-34-

218 2 0
                                    

Chapter 34: Changes.

Third Person POV.

Sa sampung katao ay dalawa nalang ang natira sa kanyang mga kalaban. Mabilis nyang pinatumba ang walong kalaban nya ng walang kahirap hirap. Kailangan nyang bilisan dahil kung hindi baka mas lalong mahuli sya para kay Diamond. Para sa taong pinagkakaingatan nya.


Kailangan nya itong makuha kay Saeki. Dahil kung hindi ay mahuhuli na sya at lalong hindi na nya makukuha ang isa sa mga taong hinahanap nya-nila.


Sabay sumugod ang dalawang naiwang kalaban nya, mabilis nyang sinipa ang isa habang binigyan nya ng isang malakas ng suntok ang isa naman. Pero bigla namang tumayo ang nasa bandang likuran nyang lalaki at susuntukin na sana sya ng bigla syang nakailag at nahawakan nito ang kamay nya at sinuntok naman nya ito sa may mukha na syang napatumba dito. Sinipa nya ang isang papasugod pa sana nito.


"Talagang hindi kayo napapagod kalabanin ang katulad ko. tsk." Sabi nya sa mga ito.


Tinapos na nya ang laban sa dalawa dahil bigla syang nakakita ng isang kahoy at hinampas sa dalawa.


Napatingin naman sya sa kinaroroonan kanina nina Diamond at Saeki pero bigla itong nawala at nakita niya itong papasok na sa building kaya dali dali syang tumakbo para mahabol nya si Saeki na dala dala si Diamond.


"Bastard!" Biglang sabi ni Saeki ng bigla syang hinawakan sa balikat ni Slate at hinarap ito at saka binigyan ng malakas na suntok sa mukha nito.


"Same as well to you asshole!" At saka nya sinipa pa si Saeki sa you-know-where-it-hurts.


"Gago ka talaga kahit kailan Henderson!" Habang nasasaktan ito sa bandang baba nito dahil sa sipa na binigay ni Slate. Nginisihan lamang sya ni Slate.


"That's serves you right Grande." Sabi nya at kinuha si Diamond mula sa kanya habang namimilipit pa rin si Saeki sa sakit nito.


"Mandaraya ka Henderson!" Sigaw nito sa kanya habang nakatingin sa papalakad na si Slate.


"Well same as well to you my old friend. Adios!" Sigaw pa nito habang nagmamadaling pumunta sa may kotse nya at nilagay nya si Diamond sa may likuran at dali daling pinaharurot ang sasakyan papunta sa ospital.


Kailangan nyang mailigtas ito. At sana ay walang nangyaring masama sa babaeng dinadala nya ngayon.


"Wag kang susuko Diamond, dahil marami pang mga bagay na dapat mong malaman sa buhay mo." Sabi nalang nito habang nag mamaneho na ng mabilis pa punta sa ospital.


Sa kabilang banda naman...


"Gago talaga ang Henderson na yun! Pero kahit anong gawin nya, matatalo at matatalo pa rin sya!" Sabi pa rin nya habang namimilipit pa rin hanggang ngayon sa sakit na ginawa sa kanya ni Henderson.


"Oh dude! Bakit ka nandito sa labas at nakaluhod ka pa jan, ok ka lang ba?" Biglang tanong sa kanya ng taong kakarating lang.

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now