KABANATA 11 - FIRST DATE

41K 1K 55
                                    

KABANATA 11
FIRST DATE


Bettina

ETUDE RESTAURANT?

Dito ako dinala ni Tanda pagkatapos namin sa simbahan. Parang hindi siya restaurant sa akin. Parang ang luma na niya pero very artistic na para kang nasa isang garden o kagubatan.

"What are we doing here?" tanong ko sa kaniya habang hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Narito tayo para kumain," aniya kaya napanguso ako.

"Hmm, is it safe to eat here?"

Lumingon siya sa akin at natawa. Pansin ko na palagi siyang nakangiti at nakatawa ngayon. Nung una ko siyang makilala ay more on serious type siya. At ang sungit-sungit talaga niya na hindi man lang ngumingiti, but now, I can see his smile.

"Oo naman," aniya at hinawakan ako sa likod habang sabay kaming maglakad.

Nakakita ako ng blanket na nakalatag sa damuhan at meron doon na basket na may lamang food.

"Safe ang pagkain dito. Dahil ang kakainin natin ay siyang paghihirapan nating kuhanin."

Napakuno't noo ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa reaksyon ko at hinila naman niya ako palapit sa dalawang folded chair. Sa tabi no'n ay may timba at fishing rod.

"Anong ibig mong sabihin?"

Inayos niya ng tayo ang folded chair at pinagpag niya bago ako pinaupo. Naupo rin siya at nilapit ang upuan niya sa akin.

"Walang tao rito sa paligid kundi tayo lang, kaya tayo rin ang magluluto ng huhulihin natin."

"What?!" napakuno't noo ako dahil hindi ko alam bakit niya ako dinala rito.

"Alam mo ba na ang restaurant na 'yan ay parang invisible ang mga tauhan d'yan," aniya habang ina-adjust ang fishing rod niya.

"What do you mean?"

"Kahit na kumuha ka ng alin man na nakapaligid dito ay pwede, pero kailangan na mag-iwan ka ng bayad sa cash box nila.. Kompleto ang gamit nila at dapat na kapag gusto mong magpa-reserve dito ay tatawag ka sa kanila para naigagayak na nila ang lahat ng kailangan mo."

"Paanong nasabi mong invisible ang tauhan dito?" naguguluhan ako.

"Kasi, sa telepono mo lang sila makakausap pero pagdating mo rito ay wala namang tao.. Parang ihahanda na nila ang kailangan ng customer para pagdating ng customer ay wala na sila.. Ewan ko ba. Nung una ay naguguluhan din ako, pero dahil sa mga nakasulat na sign board ay natutunan ko na rin."

Napatango ako at tumingin sa paligid. Napatingin ako sa puno at nakita ko na may sign board nga.

Bingwitin mo ang isdang kakagat sa pain mo. Dahil iyon ang handang mamatay para lang mapunta sa'yo.

Ang weird ng sign board. Parang may hugot. Pero in ferness, it's unique.

Tumingin ako kay Tanda at nakabagsak na sa tubig ang dulo ng fishing rod niya. Pumalumbaba ako at pasimple siyang tinitigan. He's so handsome and very manly. His serious face makes him more attractive.

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now