-12-

155 6 0
                                    

Chapter 12: The Nerd.

Gemma' POV.

"nananan...nanana.. Ang tagal naman nina Sheya at Gail."

Napapahimas ako sa tiyan ko, dahil gutom na ako. Aish. Kainis naman, ang sabi kasi nila wait ko daw sila dalawa dito dahil baka may iba makaagaw sa pwesto namin.

Nandito kami sa canteen ngayon, dahil vacant time na din namin sa wakas, at gutom na ako, medyo madaming tao din naman ngayon sa canteen kaya siguro mabagal ang ang pagbalik nila. Napapalingon lingon pa ako dahil baka paparating na sila, dala dala yung foods namin.

"Aish.. Asan na ba sina Insan at Gail.."

Gutom na talaga ako, at ang boring pa dahil wala silang dalawa, sana pala sumama nalang ako sa kanila, pero kung sumama naman kasi ako baka pagalitan pa ako ni Sheya. Haaayyyy....

"Hoy! Umalis ka nga dito, eww your so kadiri, right girls?"

Napatingin ako sa may harapan ko sa hindi kalayuang table mula sa table namin. Doon kasi nagmumula yung kalakasan na boses, and i think may binubully sila.. Haayyy kawawa naman yung binubully nila.

"Sino kaya yun."

Na curious ako kung sino yung pinapalibutan nila, medyo marami kasi siya kaya hindi ko nakita kung sino yung binubully nung apat na girls. Napapailing nalang ako, buti nalang at si pinsan hindi ako ginaganyan kahit masungit yun.

"Kawawa naman ng bagong pinagtripan nina Shey, tsk.. tsk.. Ano kaya nagawa niya."

"Ay nako hayaan mo nalang siya at baka madamay pa tayo."

"Kaawang awang nilalang naman niya gurl nuh, siya ang nakita ni Shey."

"Oo nga girl, for sure siya ang magiging prospect ni Shey for the whole year."

"Tama ka jan gurl, sana umiwas nalang sya. tsk..tsk.."

"Kakatakot pa naman magalit yan si Shey at grabe kung mang alipusta ng kapwa."

"Shhh. Ano ka ba baka marinig tayo nyan."

Hindi ko maialis ang tingin ko sa apat na babaeng may pinalilibutan habang naririnig ko yung mga chismisan sa paligid ko. Kawawa naman siya, ano kayang nangyari sa kanya at saka sino naman yung Shey na yun? Bakit sila natatakot dun? Vampire ba sya para katakutan o baka Monster?

Ohmy.. So may Monster sa School na 'to?!

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatayo,..

"Ohmy! Sino naman yan? Bakit pa siya nakikisali?!"

"Oh noo, kawawa sya dahil for sure may gagawin hindi maganda sina Sheya sa kanya dahil sa pangingialam niya."

"What are you doing?!"

Bigla kong nakita ang panglilisik ng mga mata nung babaeng may pagka chinita at medyo maypagka kulot na buhok. Para syang doll. Pero naamoy ko yung amoy niya mabaho hmp.

Mabaho yung perfume na gamit niya. Wala kaya siyang pambili? Hmm. Kawawa naman siya, di bale sasabihan ko si dad na bumili ng perfume, para bumango siya.

"Psh, weirdo, alis nga!"

Bigla akong napaalis sa harapan niya at saka ako tinalikuran at hinarap yung babae na nasa likuran ko sa na kanina, hindi ko masyado makita yung mukha nung pinagtutulungan nila dahil mabilan sa nakatalikod itong babaeng kulot eh, ang didikit pa ng mga alipores niyang kasama niya na parang naka sticky glue sila sa isa't isa.

Hindi ko alam kung bakit pa ako lumapit ulit sa kanila, siguro naawa ako dun sa girl na binubully nung girls, wala naman kasi siyang ginagawa sa kanila para ibully nila yung girl eh.

"Ano bang kailangan mo weirdo?!" Biglang sabi nung girl na kulot ang buhok sa akin at saka tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo,

Ano kayang meron sa akin at ganun siya makatingin?! Ohmy! Hindi kaya may gusto siya sa akin?!

"Psh. What do you want Weirdo?"

Napapailing lang ako bilang sagot sa kanya, eh sa wala naman talaga ako kailangan sa kanya eh. Hinarap ko yung babaeng nakaupo sa sa may harapan namin, hindi siya nagsasalita pero nakatingin siya sa amin.

"Hey! Don't you dare, turn your back at me when I'm talking to you Weirdo!" Rinig kong sabi ng katabi ko nang babae.

Pero hindi ko nalang siya pinansin dahil nakatitig lang ako sa babaeng nakaupo. Napaangat ito ng tingin at nakita ko yung mukha niya, may kaputian naman siya at saka medyo wavey yung hair nya na medyo kulay brownish at saka halatang halata na mayaman ito yun nga lang ay natatakpan ang dalawang magaganda niyang mata ng salamin.

Perhaps, she is a Nerd.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang nagkatitigan kaming dalawa, hindi ko alam kung anong meron pero parang iba yung nararamdaman ko. Hindi kaya epekto ito sa nangyari nung nakaraang araw? Aish.

Napapailing nalang ako habang naalala ko na naman ang nangyari kasama yung Monster na yun. Hindi ko alam pero bigla ko nalang kinuha ang kamay nung babae at saka hinila siya, may naririnig na naman akong usapan pero wala akong paki alam, dahil deri-deritso lang yung lakad ko papunta sa inuupuan ko kanina.

"Gemma, Nanjan ka lang pala, saan ka ba galing ha? halika ka na at kumain na tayo." Sabi ni Gail.

Tumango naman ako at saka umupo pero di ko pa din nabibitawan yung kamay nung kasama ko.

"Ahh, Gemma?" Napatingin ako bigla kay pinsan.

"Who is she?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa gawing tabi ko kung saan tinuro ng hintuturo ni pinsan.

"Ohh, I don't know." Sabi ko at nagkibit balikat.

Binitawan ko na din yung kamay niya at saka napatingin sa pagkaing inorder nila sa akin.

"Psh. You don't know her? Pero hinila mo siya dito?" Medyo masungit na tanong ni pinsan.

"Hmm.."

"Hayy nako Gemma. Ikaw talaga." Rinig kong sabi ni Pinsan at saka napa buntong hininga nalang ito.

"Anyway, anong pangalan mo? saka bakit hila hila ka ng Kaibigan namin?" Rinig kong tanong ni Gail.

"Uhm. Hindi ko din alam eh, pero ako si Prei."

"Oh, Prei? Nice name."

"Thank's."

Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kanila, nag-uusap na kasi sila samantalang kumakain at ako ay tahimik lang, ang sarap kaya kumain saka sabi nina momy "Don't talk when your mouth is full." Kaya hindi ako nag sasalita, baka kasi bigla nalang dumating si Momy dito para pagalitan ako eh.

"Anyway, Nice to meet you Prei."

Sabi ni Gail at nakita kong nilahad niya ang kamay nito kay Prei, para makipag shake hands.

"Me too. Salamat sa time ninyo." Nakita ko naman siya ngumiti at saka tumalikod na at nagsimulang maglakad.

"She's nice." Napalingon ako kay Gail.

"Tara na Gemma, baka ma late na naman tayo." Biglang sabi ni Pinsan sa akin. Kaya tumango nalang ako at saka sumabay na sa kanila sa paglalakad papuntang classroom.

"Ok ka lang ba Gemma?"

Napalingon ako kay Gail at saka siya nginitian.

"Oo Gail, I'm Fine."

Numiti din ito sa akin at saka tumango.

Haist. Bakit kaya familiar yung mukha niya, parang nakita ko na siya dati eh. Pero Saan kaya yun?

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now