KABANATA 29 - DICE VON

56.8K 995 43
                                    

KABANATA 29
DICE VON








Bettina



NAKAKA-STRESS DIN ANG pagbabalik trabaho ko pagkatapos kong sugurin ang babae ni Tanda at malaman na buntis ako. Pero wala naman akong gagawin sa bahay kaya nagpumilit akong pumasok kahit ayaw ni Tanda.



Kumagat ako ng mangga na pinabili ko pa kay Joaquin dahil sinuggest iyon ng isang kasama ko rito sa trabaho, na isang designer at katuwang ko. At sobrang nagustuhan ko ang mangga na may sawsawang bagoong.



Nag-sketch ako ng gown at para naman ito sa magiging baby ko. Kahit na hindi pa malalaman ang gender niya ay gusto ko pa rin ng girl. Kaya gagawa na ako para maisuot ko sa kaniya kapag nailabas ko na siya.



"Ma'am, may customer tayo."



Napaangat ako ng tingin kay Alice nang pumasok siya sa opisina ko.



"Sabihin mo kay Louisa."



"Eh, Ma'am, kayo ang gusto ng customer. Pinapunta daw siya ni Ma'am Beatrice."



Nagtataka naman ako kung sino iyon pero binitawan ko ang lapis at ang kinakain kong mangga na may bagoong at tumayo ako mula sa pagkakaupo sa recliner ko.



"Sino daw sya?"



"Dice Von Santillan Vega daw po."



Napahinto ako sa sinabing pangalan pero agad din akong lumabas ng opisina ko at nakita ko kaagad ang isang matangkad na lalake na maangas ang porma habang nakataas ang buhok nito. May earring rin ito. Nakatayo siya habang nakatanaw mula sa salaming dingding kung saan ay kita ang dagat ng BF Island.



"What are you doing here, Mr. Vega?"



Parang slow-motion itong humarap habang may pinaglalaruan sa kamay na isang maliit na bola na malambot.



"Nakakatuwa at kilala ako ng isang famous Bettina Serina Ford."



Umirap ako dahil kilala ko ang kagaya niya. Mailap sa paparazzi kahit super sikat din ng pamilya nila na unfortunately ay kaibigan din ni Dad ang Dad niya, na si Mr. Damon Vega. Psycho ang lalakeng ito at ang lakas ng bad vibes.



"Anong ginagawa mo rito? Kelan ka pa pinaahon ni Santanas sa ibabaw ng lupa at magpunta sa ganitong boutique na alam ko na malabo mong puntahan?"



Naglakad siya palapit habang hinahagis-hagis niya ang bola sa kamay niya habang ang isang kamay naman ay nakasuksok sa bulsa ng pants niya.



Huminto siya sa harap ko at may kinuha sa bulsa ng suot niyang coat. Kasing edad ko lang itong si Dice pero matangkad siya para sa edad naming ganito.



"Gawin mo ang ganitong dress. Magbabayad ako kahit magkano basta gawin mo lang agad."



May nilahad siyang papel na nakatiklop, nang hindi ko kunin ay sapilitan niyang kinuha ang kamay ko at pinahawak sa akin ang papel na kinainis ko.



"Bakit sa akin? Hello, super famous na designer ang mommy mo. Kaya bakit sa akin ka nagpapagawa?"



Ngumisi siya, "Gawin mo na lang at gandahan mo dahil ayokong pangit tingnan yan sa susuotin ng pagbibigyan ko. Sige, babalikan ko iyan. Next week dapat ay tapos na," humalik pa siya sa pisngi ko kaya inis na pinahiran ko ito.



Tumalikod na siya at agad na lumabas ng boutique. Napahinga ako ng malalim at binuklat ang papel. Pang batang dress pa ito, ah?



Napailing ako dahil walong taon o sampong taon ang magsusuot nito base sa sketch ng dress sa papel. Nakasulat pa bawat sukat.

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now