-30-

137 3 0
                                    

Chapter 30: Trapped.2

Gail' POV.

"What the Hell?!" Biglang napasigaw si Sheya nang matapos ang boung kwento ni Slate, kung ano ang nangyari kanina.

"At wala ka man lang ginawa?! Kalalaki mong tao puro lang pala kayabangan ang alam mo!"

"Hindi mo kasi kilala si Hilary, pag may ginawa akong hakbang baka mas lalong mapapahamak lang si Gemma!"

"And do you think sa mga oras na ito hindi napapahamak ang pinsan ko?!"

Nagsisigawan na silang dalawa na parang walang pakialam kung sino man ang makakarinig sa kanila sa mga oras na ito. Marami na ring mga echosero na nakikinig lang at nagtataka may iba pang nagbubulong bulungan na parang mga lamok kung makapag chismisan ay wala kami rito.

"Sheya, don't worry dahil hinahanap na sya ngayon ni Zane." Tila kalmado na ang pagkakasami ngayon ni Slate kay Sheya na alam kong nagpipigil lang sa galit niya ngayon.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na nagsasagutan habang tahimik pa rin si Prei sa tabi ko. Inilibot ko ang tingin ko at nagulat ako sa nakita ko. Halos isang linggo na rin ang nakaraan ng huli ko syang makita.

Bigla akong nagulat ng bigla syang napatingin sa banda ko, kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Alam kong nag aasume ako, kaya ititigil ko na dahil ako lang naman ang nasasaktan. Ako lang naman ang lihim na nagmamahal. And I guess kahit wala pa man, kahit di ko pa naman nasabi sa kanya, kailangan ko ng itigil ang kung ano man ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.

"Let's go Gail." Rinig kong sabi ni Sheya at saka ito naglakad papaalis sa Canteen.

Nagkatinginan kami ni Prei at sinundan namin sya. Ayaw namin pabayaan si Sheya dahil kahit matapang yan, kahit masungit yang babae pero pag may nangyari sa pinsan nya doon sya biglang nagiging malambot, doon mo makikita ang ibang katuhan ni Sheya.

Tumingin pa ako sa bandang deriksyon nya bago tuluyang makaalis sa Canteen at nahuli ko syang nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan. Napapailing nalang ako at hindi na pinansin pa kung ano man ang nararamdan ko at tinoun na ang tingin ko sa mga kasama ko.

"Nasaan na kaya ngayon si Gemma." Napatingin naman ako kay Prei sa sinabi nya.

"Hindi ko din alam pero sana ok lang sya."

Tahimik lang kaming tatlo habang patuloy pa rin kami sa paghahanap kay Gemma. At alam kong papadilim na, siguro around 5 o'clock na ngayon. Dahil unti unti na rin binabalot ang kalangitan ng kadiliman. Nakita ko rin na papakulimlim hudyat na magkakaroon ng ulan.

"Sheya!!" Bigla akong napalingon sa tumawag sa pangalan ni Sheya.

Si Slate lang pala at hinahabol at humahangos pa ito.

"Sasamahan ko na kayo, baka kung ano pa ang mangyari sa inyo." Sabi lang nya.

Pero wala pa ring imik si Sheya at patuloy lang sya sa paglalakad. Sumunod nalang kami kahit hindi namin alam kung saan kami pupunta. Kung saan pa namin possibleng mahahanap si Gemma.

Nakarating na kami ngayon sa may Waiting Shed ng campus pero wala kaming nakitang Gemma at nagtanong tanong na rin kami ngunit wala daw silang nakita o hindi nila napansin si Gemma. Maya maya ay biglang kumulog ang kalangitan at bigla nalang sunod sunod na pumatak ang ulan.

Pero parang walang paki alam si Sheya dahil naglalakad pa rin ito na parang walang paki alam kung mabasa man sya sa ulan. Ni hindi sya nag abalang mag payong manlang. Susundan na sana namin sya ng bigla nalang may pumigil sa kamay ko at nakita ko si Slate na umiling.

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now