KABANATA 28 - PREGNANT BRAT

55.2K 1K 26
                                    

KABANATA 28
PREGNANT BRAT





Rico

ISANG LUMALAGAPAK NA sampal ang tinamo ni Joey nang sampalin siya ni Bettina. Agad kong hinawakan si Bettina para pigilin pero hinawi niya ang kamay ko.

"Para saan 'yon? Pre," nanghihingi ng tulong sa akin si Joey kaya napailing ako sa kanya para sabihin na wala akong magagawa.

"Para yan sa pag-aya kay Dominic na uminom. Alam mo, gustong-gusto kitang tirisin."

Napahinga ako ng malalim dahil kaninang umaga ko pa hindi makausap ng matino si Bettina. Nang sabihin niya na sasama siya sa akin dito sa headquarters ay kinabahan ako dahil alam ko na may pinaplano siya. At ito nga. Sinalubong kami ni Joey ng ngiti, pero sinalubong siya ni Bettina ng sampal.

"Ano namang masama doon? Nag-celebrate lang kami ng team."

Lumapit si Bettina kay Joey kaya napaatras si Joey. Agad kong pinigil si Bettina kaya napatingin ito sa akin ng masama.

"Bitawan mo ako, Tanda," aniya.

"Ihahatid na kita sa boutique. Tara na," hinawi niya ang kamay ko at humalukipkip na hinarap niya si Joey.

"Don't you know that drinking too much is bad for your health? Tapos ay inaaya mo pa si Tanda na uminom?"

Natawa si Joey pero agad siyang napatikom nang asikan siya ni Bettina.

"Wag kang tumawa d'yan dahil hindi pa ako tapos. Oras na ayain mo ulit si Tanda, hindi lang sampal ang ipapaabot ko sa'yo."

"General, anong meron?"

Napatingin ako kay Alex na kakarating lang. Sinenyasan ko siya na umalis dito pero napakuno't noo lang siya.

"Sino siya, Tanda?"

Napahinga ako ng malalim nang humarap sa amin si Bettina. Patay na talaga.

"Hi. Ako si Alex Peña," naglahad ng kamay si Alex at kita ko na pinagtaasan lang siya ng kilay ni Bettina at humalukipkip.

"I'm Bettina Serina Ford Esquivar," aabutin sana ni Bettina ang kamay ni Alex pero ngumisi si Bettina at may kinuha sa bag niya. May isang boteng pabango na winisik niya kay Alex, "Ang lansa mo kasi. Alam mo ba na hindi ako nakikipag-shake hands sa malansang isda," dagdag ni Bettina.

"Bettina!" saway ko at hinawakan ko sa braso si Alex dahil napapikit siya tila napisikan ang mata niya. "Ayos ka lang, Alex?"

"Ang sakit ng mata ko," daing niya.

"Ang sakit ng mata ko," panggagaya ni Bettina pero sa pang-aasar na tono.

"Bettina, tama na, ano ba."

Tiningnan niya ako ng masama, "Bitawan mo siya."

"Nasaktan ang tao--"

"Sigurado ka?" tanong niya kaya napamaang ako.

"Winisikan mo ng pabango si Alex, syempre masasaktan ang mata niya."

Lumapit siya sa akin at binato sa akin ang pabangong winisik niya kay Alex kaya agad kong sinalo dahil baka mabasag.

"Tubig lang 'yan, kaya, bakit siya umaaray? Masyado ka kasing gentleman, hindi mo alam kung sino ang lumalandi sa'yo."

Binuksan ko ang takip ng pabango at naamoy ko na tubig nga lang dahil walang amoy na pabango ang laman.

Tumingin ako kay Alex at nagkatapat na sila ngayon ni Bettina.

"Alam mo, napakaisip bata mo. Hindi ako magtataka kung iwanan ka ni General pagtagal. Maganda ka nga, pero napaka-immature mo at masama ang ugali mo," sabi ni Alex.

Humalakhak si Bettina at tiningnan si Alex habang nakangisi.

"Mabuti naman at alam mong maganda ako. At alam mo ba na kahit immature ako at masama ang ugali ay meron akong Tanda. Eh, ikaw? May gusto ka sa asawa ko, 'di ba? Pero sorry ka na lang, hindi siya sa'yo. Bleh!"

"Bettina, ano ba?" saway ko kay Bettina na bumelat pa.

"Hindi ka makasagot. 'Di ba tama ako?"

Tumingin ako kay Alex at tila nga hindi siya makasagot dahil pabuka-sara ang bibig niya.

"Tanda, alisin mo siya rito, kundi, ako ang aalis sa bahay at iiwanan kita."

"Bettina," hindi na niya ako pinakinggan at naglakad siya paalis. Hindi ko alam ang uunahin pero agad akong sumunod kay Bettina.

Tumakbo ako nang makitang pupunta si Bettina sa kotseng naghihintay sa kaniya. Agad ko siyang pinigilan sa braso at hinarap sa akin.

"Bettina, wala namang ginagawang masama ang tao. Hindi naman pwede na lahat na lang ng babaeng gustong magtrabaho rito ay gusto mo na alisin ko at pinagseselosan mo."

"Mamili ka: aalisin mo siya o lalayas ako?"

Napalunok ako at umiling, "Bakit ka naman lalayas?"

"Kapag hindi mo pa siya inalis dito sa trabaho mo, makikita mo na lang ang gagawin ko," hinawi niya ang kamay ko at tinapik niya ang pisngi ko, "Bye," paalam niya at umalis sa harap ko. Napahinga ako ng malalim at napasabunot ako sa buhok ko habang nakatingin sa kanya na sumakay na ng kotse.

Nang makaalis ang kotseng sinasakyan niya ay napahilot ako sa tulay ng ilong ko. Tila ako matutuyuan ng dugo. At wala rin naman akong gagawin kundi ang sundin ang nais niya.

"Pre, umalis na?"

Tumingin ako kay Joey na hinihimas ang pisngi niya. Bakat pa ang sampal ni Bettina sa mukha niya.

"Grabe, ang lupet niya talaga, Pre. Mas nakakatakot ata siya ngayon."

Napahinga ako ng malalim, "Mas malala pa ang sampal na inabot ko kesa sa'yo. Hindi na nga ako sasama sa'yo at napapasama lang ako."

Natawa siya kaya inilingan ko siya at iniwan. Pagpasok ko sa loob ay napatingin sa akin ang team maging si Alex.

"General.."

Napahinga ako ng malalim, "Alex, mag-usap tayo sa opisina ko," matapos kong sabihin iyon ay naglakad ako patungo sa opisina ko.

Naupo ako sa swivel chair ko at tiningnan si Alex na pumasok. Lumapit siya hanggang makarating sa table ko.

"Alam ko na hindi pagiging professional ang gagawin ko. Pero minumungkahi ko sana na ilipat ka sa main."

"Pero, General, hindi naman sakop ng trabaho ko at trabaho natin ang pagiging makialam ng asawa niyo. Wala naman akong ginagawang masama para ganitohin niya."

"Alam ko. Pero Alex, ako na ang nakikiusap. Nakita ko naman ang galing mo at masasabi ko na maaari ka nang ilagay sa main."

"General, ganoon mo ba kamahal talaga ang asawa mo, na sa puntong kahit mali ay susundin mo pa rin sya?"

Tumango ako, "Oo, mahal na mahal ko siya. At hindi ako makakabalik sa posisyon ko ngayon kung hindi rin dahil sa kaniya. Malaki ang bahagi ni Bettina sa buhay ko, kaya kahit ano mang ipinaparatang niya na may gusto ka raw sa akin, hindi pa rin mababali ang nararamdaman ko sa kanya kung kasali na may gusto ka nga sa akin. Siya lang at wala nang iba."

Napayuko siya at napatango, "K-Kung gano'n ay wala na rin pala akong magagawa," tumawa siya pero peke. Bakas ang garalgal sa tono niya bago siya nag-angat nang tingin, "Aalis na ako, General. Salamat sa lahat."

Tumango ako. Agad siyang tumalikod at mabilis na lumabas. Napahinga ako ng malalim at napasandal sa swivel chair. Napahilot ako sa sentido ko dahil sumasakit ang ulo ko sa nangyayari.

Nag-ring ang phone ko kaya napahinga ako ng malalim at kinuha ang phone ko sa bulsa ng pants ko. Hindi rehistrado ang numero pero sinagot ko pa rin dahil importante.

"Hello."

(Is this Mr. Esquivar?)

"Oo, ako nga. Sino 'to?"

(Ako si Doktora Jennylyn Carillo. Nais ko lang na sabihin sa inyo na sinugod ang misis niyo sa hospital dito sa Santa Iñez Hospital.)

Napatayo ako at nagulantang, "Ano?"

Agad akong napaalis sa lamesa ko at tumakbo ako palabas ng opisina ko. Nakita ako ng mga kapwa ko pulis na tinatanong kung bakit ako humahangos. Pero hindi na ako nakapagsalita o nakapagbilin dahil mabilis akong lumabas ng headquarters. Tumakbo ako palapit sa owner ko at agad na sumakay.

(You need to be here.)

Hindi ko alam ang nangyari kay Bettina kung bakit siya nasa hospital. Basta pagkatapos sabihin ng doktora na kailangan na naroon ako ay agad na akong nataranta. Halos lumabag ako sa speed limit ng patakbo ko, pero hindi ko makontrol ang sarili ko dahil nasa isip ko ay kailangan kong makarating agad doon.

Pagdating sa pinakamalaking hospital ng Santa Iñez ay agad akong bumaba kahit pa hindi ko pa naipaparada ng maayos ang sasakyan ko. Patakbong pumasok ako ng hospital at palinga-linga ako hanggang sa makita ko ang nurse station kaya patakbong lumapit ako roon.

"Miss, saan ba naka-room ang asawa ko? Bettina Serina Esquivar," tanong ko habang hinihingal.

Tumingin sa book record ang isang nurse at tumingin din sa akin agad.

"Room 2031," sabi nito.

"Salamat," pasalamat ko at agad akong umalis doon para hanapin ang room 2031.

Palinga-linga ang mata ko sa bawat pintong nadadaanan ko habang mabilis ang lakad ko. Nang makita ko rin sa wakas ay agad akong lumapit at binuksan din agad ang pinto. Pagtingin ko sa loob ay napalingon sa akin ang isang ginang na tila doktora at si Joaquin.

Pumasok ako at agad na lumapit. Napatingin ako kay Bettina na natutulog kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko.

"Pagkaalis na pagkaalis pa lang namin ni Ma'am sa headquarters ay napansin kong namumutla siya. At nang mawalan siya ng malay ay nataranta ako at agad na humanap ng hospital dito sa Santa Iñez."

Tumingin ako kay Joaquin, "Bakit hindi mo ako tinawagan?"

"Aba, wala akong load. Tsaka taranta na ako. Naisip ko lang ay baka kung mapano si Ma'am. Yari ako kay Sir Dimitri kapag may nangyaring masama kay Ma'am."

Napahinga ako ng malalim at tumingin kay Doctora.

"Ano po ang kondisyon nya?"

Napahinga ng malalim si Doctora, "Sa case niya ay natural lang na makaramdam siya ng hilo lalo pa't paiba-iba na ang nararamdaman ng katawan niya ngayon kumpara noon."

"Anong ibig nyong sabihin?" napakunot noo ako sa pagkalito.

Ngumiti si Doctora at naglahad ng kamay sa akin kaya kahit nagtataka ako ay nakipag-shake hands ako..

"Congratulations, Mr. Esquivar. She's two weeks pregnant."


Nang sabihin niya iyon ay para bang lumutang ang pakiramdam ko. Ang naguguluhan kong reaksyon ay napalitan ng ngiti at napakuyom ako ng kamay sa hindi ko maipaliwanag na saya.

"T-Talaga, Doktora? Magiging tatay na ako?"

Tumango siya kaya napasuntok ako sa hangin at agad na tiningnan si Bettina. Agad ko siyang hinalikan sa noo at labi bago niyakap.

"Hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya ngayon ng sobra. Pasensya na at hindi ko agad naunawaan ang nararamdaman mong init ng ulo. Shit."

Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan ko muli ang noo niya.

"Maiwan ko muna kayo at may titingnan lang akong pasyente."

Tumingin ako kay Doktora at ngumiti ako rito.

"Salamat, Doktora," Tumango ito at umalis na.

Tumingin ako kay Bettina at napatingin ako sa tiyan. Napangiti ako at humawak sa tiyan niya. Nanginginig ang kamay ko kaya halos matawa ako dahil sa sobrang saya ko ay hindi ko mapigilan ang kamay ko na mag-react din.

"Paano, mauna na ako? Ibalita ko na ito kela Sir?"

Tumingin ako kay Joaquin na tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Wag muna. Kami na ang magsasabi."

Tumango siya, "Kung gano'n ay aalis na ako. Ingatan mo si Ma'am."

"Salamat."

Nang maglakad na siya at makalabas ng room ay hinila ko ang isang silya at nilapit ko sa gilid ng higaan. Naupo ako at muling hinawakan ang kamay ni Bettina. Hinalikan ko ito ng mariin dahil hindi ako makapaniwala na dalawang linggo na pala siyang nagbubuntis. Ibig sabihin ay unang nagalaw ko pa lang siya ay nabuntis ko na siya.

Napatingin ako sa kanya nang gumalaw siya, hanggang sa dumilat na ang mga mata niya.

"Where am I?" tanong niya nang mapatingin siya sa akin at sa paligid.

"Narito ka sa hospital. Ayos ka na ba?"

Hinawi niya ang kamay ko at bumangon siya kaya napatayo ako.

"What are you doing here? Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?"

Ngumiti ako at tumango, "Oo naman. Wag ka nang magalit sa akin, sige ka, baka makaugali mo si Baby."

Napakuno't noo siya, "What do you mean?" tanong niya.

Lalo akong ngumiti at naupo sa gilid ng higaan niya paharap sa kanya.


"Dalawang linggo ka na palang nagdadalang tao, mahal ko. Mabuti na lang at walang nangyari sa inyo habang wala tayong kaalam-alam."

Napabuka siya ng bibig at napahawak siya sa tiyan niya.

"I'm pregnant?"

"Oo. Magkakaanak na tayo."

Napangiti siya at yumakap sa akin kaya hinaplos ko ang likod niya.

"Umuwi na tayo. Ayoko na rito," aniya.

"Oo ba. Sige," napailing ako at napangiti nang magpabuhat siya kaya hinawakan ko ang pang-upo at likod niya habang nakakapit sa leeg ko ang mga kamay niya at habang ang mga binti naman niya ay sa bewang ko. Parang bata talaga.

Kinuha ko ang bag niya at sinukbit sa balikat ko. Lumabas kami ng kwarto at tinungo ang nurse station. Binaba ko muna siya para makapagbayad kami.

Nang makapagbayad ako ay sa likod ko naman siya sumampa kaya napangiti ako at hinawakan ko siya sa legs. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao pero balewala lang iyon sa akin. Naninibago lang siguro sila.

"Gusto mo bang kumain muna tayo?" tanong ko.

"May pasok ka pa," aniya.

"Tatawag ako sa headquarters at mag-leleave muna ako ngayon."

"Okay. Gusto kong kumain ng seafood," aniya.

"Alam ko kung saan meron seafood na tinitindang ulam," sabi ko.

"Okay,"

Napangiti ako nang hindi na siya kumontra. Pero kung ano man ang gusto niya ngayon ay susundin ko. Alam ko kasi na mahirap magbuntis lalo na kapag naglilihi na daw ang mga babaeng buntis.

Sa foreign seafood restaurant ko siya dinala. Inalalayan ko siya sa pagbaba....


"Bakit dito mo ako dinala? Akala ko ba magtitipid tayo?"

Pinisil ko ang ilong niya kaya surang hinawi niya ang kamay ko.

"Pero ngayon ay hindi pwedeng tipirin ang kinakain mo. Kaya papakainin kita sa kahit saan mo gusto."


Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi kaya napangiti ako.


"Salamat, Tanda."


"Para sa'yo," sabi ko at inakay ko na siya. Dahil maaga pa naman kaya wala pang masyadong customer.


Pinaghila ko siya ng upuan at kinuha ang isang silya para itabi sa kanya. Sinenyasan ko ang isang waiter kaya agad itong lumapit.



"Anong mga seafood special recipe niyo rito?" tanong ko.


"Ah, Sir, meron po kaming ginataang alimango. Sinigang na hipon. Spicy tahong. At macaroni salad with shrimp."


Tumingin ako kay Bettina pero agad siyang umiling. Pumalumbaba siya at ngumuso kaya napahinga ako ng malalim.


"Wala bang iba?" tanong ko muli sa waiter.


"Meron po kaming valenciana with crabs. At meron rin kaming steamed shrimp."


"I'm okay with valenciana," tumingin ako kay Bettina nang sabihin niya iyon kaya iyon agad ang sinabi kong order namin sa waiter pati na rin sa akin ang sinigang na hipon.


Nang umalis na waiter para igayak ang order namin ay bumaling ako kay Bettina at inakbayan ko siya.


"Sabihin muna natin kela Mama ang balita na buntis ka at tsaka natin sabihin sa parents mo pagkatapos."


"Okay," tugon niya.


"Hindi ka ba nasusuka?" tanong ko kaya umiling siya. Pero agad din siyang napatakip ng bibig kaya napaayos ako ng upo at nag-alala, "Nasusuka ka na?"


Tumango siya kaya aalalayan ko na sana siya nang may maglapag ng inorder namin sa lamesa.


"Ang baho. Alisin mo 'yan," sabi ni Bettina at napatayo na talaga.


"Sir, bakit po?"


"Ah, ibalot mo na lang 'yan. Sandali lang at susundan ko lang ang asawa ko."


Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng waiter at agad akong sumunod kay Bettina. Nagpunta siya nang banyo kaya pumasok ako pero agad din akong napalabas nang mapatingin sa akin ang mga babaeng nasa loob.


Napahawak ako sa batok ko at hindi ako mapakali na nakatayo sa labas ng cr ng babae. Sinisilip ko ang loob dahil baka sakaling makita ko si Bettina pero hindi pa siya lumalabas at hindi ko rin matanaw masyado ang loob kaya sobra na akong nag-aalala.


Napatingin sa akin ang mga babaeng lumalabas at nginitian nila ako bago kumindat at umalis. Napailing ako at hinintay na maglabasan ang lahat bago ako pumasok.


Nakita ko si Bettina na nagmumumog kaya agad akong lumapit sa kanya at hinagod ang likod niya.


"Bumalik kaya tayo sa hospital?" sabi ko.

"Ano ka ba, Tanda. Nagsusuka lang ako at hindi malala ito," pagtataray niya.

"E, paano kung mahimatay ka ulit?"

Tiningnan niya ako, "Nagsusuka nga lang ako. Tara na nga, nawalan na ako nang gana."


Umalis siya kaya napailing ako. Tila mahihirapan ako ngayon. Paiba-iba ang mood niya.


Binayaran ko agad sa waiter ang pinabalot na lang na pagkaing inorder namin na hindi naman nakain. Agad akong sumunod kay Bettina na nauna sa aking lumabas.


"Umuwi na tayo."


Tumango ako at sumakay na rin nang makasakay siya na hindi na ako nahintay. Pinaandar ko na ang sasakyan at sumulyap sa kanya saglit.


"Gusto mong ihiga ko ang upuan mo?"


"Hindi na."


Kinuha ko ang kamay niya pero hinawi niya kaya napahinga ako ng malalim.


"Bakit ba parang inis ka? Kanina ay ayos na tayo."


"Naalala ko ang pambababae mo. Akala mo makakalimutan ko na lang na pinagtatanggol mo siya, ha?" hinarap niya ako.


"Wala na nga iyon. Pinaalis ko na siya gaya ng gusto mo. At hindi ako nambababae.. Wala lang sa akin si Alex."


"Pero sinabihan mo siya na maganda. Kaya naaakit ka sa kanya," bintang niya.


"Maganda naman talaga siya, pero syempre mas maganda ka at mahal ko, kaya hindi ako naaakit kay Alex."


Sinulyapan ko siya nang hindi na siya nagsalita.. Humalukipkip siya at sumandal ng upo sa upuan habang sa labas nakatingin.


Napailing ako at hindi na ako nagsalita dahil baka sumpungin pa siya lalo. Pagdating sa bahay ay pinarada ko sa garahe ko ang owner ko. Agad akong bumaba at umikot sa side ni Bettina.. Binuhat ko siya paalis sa owner at binaba.


Kinuha ko ang bag na dala niya at binalot na binili namin sa restaurant. Agad akong sumunod sa kanya nang mauna siyang pumasok sa bahay.


Nakita ko agad si Mama na nagtataka na napatingin sa amin.


"Oh, bakit narito kayo? 'Di ba pumasok kayo sa kanya-kanya nyong trabaho?"


Napangiti ako at binaba sa lamesa ang bag at balot na ulam sa lamesa.


"Mama, may magandang balita kami sa inyo," sabi ko at yumakap mula sa likod ni Bettina. Hinaplos ko ang tiyan niya.


"Balita? Ano?" ngumiti si Mama.


"Magkakaanak na kami," sabi ko.


Nanlaki ang mata ni Mama at napatakip ng bibig.


"Talaga? Kelan niyo pa nalaman?" Tanong niya.


"Kanina lang, Mama," Sagot ko.


Hindi mapigilan ang tuwa sa boses ko habang sinasabi iyon.


"Magkakaapo na pala ako. Nasabi niyo na ba yan sa parents mo, Bettina?" baling ni Mama kay Bettina.


"Hindi pa po, Mama. Mamaya ay pupunta po kami doon."

Napabitaw ako ng yakap kay Bettina nang akayin ni Mama si Bettina.


"Dapat ay maupo ka. Kaya pala kakaiba ang kinikilos mo at mainit ng ulo mo kagabi pa, buntis ka na pala. Ito namang si Dominic ay pinapagalit ka pa,"


Pinaupo ni Mama si Betttina sa sofa habang todo haplos siya sa buhok ni Bettina at sinermunan pa ako.


"Hindi na ako uulit uminom, Mama, lalo pa't alam ko na buntis siya. Kaya lahat ng gusto niya gagawin ko," sabi ko.

"Aba, dapat lang. At Mama, kanina ay nakita ko ang babae niya. Kasama niya po iyon kagabi sa inuman," sabi ni Bettina.

Napamaang ako at umiling, "Hindi ko nga babae iyon," giit ko.


"Anak naman.. Sinabihan na kita na wag makikipag-inuman sa ibang babae. Mamaya ay malasing ka baka may mangyari pang kababalaghan at magkasala ka sa asawa mo. Kaya tigilan mo na rin ang maging mabait sa ibang babae kaya ka nilalapitan, e."


Napahagod na lang ako ng buhok dahil talagang wala akong laban. Tila mas kakampihan talaga ni Mama si Bettina.



-



Nagpapahinga ngayon si Bettina kaya ang ginawa ko ay nagsiyasat tungkol sa mga nararamdaman ng buntis habang palaki nang palaki ang tiyan nila.


Mas pahirap na pahirap pa daw ang paglilihi kapag lumalaki na ang tiyan.. At maging ang mood swing daw. Kaya pala. Kailangan ko talagang pag-aralan ito para alam ko kung paano ang gagawin.


"Tanda," napatingin ako kay Bettina na dumadaing kaya agad kong sinara ang laptop niya at nilapag sa lamesang nasa gilid ng kama.


"Bakit? May masakit sa'yo?" tanong ko habang hindi ko alam kung ano ang dinadaing niya.


"Pinupulikat ang binti ko," daing niya kaya agad kong hinawakan ang isang legs niya kung saan siya nakahawak.


"Dito?" tumango siya at mariing napapikit. Hinilot ko ang legs niya pababa at pataas.


"Dito pa," aniya sa bandang paa niya. Kaya hinilot ko iyon ng dahan-dahan.


"May langis ata si Mama. Kukunin ko para mainitan ang binti mo. Baka nilamig ka."


Umiling siya habang nakapikit. Napahinga ako ng malalim at patuloy na hinilot ang binti niya.


"Ayos na," aniya pagkaraan.


"Wag ka nang magsuot ng maikling short simula ngayon. Tingnan mo nilalamig ka. Baka nilalamig rin ang tiyan mo."


Dumilat siya at inirapan ako bago tumalikod sa akin. Tingnan mo 'to. Pinagsasabihan lang ay iirapan at tatalikuran ako.


Pinalo ko ang pang-upo niya at agad akong bumaba ng kama.


"Tanda!" inis niyang tawag sa akin kaya natawa ako at bitbit ang laptop niya palabas ng kwarto.

© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя