-8-

238 7 0
                                    

Chapter 8: The Talk.

Gail' POV.

O to the E to the H to the M and to the G!!! as in O-E-H-M-G!!

It's been two days had past pero hindi parin ako makapaniwala na magkapartner kami ni Luigi my love ko!! Ohmy!!! Ohmyy gosh!! I really need to be beautiful no- correction I need to be more beautiful para mas ma in love pa sa akin si Luigi ko! Hehehe.

Grabe, siguro I need to go na sa Beauty Parlor namin sa Mall at saka kailangan ko na rin magpa SPA and also mag Shopping! Tama.. tama. Yun nga ang kailangan kong gawin ang mas mag paganda pa lalo! And for that I know mas ma iinlove pa lalo sa akin si Luigi ko!!

Ohmy.. Luigi, You make my heart, beats so fast.

PAAKK.

"OUCH!" Tiningnan ko ng masama si Sheya na nasa tabi ko lang. Ang sakit kaya niya mambatok.

"Ang sakit nun Sheya ah! Amp, ano bang problema?"

Pinagtaasan niya ako ng kilay bago niya ako sinagot sa tanong ko.

"Para ka kasing baliw, ngumingiti tas tatawa tas ngingiti na naman. Tsk." Masungit na sagot niya sa akin at saka binalik niya ang tingin niya sa binabasa niyang libro.

"Asus. Sheya naman hindi naman ako nababaliw noh. In love ako. In love. You know, yung feeling na nasa ulap ka lagi at tinatangay ka ng hangin na parang lumilipad. YAAA!! Sheyaa grabe!! Ang sarap sa feeling ma inlove!" Sabi ko sa kanya habang sobrang ngiti ngiti ko.

"Psh, Paki ko sa love na yan." Masungit na sagot lang niya habang hindi niya inaalis ang mga tingin niya sa librong binabasa niya.

"Sheya talaga! As if hindi mo na naramdaman ang ganitong feeling." Sabi ko sa kanya.

Napapalunok nalang ako sa sarili kong laway nang bigla siyang tumingin sa akin ng masama at naka taas pa ang isang kilay at parang may mensaheng sinasabi sa akin na: Tatahimik ka ba o Ipapakain ko 'tong librong hawak ko sa'yo.

"Hehe. Sheya saan pala si Gemma?" Tanong ko nalang sa kanya.

"Tsk. Ewan. Anjan lang yan sa tabi tabi." Sabi niya at saka binalik na niya ulit ang tingin niya sa libro niya.

Whoo! Nakaligtas ako sa laser beam niya ah! Buti nalang hindi ako namatay sa mga tingin ni Sheya nakoo pag nangyari yun, paano nalang kami ni Luigi ko?! Nakoo hindi pwedi yun noh! Hindi pa nga kami kinasal eh! Hehe.

Ay ano ba yan! Haha grabe talaga epekto ni Luigi my Love ko hehehe.

Syanga pala si Luigi ay ang First and hope to be my Last Love. Matagal ko na siyang kilala at matagal ko na din siyang minamahal hehe.

Magka Schoolmate kaming dalawa ni Luigi my love ko sa Brixton Highschool kung saan kami nag Highschool nina Sheya at Gemma at syempre! Hindi lang kami basta magka Eskwela kung hindi classmate din kaming dalawa! At hepp ito pa ang mas nakaka kilig! Hehe magkatabi pa kami. Yes, we were seatmate back then. Super ganda nga ng araw araw ko nung highschool eh.

Ganadong ganado ako lagi mag aral, siya kasi naging insperasyon ko. Energetic din ako palagi pag nasa classroom kami at saka lagi akong active sa mga participitation at activities ng school. Ewan ko ba pero pagdating kay Luigi my love ko mas nagkaka energize ako haha. Actually, Nung fourth year pa lang kami naging mag kaklase nun at kung sinusuwerte nga naman seatmate pa. Grabe talaga, hinding hindi ko makakalimutan ang araw kung kailan ko siya nakilala.

Ay nako ititigil ko na nga muna ang pagre- reminisce ko at baka mabatukan na naman ako ni Sheya, tiningnan ko kasi siya at saka nag-iba yung tingin niya at parang handa na naman mambatok! Bully talaga nitong si Sheya eh T__T haist buti nalang at hindi nagmana si Gemma dito. Kung hindi nakooo, baka sobrang kawawa ko na!!

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now