-39-

79 0 0
                                    

Chapter 39: Girlfriend

Gemma POV.

"Rise and Shine! Pinsan! Gising ka na, umaga na oh." Tinitingnan ko si Sheya habang kinakausap, tulog pa din sya.

"Pinsan, hindi ka pa ba napapagod matulog? Lagi ka nalang nakahiga sa kama mo. Gumising ka na, gusto ko na umuwi." Tiningnan ko si Prei na mahimbing pa din ang tulog. Nasa kabilang kama ito at may kaunting benda lamang sa kanyang kamay.

Beep. Beep. *tunog ng phone yan hindi busina ng jeep haha.*

<Reminder: At his office>

"Pinsan, kailangan muna kita iwan, hayaan mo nandito naman si Prei, kaso nga lang tulog pa siya, pero may guard naman dito sa hospital. Hindi ka na mapapahamak." Sabi ko dito, kahit alam kong tulog ito, pero hindi naman natutulog yung pandinig natin eh, kaya alam ko na naririnig pa rin niya ako. At sana sa pagbalik ko ay gising na nga siya.

"Magpagaling ka na Sheya." Huling sabi ko sa kanya bago tuluyan nilisan ang kwarto nito kung saan naroon rin si Prei.

Sana nga gumaling na si Sheya. Haayyy kung nandito sana si Gail ngayon, may kasama sana ako sa pag-aalaga kay Sheya. Kaso isa din yun eh, hindi nagpapakita si Gail at parang hindi na kami nito kilala. Siguro nabagok ito at nagka amnesia.

"Omo! Baka nga may amnesia si Gail." Ano ba naman ito. Una si Gail, tapos ngayon ang pinsan ko naman. Namimiss ko na yung bonding naming tatlo.

Binilisan ko ang paglalakad pababa ng hagdan, nasa third floor kasi ang kwarto ni Sheya, at kailangan ko magmadali dahil baka mangain yung monster na yun pag hindi ako sumipot.  Kailangan ko makarating doon bago mag alas dyes, at ilang minuto nalang malalate na ako pag hindi ako nagmamadali.

"MISS!" Bigla ako napatigil at napalingon dahil feel ko ako iyong tinawag. Napakunot ang noo ko sa lalaking naka sumbrero at naka sunglass, yung totoo, wala naman sya sa beach bakit ganun ang attire niya?

"I think this is yours." Nakita ko naman ang inabot niya sa akin na bracelet. Napatingin ako sa kamay ko, at wala na nga yung sout-sout kong bracelet na bigay sa akin ni Dad.

"Paano napunta sayo yan?" Nakita ko lang itong ngumiti at saka ako nilapitan.

"It doesn't matter. Here. Just always be careful. Princess.." Sabi nito at saka ako tinalikuran. Tatawagin ko pa sana ang lalaking naka sunglass with matching naka sumbrero pa, kaso ang bilis niyang mag-lakad. Nagmamadali siguro.

Nagpatuloy nalamang ako sa paglalakad at tiningnan ang bracelet na binigay niya sa akin. Nakakapagtaka kung bakit napunta ito sa kanya. May hukos-pukos ata iyong lalaking 'yun.

Dali-dali akong sumakay ng taxi nang mapatingin ako sa relo ko. Omo! Limang minuto nalamang at alas dyes na!

"Manong, medyo pakibilisan naman po at nagmamadali po ako.." Sabi ko kay kuya taxi driver. Tumango naman ito at saka pinaharurot ang sasakyan.

Halos ilang ulit ko na ata minura si manong sa utak ko dahil sa over speeding niya! Ang sabi ko lang naman sa kanya ay bilisan niya ang pagmamaneho, hindi ko naman sinabi sa kanya na mag over speeding siya sa pagmamaneho at lalo na hindi ko naman sinabi sa kanya na mang o-overtake siya! Haist. Buti nalamang at nakarating kami ng safe at higit sa lahat buhay ni manong!

"Maam, nandito na ho tayo." Napatingin ako kay manong.

"Salamat manong! Mag-iingat po kayo sa pag dra-drive. Paalam!" Saka ako nagmamadaling pumasok sa malaking building.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Aug 14, 2017 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu