"N-nasa VIP s-section siya ngayon. Pu-punta-h-han mo na." Sa wakas at nagsalita na siya pero pautal utal. Dali dali naman akong pumunta doon.
Kung ganito lang din pala ang madadatnan ko, sana pala hindi nalang ako pumunta. Sana hindi ko nalang masaksihan ang mga nakikita ngayon at malinaw na malinaw saking mga mata. Ang sakit kumikirot yung puso ko. Kaya naman pala hindi niya ako nagawang kamustahin dahil nandito siya't may ginagawa pang kababalaghan.
Pero bakit ako tatayo lang dito at masasaktan? Ano ba dapat tamang gawin kapag niloko ka? Hindi ako pinalaki para matapakan lang ng tao. Lumapit ako at hinila yung braso nung babae na kahalikan ni Jethro. Sinampal ko ito ng buong lakas. Gulat na gulat si Jethro sa nasaksihan niya. Gulat din siguro siya kung bakit ako nandito. Alam niya kasi kung nasan dapat ako ngayon.
"What the hell, bitch?" Sabi nung babae sakin hawak hawak yung mukha niya.
"Wow, is that how you call yourself?" Asar kong sinabi. Pinagdiinan ko talaga yung salitang "You" para naman malaman niya kung sino talaga ang bitch samin.
"Fuck off!" Sabay tulak nitong babaeng medyo hindi katangkaran sakin. Gaganti dapat ako pero hindi ko nagawa dahil pinigilan na ako ni Jethro at hinila sa braso palabas. Nakita ko na lahat ng mata ng tao nasa akin. Naiwan ding nakanganga yung babaeng kumakalantari sa boyfriend ko. Wala na akong pakialam kung ano man ang isipin nila. Masama bang ipaglaban ang mahal mo kahit nasasaktan ka sa ginawa niya? Hindi naman siguro di ba pero sa paningin ng iba, martyr yun o nagpapakabayani. Who cares?
"Aray ko Jethro ha! Nasasaktan ako!" Mahigpit na mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Dahilan na parang gusto ko ng umiyak. Nandito na rin kami sa parking lot at binitawan niya na yung paghawak niya sa braso ko. Hindi ko alam pero sinampal ko rin siya ng buong lakas. Sinigurado ko na magmamarka yung kamay ko sa mukha niya. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung saan ako nasaktan-kung sa pagkakahawak niya kanina sa braso ko o yung sa pain na nararamdaman ko dito sa puso ko sa nasaksihan ko kanina.
Napahawak lang siya sa mukha niya pero hindi pa rin umiimik. Kaya nagsalita na ako at binasag ang katahimikan. "Jethro bakit ka nagkaganyan? Nawala lang ako ng isang araw makikita kita may kasama nang iba? Ang tindi mo naman! I've waited for so long, Jethro! Monthsary natin ngayon! Wala man lang ako natanggap ni isang text sayo! Ganun ganun na lang ba yun?" Hindi ko na napigilan na umiyak. Ang sakit sakit kasi dito sa may parte ng puso ko. Parang hindi ko kaya, parang sasabog sa sobrang sakit.
Nakatitig lang siya sa akin. Oh please Jethro, punasan mo naman luha ko! Gaya ng ginagawa mo dati pag umiiyak ako. Umaasa ako na pupunasan niya pero hindi. Lalo akong nasasaktan. Hindi pa nga ako nakakamove on sa nasaksihan ko tapos heto pa. Niyugyog ko siya baka sakaling matauhan. Baka kasi sobrang lasing narin kaya hindi umiimik.
Hinawi niya yung kamay ko at nagulat ako ng sigawan niya ako. "Ano ba! Iniiyak mo ba dahil hindi kita nabati sa monthsary natin? Alam niyo sa totoo lang, kayo lang gumagawa ng ganyan! Wala nga yan sa dictionary eh! Kung wala kang natanggap na mensahe o tawag, oh sige ngayon tatawagan kita. Para wala ka nang ihahagulgol diyan at magwawala ka pa't gagawa ng eksena." Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at tinawagan nga ako. Nagriring lang yung cellphone ko, hindi ko sinasagot. "Ano ba sagutin mo! Yan ang hinihiling mo di ba?" Sigaw niya sa akin kahit na ilang pulgada lang layo namin. Ayoko ng ganito! Ang sakit sakit sa puso. Parang hindi siya yung Jethro na nakilala ko. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Ngayong araw na 'to dapat masaya kami pero ano? Nauwi lang sa awayan, sigawan at sakitan. Hindi ko kaya 'tong kirot sa puso ko-parang magko-collapse ka sa sobrang sakit. Ganito pala ang feeling nun.
"Fuck! Edi wag! Ang arte." Nakatitig lang ako sa kaniya. Kaso nahawi ng mata ko yung phone niya. Napukaw kasi ng atensyon ko yung pangalan ko na lumabas sa screen niya. Imbes na yung tawagan namin, pangalan ko nalang. Shit. Anong senyales yun? Pero hindi, Yumi. Hindi magagawa ni Jethro yun, lasing siya. Kumalma ka.
YOU ARE READING
It Started With a Quiz
Teen FictionHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 11
Start from the beginning
