-22-

224 3 0
                                    

Chapter 22: Holding Hands.

Gemma' POV.

Napapikit nalang ako habang hila hila niya ako sa paglalakad. I take a deep breath dahil kahit anong hila ang ginagawa ko para makawala lang sa pagkakahawak niya ay hindi ko magagawa dahil sa sobrang higpit ng hawak niya sa mga kamay ko na kulang nalang ay madurog ito.

"Dude, hinay hinay lang. Parang natatae na itong si Gemma eh." Bigla naman akong napatingin ng masama kay Slate na nasa di kalayuan ko lang.

Mahina lang itong tumatawa habang nakasunod sa amin. Ayaw ko man itong gawin pero wala na ako magagawa. Pero.. pero.. Aish! Bakit kailangan pa niya akong hawakan sa kamay ko? Takot ba syang takasan ko ulit siya?

I just roll my eyes sa mga naiisip ko. Sabi nga niya hinding hindi ako makakatago sa kanya. So bakit naman niya maiisip yun? Psh eh wala pa ngang isang linggo eh nakita na niya ulit ako! Grabe Gemma! Tanga tanga mo talaga magtago, pambihiara sa lahat ng pinuntahan mo yung Tambayan pa nila ang napuntahan mo.

Yeah. Yun ang sabi sa akin ni Slate kanina. Tambayan nila iyon pero hindi lang daw sila ang nandoon, tatlo daw sila but hindi pa daw umuuwi yung isa sa kanila and ewan ang wierd niya hindi ko gets kaya ayaw ko nalang ikwento yun. Basta Tambayan daw nila iyon! Tapos!

"Omg! Look Gurl diba si sya yun?" Narinig kong may nagbubulungan sa hindi kakayuan.

Papatungo kasi kami ng Canteen dahil hindi pa daw sila kumakain, eh bakit ba ako din naman hindi nakakain masyado sa bahay.

"Omy! Siya nga! Ang hot talaga niya pati ang kasama niya ang Cute!"

"Waaa Girls look si Zane yun diba at si Slate? Papunta sila dito!"

"Omg Nandito ang Prince Charming ko!"

Tsk. Iilan lamang iyan sa mga bulong bulongan na naririnig ko. Actually papasok na kami ngayon sa Canteen. At hanggang ngayon nakahawak pa din siya sa mga kamay ko kaya hindi ko rin maiiwasang makarinig ng mga palakang echosero sa tabi tabi.

"Wew sino naman kaya yang kasama nila? At saka look magkahawak kamay pa sila."

"Girlfriend ba niya yun? Pero hindi naman mas hamak na maganda ako sa kanya"

"Hmp! Hindi naman sila bagay, kami lang ang bagay ni Zane."

"Ang Feeler naman masyado ng babaeng iyan at nilalandi pa ang Zane baby ko."

"Panget panget naman nyang kasamang babae nila, sana ako nalang sinama nila mas hamak na magada naman ako."

"Psh." Iyon nalang ang nasabi ko sa mga naririnig ko.

Mas lalo pang hinigpitan ni Zane ang pagkakahawak sa kamay ko kaya hindi ko rin maiwasang masaktan. Ang sakit sakit kaya ng pagkakahawak niya, gusto niya bang madurog ang mga kamay ko!

"A-aray!" Mahina lang ang pagkakasabi ko pero biglang natigilan si Zane at saka tiningnan ako.

Maya maya ay naramdaman ko nalang na medyo lumuluwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi pa rin niya ito binibitawan. Pero ok na rin iyon kaysa naman halos durugin na niya iyong kamay ko, kawawa naman pag mawalan ako ng kamay!

Wala pa namang mabibiling kamay sa kung saan para mapalitan ang kamay ko kung sakaling madurog ito at maputol sa kakahila niya at sa pagkahihigpit ng hawak niya.

"Psst." Napalingon ako at nakita ko sa di kalayuan sina Gail.

Si Gail at Prei ay nakangiti sa akin at kumakaway pa ito sa bandang kinaroroonan ko samantalang si Sheya naman ay parang gulat na gulat sa nakikita niya.

Shut Up or I'll Kill You! #Wattys2017Where stories live. Discover now