-32-

177 2 0
                                    

Chapter 32: She's Awake.

Gemma' POV.

Dark blue. Iyon ang una kong nakikita ngayon sa pagdilat ko. Medyo sumasakit pa rin ang boung katawan ko at nananakit rin ang ulo ko sa hindi ko malamang dahilan.


"Nasaan ako?" I whisper to myself. Inilibot ko ang mga mata ko kung nasaan ako sa mga oras na ito, sinusubukan ko ding bumangon pero hindi ko kaya dahil ang sakit ng katawan ko. Sa bawat subok ko sa pagbangon napapahiga nalang ulit ako sa sakit ng katawan ko ngayon.


Pinikit ko ulit ang mga mata ko at inaalala kung ano ang nangyari sa akin. Kung ano ang mga bagay na nangyari sa akin at kung nasaan ako sa mga oras na ito.


*CLICK* (Tunog ng pagbukas ng pinto)


Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at dahil doon ay bigla kong minulat ang mga mata ko.


"Good Heavens at last your already awake." Napalingon ako sa kanya, sa boses pa lang nya kilala ko na kung sino sya.


"Are you alright now? May masakit pa ba sayo? May dinaramdam ka ba sa mga oras na ito? Gutom ka ba? May gusto ka bang kainin o ano? Tell me, Tell me Gemma." Sa boses pa lang nya kilalang kilala ko na sya.


Tiningnan ko lang sya habang papalapit sya sa akin. Hindi ko inaasahan na bigla nya akong yakapin bigla ng nakalapit na ito sa akin ngayon. Hindi ko mapigilang mapangiti, dahil hindi naman kasi sya ganito, or perhaps hindi siya ganito noong mga panahong hindi pa nangyari ang bagay na iyon.


"Gemma? Bakit hindi ka nagsasalita? May masakit ba sa iyo? Tell me. Couz, come on." Napapangiti ako lalo sa sinabi niya. Kahit pala papaano nag-aalala din pala siya sa akin. She really care whenever it comes to me. Na kahit sinusungitan at pinapagalitan niya ako kung minsan ay hindi ko akalaing mag-aalala ng ganito ang pinsan ko.


"Couz, magsalita ka naman oh." Sabi pa nito na sa boses na may pag-aalala.


"Where are we couz?" Biglang tanong ko sa kanya out of nowhere.


"In your boyfriend's place." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.


Boyfriend? Wala naman akong.. Oh yeah.


"Eh bakit tayo nandito?" Nakita kong napapailing nalang si Pinsan sa akin.


"You know what couz, you are already two days sleeping in this bed kaya I know sobrang gutom ka na din, kaya why don't you eat first." Sabi nito sa akin.


Nagulat ako sa sinabi niya, 2 days na akong tulog? Pero parang.. parang kahapon lang naman ang lahat eh. Ganun ba ako ka puyat para matulog ng boung dalawang araw.


Tumango naman ako kay pinsan at saka niya ako inaalalayan bumangon, medyo sumasakit pa din ang katawan ko pero kailangan ko ding kumain dahil pagkarinig ko tungkol sa pagkain ay bigla nalang akong ginutom.


"Just Stay here, I'll bring your breakfast here." Sabi nito at saka tuluyang lumabas.


Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt