-14-

170 6 0
                                    

Chapter 14: A Help.

Gemma' POV.

Saktong 5:30 nang mapagod na ako sa kakalakad at sa kaka laro sa arcade dito sa mall. After kasi naming kumain ng libre ni Slate kanina sa Ice Cream Shop, ay nag-aya syang mamasyal naman kami. Tapos nun ay naglaro ulit kami sa Arcade. Then we also watched movie, yung Princess Diaries? Pinalabas kasi siya ulit dito, yung tig 25-50 pesos lang ang babayaran mo. Kaya ayun nanood kami. Kasi hindi ko din naman kasi type ang ibang palabas.

"Did you enjoy?" Tanong sa akin ni Slate habang nagmamaneho siya.

Napatingin siya sa akin dahil naka red light naman kaya huminto muna kami. Tumango ako sa kanya at saka siya nginitian.

"Oo naman, thank you pala ah." Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumiti rin.

Kahit papaano ay masaya din naman palang kasama itong si Slate. Though alam ko naman na isa siyang palangiti na tao. Halata naman kasi, dahil noong una palang kami magkita ay masasabi ko na talaga na isa siyang mabuting tao at masiyahin.

"Why are you looking at me like that?" Biglang tanong niya habang nag mamaneho na ulit sya dahil naka Green light na ulit.

I just shrug.

"Wala lang, bakit masama bang tingnan ka?" Bigla kong sabi.

Medyo nakita ko ang pag chuckle niya.

"Nope, Hindi naman." Sabi nalang niya.

Habang nagmamaneho siya ay hindi ko na siya ginambala pa, mahirap na mabangga pa kami. Eh di pagnagkataon kasalanan ko pa kasi iniistorbo ko siya, tapos sisishin niya ako pag naging multo na kami dahil nabangga kami dahil sa akin tapos aawayin niya ako tapos malulungkot din sina momy at dady pati si pinsan. at.. at isa pa bata pa ako para mawala noh!

"Tama.. Tama.." Biglang sabi ko sa sarili ko.

"Anong Tama?" Biglang rinig kong tanong niya.

Nagulat naman ako. Huh? Anong pinagsasabi nitong katabi ko?

"Anong tama ang pinagsasabi mo jan?" Tanong niya sa akin.

Tinuro ko naman ang sarili ko sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niya?

"Oo ikaw ang tinutukoy ko Gemma. Ano yung sinasabi mo kanina na Tama."

Napakamot naman ako sa noo ko dahil hindi ko ma gets si Slate. Minsan talaga ang hirap din kasama nitong si Slate. Gaya ngayon ni hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Anong Tama?

Hmm. Di kaya Tama o Mali ang nasa utak niya ngayon? kaya napasabi siyang Tama rin? Hmm baka nga. Hehe yaan na nga.

Hindi ko nalang pinansin pa si Slate at nagpatugtog nalang ako ng music mula sa phone ko. Hanggang sa Sinasabayan ko pa ng pagkanta ang kantang What Makes You Beautiful by One Direction

~ Baby you light up my World like nobody else,

The way that you flip your hair gets me overwhelmed,

But when you smile at the ground it aint hard to tell,

You don't know oh oh..~


~You Don't Know your Beautiful!~

Itinaas taas ko pa ang dalawa kong kamay at iniwagayway habang feel na feel ko ang pagkanta, favorite ko kasi talaga ang one direction. Ang ganda kasi nilang kumanta at ang gagaling pa.

Patuloy kang ako sa pagkanta habang nagmamaneho lang si Slate. Hindi na ako tumigil pa dahil hindi rin naman siya nagreklamo pa sa boses ko eh. Buti nalang at hindi umulan nang kumakanta ako, kung hindi baka bumaha pa. Tsk. tsk tsk.

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now