sarili ko. Medyo may kirot pa rin nang tumuntong kami dito sa Jive. Siguro nga hindi pa rin talaga ako makagetover kay Jethro. But, why give up? Sabi nga nila pag mahal mo ipaglaban mo.

"Sorry girls. Natulala lang. Kayo naman!" Nag-half smile ako sa kanila.

"Ready ka na ba girl?" Tanong naman ng bassist nila na si Chev.

"Medyo kinakabahan." Sagot ko naman. Eh syempre, kahit sino naman na nagpeperform medyo kinakabahan parin sila, natural naman siguro yun sa tao di ba?

"Chill lang!" Sabi naman ni Cheska na kambal ni Ecka, siya ang lead guitarist ng banda.

Ngumiti nalang ulit ako. Ngayon ko lang napansin na puro pala babae ang nasa bandang ito. Ang astig di ba?

Patuloy ang chikahan namin maya maya naman may sumigaw na samin. "Get ready na po mga girls!" Nasa backstage pa kasi kami. Lalong kumabog dibdib ko pero dahil sa mga babaeng ito parang napapakalma nila ako.

Bago kami lumabas. "Okay girls all in! Yaaaah!" Nag-group hug kami at sabay sabay kaming lumabas na para magperform.

"Mic test. Mic test." Chineck din muna nila ang mga instrument nila habang chinecheck ko ang mic ko.

"Okay, uhmm hello. Good evening everyone!" Wow, It's good to be back. Ang kaso lang, ako na ang naririto sa stage. Hindi tulad dati na tuwing friday naroroon lang ako nakaupo , nakikinig at sumasabay lang sa kanta. Ang epic 'di ba?

Lahat naman ng tao nakatuon na ang atensyon sakin. This is it! Wala nang atrasan 'to. Natanaw ko ang barkada ni Jethro , siyempre siya ang may-ari ng bar na 'to. Pero mukhang gulat na gulat siya. Ngumiti nalang ako sa kaniya.

"Our first song is dedicated to those people who get hurt and were left behind." Nag thumbs up naman ako sa mga kabanda ko senyas na magsisimula na kaming tumugtog.

Intro palang damang dama ko na ang pagtugtog ng mga kaibigan ko, ang bawat pag strum nila sa gitara, ang bawat bagsak ng daliri sa keyboard ng piano at ang pagpalo ng dahan dahan sa drums. Habang nagsimula na akong kumanta, medyo naramdaman ko dahil natatamaan yata ako sa bawat letrang sinasambit ko.

Mismo itong kantang 'to ang nageexpress ng nararamdaman ko. Nanadya yata 'tong mga kaibigan ko talaga. Lagot sila sakin mamaya. Natapos na naming tugtugin ang Amnesia ng 5 Seconds of Summer. Nagpalakpakan na ang lahat ng nasa bar. Halos mangiyak ngiyak ako dun ah. Ang labo ng nakikita ko pero sa taas parang may naaninag ako na pamilyar sakin. Pero feel ko namamalikmata lang ako. Imposible iyon. Imposible na titigan niya ako pabalik. Pero habang pababa na kami sa stage, parang feeling ko may parang mainit ang tingin sakin, kaya lumingon pa ako ulit at hindi nga ako nagkakamali, nakatingin parin siya sakin at nakakunot ang noo. Bakit ka na naman naglalasing Jethro? Napansin kong may hawak siyang bote ng alak. Ano ba nangyayari sayo? Hindi ko na siya nilingon pa at niyaya na kami ng katiwala ng bar na kumain at libre kami dahil kami ang naging performer sa araw na ito. Pero habang kumakain kami, parang gusto ako dalhin ng paa ko papunta sa second floor kung saan ko nakita si Jethro na parang problemadong problemado. Ano na bang nangyari sa kaniya? Hindi ko maalis sa isipan ko ang mukha niya kanina.

"Guys, excuse me. Cr lang ako." Paalam ko sa kanila.

"Sige lang. Balik ka girl ha? Mamaya may kaakbay ka na diyan! By the way, good job! Ang galing mo hindi kami nagkamali na piliin ka." Pabiro pang sabi ni Diana habang ngumunguya sila ng pagkain.

Lumabas na ako ng pintuan kung saan ang mga performers, doon nag-reready.

Sa iniisip ko nga kanina, dinala nga ako ng paa ko paakyat sa second floor. Gusto ko siya makausap at kamustahin. Mahal na mahal ko parin ang taong ito hanggang ngayon. Martyr na kung martyr.

Ang daming tao talaga dito sa bar na ito. Medyo crowded. Bago ako makarating marami pa akong nadatnan na nagpaparty na. Pang party na kasi yung kanta.

"Excuse me. Excuse me." Ang hirap makadaan. Napakadami kasing tao.

Pumunta ako sa place kung saan ko naaninag si Jethro na nakaupo at umiinom. Pero walang Jethro akong nadatnan. Nakatitig ako sa place na iyon pero wala na si Jethro. Nakaramdam ako na parang may pumapatak na luha sa mga mata ko habang nakatitig ako sa inupuan niya kanina.

Asan ka na Jethro? Mahal na mahal pa rin kita. Sana okay ka lang. Iingatan mo ang sarili mo ha? Gaya ng pag-iingat ko sayo nung panahong tayo pa.

Nilisan ko na ang lugar at bumalik na ako sa backstage na parang walang nangyari.

----------------------------------------------

Author's Note:

Hi hello po! Medyo natagal yung update pero worth it naman. Hihihi. Medyo naiiyak ako. Luh xD

Medyo madrama itong chapter na ito.

Salamat po pala sa mga taong iilan na walang sawang nagvovote at nagcocomment! Ang saya saya ko po kapag ganun. Tsaka pag naappreciate niyo ang gawa ko. Salamat po!

ps ulit, MAMATAY AT ISUSUNOD SA UNDAS ANG DI MAGCOCOMMENT AT MAGVOTE BWAHAHAHAHA loveyou all. Kyupo!^^

~queendaldalita 👸

Twitter: @elishaaang

It Started With a QuizWhere stories live. Discover now