Chapter 14

2.7K 29 2
                                    

"Hey," tawag niya sa akin. Nandito ako sa veranda ng kwarto, looking out the city.

It's nice to get some air.

Nilingon ko naman siya at nginitian.

"Umalis na ba siya?" tanong ko.

"Oo, may kailangan pa daw siyang gawin." Sagot niya naman sa akin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Napabuntong hininga na lang ako. Niyakap niya naman ako pabalik.

"May problema ba?" tanong niya sa akin.

"Does she always go to your condo?" tanong ko sa kanya.

"Sino? Si Andy?"

I nod.

"Yeah, since she helps me out sometimes." Sagot niya naman.

I pulled away from him, "Help you out with what?" tanong ko ng nakakunot ang noo.

"Work. Tinutulungan niya ako sa designs. She suggests things sometimes and she's good at it."

Oh. I can't help but tell myself... that should've been me.

I just licked my lips and I'm speechless.

"Anong sinabi niya sayo kanina?" tanong ko out of curiosity.

"Sabi niya aalis na daw siya after two weeks and that do'n na siya magaaral ulit." That's all.

Hindi niya sinabi yung mga sinabi niya sa akin kanina –that she likes Kev.

"Ano pang ginagawa niyo ni Andy nung wala ako?" tanong ko sa kanya at kumunot naman yung mukha niya.

"Ree, may problema ba?" he asks and there's a concern in his voice.

I shrug, "nothing." And I faked a smile.

For starters, hindi ko alam kung may karapatan ba akong mag-selos. Yeah, nagseselos ako.

"May meeting ako sa isang kliyente ko bukas. Gusto mo bang mag-stay ako o ayos ka lang dito mag-isa? Pwede naman akong umalis bukas ng umaga." Tanong niya sa akin.

I'm not in the mood to be with him tonight.

"You should go first. Tatawagan na lang kita." sagot ko naman and he frowns but doesn't say anything.

"Sige." tumingin naman siya sa iPhone niya at binalik ulit yung tingin sa akin.

"Kailangan ko ng umalis." lumabas siya ng kwarto at sumunod naman ako.

He grabbed his keys at humarap sa akin.

"I'll call you," and he kissed me.

And with that, he's on his way to the door.

I stood there for I don't know how long. Kev, are we still in a fucked up, set-up? You act like we still are. The only difference is, you're working now. A busy perso, I can see?

Kevin's POV

Masaya ako dahil ayos na kami ni Reena.

Parang naninibago pa nga ako sa kanya. Madalang na lang managalog eh. Parang may nagbago sa kanya pero ewan ko. Wala naman siguro. Baka guni guni ko lang.

Pero bakit parang nung umalis ako kanina may mali sa kanya? Hindi ko alam pero tinanong ko naman siya kanina pero sabi niya naman wala. This is getting complicated already at ayoko ng komplikado. Sinabi ko sa kanya na susubukan kong maibigay kung ano yung gusto niya at hindi ko alam kung tama ba o mali yung ginawa ko basta ang alam ko lang, I want her and I need her.

Fucked up, Set-upDonde viven las historias. Descúbrelo ahora