SDTR: Kabanata 12

Start from the beginning
                                    

"Daddy I wanna go to the beach." Hiling ni Sebastian sakanya, "Now?" Kunot noong tanong niya sa anak.

Tumango tango si Seb, "Yes! You! Me! And Tita Claire! Let's go to the beach!" Hiyaw niya, nakakatuwang makita na ang sigla sigla na ulit ni siya kagaya nung unang pagkikita namin.

Tumingin saakin si Ethan at parang nagtatanong ang mga mata niya, nagkibit balikat ako sakanya bilang sagot. Alam naming pareho na may klase kami ngayon.

"Tita Claire, please?" Nanlalambot ang puso ko sa tuwing tinititigan ako ni Sebastian, para bang nawawala ang lahat ng problema ko sa tuwing nginingitian niya ako.

Huminga ako ng malalim, "Sige. But in one condition." Pilyang biro ko kay Seb, tumakbo siya pababa sa kama at lumapit saakin.

"What is it?!" Excited na tanong niya habang nakatingala saakin, napaka talino nitong batang ito, anak talaga siya ni Ethan.

Umupo ako para magkapantay kaming dalawa, "Kiss mo muna ako." Paglalambing ko sakanya, ngumisi siya at halos mapangiti ako ng malapad dahil nakikita ko talaga ang mga mata ni Ethan sakanya.

Hinawakan ni Sebastian ang magkabilang pisngi ko at tinitigan niya ako sa mata, nakakatuwa sa pakiramdam yung mainit at maliit niyang kamay na kumukulong sa magkabilang pisngi ko. "I will kiss my Tita Claire.." Bulong niya at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko, tungki ng ilong ko at pisngi ko.

"Yehey!!" Sigaw niya at nagtatalon siya na para bang nakuha niya ang gusto niyang regalo. "Paano naman si Daddy?! Wala bang kiss?!" Kunyaring pagtatampo ni Ethan sa anak, kumaripas ng takbo si Sebastian pabalik sa ama at pinaghahalikan ito.

Ang sarap marinig sa tainga ang halakhak nilang dalawa, para bang sila na yung pinaka masayang tao sa buong mundo sa tuwing magkasama sila.

"Pero may problem tayo anak." Biglang bawi ni Ethan, nakita kong lumungkot ang mukha ni Sebastian na para bang alam na niya ang sasabihin ng Daddy niya.

"What is it?" Malungkot na bulong ni Seb.

Hinila ni Ethan ang anak at niyakap ito mula sa likod at nilaro laro niya ang kamay nito. "Hindi tayo pwedeng pumunta ng beach ngayon, why? Baka magkasakit ka ulit. Saka may pasok kami ng Tita Claire mo, ako hindi ako papasok kasi aalagaan kita. Pero ang Tita Claire mo hindi pwedeng hindi." Paliwanag niya sa anak, napaawang ang bibig ko nang makita kong tumulo ang luha ni Seb at unti unting humikbi, hinaplos haplos ni Ethan ang likod nito.

Naglakad ako palapit sakanila at pinunasan ko ang luha ni Seb, "But Daddy.." Humihikbing pakiusap niya.

"Big boy ka na diba? Diba sabi ni Daddy dapat naiintindihan mo kapag hindi kita pinapayagan kasi bawal pa." Napapangiti ako sa pakikipag usap ni Ethan sa anak niya, para bang gustong gusto niya na mapabuti ang anak.

Mas lalong umiyak si Sebastian at napapitlag ako nang tinalon niya ako ng yakap at umiyak ng umiyak sa balikat ko, parang pinipiga ng kung ano ang dibdib ko sa bawat hikbi niya. "T-tita Claire, I w-wanna go to the beach." Humihikbing pakiusap niya saakin.

Hinaplos ko ang likod niya at nagkatitigan kami ni Ethan, pinanlakihan ko siya ng mata pero inilingan niya ako. "No." Bulong niya, napapikit ako dahil sa desisyon niya.

"Sebastian, magpagaling ka muna. Kapag magaling na magaling ka na, promise namin ng Daddy mo pupunta tayo sa beach." Pangako ko sakanya, pero mas lalo lang siyang umiyak ng umiyak, ramdam ko na rin ang luha niya sa balikat ko at ang sunod sunod na paghikbi niya, may kung ano akong nararamdaman sa tuwing mararamdaman ko ang maliit na kamay niya na yumayakap saakin, para bang naging importante na rin siya saakin.

Panay lang ang iyak niya, mariin na ipinikit ni Ethan ang mata at umiling iling.

"Seb, anak. Papasyal ka nalang ni Daddy, bibili tayo ng toys." Pag aalo niya sa anak, "No! Daddy! No!" Hiyaw niya at mas humigpit ang yakap saakin, mas lalo ring lumakas ang iyak niya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now