KABANATA 18 - ONE MINUTE NON-STOP KISSING

43.9K 1K 5
                                    

KABANATA 18
ONE MINUTE NON-STOP KISSING






Rico




TINUNGGA KO ANG beer in can na hawak ko habang nakaupo sa terrace ng bahay namin. Mula nang iwanan ako ni Bettina na galit ay hindi ko na siya ma-contact. Pagkaalis na pagkaalis namin nila Mama sa villa ay hinatid ko muna sila sa bahay bago ako nagtungo sa BF Island para makita at makausap si Bettina.


Pero wala daw doon si Bettina at nasa Maynila dahil may shooting para sa commercial daw. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Pero parang nagsasabi naman ng totoo si Yaya Lyn.


Bukas ay may pasok na ako at sa makalawa na ang golden anniversary ni Chief. Tila mawawalan pa ako ng girlfriend at ka-date.


Sobra akong naiinis sa sarili ko dahil napairal ko ang pagseselos ko. Pagkaalis ni Bettina sa resort ay wala akong magawa kundi bumalik sa room namin dahil hindi ko naman pwedeng iwanan sila Mama. Nakasalubong ko pa ang gag* niyang ex.



"I'm sorry. Ikaw na nga ang mahal niya at hindi na ako. Hindi ko akalain na totoo ang sinabi ni Duke na kapag si Bettina ay nasaktan ay wala nga akong pag-asa pa sa kanya at madali lang niya akong makakalimutan. Wala pang ilang months nang magkahiwalay kami, pero agad niya akong nakalimutan ng ganoon kadali."


"Mabuti at alam mo. Dahil hindi sa'yo nakatadhana si Bettina. Akin na siya kaya wala kang karapatan na halikan ang girlfriend ko!"


Natawa ito habang nakapamulsa sa suot na pantalon. Napatiim-bagang ako.


"Galit siya sa'yo, I guess. Matakot ka, baka madali ka lang din niyang palitan."


Susugurin ko sana siya ng suntok pero tumalikod na siya. Napahinga ako ng malalim dahil ang kinakatakot ko ang sinabi niya na madali lang akong mapapalitan ni Bettina.


Hindi mangyayari iyon. Itataga ko sa bato. Bago pa makuha ng iba si Bettina ay sisiguraduhin kong walang makikinabang sa kaniya kundi ako lang.


"Rico, bakit naglalasing ka?"


Napatingin ako kay Mariz. Mula nang mawala ang Lola niya ay pansin ko ang pagbabago niya. Maiikli na ang sinusuot at nagpagupit din siya ng buhok habang palagi nang mapula ang labi sa lipstick na nakapahid.


"Wala, nagpapaantok lang."


Ngumiti siya at naupo sa tabi ko. Gusto ko sanang sabihin na umusog siya dahil masyado siyang dikit pero baka mapahiya siya. Kinuha ko ang beer in can at inalok sa kaniya.


"Thanks," hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya sa akin bago kuhanin ang beer in can.


"Kamusta kayo ng bata mong nobya? Tila hindi ko ata napansin kahapon iyon?" tanong niya.


"May shooting sa Maynila," tugon ko lang at nilagok ang natitirang beer in can na hawak ko.


"Ah, kaya pala. Alam mo, bakit hindi mo i-try na tumikim ng iba? Hindi ka pa ba nababagot dahil tiyak ako na hindi ka naman nakakaraos sa pang-araw araw mo kay Bettina."


Salubong ang kilay ko na napatingin sa kanya. Ngumiti siya na tila mapang-akit. Hindi ko na maunawaan ang kinikilos ni Mariz. Para siyang nagbago.


Tumayo siya at nabigla ako nang maupo siya sa hita ko patagilid.


"Mariz," hinawakan ko siya sa bewang para paalisin pero bago ko pa magawa iyon ay nabigla ako nang may humatak sa kaniya paalis.


"Gawain ba ng matinong babae iyan na kumakandong sa may nobya na, ha, Mariz?"


Nagulat ako kay Mama na seryoso ang mukha.


"I'm sorry, Tita,"


"Alam ko na may pagtingin ka sa anak ko, pero sana ay wag mong sirain ang sarili mo para maging desperada at akitin ang anak ko para makasira ng relasyon. Mabait, maganda, at alam kong disente kang babae, Mariz. Wag mong baguhin ang sarili mo para lang magustuhan ng lalakeng mahal mo."


Umiiyak na umalis si Mariz patakbo sa kanila. Napahinga ng malalim si Mama at hinarap ako habang nakapamewang.


"Ikaw naman, Dominic. Gusto mo pa bang magkaayos kayo ni Bettina?"


"Opo naman, Mama," sagot ko agad.


"Kung gano'n ay wag kang masyadong mabait sa ibang babae. Paano kung may makakita sa inyo at malaman ni Bettina? Ikaw na nga may kasalanan sa pagseselos mo, tapos ikaw pa itong nakikipaglandian sa ibang babae."


"Ma, hindi ko naman ginustong maupo si Mariz sa kandungan ko. Papaalisin ko na nga po sana pero dumating kayo.".


"Kaya nga. Ang ibig kong sabihin. Kapag may ibang babaeng lumalapit, ikaw na mismo ang iiwas. Paano kung makita mo si Bettina na ganoon? Anong mararamdaman mo?"


Natahimik ako at napalunok dahil maisip ko pa lang na sa iba nakakandong si Bettina ay para na akong sinisilaban ng selos sa dibdib ko.


"Tingnan mo, hindi ka makasagot. Ayusin mo ang sa inyo ni Bettina at gusto ko na siya ang makatuluyan mo, maliwanag ba, anak?"


Ngumiti ako at tumayo bago ko siya akbayan.


"Oo, Mama. Hindi ako titigil hanggang hindi kami nagkakaayos ni Bettina."


"Ganyan, tama iyan. O, siya. Ligpitin mo na ang pinag-inuman mo at matulog ka na dahil may pasok ka na bukas. Baka hindi ka maka-focus sa trabaho mo nya'n kapag puyat ka."


"Sige, Mama. Susunod na ako."


Tumango siya at nauna nang pumasok sa bahay. Naupo muli ako sa terrace at napatingin sa langit. Bigyan sana ako ng sign na patatawarin ako ni Bettina.


Maraming star at napangiti ako dahil nai-imagine ko si Bettina na isang bituwin. Isang magandang bituwin na napakaganda dahil sa kumikislap niyang ngiti. Miss ko na ang Maldita ko. Gusto ko na siyang makasama, mayakap at lalo na ang mahalikan. Hindi sumisigla ang araw ko kapag alam kong wala siya sa buhay ko.



Tumayo ako nang wala akong makitang sign. Napahinga ako ng malalim at tinapon sa basurahan ang mga latang walang laman. Ang iba naman ay binitbit ko papasok at nilagay sa ref.


Nahiga ako sa kama ko at pinatong ko sa noo ang braso ko. Pumikit ako at inalala ang mukha ni Bettina.


Napahinga ako ng malalim at napaupo. Napahilamos ako ng mukha dahil hindi ako makatulog. Kinuha ko ang phone ko at tinesting na tawagan muli si Bettina. Nang mag-ring ay para akong nabuhayan ng loob kaya agad kong tinapat sa tenga ko ang phone ko habang hinihintay na sagutin niya.


(Why?)


Napangiti ako nang sumagot siya. God. Namiss ko ang boses niya.


"Sorry na, Maldita ko."



Napahiga ako at napatakip ang braso ko sa mata ko.


(Bakit naman kita patatawarin?)


"Please.. Miss na miss na kita."


Napapikit ako ng mariin nang patayan niya ako. Napaupo ako at tumingin sa phone ko. Wala na siya sa kabilang linya. Napahawak ako sa mata ko para alisin ang luha sa mga ito. Napahilamos ako ng mukha at napahinga ng malalim.


-


Bettina



"Tina! Dali!"


Naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni Yaya Lyn. Hindi ko siya pinansin at kinuha ko ang unan para itakip sa tenga ko. Inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog sa paulit-ulit na pagtawag ni Dominic.


Panay ang sorry niya thru phone lang. Kaya hindi ko matatanggap ang sorry niya.


"Tina, dali!" pinalo ako sa pang-upo ni Yaya Lyn kaya napaupo ako habang inaantok na tiningnan siya.


"Yaya naman, e! Inaantok pa ako! Kainis naman kayo."


"Mamaya mo na ipagpatuloy iyan. May gwapo sa labas, dali!"


Napakamot ako sa pisngi at nanlalata nang hatakin niya ako paalis sa kama. Walang gana na nagpahila ako sa kaniya nang hatakin niya ako sa gawing veranda ko. Binuksan niya ang glass door at hinatak ako palabas.


Napatingin ako sa baba at natigilan ako nang makita si Dominic. Nakapolo na puti, pantalon, napakalinis at napakagwapo niyang tignan sa ayos niya. Napahalumbaba ako nang makita ko na may dala siyang gitara.


"Bettina, gusto kong sabihin ito sa'yo," aniya.


Umirap ako at tatalikod na sana ako nang tumunog ang gitara. Napatingin muli ako sa kaniya at nakatingala siya sa akin habang kinakalabit ang gitara.



(Pagbigyang Muli by Erik Santos)


Muli ay 'yong pagbigyan,
ako'y nagkamali,
Muli ay 'yong patawarin,
ako'y nagsisisi,
Alam kong ako'y nangakong di na mauulit pa
ako'y nagkamali sa'yo,
muli ay patawarin mo
Ako ba'y 'yong yayakapin?
nakaraa'y kayang limutin?
Magtiwalang muli
mahalin mong muli
magbalik ka sa'kin


Hindi ko akalain na magaling palang kumanta at tumugtog ng gitara si Tanda. Inaamin ko na lumambot ang puso ko sa message ng song ng gusto niyang sabihin sa akin.


"Ay, kay sweet naman palang binata ere. Gwapo na, maginoo pa," komento ni Yaya Lyn na kilig na kilig habang yakap-yakap ang sarili.


'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling,
'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin
Muli ay 'yong pagbigyan,
pag-ibig natin,
sabihin mo sa akin,
ang 'yong gusto'y susundin,
Magtiwalang 'di sinasadyang maging di' tapat sa'yo
Nakalimot nga ako, nangyari'y 'di ko ginusto...
Ako pa ba'y kayang yakapin?
Ang init nang halik sa akin, kaya bang ibalik?
Dama ang bawat saglit nang sakit ngayong wala ka na...



Ito lang naman ang hinihintay ko. Ang suyuin niya at ipakita na sobra siyang nagsisisi sa mga sinabi niya.


Muling mahalin,
'Di kakayaning ika'y mawala sa aking piling,
Muling tanggapin, muling mahalin
Ika'y magbalik, magtiwalang muli,
Muling ibalik ang pag-ibig na dati'y sa atin...
Pagkat...



Muling tanggapin...
Muling tanggapin...



Agad akong umalis sa veranda at patakbong lumabas ako sa kwarto ko. Nagmadali ako sa pagbaba at paglabas ko ay napaiyak ako at tinakbo ko ang pagitan namin ni Tanda mula sa gate.



Agad akong yumakap sa leeg niya at sumubsob sa leeg niya.


"Patawarin mo ako sa mga sinabi ko. Nagseselos lang naman ako. Miss na miss kita."


Napatango ako habang umiiyak. Niyakap ako ng mahigpit at binuhat kaya napayakap ang mga binti ko sa bewang niya.


"Miss na miss na rin kita," sabi ko at tumingin sa kanya. Napangiti siya at hinalikan ako sa noo.


"Hindi ka na galit sa akin?"


Napanguso ako at tumango, "Hindi ko akalain na haharanin mo ako. Ang ganda at ang galing mo palang maggitara."


"Bata pa lang ako nang turuan ako ni Papa na kumanta at tumugtog. Nang mawala siya ay talagang pinag-aralan ko talagang mabuti. Dito ko pala magagamit."



Sumubsob muli ako sa leeg niya at napangiti ako dahil sobra ko talaga siyang namiss.



"Mabuti naman at bati na kayo. Pumasok nga kayo rito at baka akalain ng mga napapadaan ay nababaliw kayo d'yan."


Natawa ako sa hiyaw ni Yaya. Tumingin ako kay Tanda at hinalikan ko siya sa labi na kinangiti niya.


"Wag ka nang magseselos, dahil kahit anong mangyari ay ikaw lang ang love ko."


"Oo, sisikapin ko. Ayoko nang hindi mo pansinin muli."


Bitbit niya ako habang bitbit niya sa isang kamay ang gitara niya nang pumasok kami sa loob. Bumaba na ako sa kaniya nang makapasok kami sa loob.


"Yaya, pakidalhan na lang kami ng food sa taas," sabi ko kay Yaya Lyn na kakababa lang galing sa room ko.



Hinatak ko si Tanda sa kwarto ko. Pagdating doon ay agad akong lumapit sa regalo ko sana sa kaniya na dapat ay ibibigay ko pagkauwi sana namin mula sa villa.


"Tanda, ito ang gift ko sana sa'yo nung birthday mo. Buksan mo."


Tinabi niya sa gilid sa tabi ng pinto ang gitara niya at lumakad siya palapit sa akin. Naupo ako sa kama at nag-indian seat habang nakahalumbaba at nakangiti na tiningnan siya na niluhod ang isang tuhod sa sahig.


"Buksan ko na?" tumango ako sa kaniya kaya sinira niya ang gift wrapper.


Pagbukas niya ay bumungad ang portrait niya nung bata pa siya. Na mismong kuha ng papa niya. At sinama ko rin sa portrait ang papa niya at pamilya niya.


Nakita ko na natigilan siya at napayuko kaya napatingin ako sa kaniya na nagtataka. Bumaba ako ng kama at nilapitan siya.


"Ayos ka lang, Tanda?"


Tumayo siya at nagulat ako sa pag-angat ng mukha niya ay umiiyak siya. Agad niya akong hinapit at niyakap ng mahigpit.


"Hindi ko alam ang ginawa ko kung bakit napakaswerte ko at ikaw ang unang babaeng minahal ko na minahal din ako pabalik. Mahal na mahal kita. Hindi na kita pakakawalan pa."



Sumubsob ang mukha niya sa leeg ko kaya hinaplos ko ang ulo niya habang nakatingkayad ako dahil hindi ko siya mayayakap kung hindi ko gagawin iyon.


"Swerte rin naman ako dahil mahal na mahal mo ako. Pagkatapos ng heartbreak ay hindi ko inaasahan na may new beginning sa lovelife ko."


Inalis ko ang yakap ko sa ulo niya at tiningala ko siya. Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang luha niya.


"Ang tanda-tanda mo na, pero iyakin ka pala. Pulis ka ba talaga?" sabi ko kaya natawa siya at pinisil ang bewang ko.


"Sa'yo lang at sa pamilya ko lang ako iiyak ng ganito. Pero sa iba ay hindi mo ako makikitang umiyak. At kahit pulis ay umiiyak rin, lalo na kung ang katulad mong babae ang pagbubuhusan ko ng luha ko."


Napangiti ako at umangkla ako sa leeg niya. Napakagwapong iyakin ang boyfriend ko. Pero pakiramdam ko ay napakaswerte ko dahil para sa akin ay astiging pulis na maginoo siya.


Hinapit niya ako sa bewang kaya halos wala nang space sa pagitan namin. Pumikit ako at tinanggap ang paglapat ng labi niya. Gumalaw ang labi namin at tumugon kami sa bawat isa. Sa sobra naming pagka-miss sa isa't-isa ay hindi namin mapigilan pareho na sabik na magpalitan ng halik.


Agad kaming nagbitaw nang may kumatok. Napatikhim kami pareho at napangiti sa isa't-isa.


"Maupo ka muna sa kama. Pagbubuksan ko lang si Yaya."


Tumango siya kaya umalis na ako sa harap niya para pagbuksan si Yaya.


"Kapag kailangan niyo ng kahit ano ay tawagin mo na lang ako."


"Yes, Ya," kinuha ko ang tray na laman ang breakfast meal ko at meryenda para kay Tanda.


Ngumiti sa akin si Yaya ng mapanukso at pasimpleng sinilip niya pa si Tanda sa loob ng kwarto ko.


"Kay gwapong binata naman ng pulis na iyan. Mabuti at pumatol sa'yo."


"Yaya!" ngumuso ako sa inis dahil parang sinasabi niya ay hindi ako kapatol-patol.


Natawa siya at kinurot ako sa tiyan kaya umiwas agad ako.


"Oh, sya-sya. Wag niyo nang paaabutin ng kinabukasan ang tampuhan niyo dahil iyon ang hindi maganda sa relasyon. At kita ko naman na sobrang patay na patay sa'yo si Rico."


Napangiti naman ako at napatango. Tinukso pa ako ng tingin ni Yaya bago umalis kaya napailing ako at gamit ang paa ay sinara ko ang pinto.



Lumapit ako kay Tanda kaya napatingin siya sa akin. Agad siyang tumayo at kinuha sa akin ang tray.



"Kumain ka na ba? Share na lang tayo," tanong ko at naupo sa kama. Nilapag niya sa gilid ko ang tray table at naupo siya sa kabila para mapagitna sa amin ang tray.



"Kumain na ako. Ayos na ako rito," aniya sa kape kaya napatango ako at kumuha ng tinapay. Inuma ko sa bibig niya ang pinilas kong tinapay at napangiti ako nang isubo niya iyon at isubo ang daliri ko.


"Tanda, isa!" saway ko dahil nilalandi na naman niya ako. Natawa siya kaya napailing ako pero napangiti din.


Kumuha ako ng itlog na prinito at sinubo ko. Ayoko ng rice sa breakfast dahil mas preferred ko ang bread, egg, and bacon. At syempre ang milk.


"Nasa Maynila ka ba talaga kahapon?" tanong niya kaya tiningnan ko siya at tinanguan.


"Oo, commercial shoot ko kasi kahapon."


Tumango siya at humigop ng kape, "Wala bang pumorma sa'yo doon."


Tiningnan ko siya dahil heto na naman siya. Pero tila seryoso siya sa tanong niya kaya napahinga ako ng malalim.


"Wala. Kahit meron man, hindi ko naman sila i-eentertain."


"Mabuti naman.. Oo nga pala. Aalis din ako agad dahil may pasok pa ako. Dumaan lang ako rito ng maaga para nga humingi sa'yo ng tawad."


Napatigil ako sa pagsubo sa breakfast food ko at tumayo na ako.


"Sige, mauna ka na at susunod na lang ako."


Inubos niya pa ang kape bago siya tumayo, "Ang tapang ng kape."


"Ganyan talaga magtimpla si Yaya. Gusto kasi ni Daddy ng matapang na kape."


"Kaya pala. Pa-kiss nga, para tumamis naman ang panlasa ko."



Sinakop niya ang labi ko kaya natawa ako at humalik din sa kanya. Nagbitaw kami at napangiti sa isa't-isa.


"Damn, sobra kong na-miss ang labi mo," aniya at muli akong hinalikan kaya napangiti ako lalo at tumugon sa halik niya.


"Sige na. Baka ma-late ka," ani ko sa pagitan ng labi namin.


"Okay," aniya at magkahawak kamay kami na lumabas ng kwarto ko habang bitbit niya sa isang kamay ang regalo kong portrait.


Paglabas namin ay hinatid ko siya sa sasakyan niya.


"Mag-iingat ka sa pagda-drive," sabi ko habang hawak niya pa rin ang kamay ko habang magkaharap kami.


"Oo, text mo ako kapag papunta ka na sa headquarters," aniya kaya tumango ako at ngumiti.



Binitawan niya ang kamay ko at kumindat pa sa akin bago tumalikod at sumakay ng sasakyan niya. Kumaway ako at nakangiti na hinatid siya ng tingin palayo sa harap ng bahay namin.



-



Rico




"Tila good mood tayo, Pre. Kumusta ang birthday outing? Nagamit mo na ba ang regalo ko?"


Napailing ako sa bungad ni Joey nang makapasok ako sa headquarters. Sumaludo sa akin ang mga tauhan ko kaya sumaludo ako sa kanila pabalik at pumasok sa opisina ko.


"Hindi ko nagustuhan ang regalo mo, Joey. Mabuti na lang at walang alam doon si Bettina."


Naupo ako sa swivel chair at kinuha ang folder na nakalapag sa table ko. Madami-dami na rin agad ang ire-review ko.


"Bakit, wag mong sabihin na wala man lang nangyari sa inyo? Fuck, Pre! May proteksyon naman kayo, kaya dapat ay sinamantala mo na. Twenty eight years ka nang virgin, boy."


Binato ko siya ng ballpen pero napailag siya at ngumisi.


"Kahit na. Bata pa si Bettina."


"Asus. Kung alam ko lang ay pinagnanasaan mo at naisip mo rin na gusto mong may mangyari sa inyo ni Bettina."



Hindi ko siya sinagot dahil sa huling namagitan samin ni Bettina sa villa ay kamuntikan na nga na merong mangyari sa amin.


"Ano, kahit na kamuntikan lang ay meron pa rin nangyari, no?" usisa niya kaya napahinga ako ng malalim at tumango bago napasandal sa swivel chair.


"Hindi ko mapigilan. Pero mabuti na lang at wala, dahil baka magdulot pa ng hindi maganda kung mangyayari iyon."


Malakas na napahampas sa lamesa ko si Joey habang gigil na gigil at nakangising nakatingin sa akin.


"Pre, it's your chance to have experience. At kapag nagkataon, tiyak akong pasasalamatan mo pa ako."


Napailing ako kay Joey at tiningnan muli ang laman ng folder.


"Hindi lang experience si Bettina para sa akin. Dahil kung gano'n ang pananaw ko, edi sana ay pumatol na lang ako sa ibang babae para maranasan iyon. Mahal ko iyon, kaya umayos ka."


Natawa si Joey at kunwari ay binaril pa ako gamit ang daliri niya.


"Tinamaan ng malupit."


Natawa ako sa sinabi niya at napatitig sa files na nasa harap ko.



"Ano ito? Bakit may files si Mariz dito?"


"Ah, Pre, hindi mo ba alam?"


Tumingin ako sa kaniya na naguguluhan, "Alin ang hindi ko alam?"


"Ni-rape din si Mariz ng grupong tinatawag na Dark Sun. Yung grupo at may leader na matandang lalake na nang-rape sa bata nung nakaraang linggo pa."


Napamaang ako at hindi makapaniwala. Napakuyom ako ng kamay dahil bakit hindi ko man lang alam? Kaya ba ganoon na lang ang pagbabago ni Mariz?



"At Pre, balita ko ay posibleng dumalo ang lahat ng mayayaman sa bayan natin sa golden anniversary ni Chief. Kaya maaari mong makita doon ang posibleng nakakahinala ang itsura na kayang mang-rape ng kababaihan."


Napakuyom ako lalo ng kamay at napasabunot sa buhok ko dahil bakit ang malalapit na tao pa sa akin ang nadamay?! Hindi ko na pwedeng palagpasin ito. Dahil ayokong pati ang kapatid kong babae ay mabiktima nila!



"Joey, gusto kong tipunin mo ang tauhan natin at sabihan mo sila ng gagawin sa golden anniversary ni Chief. Gusto kong pasimple nilang manmanan ang mga pumapasok na lalakeng mayayaman sa venue."


"Okay, masusunod."


Tumango ako sa kaniya at napahinga ako ng malalim nang lumabas siya. Malakas na binagsak ko sa lamesa ang kamao ko at nagtatagis ang bagang sa galit.


Bumukas ang pinto kaya agad na lumambot ang mukha ko nang makita ko si Bettina.


"Oh, bakit tila galit na galit ka?"


Napahinga ako ng malalim at tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair ko. Hinawakan ko sa likod si Bettina at sinalubong ko siya ng halik sa labi.


"Meron akong sasabihin sa'yo," ani ko.


"Ano iyon?" tanong niya kaya inakay ko siya sa sofa. Naupo ako at inupo ko siya sa hita ko patagilid sa akin.


"Na-rape pala si Mariz."

"Ano? Wag mong sabihin na ang Dark Sun?"


Napakunot noo ako sa lumabas sa bibig niya.


"Paano mo nalaman ang Dark Sun?"


Lumikot ang mata niya kaya napahinga ako ng malalim.


"Pinakealaman mo na naman ang files sa table ko, ano?" pinisil ko ang bewang niya at hinalikan ang braso niya.


"Ah, oo, ganoon nga," napangiti ako sa tawa niya na halatang pilit.


"Oo, iyon nga ang grupong may gawa sa pangri-rape kay Mariz. Dapat talaga na malaman ko na kung sino silang lahat. Dahil ayokong pati si Daniella ay mabiktima nila."


Hinawakan niya ang mukha ko kaya napatingin ako sa kanya.


"Wag kang mag-alala. Tiyak ako na ang katulad nilang bad guys ay sa presinto ang kababagsakan. Kaya wag ka nang masyadong mag-isip, dahil baka magka-wrinkles ka kaagad."


Napangiti ako at tinaas ko ang kamay niya bago halikan ang kili-kili niya. Napatili siya at hinampas ako kaya natawa ako.


"Tumigil ka nga, Tanda,"


Ngumuso siya kaya hinila ko ang batok niya at sinakop ang labi niya.


"Ehh, tanda, baka may makakita sa atin," aniya at pinigil ako sa mukha.


"Kung gano'n, kung walang makakakita ay handa kang makipaghalikan sa akin ng isang oras."


"Isang oras?" tili niyang tanong kaya napangisi ako.


"Oo, ano?"


Namula siya at napakagat ng labi bago tumango kaya agad ko siyang tinayo at hinila ko siya palapit sa pinto. Ni-lock ko ang pinto at tiningnan siya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at hinanap agad ang timer. Nang ma-set ko sa isang oras ay binulsa ko muli at pinangko siya.


"Patay ka sa akin ngayon."


Natawa siya kaya napangiti ako. Naupo ako sa sofa at pinakandong ko siya sa akin paharap sa akin.


"Ang landi mo na. Kainis ka," aniya at yumakap sa leeg ko.


"Gusto mo naman," ngising sabi ko at kinulong ko sa mga braso ko ang bewang niya.


"Dami mo pang satsat, game na, baka maubos ang oras mo."


Napangiti ako at hinawakan ko ang likod ng ulo niya bago ko siya siniil ng halik. Kung merong pinakamasarap sa lahat ay iyon ang labi niya. Sobra ko itong kinaadikan kaya halos gabi-gabi ay napapanaginipan ko pa ito.



Nagpalitan kami ng matutunog na halik habang kusang nagsasalubong ang aming dila. Napahigpit ang hawak ko sa bewang niya at bumangon ako sa pagkakaupo habang buhat siya at hiniga ko siya sa sofa.



Pareho kaming napahalinghing sa kakapusan ng hangin pero hindi ko binitawan ang labi niya dahil sayang sa oras. Hinaplos ko ang mukha niya habang sabik na sabik na nilalamon ko ang labi niya na napakalambot at nakakagigil sa sarap.


Bumagal ang halik namin at nagbigayan kami ng hangin habang nagkakatitigan. Sinuklay ko ang buhok niya at muling sinipsip ko ang labi niya habang hinahayaan ko na humugot siya ng hangin.


Sinipsip ko ang dila niya at muli kong nilamon ang labi niya. Napangisi ako dahil tila hindi na niya kaya. Kaya nilaliman ko muli ang paghalik at binilisan para hindi siya bumitiw.



Hinaplos ko ang buhok niya at mukha habang patuloy kami sa palitan ng halik. Tinulak niya ako ng mahina kaya hinapit ko ang bewang niya bago ako naupo at napaupo siya sa kandungan ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinuklay ang buhok niya habang tinitigan siya na nakapikit na tumutugon sa halik ko.


Napakaganda niya at napakaswerte ko dahil ang magandang ito ang hinahalikan ko ngayon. Napahiga ako nang magpabigat siya para ihiga ako. Napahawak ako sa bewang niya habang siya ay nasa ibabaw ko at siya naman ang gumagawa ng moves.


Nabitin lang ako nang bumitaw siya bigla. Hahabulin ko pa sana ang labi niya pero pinigil niya ang labi ko gamit ang daliri niya.


"Oppss! Your time is up," aniya at doon ko lang narinig ang pagtunog ng buzzer ng timer ko.


"Isang oras na iyon?" ani ko at halata sa tono ko ang pagkabitin.


"Ewan ko sa'yo, ikaw ang nag-set," aniya at umalis sa pagkakahiga sa ibabaw ko.


Naupo ako at agad siyang pinigil sa bewang nang ambang aalis siya.


"Saan ka pupunta?"

Ngumiti siya at hinaplos ang mukha ko, "Sa mga halaman ko. Magtrabaho ka na, Tanda."


Napabuga ako ng hangin at walang nagawa kundi bitawan ang bewang niya. Lumabas siya ng opisina ko kaya napahawak ako sa hita ko para pakalmahin ang sarili ko.


Shit! Bitin.


Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at napamaang ako nang makita na one minute lang pala ang napindot kong oras.


"Damn! Atat ka kasi masyado, Dominic!"


Natawa na lang ako sa sarili dahil naisahan din ako ni Bettina. Napadila ako sa labi ko at napasandal ng ulo sa pader habang napapangiti sa nangyaring one minute kiss.

© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now