Chapter 22

2.1K 35 4
                                    

Reena's POV

"Pwede na akong sumali sa cooking contest." pagbibiro ko kay Kev.

Nandito kami ngayon sa unit niya, having dinner. Parang dito na ako nakatira ah? Hindi ko na nga nagagamit yung condo ko eh.

"Di wag. Nakakasuka nga yung luto mo eh." sagot niya.

Ano raw?! Kahit ipakain ko pa yan sa uwak tignan ko kung di bumalik sa'kin yun.

"What? You've got to be kidding me, right?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Of course I'm kidding, baby." Sabi niya at tumayo mula sa upuan niya at lumapit sa akin.

I shook my head, "Ayaw mo na atang makatikim ng luto ko ah."

"I was just kidding. Ayokong umalis ka." he smiled.

"Where would I go? I wanna be anywhere you are. Sinabi ko naman sayo, where else would I be?" I smiled at him.

He smiles as he kisses me on my forehead.

"Magsho shower lang ako." Paalam niya.

"Sure." I smiled. He doesn't sweetly respond at me but I know, he's just adjusting because he's not used to this.

I smiled at the walking Kevin right now. I love that man.

Nakapasok na siya ng kwarto niya nung biglang nag-ring yung phone niya. Wala naman akong balak na sagutin sana but it ringed thrice and I was curious dahil baka emergency.

Tinignan ko yung phone niya and there was two messages and one missed call.

Yung isang message at missed call galing kay Maris, I think that's his assistant or something like secretary? Yung isa naman galing kay Andy... why is she texting Kevin?

Ibabalik ko na lang sana yung phone ni Kev na nakapatong sa dining table but curiosity is killing me.

Wala naman kasing passcode yung phone niya. Magagalit ba siya pag binuksan ko tong phone niya? Well, kung wala naman talaga siyang tinatago bakit siya magagalit, di ba?

Nilakasan ko na lang yung loob ko at binuksan yung message. And what the message contained is just fucked up.

Andy: Hey, nag-alala ako sayo nung umuwi ka kagabi. Don't worry about your dad anymore. It takes time Kev. Don't do anything stupid. You have to understand him too. Alright?

Last night? Was Kevin with her last night when I was worried sick about him not calling me tapos naabutan ko siyang lasing sa couch niya? How dare him go to her? And they talked about Kevin's dad when he won't even talk to me about his dad?!

Iniiwasan ko ngang tanungin siya tungkol sa dad niya dahil nag-aalala akong baka magalit siya! Eh ano to?! Without saying anything to him kinuha ko yung susi ng kotse ko, bumaba ng elevator at nagdrive paalis ng building. I don't want to talk to him right now dahil baka may masabi ako na pagsisihan ko sa huli.

Dumeretso ako ng racing field. Kung hindi ko mailalabas sa kanya, dun na lang. Galit ako kay Kevin, galit ako kay Andy, at galit din ako sa sarili ko. Am I not enough? Bakit kailangan niya pang magpunta kay Andy? Di ba pwede namang magpunta siya sa akin at sa akin niya sabihin yung mga gusto niyang sabihin? Pero hindi eh! Hindi niya naman lang naisip na tawagan ako.

Nakarating ako sa racing field na pinuntahan din namin ni Kevin noon. Malapit lang to kaya mabilis din akong nakarating.

Bumaba agad ako ng kotse ko, kinausap yung in charge dun at nagbihis ng racing suit. Ibang kotse na yung gagamitin ko, yung mga nakalagay talaga dun na pang-race.

Fucked up, Set-upWhere stories live. Discover now