-37-

52 0 0
                                    

Chapter 37: Trust Me.


"Gleike..." Mahinang sabi ko sa sarili ko.


Hindi pa ako nakapasok ng kotse at halos ilang lakad nalang nya ay makakarating na sya mismo sa kinatatayuan ko.


Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako bigla habang mas papalapit pa sya sa akin at nakita ko pa itong napapangiti sa hindi ko alam na dahilan. Hanggang sa tumigil ito sa paglalakad nya pero nakatayo lang ito at tiningnan ako.


Nagkatitigan lang kaming dalawa at parang walang balak na umiwas sa amin ng tingin sa isa't isa. Hindi ko lubos maisip kung bakit sya nandito. Kung bakit bigla nalang syang sumulpot at ang higit sa lahat kung bakit ganun ang eksena kanina habang kasama nya si Gail.


Anong nangyayari?!


"Are you just going to stand there?" Napalingon ako bigla sa taong humawak sa braso ko. Si Monster lang pala at parang nagtataka ito sa ikinikilos ko.


Napatingin ulit ako sa harapan ko pero napakunot nalang ang noo ko dahil wala na si Gelike.


Saan nag punta yun? Nag iimagine lang ba ako?


"Are you ok?" Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses nya, napatingin ako sa kanya at saka tumango. Pumasok na rin ako sa kotse at saka tahimik na umupo. Katabi ko si Prei habang inilgay ni Zane si Sheya sa tabi ng Driver Seat.


"Zane.."


Tawag ko sa kanya ng mapansing iba ang dinaraanan namin. Hindi ba nya alam ang deriksyon ng bahay namin? Umiba kasi kami ng way kaya nag tataka ako kung saan kami pupunta at dadalhin ni Zane.


"Zane.. hindi mo ba alam ang bahay namin?" Tanong ko sa kanya.


"Psh. We are going to the hospital. Your cousin needs to have her check up." Sabi lang nito at saka tumahimik na. Napatingin naman ako sa gawi ni Sheya na natutulog pa rin hanggang ngayon. Ang kaawa-awa kong pinsan. Sana magiging okay na sya, alam kong malakas na babae si Sheya, kahit kailan hindi nya naipapakita sa akin ang kahinaan nya, wala nga ata itong kinakatakutan itong pinsan ko eh, maliban nalamang sa nangyari ilang taon na rin ang nagdaan.

Iyon ang una't huli kong nakitang lubos na nasaktan ang pinsan ko, at ayaw ko nang maulit pa iyon kahit kailan sa kanya.

"Zane, magiging okay si Sheya diba?" Naramdaman ko naman ang pag tingin nito sa akin bago tuluyang pinatay ang makina ng sasakyan.

"She will, kaya tara na sa loob. She needed to be treated right away." Kasabay ng pagbukas nito sa pinto ng sasakyan. Lumabas na rin kami ni Prei na kanina pa tahimik sa boung byahe.

Tahimik lamang ako habang nakatingin sa pinsan ko na nakahiga na sa hospital bed at patuloy na inaasikaso ng doktor at mga nurse. Napansin ko na naman ang mga galos at pasa sa katawan at mukha ni Sheya at hindi ko maiwasan na magalit sa gumawa nito sa kanya.

Naramdaman ko ang kamay na nakahawak sa kamay ko, napatingin ako sa kamay namin na ngayon ay nagdaop palad na. Napatingin ako sa kanya. Ang seryoso ng mukha nya na nakatingin sa akin ngunit may nakikita akong iba sa mga mata nya.

"Still worried about her?" Biglang tanong nito. Tumango ako sa kanya at saka tumingin ulit sa pinsan ko na ngayon ay nililinis na ang mga sugat na natamo nito. Napatingin naman ako sa gawi ni Prei. Nakaupo lang ito sa isang tabi habang ginagamot rin ang ilang sugat niya, ngunit hindi kagaya ni Sheya na sobra ang natamo.

"Hindi ko lang sya basta Pinsan at Bestfriend. Kapatid na rin ang turing ko sa kanya, kaya sobra pa sa salitang pag-alala ang naramdaman ko sa mga oras na ito, hindi ko kayang nakikitang ganyan si Sheya, mas gugustuhin ko pang lagi niya akong pinagsasabihan at pinagagalitan kaysa nakaratay lamang siya sa higaan at walang malay."

Naramdaman ko ang biglang pagyakap nito sa akin na ikinabigla ko. Bakit ba bigla nalamang nang aakap itong Halimaw na ito. Pero sa mga oras na ito, bakit parang ayaw ko nang makawala sa mga bisig niya.

"Don't worry too much. She will be fine, trust me. Everything's gonna be fine." Dahil sa sinabi niya ay umayos na rin ang pakiramdam ko. Para bang kahit anong sasabihin nito sa akin ay papaniwalan ko. Pero kaya ko nga ba talaga siyang pagkatiwalaan?

Iniwaglit ko na lamang angmga pangamba at tanong sa utak ko, sa ngayon gugustuhin ko muna na ganito. Kayakap siya at kasama. At infairness lang...

Masarap din pala kayakap ang isang Monster.

***
Slate' POV.

Ika-tatlong araw. Ika-tatlong araw na rin ang nakalipas nang malaman niya ang boung katotohanan sa pagkatao niya. At Hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa Ospital. At tatlong araw ko na rin siya binabantayan at inoobserbahan. Bawat kilos niya ay pinapansin ko. Hanggang ngayon ay hindi ko mawari kung anong gamot nga ba ang itinurok sa kanya ng hinayupak na iyon.

Ngunit sa pag daan ng mga araw. Lagi nalamang siyang tulala. Kung minsan ay binabanggit nalamang niya bigla ang lalaking iyon. At sa oras na mabanggit nito ang pangalan ay bigla nalamang ito magwawala at aambang tatakas. Parabang mababaliw ito oras na hindi niya nakasama at nakikita ang lalaking iyon. Ang lalaking akala niya ay minahal siya ng totoo.

"Hindi pa ba ako makakauwi? Nauumay na ako dito." At kung may pagkakataon na tulala lang ito o hindi kaya ay magwawala, may pagkakataon din naman na harmless ang babaeng ito.  Minsan nasa katinuan din ito kaya alam kung gagaling din siya.

"Your doctor told me na hindi pa, kailangan mo pang magpahinga dito ng ilang araw at dumaan sa iilang test." Napatingin naman ito sa akin at saka tumango.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na may iba pa pala akong katauhan. Akala ko sa mga palabas lang iyon nangyayari. May ganun din pala sa totoong buhay. At ang nakakatawa, sa akin pa mismo nangyari."

"Alam kong mahirap tanggapin ang katotohanan, ngunit sa mundong ito, marami pa tayong hindi lubos maintindihan, napakamisteryo ng buhay, at ang magagawa lang natin ay sumunod sa agos nito."

"Ngunit hindi ko pa rin lubos maintindihan kung bakit niyo ako kailangan protektahan. At Kanino? At kung sino ba talaga ang totoo kong,ga magulang? Bakit nila ako iniwan at ipinamigay?." 

"Lahat ng mga tanong mo ay masasagot lamang kung ikaw ay magpapalakas, it is for you to find out, Diamond. Kaya magpagaling kana nang masagot na ang lahat na bumabagabag sa'yo."

"At sa oras na gumaling at makalabas na ako dito. Ano na ang mangyayari sa akin? Maski iyon lang ang sagutin mo. Dahil minsan hindi ko na kilala ang sarili ko." Umiwas ako ng tingin sa kanya at saka umupo sa may sofa habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Hindi ko pa din alam, pero isa lang ang masisiguro ko. Magbabago ang lahat sayo. Lahat-lahat."

***

Note:
Sobrang thank you po sa inyoo sa mga nagbabasa nito at patuloy na nagbabasa kahit sobrang tagal ko na hindi na u-update ito! Kaya ito ang konting update sa pagbabalik ng istoryang ito! And yes! Unti-unti ko na po itong i-uupdate at tatapusin dahil ilang gabi na rin ako hindi pinapatulog ni Zane at dinadalaw ako sa panaginip.

Salamat po sa mga nagtyatyagang basahin ito, thank you din sa paglalagay ng SUOIKY sa library niyo, nakakatuwa po na kahit ang tagal na nitong hindi na uupdate may nagbabasa pa din. I won't promise na araw araw na ito dahil medyo Busy pa ako, pero ito na ang uunahin kong tapusin. :)

Lovelots! Have a great day!

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now