-20-

168 4 0
                                    

Chapter 20: Hiding From a Monster.

Sheya' POV.

Pinapanood ko lang si Gemma habang tahimik na kumakain ng Breakfast namin. Actually it's been two days na siyang ganito. Tahimik lang at parang ang lalim ng iniisip. Parang biglang nawala ang childish na Gemma, at biglang bumalik ang isang Gemma. Isang Gemma na seryoso.

Bata palang kami ay Seryoso na talagang bata si Gemma, kahit noong mga panahong naglalaro kaming dalawa ay minsan ko lang siyang nakikitang tumatawa at ngumingiti. Kaya noong mga panahong na aksidente si Gemma ay laking gulat naming lahat na bigla nalang nagbago si Gemma, yung Gemma na Seryoso at halos laging naka kunot ang noo ay naging isang palangiti at palatawang bata.

"Sheya."

Napatingin ako sa kanya nang bigla niya akong tinawag, at hinintay ang kanyang sasabihin.

"Diba hindi tayo na tuloy noong last wednesday? And since half day lang naman tayo ngayon, bakit hindi tayo bumawi kay Gail. Let's go to the mall later." Seryosong sabi niya habang sinubo nya ang huling kanin sa bibig niya.

"Hmm, sure couz." Sabi ko nalang sa kanya.

Totoong hindi kami natuloy noong last Wednesday, paano ba naman matutuloy kung halos boung araw nakakulong lang sa kwarto si Gemma. Tinawagan nga ako that time ni Gail kung ano ang nangyari kay Gemma, sinabi ko nalang na nagkasakit si Gemma at hindi maganda ang pakiramdam niya. Mabuti nalang at nakalusot yung excuse ko. Though nag alala si Gail that time.

"And couz..." Napatingin ulit ako sa kaniya.

"What?"

"Are we going to ride in your car again?"

"Yeah, bakit? Gusto mo bang maglakad nalang tayo ulit?"

"Naah. Wag na, it's better we use your car." Sabi nya at saka ito tumayo.

Medyo na we-weirdohan ako kay Gemma ngayon. Simula kasi noong umuwi sya last Tuesday after siya isama noong Zane ay bigla nalang siyang naging ganito.

Ano kaya ang nangyari? Tsk.

Tumayo na rin ako pagkatapos ko kumain at saka kinuha ang mga gamit ko at dumeritso na sa sasakyan. Katunayan naka upo na si Gemma sa Shot gun Seat.

"Are you alright Gemma?" Hindi ko napigilang tanong sa kanya.

"Hmm, Oo naman pinsan! Ok lang ako, tara na at baka ma late pa tayo." Sabi niya at saka siya ngumiti.

Tango lang sinagot ko sa kanya at saka ako nagdrive papunta ng University. Almost 15 to 20 min. lang naman ang layo ng University namin, depende na rin kung may traffic kaya minsan mas gusto ni Gemma na maglakad dahil mas madali daw kami makakarating kaysa mag sasakyan kami.

***

"Gemmaaa!" Gosh! Are you ok na ba? Hindi ka pumasok kahapon. Tapos sabi ni Sheya nasa kwarto ka lang daw boung araw? Omg, you want to go to the hospital na ba?!" Biglang sabi ni Gail pagka kita palang niya kay Gemma.

Tiningnan lang sya ni Gemma at saka ito ngumiti.

"I'm fine Gail, medyo masama lang yung pakiramdam ko kahapon at noong Wednesday, but don't worry ok na ako."

"Whew! good thing naman at ok ka na, super lungkot ko tuloy kahapon kasi wala ka, though andito naman sina Prei at Shey. Pero nakakamiss ka din kasi ehh!!" Sabi pa ni Gail at saka niya niyakap si Gemma.

Ok. Drama na naman ito.

"Mamaya na iyang reunion ninyong dalawa, tara na at may pasok pa tayo." Sabi ko nalang sa kanila bago pa maging madrama ang pagtatagpo nila.

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon