-18-

221 4 0
                                    

Chapter 18: Monster and Yabang.

Gemma' POV.

Halos 30 min. na kaming naghihintay kay Gail dito sa canteen. Nauna na nga kaming kumain, lalo na ako kasi hindi ko na talaga kayang hindi kumain. Saka alam ko naman maiintindihan iyon ni Gail eh, lalo na't alam nyang gutom na gutom na talaga ako. Lunch time na kaya.

"Asan na kaya yun si Gail Pinsan. Bakit ang tagal nya?" Tanong ko kay Pinsan. Magkatabi kaming dalawa ni Prei habang nasa kabilang side naman si Pinsan at saka nag kakalikot ng kanyang cellphone, ano kaya meron sa cellphone nya.

"Ma." Sabi nya lang at saka nag shrug.

"Ma? Wala mama mo dito pinsan." Sabi ko sa kanya. Anong ma pinagsasabi nitong si Pinsan, eh wala naman dito momy nya.

Napatingin siya sa akin saglit at saka binalik ang tingin nya sa phone niya.

"Malay yun Gemma." Biglang rinig kong sabi ni Prei na nasa tabi ko lang.

"Malay ba yun? Eh bakit Ma lang sinabi ni pinsan Prei? Nakukulangan ba sya ng letters?" sabi ko sa kanya na may pagtataka.

Tiningnan ko pa ulit si pinsan na ganun pa rin ang giangawa.

"Shortcut lang yun Gem." Rinig kong ulit sabi ni Prei.

"Ahh. Shortcut pala yun." sabi ko more sa sarili ko.

Ito naman kasi si Pinsan eh, may pa Ma' pang nalalaman pwede namang sabihing ewan nalang eh di hindi pa ako mahirapan sa pag-iisip.

"Ay Prei ano pala yang--."

"Hi Guys!"

Hindi ko na na ituloy ang itatanong ko sana kay Prei nang mapatingin ako sa taong nasa likuran ni Pinsan. Nakangiti pa sya at parang ang saya saya niya, halata din sa kanyang mukha ang kanyang pamumula, Saan kaya ito galing at parang ang pula pula ng mukha at kung makangiti ng wagas eh abot ang boung universe.

"Gail! Saan ka galing?!" Tanong ko bigla sa kanya.

Naupo naman si Gail sa tabi ni Pinsan bago niya ako sinagot sa tanong ko.

"Sa lockerroom lang Gem, diba sinabi ko na iyon kanina?"

Huh? Bakit hindi ko alam yun.

"Saka Gemaaa! Omg talaga!"

Biglang tumili si Gail maya maya at saka kinuha niya ang aking mga kamay. At para siyang kinikilig. Ano na naman kaya ang nangyari at hindi talaga nawala wala ang kanyang mga ngiti sa mga labi ni Gail.

"Gemmaa.. Gemmaa.. Alam mo ba, kanina omgg! hihihih."

"Ha? Ano yun Gail?"

"Kasi Gemmaaa!! Si Luigi my Loves ko." Sabi niya at saka namula ulit.

Ohmy. Sabi na nga ba si Luigi ulit ang dahilan ng pagkapula ng mukha niya. Ano na naman kaya ang nangyari.

"Si Luigi kasi... Eiiiiii!" Parang pagpipigil ni Gail sa kilig niya.

Parang naiihi lang eh.

"Tsk. Tumigil ka nga sa kakatili mo jan Gail. Nababasag yung tenga namin." Biglang sabi ni Sheya kay Gail.

Nagkatinginan naman agad kami ni Gail saglit.

Bigla kaming natahimik pero maya maya ay tumili na naman si Gail.

"Omg Talaga Gemma, alam mo yun? Parang nasa ulap ako kanina at lumilipad. Hihih kasi naman si Luigi my Loves ko, nagkita kami sa Locker Room. Tapos .. Tapos.."

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon