KABANATA 30 - NEW BORN BABY

54.2K 1K 39
                                    

KABANATA 30
NEW BORN BABY







Rico



MAGBUHAT NANG ARAW na magtungo kami sa isang restaurant ay hindi na rin lumilitaw ang Mr. Vega na iyon na pinagpapasalamat ko. Sobra ang inis ko sa lalakeng iyon dahil halikan ba naman ang asawa ko sa harap ko. Kung naabutan ko iyon ay hindi ko siya palalagpasin kahit pa mawala ako sa posisyon ko.



"C'mon, Tanda, giling pa,"



Narito kami sa bahay ni Bettina at dahil nga apat na pong linggo na o siyam na buwan na niya ay nag-eehersisyo siya para kapag nanganak siya ay malakas siya. Pero hindi naman sinabi ni Docktora na pati ako ay kasama.



May sayaw para sa mga buntis na nakasalang sa DVD at TV na siyang pinapanood at ginagaya ni Bettina. Pero sa klase ng pagkagaslaw ng kilos niya ay parang hindi manganganak na kung sumayaw ito. Dinamay pa ako. Mabuti na lang at wala sila Mama dahil namalengke sila. Naghahanda na din ang pamilya ko para sa panganganak ni Bettina.



Napahawak ako sa bewang ko at napapahid ako ng pawis dahil ang sakit na ng bewang ko kakasayaw. Mas nakakapagod pa ito kesa sa naging training ko sa kampo..



"P-Pahinga muna tayo, Mahal,"



Naupo ako sa sofa at hingal na hingal na pumikit. Grabe, kapag wala akong pasok o maaga akong nakakauwi ay ganito ang pinagagawa sa akin ni Bettina. Lagi na lang tuloy masakit ang bewang ko kakasayaw. Kapag nakita ito ni Joey, tiyak na kantyaw ang aabutin ko rito. Si Bettina lang ang nakakapagpasayaw sa akin ng ganito.



"Tanda, sayaw pa tayo."



Hinawakan ko ang bewang niya at dumilat ako nang maupo siya sa kandungan ko. Mabigat na rin siya dahil malaki na ang tiyan niya. Hinaplos ko ang tiyan niya at hinalikan.



"Tama na, baka masobrahan ka na. Magpahinga na tayo at ako'y pagod na pagod na," sabi ko habang hingal na hingal.



"Hindi naman nakakapagod. Sasandali pa nga lang, e."



Napailing ako at kinuha ang towel. Pinunasan ko ang pawis niya sa noo at sa braso.



"Sasandali ka d'yan. Kaninang umaga pa tayo nagsasayaw. Tanghali na."



Sasagot pa sana siya nang bumukas ang pinto at narito na si Mama.



"Oh, hanggang ngayon ay nagsasayaw pa rin kayong mag-asawa?"



Nagpupunta rito si Mama para makatulong ko ngayon dahil nga manganganak na si Bettina. Mamaya ay kailangan nang dalhin sa hospital si Bettina dahil baka mamaya ay manganak na siya. Nakalipat na kami ng bahay at malaki ito para sa amin, pero iyon ang gusto ni Bettina kaya sinunod ko lang.



Halos kulay pink lahat ng gamit, pintura ng bahay, at pinto. Nakakabakla lalo na kapag may bisita akong mga kapwa pulis nung nagpabendisyon kami ng bahay. Nakita nila na puro pambabae ang gamit. Napapakamot na lang ako ng batok. Pero masaya na ako kapag nakikitang ganado si Bettina na mag-ayos ng bahay kapag sunod sa gusto niya. Pinagtulungan rin naming iayos ang kwarto ng magiging anak namin. Ako ang nag-ayos ng higaan ni Baby, at si Bettina ang naglagay ng kung anu-anong kaartehan sa mga dingding.



"Heto kasi Mama, ayaw pang magpaawat. Humihirit pa nga," sabi ko kaya natawa ako nang hampasin niya ako at sabunutan.



"Bakit ba? E, sa gusto ko pa," giit niya at kinagat ang leeg ko kaya napangiwi ako.



"Shit! Tama na, mahal, baka magkarabies ako ng maldita."



"Heh! Kainis ka!"



Ambang tatayo siya ay pinigil ko at masuyong pinaupo ko ulit siya. Ngumiti ako pero umirap lang siya. Hinimas ko ang tiyan niya na kay laki. Tuwang-tuwa ako kapag hihimasin ko dahil hindi ko akalain na talagang lalaki ng ganito ang tiyan niya. Alangan naman sa katawan niya dahil parang ganoon pa rin ang katawan niya na nagkaroon lang ng kaunting laman ang braso.

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now