KABANATA 27 - BAD MOOD

44.4K 1K 40
                                    

KABANATA 27
BAD MOOD




Bettina

NGAYONG ARAW AY papasok na ako sa boutique kaya hatid ako ni Tanda. Pareho kaming inaantok dahil inuna pa kasi namin ang kalandian namin kesa matulog.

"Susunduin kita mamaya," aniya habang papasok kami sa boutique. Binaba ko sa couch ang bag ko at tiningnan siya. Nililibot niya ang tingin sa boutique ko. Ngayon lang kasi siya nakapunta rito dahil yung sa Maynila lang ang nakita niyang boutique branch namin.

"Okay, I'll call you," tumingin siya sa akin at lumapit.

"Kailangan ko nang umalis. Kumain ka sa tamang oras, ha?" tumango ako.

"Sige na, babalik ka pa sa Santa Iñez.. Mag-iingat ka."

Hinalikan niya ako sa labi at yumuko siya bago himasin ang balahibo ni Baby Chowchow na isinama ko rito.

"Sige, mauna na ako."

Ngumiti ako at kumaway. Ngumiti siya at tumalikod na para lumabas. Nang makalabas siya ay naupo ako sa sofa at sumandal. Inaantok pa ako at parang wala akong ganang kumilos ngayon. Napatingin ako kay Baby Chowchow at kinuha ko ito mula sa sahig.

"Tayo muna muli ang magkasama dahil wala si Daddy Tanda."

Tumahol ito kaya napangiti ako at binaba siya. Tumayo na ako at huminga ng malalim. I need to work hard. This is my new  resolution.

-

Rico

Pagdating ko sa headquarters ay nakita ko na nakapalibot sila Joey kay Alex. Napatingin sila sa akin nang marinig ang yapak ko.

"General," Bati nila kaya tumango ako at sinaluduhan sila.

"Tila nagkakatuwaan kayo?" tanong ko at humawak sa balikat ni Joey. Parang walang tama, ah.

"Pre, dahil bago lang si Alex dito at dahil sa idea niya para malaman ang pinagtataguan ng mga kidnappers; naisip namin kung bakit hindi tayo lumabas mamaya para magrelax man lang at tanggapin bilang isa nang pamilya sa team si Alex."

Napatango ako, "Ayos lang, pero kayo na lang muna. Pass muna ako."

"Ay, wag ganoon, Pre. Nakakahiya kay Alex," ani ni Joey.

Tumingin ako kay Alex na tipid na ngumiti at medyo napayuko. Napahinga ako ng malalim.

"Sige, pero saglit lang ako."

"Okay na 'yan, kesa wala ka," napailing na lang ako kay Joey. Kahit kailan, napakahilig sa inuman.

"Sige, magsimula na kayo sa trabaho niyo at mamaya na lang pag-usapan ang paglabas natin."

Iniwan ko na sila at tinungo ko ang opisina ko. Napabuntong-hininga ako na naupo sa swivel chair ko. Ayoko sanang sumama dahil antok na antok talaga ako at susunduin ko pa si Bettina, pero nakakahiya namang tumanggi dahil nakasanayan na ng team iyon kapag may bagong member ng team.

May kumatok..

"Pasok!" sabi ko at binuksan ang drawer. Nilabas ko ang mga ballpen ko at pinili ang malakas ang tinta.

"General,"

Napatingin ako kay Alex na siyang kumatok. Pinapasok ko siya at tiningnan.

"Bakit, Alex?" tanong ko at kinuha ang book record.

"General, salamat sa pagtanggap sa akin. Masaya pala magtrabaho rito. Nung una ay kinakabahan ako dahil baka mahirapan akong makasundo ang mga kapwa ko pulis na ahead sa akin ang antas sa tungkulin, yun pala ay nagkamali ako ng akala."

Ngumiti ako at tiningnan siya, "Wala iyon. Mababait ang team ko kaya hindi ka maiilang sa kanila. Basta kaya mong sabayan ang trip nila ay makakasabay ka sa kanila kahit pa iba-iba pa ang ranggo ng bawat isa."

Ngumiti siya at lumapit pa sa table ko, "Nakita ko ang pinta ng babae sa pader. siya ba yung nakaisip na kulayan ng pink ang headquarters?"

"Oo."

"Ang ganda-ganda niya. Pero siguro bata pa iyon dahil bata pa ang tingin ko sa mukha niya sa pinta."

Tumango ako at hindi na sinagot iyon. Bata pa naman talaga si Bettina.

"Sya ba ang asawa mo?" tanong niya.

Tiningnan ko siya muli mula sa pagtingin ko sa record ng mga kriminal. Sinusulat ko ang pangalan ng kidnappers base sa binigay na print paper ng pangalan nila.

"Oo."

"Pasensya na sa tanong, General. Pero ilang taon na ba sya? Para kasing malayo ata ang agwat niyo."

Natawa ako dahil parang nag-aalangan pa siyang itanong iyon.

"Disi otso pa lang siya."

"Bata pala siya sa inyo. Pero paanong nagkagustuhan kayo sa layo ng edad niyo?"

Sumandal ako sa sandalan ng kinauupuan ko. Tiningnan ko siya at tinigil ang ginagawa ko.

"Sabihin natin na siya ang unang babae na sobra akong nagandahan at nagustuhan. Mahabang kwento pero masasabi ko lang na kakaiba siya kaya siya ang minahal ko nang sobra."

Napatango siya at napatikhim, "Ganun pala,"

"May tanong ka pa?"

Nawala siya sa iniisip, "Huh?"

"Sabi ko may tanong ka pa?"

"Ah, wala na, General. Kaya pala ako narito ay nais ko sanang ibigay ito sa inyo. Napansin ko na mahilig kayo sa pen. Bilang pasasalamat ko iyan sa inyo bilang bagong member niyo."

May nilapag siyang ballpen case at tila mamahaling pen iyon.

"Hindi na. Dahil hindi ako tumatanggap ng mahal na regalo kung wala namang okasyon."

"Sige na, General. Hindi ko na kukunin iyan. Bigay ko na 'yan. Sige, trabaho na po ako."

Agad siyang tumalikod kaya napahinga ako ng malalim at napailing. Kinuha ko ang bigay niya at binuksan ang case. Isang mamahaling sign pen.

Tinabi ko na lang ito sa drawer at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Sa buong maghapon na trabaho ay nasa opisina lang ako. At lalabas lang para kumain at makisabay sa team. Hindi ko tuloy namalayan na oras na pala ng team blow-out.

"Pre, tara na," nagmamadaling aya ni Joey.

"Oo, heto na," sinuot ko ang jacket ko at sumbrero.

"Doon na lang tayo sa club. Mura lang beer doon."

"Bahala kayo, saglit lang naman ako."

"Magpaalam ka na lang kasi kay Bettina na lalabas tayo ng team. Maraming tauhan ang mga Ford kaya may susundo doon at ihahatid pauwi sa inyo."

"Hindi na. Nangako ako na susunduin ko siya kaya baka mainis na iyon sa akin.."

"Under ka ata, Pre. Baka masanay iyon, sige, ikaw rin."

Inilingan ko siya at hindi na pinansin. Gamit ang owner ko ay sumakay ako kasama si Joey, Alex, baste, at Acosta. Ang iba ay naiwan sa headquarters dahil sila ang nakaduty sa gabi.

Sa club na tanging inuman at kantahan lang ang offer kami nagtungo. Mabuti na itong ganitong klaseng club kesa may ginagamit pang babae para masiyahan ang mga lalake na hindi naman tama.

Pagpasok namin sa club ay marami na agad tao. At may kumakanta na. Sinakop namin ang mahabang lamesa at naupo kami sa limang silyang naroon. Katabi ko si Joey at Alex. Habang sa kabilang parte ay sila Baste.

Umorder sila ng iinumin at kakainin namin. Habang ako ay nilabas ang phone ko. Walang text si Bettina kaya napahinga ako ng malalim. Nag-iisip ako kung sasabihin ko ba na sandali na iinom lang ako at susunduin ko rin siya. Kaso baka pagdudahan ako no'n.

"General, anong sa inyo?" tumingin ako kay Alex.

"Kahit na ano. Busog pa naman ako," tugon ko at binulsa ang phone ko. Ngumiti si Alex at tumango bago umorder sa waitress.

Tumingin ako sa mga kumakanta at magagaling dahil naiindak pa ang mga tao rito sa saya ng kanta.

Nang dumating ang inorder na beer ay agad na sinalin nila Joey sa pitsel na may yelo..

"Dahil pare ikaw ang general. Sa'yo ang unang tagay," ani ni Joey at binigay sa akin ang baso na may lamang beer.

Kinuha ko at tinaas ng kaunti bago ko nilagok. Ang pait at ang tapang. Napapalakpak pa sila nang maubos ko.

"Para sa'yo 'to, Alex. Para sa bagong member ng team,"

Tinaas ni Joey ang baso nang sa kanya naman napunta ang tagay. Nilagok niya ng diretso ang lamang beer. Dumating na rin ang pulutan at nagpaikot-ikot na ang baso. Tumikim ako ng adobong kambing at masarap dahil maanghang at malambot ang karne. Tamang-tama sa iniinom naming alak.

Nang sa akin muli natapat ang baso ay nilagok ko iyon..

"Alam niyo ba na marunong kumanta si Alex," sabi ni Joey na si Alex ang napagtripan.

"Haha Lieutenant, hindi naman masyado. Slight lang," natatawang sabi ni Alex.

"Sample nga!" sabi ni Baste.

"Sige," tumayo si Alex at agad ko siyang nahawakan sa braso nang tila matutumba siya.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

"Oo, General. Nabigla lang ako sa pagtayo," tumango ako at binitawan siya. Naglakad siya patungo sa maliit na stage kung saan kumakanta ang kaninang mga performers.

"Hanep din sa ganda at sexy ni Alex. Nakakapagtaka na wala siyang boypren. At bonus pa marunong siyang kumanta."

"Ikaw, may Mariz ka na pero pumupuri ka pa ng ibang babae."

Hinawakan ako sa balikat ni Joey at tinapik-tapik niya..

"Ikaw Pre, hindi ba ang ganda at sexy naman talaga ni Alex. Hindi naman masama na pumuri ako kung totoo naman."

"Ewan ko sa'yo," kumuha ako ng pulutan at napatingin kami kay Alex nang tumugtog na ang intro ng kakantahin niya.

Kaba by Tootsie Guevara

"Di ko malaman ang nadarama
Sa tuwing ika'yaking nakikita
May kungano sa damdamin
At abot-abotang kaba
Sa araw-araw ay nagtataka?
Ang puso kong ito, o bakit ba?
Ang kilos ko'y nababago
Na halos naandiyan kana"

"Whooa!!" sigaw ni Joey nang magsimula nang kumanta si Alex. At masasabi ko na magaling siyang kumanta at parang anghel kung kumanta.

"'Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip
O bakit ba ikaw ang siyanglaging laman nang isip ko
Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama anong kaba"

Enjoy na enjoy ang mga tao sa club at maging sila Baste. Halos kay Alex ang buong atensyon at inaamin ko na nakakaenganyo siyang panoorin. Parang astig na babae na hindi mo akalain na may malaanghel na boses.

"Pre, ikaw ata ang kinakantahan," bulong ni Joey.

"Tumigil ka nga," inilingan ko siya dahil gumagawa na naman ng kwento si Joey. Nilagok ko ang alak nang matapat na sa akin ang baso.

"Aminin mo, Pre, ang lakas ng appeal niya at chic na chic."

"Oo," sagot ko at sa kanya naman nilahad ang baso.

"Paano mo kaya ako mapapansin?
Malaman mo kaya ang aking damdamin? Ano ang dapat sabihin nang puso kong may pagtingin?
Sa araw-araw ay nagtataka?
Ang puso kong ito, obakit ba?
Ang kilos ko'y nababago
Na halos naandiyan kana

'Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip
O bakit ba ikaw ang siyang laging laman nang isip ko
Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama anong kaba"

Tumingin ako kay Alex at ngumiti siya kaya tumango ako at nagthumbs-up. Hanggang sa matapos ang kanta niya ay puno ng papuri ang natanggap niya.

"Wow! Ang galing mo pala, Alex!" sabi ni Acosta nang makabalik si Alex sa lamesa namin.

"Thanks. Nakakahiya nga dahil ngayon lang ako kumanta sa harap ng maraming tao. Mabuti naman at nagandahan kayo."

"Ikaw na, Alex. Ikaw na ang perpektong babae," lasing na sabi ni Joey.

"Salamat, Lieutenant,"

"Pati si Pare ay napahanga mo, 'di ba, Pre?" siniko ako ni Joey kaya tumango ako at tumingin kay Alex.

"Oo, magaling ka pala."

Ngumiti lalo si Alex at tumingin sa mga mata ko.

"Salamat, General."

Ngumiti ako at tumango. Ngayon ay sa kanya naman binigay ang baso. Kaya walang pag-aalinlangan na nilagok ni Alex ang beer.

"Pasensya na, pero aalisin ko lang ang uniform ko. Mainit kasi," sabi ni Alex.

Tumango naman ang mga siraulo kaya inalis ni Alex ang butones nang uniform niya. Nakita ko naman na nakasando siya kaya hindi ko na pinigilan.

"Whoo, hanep, Pre. Bilugan at malaman," bulong ni Joey sa akin nang mahubad ni Alex ang uniform niya sa pang-itaas. Nakasandong itim si Alex habang nakaparagan sa slack pants na pang babaeng police uniform. Ayos lang naman ang panananit niya dahil makapal ang sando.

"Tumigil ka, Joey. Babae din 'yan kaya wag mong binabastos."

"Ewan ko sa'yo. Mas malaki ng sobra ang b**bs ni Alex kumpara kay Bettina, pero parang kay Bettina ka lang ata naaakit."

"Syempre, hindi ako tulad mo na hindi nakokontento. Ano mang meron lang si Bettina ay sapat na sa akin."

"Nasasabi mo lang 'yan sa una, pero pagtagal baka maakit ka rin sa ibang babae."

Sinakal ko siya gamit ang braso ko pero biro lang iyon. Dinedemonyo kasi ako ng loko. Kaya talagang nagtataka ang iba kung bakit naging bestfriend ko ito.

"Tigilan mo ako sa pangdedemonyo mo, baka isumbong kita kay Mariz at makatikim ka ng sampal."

"Wag, Pre, titigil na ako," aniya kaya natawa ako at binitawan ang leeg niya. Napailing ako dahil takot din pala.

"General, ikaw na," tinapat sa akin ni Alex ang beer kaya tinungga ko at tumayo ako.

"Mauna na ako. Mahuhuli na ako sa pagsundo sa asawa ko."

"Pre, walang ganyanan. Maaga pa naman, another thirty minutes pa."

"Hindi na."

"Sige na, General. Nasa kainitan na tayo ng inuman," sulsol ni Baste.

Hinatak ako ni Joey kaya napaupo muli ako at inilingan sila.

"Saglit na lang, ha? Yari ako sa asawa ko."

"Hayaan mo muna ang asawa mo. Nag-iinuman lang naman tayo," sabi ni Alex.

"Alam mo, Alex, kaya ganyang taranta si Pare, binubugahan kasi ng apoy ni Bettina. Grabe kapag nagalit, damay-damay na kami."

"Selosa ba ang asawa mo, General?" tanong ni Alex.

"Sobrang selosa," sagot ko at natawa ako.

"Grabe naman pala. Hindi dapat siya magselos kung buo ang tiwala niya sa'yo at kung mahal ka niya," ani ni Alex.

"Ayos lang na selosa iyon. Mas gusto ko pa iyon dahil alam kong mahal niya ako kaya siya ganoon."

"Nakakabakla ka na talaga, Pre. Nasobrahan ka sa pagkahumaling mo kay Bettina," ani ni Joey.

Natawa ako at napailing, "Hindi mo ako masisisi. Nag-iisa lang siya sa mundo na may kakaibang topak."

"Sinabi mo pa. Oh, inom pa, Pre."

Nilagok ko ang beer na binigay ni Joey.

-

Bettina

Alas syete na pero wala pa ang hinayupak na matandang iyon! Lintek! Kanina ko pa tinatawagan pero hindi sumasagot. Kaya kesa maghintay pa rito ng isa pang oras ay tumawag na ako kay Joaquin para magpasundo.

Inis na inis ako at ewan ko pero kumukulo ang dugo ko na parang gusto kong maiyak sa galit nang hindi siya tumapad sa pangako niya.

"Mam, hindi ba kayo susunduin ng asawa mo?"

"Wag mo akong kausapin at baka sayo ko maibaling ang galit ko."

Natahimik siya kaya umirap ako at mahigpit na hinawakan ang phone. Plano ko pa naman na mag-dinner kami sa labas kaya nga hindi ako kumain para sabay kami. Pero tatlong oras na akong naghihintay sa boutique pero hindi pa siya dumadating at hindi ko makontak.

Hinimas ko ang balahibo ni Chowchow. Ayoko nang puntahan si Tanda sa headquarters dahil baka lalo lang akong mainis kapag nakita ko si Joey.

Pagdating sa bahay ng byenan ko ay bumaba na agad ako. Pinaalis ko na si Joaquin kaya agad din itong umalis.

"Oh, Bettina, hindi ka ba sinundo ni Dominic? At ginabi ka ata," bungad ni Mama. Bumeso ako rito at nakita ko sila Daniella na gumagawa ng homework.

"Hindi ko po alam sa anak niyo. Sige po, palit lang po ako nang suot."

Tumango ito kaya umalis na ako sa harap nila at tinungo ang kwarto namin ni Tanda. Inis na binalibag ko sa kama ang bag ko at binaba ko sa sahig si Chowchow.

Huminga ako ng malalim at pinatay ang phone ko. Mauunawaan ko sana kung tumawag o nagtext siya na gagabihin gaya nang ginawa niya kahapon. Pero ngayon ay walang tawag o text. Gagabihin pala siya, edi sana sinabi niya para hindi ako naghintay nang matagal at nalipasan ng gutom.

Nagpalit ako ng damit na pambahay. Yung mga binili niya sa akin sa market. Nilabhan niya ito at tiniklop. Ginulo ko ang damitan dahil sa sura sa kaniya. Bahala siyang mag-ayos nya'n.

Lumabas ako ng kwarto at napatingin sa akin ang tatlo.

"Hindi pa po ba tayo kakain?"

"Oo, nakahain na ako, anak. Pero hintayin muna natin si Dominic."

"Wag na po nating hintayin, baka gabihin ho siya ulit."

Tumango si Mama na naguguluhan ang mukha. Nauna na akong magtungo sa kusina at naupo sa upuan ko. Nagsiupo na rin sila at tila ba nagpapakiramdaman.

Binuksan ni Mama ang takip nang ulam at halos bumaliktad ang sikmura ko nang maamoy ko ang adobo.

Agad akong tumayo at lumapit sa lababo. Para akong masusuka pero wala naman.

"Ayos ka lang, Hija?"

"Opo, Mama. Nalipasan po kasi ako ng gutom kakahintay kay Tanda."

"Naku, uminom ka muna ng tubig. Ano kaya ang nangyari sa batang iyon at ginabi nang hindi man lang nagsabi sa'yo?"

"Hayaan niyo po siya."

Bumalik na ako sa lamesa at tinakpan ko ang ilong ko.

"Mama, pwede po bang alisin ang adobo. Wala po akong ganang makita iyan dahil lalo lang po akong nasusuka."

"O sige, anak. Daniella, kumuha na kayo ng adobo nang maibalik ko na ito sa kaldero."

Kumuha ako ng baboy sa masabaw at maasim na sabaw. Ewan ko kung anong tawag pero nagustuhan ko. Konti lang ang kinain ko at nagpaalam na ako na pupunta muna ng kwarto.

-

Rico

Hindi ko namalayan ang oras kaya halos mataranta ako sa pag-alis sa club. Kahit na nakaramdam ako ng konting hilo ay hindi ko ininda iyon at agad akong nagmaneho.

Shit! Alas otso na. Patay ako nito!

Lumiko ako patungo sa daan sa BF Island. Hindi ko alam kung nandoon pa kaya si Bettina. Hindi ko siya ma-contact. Kinakabahan tuloy ako.

Pagdating sa boutique ni Bettina ay patay na ang ilaw. Napabuga ako ng hangin at napahilamos ng mukha. Patay talaga ako nito. Anong sasabihin ko?

May bumusina kaya napatingin ako sa kotse at nang maging pamilyar sa akin ay bumaba ako ng owner at lumapit ako sa kotse. Nakita ko si Joaquin kaya sinilip ko ang loob dahil baka sakay si Bettina.

"Yari ka, Boy. Bumubuga na naman ng apoy si Ma'am. Tiyak na patay ka," pananakot ni Joaquin.

"Anong oras kayo umalis dito?"

"Alas syete. Nahatid ko na siya. At sinasabi ko sa'yo, magdasal ka na."

"Salamat, Joaquin. Magpapaliwanag na lang ako. Sige."

Bumalik na agad ako sa owner ko at pinaandar paalis. Napahigpit ang hawak ko sa manibela at napahagod sa buhok ko. Nawala ang pagkalasing ko at napapaisip tuloy ako ng sasabihing magandang dahilan.

Lintek kasi sila Joey. Sabi nang aalis na ako, tuloy nahuli pa ako. Nasira ko na naman ang pangako ko. Shit.

Pagdating sa bahay ay humugot ako ng maraming hangin at bumaba ng sasakyan. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko sila Daniella na gumagawa ng homework.

"Bakit ngayon ka lang, Dominic? Hindi ka man lang nagsabi sa asawa mo. Hindi tuloy nakakain ng marami si Bettina sa galit sa'yo," sermon ni Mama.

"Napasubo lang sa inuman, Mama. Hindi ko napansin ang oras kaya nakaligtaan ko na susunduin si Bettina," paliwanag ko.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sa inumang ganyan. Kakakasal niyo pa lang ni Bettina ay nagkakagalit na agad kayo. At dapat ay hindi mo nakakalimutan ang asawa mo. Nalipasan ng gutom kakahintay sa'yo."

Napahawak ako sa batok ko at napabuga ng hangin.

"Pasensya na, Mama. Aayusin ko po ito. Hindi na mauulit."

"Wag mo sa akin sabihin, kay Bettina."

Tumango ako, "Sige po, Mama,"

Tinungo ko ang kwarto namin. Huminga ako ng malalim at pinihit ang pinto. Pagpasok ko ay nakita ko siya na nakahiga na pero nakatalikod at sa pader nakaharap.

Hinubad ko ang suot kong jacket at lumapit ako sa closet. Pagbukas ko ay halos mapanganga ako sa gulo. Bumagsak pa ang ibang damit sa sahig kaya agad kong pinulot. Napahinga ako ng malalim at hinanap ang damit ko.

Tumingin ako kay Bettina na alam ko siya ang may gawa ng magulong damit. Tila malala nga ang galit. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at naupo.

"Bettina," sinilip ko siya at hinawakan ang braso niya. Hindi siya umimik at hinawi ang kamay ko, "Pasensya na, naaya kasi ako nila Joey sa inuman. Nakaligtaan ko ang oras kaya nakalimutan ko rin na sunduin ka."

"Sa sahig ka mahiga, ayokong katabi ka," aniya sa malamig na tono.

"Maldita ko, pasensya na. Hindi na ako uulit. Patawarin mo na ako."

Naupo siya kaya napaayos ako ng upo. Hinarap niya ako at kita ko ang matalim niyang tingin kaya napalunok ako.

"Para saan ang inuman niyo?"

"Meron kasing bagong member sa team kaya nagkaayayaan lang," hinawakan ko ang kamay niya pero hinawi niya ang kamay ko.

"Lalake o babae?"

Napalunok ako muli, "Babae," napapikit ako nang sampalin niya ako.

"Maganda o hindi?"

"Maganda," sinampal niya muli ako.

"Kaya pala. Kumekerengkeng kang matanda ka! Ano, nakalimutan mo na ako dahil may kainuman kang maganda, ha?"

"Syempre, hindi, mahal ko."

Dinapa niya ako sa kama at naupo siya sa likod ko. Napangiwi ako nang pilipitin niya ang braso ko pataas.

"Sinungaling! Nakalimutan mo nga ako na sunduin, e! Alam mo ba na gutom na gutom na ako kakahintay sa'yo! Aayain pa sana kita nang dinner date pero hindi ka dumating! Lintek ka! Babaliin ko ang buto mo matanda ka nang mas umugod-ugod ka pa!"

"Hindi na ako uulit, mahal kong maldita. Si Joey ang sisihin mo dahil ayaw niya pa akong paalisin."

"Oo, yari din sa akin yang kaibigan mo. Kotang-kota na sa akin iyon, kaya humanda siya."

Napahinga ako ng malalim nang bitawan niya ang braso ko at umalis siya sa likod ko. Bumangon ako at tumingin sa kanya. Bumaba siya ng kama at tiningnan ako.

"Tiklupin mo yang mga damit at maligo ka dahil ang baho mo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng kwarto. Napayuko ako at napagulo ng buhok. Namang parusa 'to! Ang lupit niya.

Pero nakonsensya ako dahil nagutom siya kakahintay sa akin. Napahilamos ako ng mukha at mabigat na napabuntong-hininga. Kulang pa ang resbak ni Bettina. Alam ko na babawi yan bukas.

Inamoy ko ang sarili ko at hindi naman ako mabaho. Amoy alak lang. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Pumasok siya at nakita kong may dala siyang dog food ni Chowchow.

"Chowchow, palit kayo ng higaan ni Tanda. Sa tabi kita ngayon."

"Ano? Bettina naman, ikumpara mo ang higaan ng tao sa aso? Tingin mo ay kasya ako d'yan,"

Sa maliit na puppy dog bed nakahiga si Chowchow. Doon ako pinapahiga.

"I'm not talking to you, Old man," aniya.

"Hindi! Hindi ako aalis dito. Kaya mabahuan ka man sa akin ay wala akong pakialam."

Nahiga ako sa kama at sinakop ang buong pwesto ko sa kama. Pumikit ako. Ilang sandali rin ay naramdaman ko ang paglundo nang kama kaya alam kong umakyat siya. Napadilat ako at nalaman ko na lang na nakadapa na ako sa sahig nang bigla niya akong itulak gamit ang paa niya. Lumalagabog ang pagbagsak ko.

"Wag kang mahihiga rito nang mabaho. At ayokong katabi ka kaya sa sahig ka."

Bumangon ako at tiningnan siya. Hiniga niya si Chowchow sa pwesto ko at nahiga na rin siya. Napahilamos ako muli nang mukha sa konsumisyon.

"Akala mo ba malinis ang mga aso? Mas malinis pa nga ako. Tapos niyayakap at hinihiga mo pa sa kama natin."

"Argh! Umalis ka na nga lang sa harap ko. Ayokong makita ang panget at matanda mong mukha!"

Matapos niyang sabihin iyon ay nagtalukbong siya ng kumot. Napatingin ako kay Chowchow na tinahulan ako bago sumingit sa kumot at pumasok.

Manang-mana sa kamalditahan ng amo. Talaga naman.

© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now