-16-

139 6 0
                                    

Chapter 16: The Tyrants.

Gemma' POV.

Nang sa wakas ay tumunog na rin ang bell, na syang isang hudyat na tapos na ang klase namin, ay nagsisitayuan na kami. Inaayos ko na din ang mga gamit ko, bago tuluyang tumayo sa kina uupuan ko. Tiningnan ko naman saglit ang pinsan ko na tahimik lang na inaayos ang gamit niya.

"Pinsan, canteen ba tayo?" tanong ko sa kanya.

"Kayo ang bahala." Maikling sabi niya. At saka patuloy lang sya sa pag-aayos ng mga gamit niya.

Tiningnan ko naman si Gail na patapos na sa pag-aayos ng gamit niya at sa katabi niyang si Prei. Napangiti ulit ako at saka sila nilapitan.

"Gail!, tapos na rin ang first period natin, saan tayo ngayon?" Masayang tanong ko sa kanya.

"Uhmm, how about sa isang Coffe Shop tayo ngayon? May nakita kasi ako kanina, medyo malapit lang naman siya sa school natin kaya pwedi na nating lakarin iyon." Sabi niya sa akin.

Tumango tango lang ako sa kanya. Mukhang magandang Ideya iyon.

"Sige, sige, gusto ko yan Gail!"

Nakita ko naman ngumiti si Gail sa akin. Napatingin naman ako kay Prei na busy sa inaayos niyang gamit.

"Ahm, Hi Prei! Sama ka sa amin." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Bigla naman itong napatingin sa akin at parang nagtataka sa sinabi ko sa kanya.

"Sige na Prei, sama ka na sa amin. Wala ka na naman pasok after nito diba?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm.. Sigurado ka ba?" Parang hindi pa rin ata sya makapaniwala sa sinabi ko.

Tumango tango naman ako sa kanya ng ilang beses.

"Oo naman Prei. Saka pwedi naman sigurong maging friend ka namin diba?"

"P-pero baka madamay lang kayo." Parang worried pa nitong sabi sa akin.

"Saan naman? Saka sige na, sumama ka na sa amin. Friends na tayo!" Sabi ko sa kanya na nakangiti pa rin.

"Nako Prei, pagbigyan mo na itong kaibigan namin. Hindi ka nyan titigilan pag hindi ka pumayag." Sabi naman ni Gail kay Prei.

"Ah. Ok." Sabi niya sa habang nakatingin sa akin at saka nakita ko ang pag ngiti niya kahit papaano.

"Yey! Tara na! New Friend!" Sabi ko sa kanya at saka hinawakan ko ang kamay niya.

Parang nagulat ata sya sa ginawa ko, but i don't mind at all. Basta from now on, friend na namin siya!

Papalabas na sana kami ng pintuan ng biglang may tumawag sa napakaganda kong pangalan.

"Gemma!"

Napalingon ako at si Slate lang pala ang tumawag sa akin. Kumaway pa ito sa akin habang naka ngiti. Maya maya ay lumapit ito papunta sa deriksyon ko. Ano naman kaya ang kailangan ni Slate? Papasama ba ito mag mall ulit? Pero nako, hindi pwedi dahil may pasok pa kami after 2 hours. May 2 hours lang kasi kaming vacant bago ang next class namin nina Pinsan.

"Gemma, wala na ba kayong pasok?" Tanong niya sa akin nang makalapit na siya.

"Luigi!" Bigla kong narinig ang pangalan ni Luigi at nakita kong nasa tabi ko na pala sina Gail at siya pala ang tumawag sa pangalan ni Luigi na kasalukuyang naglalakad paalis.

"Ah wala eh, kayo ba may class pa kayo?"

"Yup pero in less than an hour pa naman. Saan pala punta nyo?" Nakangiti pa rin niyang tanong sa akin.

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon