"Hindi magandang biro yan Drew, bwiset ka talaga kahit kailan! Bye na." Pinagbabaan ko na siya. Nakakabadtrip kasi. Bakit niya sinabi na nang-chix? Tulad niya pa sa kaniya yung mahal ko. Alam ko naman na matino yun.

Napagisipan ko naman na tumawag sa bahay nila. Pero anong oras na Yumi! Nambubulabog ka lang!

Nagscroll ako sa mga contacts ko na mutual friend niya rin. Nakita ko pangalan ni Axe. Bingo! Kasama niya 'to sa A5, may ari ng bar kung saan madalas kami tumambay ni Jethro. Teka baka naman nasa bar? Hindi kaya?

Nagring na. Sana naman sagutin ni Axe.

*Kriiiiiing kriiiiiiiiing kriiiiiiing*

Axe naman please sumagot ka na. Paikot ikot nako dito sa bahay. Hindi na talaga ako mapakali. Gusto ko nang bumalik sa Manila. Ba't kasi nagovernight pa! Please Axe, kindly answer the phone.

"Hello?" Buti may sumagot pero ang ingay nung nasa background. Nasa bar yata 'tong isang 'to.

"Hey Axe, it's me, Yumi. Girlfriend of Jethro. Do you still remember me?"

"Oh yes yes! Napatawag ka yata Yumi?"

"Gusto ko sana ma-check kung kasama mo si Jethro?"

"Hmm, kanina nakita ko siya na nandito. Nagkausap pa kami kanina. Pero I think nandito pa rin siya. Bakit? May problema ba? Nag-away ba kayo?"

"Uhmm, no. Hindi. Kasi hindi pa siya nagtetext kasi sakin. Nagworry lang ako."

"Gago yun ah! Gusto mo ba sabihin ko sakaniya?"

"No. Wag! Thankyou nalang! Salamat." Binaba ko na yung tawag. Nagpumilit pa si Axe sakin na sasabihin niya daw kay Jethro na tawagan ako pero I said no.

Kahit naman sabihin niya, wala na rin namang halaga yun kung napilitan lang din siyang tawagan ako. Ngayon lang 'to nangyari samin. First time na hindi kami nagkausap ngayong araw na 'to. Ngayong araw na monthsary pa namin. Nakakataka naman yata.

Napagpasiyahan ko na magbihis. Bakit? Pupunta akong Manila. Gusto ko macheck kung bakit hindi niya man lang ako nagawang kamustahin, tawagan o i-text. Nakakataka lang talaga. Tsaka ba't kanina pa ako kinukutuban? Ginamit ko na yung sasakyan namin. Buti nalang marunong ako mag-drive. Meron pa naman sasakyan na naiwan sa garahe. Sasakyan nung iba naming relatives.

Medyo maganda ang biyahe, infairness hindi traffic. Pamadaling araw na rin kasi, tsaka medyo malapit lang sa Manila yung resthouse namin sa Cavite.

Naiinip na ako, habang papalapit ako ng papalapit sa bar lalo namang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Gusto ko na tuloy lumipad para naman mawala na ang kaba sa dibdib ko.

Ligtas naman akong nakarating dito sa bar. Medyo mahirap makahanap ng mapupuwestuhan ng sasakyan, maraming tao for sure sa loob. Matapos kong makahanap ng mapaparkingan pumasok ako agad at pumunta na sa side ng mga bartender, dun kasi kami palagi umuupo kasi nandun si Axe, nakakakuwentuhan namin.

"Axe!" Tawag ko sa kaniya. May kausap siya pero iniwan niya na muna ito. Gulat na gulat siya na makita niya ako.

"Oh? Parang kanina kausap lang kita."

"Oo nga eh. Asan nga pala si Jethro?"

Bigla naman niya iniwas yung mata niya. "Ah eh, e-ewan ko na. N-naging b-busy kasi ako. Hindi ko napansin." Sabi niya at akmang aalis na pero nahawakan ko yung braso niya.

"Alam kong alam mo. Nasan ba siya?" Tinignan ko siya sa mata. Hindi siya makatingin ng diretso sakin. Alam ko naman na may tinatago siya. Parang may tutulo ng luha sa mga mata ko kaya nagsalita na siya.

It Started With a QuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon