Chapter 28

1.6K 31 13
                                    

"Naglagay na ako ng dalawang extra shirts, boxers and things you need. May kailangan ka pa ba?" tanong ko kay Kevin pagkatapos kong i-zipper yung bag na gagamitin niya sa byahe niya mamaya. Ilang oras lang naman yung lipad niya papuntang Tuguegarao.

Ako na nagayos ng mga gamit niya kasi naman puro tapon lang sa bag yung ginagawa niya sa mga gamit na dadalhin niya. Hindi niya inaayos habang nilalagay niya.

"Yung laptop ko?"

"Nalagay ko na sa side ng bag. Anything else?"

"Ayos na. Hindi naman ako magtatagal dun." sabi niya at lumapit sa'kin.

Hinapit niya ako sa bewang kaya napakapit ako sa braso niya.

"Ayos pala pag may kasama sa bahay eh. Ba't hindi ka na lang lumipat dito?"

Ano raw?

"Seryoso ka ba?" 

"Oo, bakit? Wala namang masama eh. Hindi na tayo mga bata."

He can't be serious.

"May idea ka ba kung anong sasabihin ng nanay ko kung maririnig ka niya ngayon?"

He doesn't have any idea. Baka balatan ako nun ng buhay. I'm exaggerating here pero hindi niya alam kung paano mag overreact yung nanay ko. People just doesn't see dahil syempre hindi niya naman ako ipapahiya sa ibang tao but people never know how she gets when she's angry.

"Bakit ano bang sasabihin niya?" kalmado lang yung boses niya.

"She'll probably freak out. We're not even married to live together." at parang kumunot yung noo niya sa sinabi ko at hindi na siya sumagot.

Tumunog naman yung alarm ng phone ko which means it's time for him to go to the airport. Hindi ko alam kung ba't ako nag-alarm for him but I just felt like I had to. 

"It's time for you to go." kumalas ako sa hapit niya sa'kin at kinuha yung phone ko sa bedside table para patayin.

"Ano 'yan?" tanong niya. He's referring to my alarm.

"Nag-alarm ako so you can make it to the airport on time." I shrugged.

"Seryoso ka ba?" nakangiting sagot niya.

"Yeah, I'm serious. Why?" Hindi naman big deal, di ba?

He shook his head, "I feel like I have a wife holding me or something." 

"What does that supposed to mean?" I don't get his point here. Sinasabi ba niya na hinahawakan ko siya sa leeg?

"Wala. Hindi lang ako sanay dahil wala namang nagaasikaso sa'kin dati eh. Walang nagaayos ng gamit ko bago ako lumipad, walang nag-aalarm para lang makarating ako ng airport ng nasa oras." nakangiting sagot niya.

Good. Nagkakaintindihan pala kami.

"Bakit ayaw mong inaasikaso kita?" sabi ko habang papalapit ulit ako sa kanya.

"It's nice." he smiles and I smile back.

"I'll just drive you to the airport. And I'll have to go to rehearsals for tomorrow's event." 

Nagbago na naman yung timpla ng mukha niya nung binanggit ko yung event bukas. Bukas na yung pagmomodel ko sa agency ni Andy.

"Let's go." yaya niya palabas ng unit niya.

"Napagusapan na natin to 'di ba? I'm not having a fight with you today. Lalo na't aalis ka." I point at him pero hindi na niya ako sinagot at lumabas na ng kwarto with his bag hanging on his right shoulder.

What can I do to make him agree with me?

Dinala ko yung kotse ko para ako na maghatid sa kanya sa airport. He loves his car so much that he won't let me drive it.

Fucked up, Set-upWo Geschichten leben. Entdecke jetzt