Chapter 10

2.9K 37 4
                                    

Sa sobrang naiinis ako sa nararamdaman ko, dumeretso ako kanina ng supermarket, bumili ng dalawang dosena ng beer, bumili ng manok at dumiretso kanila Bry.

Bwisit eh.

Anong oras pa lang ba? Patingin ko sa orasan sa kotse ko, 2:30 pa lang ng hapon. 3 pm nung nakarating ako kina Bry.

Sinalubong niya naman ako papasok ng bahay nila. Good thing, kilala pa rin ako ng mga katulong nila.

"Uy Reena. Teka. Totoo ka ba? Umuwi ka?" namamanghang tanong niya.

"Oo, kahapon pa. Tara shot. Tawagin mo sina Jp at Mike." Yaya ko sa kaniya sabay deretso ng garden nila nung pigilan niya ako.

"Mas maayos sa rooftop. Dun na lang tayo. Ano yang dala mo? Kauuwi mo lang shot na agad?" reklamo niya pa. If I know namiss ako neto.

"Wag ka ngang umangal diyan. Akin na nga numbers nung dalawa at ako na tatawag. Bago ata gamit nila eh." sabi ko.

Binigay niya naman sa akin saka ko tinawagan yung dalawa. Binigay ko na sa kanya yung mga beer na hawak ko sa isang paper bag at yung manok. Natatakam ako sa manok eh. Walang hiya. Wala munang diet diet na nalalaman. Tss, I'm pissed.

Umakyat na ako sa rooftop. The view is nice from here. Antipolo kasi bahay netong si Bry. I like it here. Siya lang nakatira dito, iba bahay ng parents niya eh. Darating daw yung dalawa. 4 pm na nung dumating sila, ipitin ba ako sa yakap? Mga sira ulo para namang nabuhay ako sa pagkapatay sa yakap nila. But it's much appreciated. At least they missed me, pero si Kev at si Andy? Wow, mas gusto pa atang bumalik na ako ng New York eh, well... based from their facial expressions a while ago. Hindi ko naman choice ang umuwi in the first place.

Nandito na kami ngayon, naka round sa table. Si Jp, priniprito yung manok na dala ko, pinaayos din kasi ni Bry yung lutuan dito sa taas.

Picnic lang to eh?

"So Reena, bakit hindi ka man lang nagparamdam sa amin sa tatlong taon na yun?" –Mike

"Uhh? Busy." Dahilan ko naman. Alam kong hindi nila tanggap yung dahilan kong yun pero hinayaan na lang nila.

"May boyfriend ka na ba?" tanong ni Bry sabay inom sa beer niya.

"I didn't have time for those kind of things. Masyado akong naging busy sa majors ko." Sabi ko sa kanila.

"Eh? Wala bang pumorma sayo dun? Tanga naman ng mga yun? Pwede mag-apply?" nakangiting sabi ni Carlo na paparating. Yeah, I also called him.

Napatingin naman kami sa kanya.

"Hey," sabi ko sabay ngiti at hinalikan niya ako sa pisngi.

If you're wondering why I know him, I met him in New York. Small world, huh? He was one of the sponsors sa isang performance namin for charity work kaya ko siya nakilala. He's a good guy. We became friends and kept in touch.

"You didn't tell us you were that close?" Mike pointed us.

I just shrugged.

"How can you not be friends with a gorgeous girl like her, man?" Carlo said as he smiles and winked at me.

This guy is charming, ha ha.

"Have a seat." Alok ko sa kanya.

"Sa'n sina Kevin at Andy?" tanong naman ni Carlo nung makaupo na siya.

"Yeah. I wanna ask that too." Said Jp habang nilapag na sa table yung napritong chicken. Ooh la la.

Yummy...

"Do me the favour guys. Don't call them here." I tell them.

Ayoko ng magpaliguy-ligoy pa. Sus, kaya nga sila lang tinawag ko eh.

Fucked up, Set-upWhere stories live. Discover now