-17-

129 4 0
                                    

Chatper 17: Sticky Note.

Gail' POV.

Kakatapos lang ng second period namin. Actually after naming pumunta sa Coffee Shop kanina, at nagkwentuhan na rin kaming apat. Syempre kasali na doon si Prei. New Friend na namin siya eh. Mabait naman siya kaya walang problema doon.

Ayun nga after ng klase namin ay kailangan ko munang pumunta sa locker ko at saka sa library na din. Kaya nauna nang pumunta sa Cafeteria sina Gemma, Sheya at si Prei. Medyo malapit lang naman ang Locker room namin kaya madali rin akong nakapunta doon. Medyo tahimik pa ang hallway, dahil na rin siguro sa may mga pasok pa ang ibang estudyante.

Kinuha ko agad ang notebook na iniwan ko the other day sa locker ko. Nandito pa naman ang iilang sulat ko about kay Luigi my Love ko. Speaking pala kay Luigi my Love.

I saw him ngayon lang, papunta din ata sya sa Locker niya. Nandito din kaya ang Locker nya? Hmm. I was wondering kung saan ang locker niya.

Kaya not knowing ni Luigi my Love, sinusundan ko sya ng palihim, syempre tahimik ko lang syang sinusundan. Pwedi na nga ako maging Ninja nito eh. Hindi ako nag iingay habang nakasunod sa kanya. And there I saw him stop sa may isang Locker na may nakalagay pang number na 12. Number 12? Ano kayang ibig sabihin nun. Hmm.

Baka number lang. Tiningnan ko lang si Luigi my Love ko habang may kinukuha siya sa locker niya. Nakatago kasi ako dito sa isa sa mga locker ng kapwa estudyante namin, kaya hindi niya ako nakikita.

Nang lumilingon lingon si Luigi my Love ko ay bigla akong napatayo bigla at tinago ko ng mabuti ang sarli ko.

Phew. Nakakahiya pag mahuli niya ako.

Maya maya ay huminga muna ako ng malalim at saka sumilip ulit sa kanya. Pero napakunot ang noo ko ng wala na siya.

"Umalis na kaya sya." Mahinang sabi ko.

"Sino?" Bigla akong nagulat sa taong nagsalita mula sa likuran ko kaya napalingon ako.

Mas nagulat pa ako sa kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Sino pa nga ba? Walang iba kung hindi ang aking My Love si Luigi.

Napapalunok ako ng pa ulit ulit at parang pinagpapawisan na rin, lalo na't nasa harapan ko na ulit siya ngayon. At ang mas matindi pa ay mas nilapit niya ang mukha nya sa mukha ko. Kinukurap kurap ko pa ang mga mata ko para lang masigurado na hindi lang ako nag ha-hallucinate o hindi kaya ay nanaginip.

"What are you doing?" Bigla niyang tanong na pinagtataka ko.

Hindi kaya ay nahuli niya ako? Ohnoo.

Natampal ko pa ang aking noo. At nang tingnan ko ulit sya ay parang nagpipigil pa sya ng tawa niya.

"Ok ka lang ba Gail? Parang kinakabahan ka ata jan." Tanong niya at saka ngumiti pa ito sa akin.

Hayyy. Ang ganda talaga ng ngiti ng Luigi ko. Pwedi nga lang kunin ang mga ngiting nyang iyon ay ginawa ko na.

"Ahmm.. O-oo naman Luigi," Sabi ko sa kanya at saka pinilit kong ngumiti kahit papaano para naman hindi niya mahalata na hindi talag ako ok.

Ang bilig ng tibok ng puso ko. Lalo na't ganito kami kalapit sa isa't isa. Yung kunti nalang ay mahahalikan mo na yung taong mahal mo. Teka pwedi kayang halikan sya? Tapos tatakbo nalang ako bigla? Nakaw na halik.

Aish. Ano ba itong naiisip ko.

"Gail?"

"Huh?" Napatingin pa ako sa kanya na may pagtataka.

"Sigurado ka bang ok ka lang? Your spacing out." Sabi niya.

"Ahh. Medyo masama lang pakiramdam ko Luigi but don't worry ok lang ako." Sabi ko ulit sa kanya.

Tumango tango naman siya at parang na convince ko na nga. Medyo nakahinga ako nang inilayo nya ang kanyang mukha sa mukha ko.

"Ano nga palang ginagawa mo dito Gail?" Tanong niya sa akin na kinagulat ko.

Hindi niya pweding malaman na sinusundan ko sya kanina kung saan man sya nagpunta at higit sa lahat ang alamin kung nasaan ang locker na iyon.

"Ah..eh ano may kinuha ako sa locker ko." Yung puso mo din sana kukunin ko. Sabi ko sa kanya. Ngunit sinarili ko nalang ang huling linyang sasabihin ko sa kanya. Omg! sana hindi nag stammer yung boses ko.

"Ganun ba? Same pala tayo. O siya wala ka na bang pasok?" Tanong niya sa akin.

"W-wala na, kayo ba?" Luigi my Love.

"Actually kinuha ko lang talaga itong Physics namin around 20 min. kasi ay magsisimula na kami."

"Ohh. Goodluck sa inyo ha. Sana ay mataas ang grades mo. Galingan mo, Luigi!"

Ngumiti ito sa akin at saka tumango pa.

"Oo naman. Don't worry at galingan mo rin ok? Goodluck!" Sabi niya sa akin.

"Oo naman, ikaw ang insperasyon ko eh." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Ano yun Gail?" Tanong niya na parang hindi na rinig ang huling sinabi ko at buti nalang talaga.

"Ahh, wala, hehehe. Galingan mo Luigi ha! Aja!" Sabi ko dito at saka nag action pa ako sa kanya na parang sinasabi kong 'Fighting!'.

Nakita ko lang siyang ngumiti sa sinabi ko at tumango siya ulit.

Maya maya ay nauna na itong umalis dahil kailangan na niyang bumalik sa room nila at ako naman ay papalabas na rin ng locker room at saka pumunta na sa library. May gusto na naman kasi akong hiramin na libro at sana ay nasa library pa iyon. Baka kasi may nagka interes din pala doon at hiniram nito para basahain.

Napa tingin tingin ako sa fictions at syrempre inaasahan ko na talagang marami din silang fiction books dito.

Maya maya ay nahumaling ako sa isang book na maganda ang cobver. Isang boy at girl nagka hug at pati may isang girl na nakatingin sa kanila mula sa malayo. Ang ganda ng pagka gawa ng cover pati na rin sa ibang props.

Pumunta na ako directly sa librarian at saka hiniram ang book nila. Sobrang saya ko dahil may mababasa na naman akong bagong lirbo.

Hawak hawak ko na din sa wakas ang librong hiniram ko at sobrang saya ko dahil ang ganda ng plot. Kaya sigurado akong maganda rin ang kwento nito, Tinitingnan ko pa ito at binubuklat buklat.

Sa kaka buklat ko sa new book ko ay nagulat ako sa nakita. Sa isang pahina. May isang Sticky Note. Hindi lang sya basta bastang isang sticky note, talagang may nakasulat ito at saka may ibang drawing at may design pa talaga ang sticky note niya.

Binasa ko ang note sa Sticky Note. Actually, hindi naman mahaba ito. Isang simpleng 'I can't forget you, I miss you' lang naman ang nabasa ko. Ewan pero napangiti ako sa sulat. Thought alam kong hindi sa akin ito pero ang sweet lang kasi ng note.

Sa baba nito ay may nakita pa akong Initals na. LPGM12. What does it mean kaya?

LPGM12. Yung LPG parang... parang.. LP Gas. Isang Gasul. Kaya hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko.

Hindi ko nalang masyadong pinansin ang Sticky note at binalik nalang itong ulit sa isa sa mga pahina nito. Nilagay ko nalang itong ulit.

Dumeritso na ako sa Cafeteria kung nasaan sila.

Hayy, Sticky Note.

Pero sino kaya yun? Sino kaya ang gumawa ng Sticky Note na iyon.

Pero kung sino man iyon, ang swerte ng taong sinasabihan nya nun. Sana nabasa nya iyon. Kung sino man iyong LPGM12 na iyon saan ay makilala ko sya balang araw.

Hindi ko namamalayan na napapangiti nalang ako habang papunta sa Cafeteria.

***

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now