Chapter 1

9.8K 63 1
                                    

Tara kanila Bry. Yan ang text sa akin ni Kevin. 

Sunduin mo ako. Reply ko sa kanya.

Yan lang ang relasyon namin. Walang ng higit pa diyan. Kapag nasa inuman kami, ako ang nasa tabi niya. Niyayakap niya ako, nahahalikan ko siya.

Pero bakit ako pumayag sa ganyang set-up? Hindi niya naman ako tinanong eh basta nung niyaya niya ako sa inuman kasama ng mga barkada niya, sumama ako, natamaan ng alcohol then we had sex. 

Ito lang yung way na nagiging sweet siya sa akin at gusto ko yun dahil may gusto ako sa kanya. Isang taon na simula nung magkagusto siya kay Diane. Siya ang ex-bestfriend ko. Ex na dahil ayoko ng kaibigan na manggagamit, malandi at sinungaling.

May narinig akong bumusina sa labas so I guess that's him.

"Ma, alis na ako. Uuwi din ako ng maaga." Paalam ko kay mama na nasa office niya, may tinatapos na mga papeles.

"Maaga ha? Hindi umaga. Make sure magpahatid ka kay Kevin or just text your brother."

"Yes ma. Bye." Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.

I went out of the house and into his Range Rover.

Rich kid.

"Let's go?"

"Sure." I smiled.

Bakit kilala ng nanay ko si Kevin? Simply because ang alam ng nanay ko, boyfriend ko siya. Wish ko lang boyfriend ko talaga tong lalaking to eh.

Fifteen minutes later, na kanila Bry na kami.

He's his best friend. Ang alam ko magkakilala na sila bata pa lang.

I got out of his car and he held his hand out to me.

Holding hands, I like this. Pero sa ganito lang? I have always wanted more pero ito lang ang kaya niyang ibigay kaya kahit na anong kaya niya tinatanggap ko na lang.

Wala siyang girlfriend. Sabi niya sa akin, he doesn't like it because it's too complicated daw. Though ganyan ang sabi niya, hindi siya nawalan ng babae. Ayaw niya daw magsama ng ibang babae sa inuman kasama ng mga barkada niya dahil baka pagsamantalahan daw yung kalasingan niya. Kapal ng mukha talaga oh, pero wala naman akong angal. He has the perfect face a guy could ever dream of. His dark brown tousled hair, matangos na ilong, hazel eyes and those lips... how can a girl resist that kind of guy?

"Pre, andito na pala kayo." Bati ni Bry sa kanya, they shook hands and half-hugged.

"Reena." Bati niya naman sa akin, bumeso siya sa akin.

"Ibang babae na naman ata dala niyo ah." Biro ko sa kanya.

"You know us, a girl won't last us a week." Sabi niya.

"Yep, I know you guys. Let's go in?" Yaya ko na lang.

"Sure, nasa garden sila. Carlo's here by the way." Sabi ni Bry kay Kev.

"Who's Carlo?" tanong ko.

He just shrugged at me tapos hinila na ako ni Kev papasok.

Nung makarating kami sa garden, nandoon pa si Michael at JP, mga barkada din nila Kev kasama yung mga babae nila. But someone's unfamiliar to me, siya ba yung Carlo?

Lumapit kami sa kanila.

"Tagal niyo ah. May dinaanan pa ba kayo?" sabi ni Mike. Michael is too long so just Mike.

"Sinundo ko pa si Reena." Sagot ni Kev. Parang ang cold ng tono ng boses niya.

"How are you?" tanong nung kung sino man yung lalaking kasama nila JP kay Kev.

Fucked up, Set-upWhere stories live. Discover now