-15-

136 6 0
                                    

Chapter 15: New Friend.

Gemma' POV.


Sobrang nag enjoy na naman ako kahapon sa bonding naming tatlo nina Gail at Sheya. Pagkatapos naming manood ng Princess Diaries 2 ay nagmeryenda kami saka kami nag kwentuhan ng kung ano ano. Sobrang nakaka tuwa lang dahil ang hyper talaga ni Gail kahit kailan.

Si insan nagiging ok na rin kahit papaano, hindi na siya masyadong malungkot not like the other day. Kaya hindi ko siya kinukulit masyado.

"Gemma." Napalingon ako kay Gail nang tawagin niya ako.

"Pasama naman ako saglit sa library oh." Sabi niya sa akin. Tumango lang ako at tumayo na mula sa kina uupuan ko. Maaga kasi kaming puamsok ngayon, kaya may 30 o 15 min. pa kaming natitira bago ang first class namin.

Iniwan namin si Sheya na natutulog sa upuan niya. Ok lang naman yun, saka ayaw ko gisingin si pinsan dahil baka magalit pa yan.

"Ano pala gagawin natin sa Library Gail?" Tanong ko kay Gail habang naglalakad kami papunta sa library, hindi naman masyadong kalayuan ang library kaya alam kong makakarating din kami agad doon.

"Isasauli ko lang itong hiniram na libro noong last Friday Gemma." Saka niya pinakita sa akin ang librong hawak hawak niya.

Ahh. Mahilig nga pala magbasa itong si Gail ng books. Hindi naman nerd itong si Gail pero masasabi kong isa siyang bookworm. Mahilig talaga siya magbasa kaya nga minsan pag wala akong maisip na ireregalo sa kanya, libro lang sapat na hehe. Hindi naman kasi mapili si Gail. Maliban sa mahilig siya sa mga dresses ay mahilig din siya sa books.

"About saan ang story na yan Gail?" Curious na tanong ko sa kanya.

"Hmm. Just a typical love story lang Gemma, pero may twist may action din kasi siya at naging intersado rin ako noong binasa ko ang summary niya kaya kinuha ko siya." Sabi niya sa akin.

Nagpatulyo lang kami sa paglalakad ni Gail habang nag kwe-kwentuhan ng kung ano ano hanggang sa nakarating na din kami sa wakas sa library. As usual isang typical na library ang nandito, madaming books pero kalimitan lang ang mga estudyante ang nandito. Kadalasan yung mga mahihilig lang talaga sa libro ang mga nandito. Yung mga mahihilig magbasa. Minsan mga nerds o mga grade concious o hindi kaya ay ang mga kagaya naman ni Gail na isang bookworm.

"Tara na Gemma." Bigla akong napalingon kay Gail.

Tapos na pala niya isauli ang librong hiniram niya. Tumango lang ako at saka sabay naming nilisan ang library. Bago kami tuluyang makaalis ay may nahagip ang aking mga mata.

"Teka lang Gail." Bigla kong sabi kay Gail.

"Huh? Bakit Gemma? May problema ba?" Tanong niya sa akin.

"Wala naman, pero siya meron." At saka ko tinuro yung taong nakita ko.

Nagkakahulog ang mga librong dala dala ng isang babae, she's familiar. Habang nahuhulog ito ay kinukuha naman niya ulit ang mga libro niya pero hindi pa siya nakakaalis ay may iilang estudyante na binubully siya kaya tinutulak yung babae o hindi naman ay pinapatid siya.

"Kawawa nga siya Gemma." Sabi naman ni Gail.

Tumango tango lang ako.

At hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong lumapit sa kanya at tinulungan siyang pulutin ang mga librong nahuhulog na sa daan.

"Here oh." sabi ko sa kanya.

Inangat naman niya ang mukha niya. Nginitian niya ako at nagpasalamat. Iniisip ko kung saan ko siya nakita at maya maya ay naalala ko na siya yung babaeng tinulungan ko last time dahil binubully sya nung mean girls.

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now