-38-

48 0 0
                                    

Chapter 38: Light x Pieces

Third Person' POV.

Time Check: 14:15 A.M

Kadiliman at Katahimikan. Ayun lamang ang natatanging bagay ang sumalubong sa kanya. Sadyang nakakapanibago, inilibot nya ang kanyang tingin sa boung kapaligiran, nasa kagubatan sya ngayon. Sa isang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan nagbago ang lahat sa kanya.

"Lumabas ka na, alam kong nanjan ka lang." Biglang sabi nito. Naramdaman naman niya ang paglabas nito sa kung saan. Hindi niya na ito pinag aksayahang tingnan dahil alam naman na niya kung sino ito.

"Bakit ka nandito? Hanggang dito ba naman sinusundan mo 'ko?"

"Alam mo ang sagot sa tanong mo."

"At ilang beses ko ba kailangan sagutin ang tanong na iyan. Hindi na ako babalik." Maawtoridad niyang sagot sa lalaki na kanina pa nakamatyag sa kanya.

"Alam kong gusto mo nang bumalik, may pumipigil lamang sa iyo." Bigla niyang hinarap ang lalaking nakamaskara. Ngunit kahit anong takip pa nito sa mukha nito ay kilalang kilala na niya ito.

"Ayaw ko nang may madamay pa! Hindi mo ba talaga naiintindihan? Pag bumalik ako lalo lamang magkakagulo ang lahat!" Galit at inis. Ayun ang nararamdaman niya habang kaharap ang lalaking nakamaskara. Ngunit hindi ito natinag sa pagsigaw niya.

"Papaano ka naman nakaksiguro na maaulit pa nga ang nangyari sa nakaraan? Marami na ang nagbago Light. Simula nang umalis ka marami nang nangyari sa mundong ginagalawan mo."

"Alam mong pwede kang bumalik kahit kailan mo gusto. Nasa sayo pa din ang pagpapasya." Dagdag pa nito at saka tumalikod. Bigla nalamang itong naglaho sa kagubatan.

"Hindi. Kahit ilang ulit mo pa ako guluhin. Hinding-hindi na ako babalik." Sabi nalamang nito sa kanyang sarili.

Sampung taon. Sampung taon na rin ang nakaraan nang simula niyang tinalikuran ang mundong siyang nakapagbago sa buhay niya. Ang mundong kinalakihan niya. Ngunit ito rin ang mundong ayaw na niya balikan pa. Kahit kailan.

Trough it all, the rise and fall, the bodies in the streets...

"Wag ka mag alala.. Pupunta ako mamaya." Tanging sabi nito sa tumawag niya at saka niya pinatayan ang tumawag.

Samantalang sa kabilang dako naman...

<Hospital>

"Pinsan.., gumising ka na.., namimis na kita." Tiningnan ni Gemma ang pinsan niya na hindi pa rin nagigising simula dalhin nila ito sa hospital. Hindi makatulog ng maayos si Gemma kaya binabantayan at kinakausap nalamang niya ang pinsan niya at nagbabakasakaling sumagot ito bigla sa kanya.

"Gemma.." Nagulat sya at napatingin kay Sheya. Sumagot ito?

"Omo! Pinsannn! Sumagot ka? Tinawag mo ko? Sinabi mo ang pangalan ko? OMG!"

"Gemma? Hoi napano ka jan? Anong pinsan?" Napakunot naman ang noo ni Gemma at tiningnang mabuti ang kanyang pinsan na nakahimbing parin nakaratay sa hospital bed.

"Nagsasalita ka habang nakapikit mata mo Sheya? Wow! Galingg!" Lalapitan pa sana niya ito nang bigla nalamang siya binatukan ng taong nasa likod niya.

"Gemma naman! Ako yung nagsasalita dito kanina pa. Ano bang pinag gagawa mo at hindi ka pa rin natutulog? Mag aalas kuatro na." Napatingin naman ito sa likuran niya at nakita niyang si Prei pala ang bumatok sa kanya. Medyo maayos na ang kalagayan ni Prei, hindi naman kasi ito masyadong na puruhan, hindi kagaya ng pinsan niya. Napatingin ulit siya kay Sheya, buti nalamang ay nawawala na ang mga pasa nito, ngunit nandoon pa rin ang mga iilang sugat at kalmot na natama niya.

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon