-23-

179 3 0
                                    

Chapter 23: STQ & the Deal.

Gemma' POV.

"WHAT?! What do you mean by that?!" Biglang tanong ni Gail na tila naguguluhan.

Well kung naguguluhan si Gail maski naman ako, gulong gulo na ako. Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko! Pero wala naman akong choice dahil sa kanya! At.. at kailangan ko itong gawin dahil.. dahil siya lang din ang makakatulong sa akin. Siya lang ang makakahanap sa kanya.

Bakit ko nasabing siya? Dahil pinangakuan niya ako at sana ay hindi iyon mapapako. Dahil matagal ko na siyang hinahanap at gustong makita pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya mahanap hanap.

"Care to explain Gemma?" Bigla akong napatigil sa mga iniisip ko at napatingin kay Sheya na nasa katapat ko lang.

"P-pinsan.. Kasi..--"

"We just love each other, that's the reason and nothing else."

Bigla akong napalingon sa katabi kong Monster sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi niya?! Bakit niyang sinabi yun, isa yung kasinungalingan dahil alam niya ang totoong rason kung bakit ako pumayag sa ganitong set-up.

"Love? Pero kailan pa naging kayo?" Tanong naman ni Gail.

Sasagot na sana ako ngunit naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. At talagang diniinan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Kahapon lang, Sinagot ko siya kahapon." Isang cold at seryosong boses ang pagkakasabi niya nun.

Bigla akong napatulala sa sinabi niya.

What the? Ano daw? S..sinagot niya ako?!

Ako ba ang nanglingaw?! Ay Leche!

"Impossible! Ni wala ngang sinasabi sa amin si Gemma about dito?!" Biglang tayo ni Gail at parang hindi naniniwala sa sinabi ni Monster sa kanya.

Talaga namang hindi siya ganun maniwala noh! Hello? Kelan pa ako nanligaw? ni wala nga akong interes sa mga love love na yan. Dahil.. Dahil alam kong masakit.

"Well It's up to you kung ayaw mo maniwala."

Bago pa man may sasabihin si Gail ulit ay bigla niya akong tinayo at hinila hila palabas ng STQ at saka kinaladkad. Oo, kaladkad talaga ang term, dahil kinakaladkad niya ako papuntang parking lot.

Binubuksan pa lang niya ang pintuan ng sasakyan niya ng biglang may sumigaw at tinatawag ang pangalan niya kaya nakita kong napatigil siya.

Bakit kaya? At sino naman kaya ang --

"ZANNEE!!! ZAGIIIII!!! Darling! Your here pala! I was looking all over for you. I missed you!"

Napatingin lang ako sa babaeng nakayapos na ngayon kay Monster. Sino naman kaya 'to? Kung makayapos naman dito kay Monster na ito ay parang wala ng bukas. Parang mauubusan sa yakap eh. Pero bakit ko nga ba sila iintindihin? Ito na nga ang pagkakataon ko na makatakas eh, dahil hindi siya nakagalaw sa pagkayapos sa babae niya. Siguro nawalan na siya ng hininga kaya hindi siya makagalaw. Aba buti nga ng makaalis na ako dito sa wakas!

Maingat akong umaalis, para na akong ninja dahil nakatalikod sa akin ang Monster ay hindi niya ako nakikita kung bigla man ako mawala at tinakasan siya.

Kaya ko 'to! Go Gemma! Makakatakas ka din sa Halimaw na ito.

"AHEM! AND WHERE DO YOU THINK YOUR GOING?!"

Omg! A-ako ba ang sinigawan niya? H-hindi naman siguro.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko ng pa unti unti. Dahan dahan para hindi niya ako mapansin.

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now