-29-

1K 3 0
                                    

Chapter 29: Trapped.

Gemma' POV.

Isang linggo na ang nakakaraan ng bigla nya ako dinala sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan hindi ko akalain ma mas mag e-enjoy ako. Sa lugar kung saan hindi ko inaasahan na makakarating ako. Yeah. Sino ba naman kasi mag aakala na sa isang monster pa na kagaya nya ang magdadala sa akin sa lugar na iyon? Who have tought na maiisip nya ang ganung bagay.

"Mag-isa ka lang ata loser? Siguro iniwan ka na ng mga so called Friends mo noh? Hah! Buti nga sayo loser ka kasi!"

Tiningnan ko lang sya habang tumatawa syang mag-isa. Nandito ako ngayon sa may Garden at hinihintay sila. Nasa C.R kasi si Sheya habang nasa library naman si Prei at si Gail naman ay nagpunta sa locker nya dahil may kukunin daw muna siya doon.

Kaya ako lang muna ang nanadito. Habang nakatingin sa bawat estudyante na naglalakad. Kanina ko pa nga sila nakikita eh, medyo na bobored na nga ako! Kasi naman ang tagal tagal nila.

"Oh? Hindi ka ata makapagsalita? Tama ako diba? Psh. Pati ang tinatawag mong boyfriend ay wala din! Siguro break na kayo?" Tiningnan ko lang talaga sya habang nagsasalita sya.

Wala lang. Bored kasi ako kaya sya nalang ang tinitingnan ko. Nakita ko ang taas ng isang kilay nya na kulang nalang ay umabot ito sa langit sa sobrang taas. Ngumisi pa ito sa akin.

"Poor Girl. Tsk. Tsk. Iniwan na nga ng mga kaibigan, iniwan pa ng boyfriend."

Hindi ko pa rin sya inimikan. Wala lang tinatamad lang talaga ako makipag usap sa kanya eh. At saka baka gusto nyang akuin muna ang stage sa pagsasalita kaya ibinigay ko na iyon sa kanya.

"Are you just going to ignore me? Psh. Look here Girl. Wag ka masyadong magpakasaya, dahil akin lang si Zane."

"So?"

"So.. Wala kang choice kung hindi ibigay sya sa akin at umiyak nalang!"

"Anong yang ngiti ngiti mo jan?!"

Bigla kasi akong ngumiti, hindi dahil sa kanya..kungdi dahil sa nakikita ko ngayon.. na papalapit na sa kinaroroonan ko. Nagsasalita pa siya ngunit hindi ko na siya pinansin pa, dahil nakatoon lang ang tingin ko sa taong paparating na may dala dalang..

"You're here, Gutom ka na ba?"

Tanong nya at dahilan ng pagningning ng mga mata ko! Totoo naman kasing gutom na talaga ako. Tumango tango lang ako sa sinabi nya.

"Tara? Pinasundo ka sa akin ng Lover boy mo eh."

Tumayo naman ako at saka sumama sa kanya. Pero nagulat ako ng biglang may humila sa buhok ko!

"You slutty loser! Wag na wag mo akong tatalikuran!"

"Hilary! Bitawan mo sya!"

"And If I Won't Slate Henderson? Magsusumbong ka sa kaibigan mo? If I know inakit lang ng babaeng ito ang Zagi ko! Now come here bitch! And don't you dare follow us Slate! You know what I am capable of!! So better back off!"

Hinila hila niya ang buhok ko at kinaladkad sa kung saan. Pilit kong pumipipglas at kumakawala sa pagkakahawak nya! Sobrang sakit na ng ulo ko dahil sa sobrang higpit ng paghawak nya sa buhok ko na kulang nalang ay tangalin nya ito!

Bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba na hindi ko maipaliwanag, parang mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko habang kasama ko ang monster na iyon. Bigla ko nalang naramdaman na bigla nya akong tinulak na pagkalakas lakas kaya nabunggo ko ang isa sa mga silya rito. Tumingin ako sa paligid at parang nasa bodega kami.

Bakit nandito kami sa parang bodega, ang dilim dilim.

"Tingnan lang natin if makikita ka pa ng mga loser mong kaibigan, bitch! Lalo na ang boyfriend mo na magiging akin din ulit! Mabulok ka dito at mamatay!"

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now