Are you somewhere feeling lonely even though he's right beside you?
When he says those words that hurt you, do you read the ones I wrote you?
Sometimes I start to wonder was it just a lie?
If what we had was real how could you be fine?
'Cause I'm not fine at all
Bakit ganun nalang kung ituring niya ako? Wala ba talaga siyang maaalala ni isa sa mga ginawa ko? Kahit papaano naman sumaya siya sa piling ko pero bakit? Ganun nalang ba ang lahat nang yun? Siya pa rin ba ang naiisip niya hanggang ngayon? Pero bakit hindi niya man lang ako makilala?
I remember the day you told me you were leaving
I remember the make-up running down your face
And the dreams you left behind you didn't need them
Like every single wish we ever made
Para ngang wala lang ako sakaniya. Wala lang ang lahat ng pinangako at pinangarap namin sa isa't isa. Lahat ng mga araw na magkasama kami noon, lahat ng saya't lungkot na pinagsaluhan namin, wala lang pala sakaniya ang lahat ng 'yon! Wala lang sakaniya.
I wish that I could wake up with amnesia
And forget about the stupid little things
Like the way it felt to fall asleep next to you
And the memories I never can escape
'Cause I'm not fine at all
Sana nga makalimutan ko nalang ang lahat lahat nang yun. Gaya ng pagkalimot niya sa pinagsamahan naming dalawa. Ano ba naman 'tong kantang 'to? Pero masakit pala, kahit na nandiyan ka na sa tabi niya, hindi ka pa rin niya maalala. Ano bang nangyari sayo, Krissanta? Bakit tila hindi mo na talaga ko makilala?
Ang ganda nung kanta kahit na boses ng babae yung kumanta, damang dama ko, tagos na tagos sa puso ko. Napatingin ako sa stage para kasing kilala ko yung boses, medyo pamilyar sa akin at parang narinig ko na, napahanga rin ako sa boses.
Kanina ko pa gusto makita yung vocalist pero malabo hindi ko masyado maaninag. Medyo mausok kasi ang paligid ng stage kaya medyo hirap ma-recognize yung mukha. Medyo naiba na yung tama nung ilaw, naiba na rin yung genre ng kanta, medyo naaaninang ko na kung sino. Napanganga ako kung sino yung vocalist. What the, Yumi?
Yumi's POV
"Girl kailangan ka namin ngayon!" Nagulat ako dahil bigla naman sumigaw sakin si Diana kaya nabitawan ko yung ballpen ko. Nandito kami ngayon sa headquarters ng mga cheerleaders at heto, nagchecheck ako ng attendance.
"Gusto mo bang markahan kita ng absent for 3days?" Biro ko sa kaniya. Nakita ko naman sa mukha niya na namutla. Natakot yata? Matawa tawa ako sa expression ng mukha niya. "Uy, joke lang eto naman! Ano ba yun?" Ayun medyo nagkakulay na ulit yung mukha niya.
"Kailangan ka namin tonight!" Naeexcite niyang sinabi. Ano na naman kaya 'tong kalokohan nila?
"Ano nga eh? Para saan?"
"Ibubugaw ka namin!" Natatawa namang nagsalita si Ecka.
"Okay hindi na ako sasama." Sagot ko naman.
"Joke lang yun girl!" Binatukan naman agad ni Diana si Ecka. Wala ng bago sa mga 'to! Ang bu-brutal.
"Kailangan ka namin kasi kailangan namin ng vocalist!" Sabi ni Diana.
"Kasi may sakit si Lois eh. Ngayong gabi pa naman kami ii-introduce sa bar na napasukan namin. First friday namin 'to!"
"Oo nga girl! May share ka naman samin pag nakatagal kami sa bar na yun eh!"
Ayan na silang dalawa. Maipilit lang ang gusto nila, susuhulan pa talaga ako.
"Please?" Sabay pa silang lumuhod sakin.
"Hoy ano ba! Tumayo nga kayo diyan. Oo sige na." Nakakahiya kasi nakaluhod. Parang mga baliw. Ayun nagtatatalon na sila!
"Yes!" Nag-apir yung dalawa. Ay ang saya nila oh, grabe!
"Share ko ha." Singit ko sa kanilang dalawa.
"Oo naman." Sabay pa silang nagsalita kaya't sabay sabay kaming tatlo nagtawanan.
"Pero teka? Saang bar yan?" Tanong ko naman bigla.
"Sa Jive! Yung sikat na bar? Pinupuntahan pa nga daw yun ng mga sikat na celebs eh! Bongga di ba?"
Napaisip ako bigla. Sa Jive? Napaisip ako ng malalim. Alam ko na 'to eh. Napuntahan ko na 'to. Tinatandaan ko talaga kung bakit ko alam yung bar na yun. Maya maya pumasok na sa isipan ko. Pagmamay-ari nga pala yun nung isa sa mga kabarkada ng ex ko. Natatandaan ko 'to. Dito ko nalaman ang lahat lahat. Ang lahat ng kalokohan lang naman na ginawa ni Jethro sakin.
"Oo, kilalang kilala ko 'tong bar na 'to sobra." Medyo naging sarcastic bigla yung tono ko. Nagcheck nalang ulit ako ng attendance. Bigla silang nagtaka sakin.
Yung bar na yun? Pupuntahan ko ulit? So, maaalala ko nanaman ang lahat? Shit naman. Pano ba ako makakamove-on neto?!
----------------------------------------
Author's Note:
Bumabawi po ako ngayong sembreak. Hihi. Salamat po sa mga nagcocomment, nadadama ko po kayo. Salamat talaga pag cocomment po kayo at naaappreciate niyo po ang gawa ko. Nakakatuwa, nakakagalak ng puso sa totoo lang. Kapag may notifications. Waaaaah, thankyou. Keep voting! Comment lang ng comment! :)
hindi magcomment maglalaho sa mundo JOKE :*
Maikli man 'to, pero yung susunod, pasyon! Joke;) mwahahahaha
~queendaldalita 👸
ESTÁS LEYENDO
It Started With a Quiz
Novela JuvenilHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 10
Comenzar desde el principio
