KABANATA 14 - REALIZATION

41.9K 1K 18
                                    

KABANATA 14
REALIZATION







Bettina





NAPAHINGA AKO NG malalim nang makababa ako sa sasakyan ni Tanda. Huminto ako sa harap ng gate namin at hinarap siya. Medyo nagkaroon ako ng ilang dahil sa aksidenteng nakita niya ang halos balat ng katawan ko. Pero tila balewala naman sa kanya dahil kanina ay parang cool lang siya.




"Tanda," nais ko sanang sabihin sa kaniya ang pinakita sa akin ni Daniella sa laptop nito. Pero napailing ako dahil baka mapahamak siya kung mali naman kami ni Daniella ng hula.




"Bakit?"




Tumingin ako sa kaniya at lumapit. Tiningnan ko siya at umangkla ang mga kamay ko sa leeg niya.




"I love you," sabi ko na kinamaang niya. Ngumiti ako at tumingkayad para abutin ang labi niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko at pagsalubong sa labi ko. Gumalaw ang labi namin at napangiti kami sa isa't-isa bago nagbitaw.




"Mahal na din kita. Mahal na mahal," aniya kaya napangiti ako.




"Sige na, mag-iingat ka sa pag-uwi."




Tumango siya pero ayaw pa niya akong bitawan. Nilapit niya muli ang labi sa akin at muling sinakop ang labi ko kaya napatugon ako at pumikit.




"S-Sige na," ayaw pa niyang bitawan ang labi ko kahit na bumitaw na ako.




"Okay," napahinga siya ng malalim at binitawan ang bewang ko, "Kapag hindi mo nahanap ang phone mo, tawagan mo agad ako."




"I will."




Tumango siya at nag-flying kiss pa sa akin habang patalikod na naglalakad palayo sa akin. Natawa ako at napahalukipkip habang tinitingnan siya. Kumindat siya kaya napangiti ako at napailing.




"Pasok na. Baka may kitain ka pang iba," aniya kaya umirap ako na tinalikuran siya. Ang sigurista talaga ng matandang iyon. Anong akala niya sa akin may iba pa akong kikitain bukod sa ? Sinabihan ko na nga na mahal ko na siya, naghihinala pa rin at nagseselos.




Sinara ko na ang gate nang makapasok ako. Tiningnan ko siya na nakasandal sa sasakyan niya habang pinapanood na pumasok ako.




"Umalis ka na. Gabi na at baka mapano ka pa sa daan."




"Kaya ko ang sarili ko. Pulis ako, kaya sila ang dapat na matakot sa akin."




Napailing ako at pumasok na ako sa loob. Pagsara ko ng pinto ay nagulat pa ako nang bumungad si Yaya Lyn na namumuti ang buong mukha dahil sa nilagay niya na face mask.




"Yaya naman!"




"Gabi na, uwi ba ng matinong babae iyan? Mabuti na lang at hindi uuwi ngayon ang parents mo. Ang mga kapatid mo naman ay hindi rin dahil nandoon sa mga babae nila."




"Yaya, kela Tanda lang naman ako galing. Tsaka bakit hindi uuwi sila mommy?"




Lumakad ako patungong sala habang kasunod siya. Naupo ako sa sofa at bagot na sinandal ang likod ko.





"Ewan ko lang, basta tumawag lang na hindi sila uuwi at ako na raw ang bahala sa'yo."




"Okay."




"Kumain ka na ba? Ipaghahain kita," tanong niya.




"No need, Ya. I'm full. Kumain ako kela Tanda."

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now