KABANATA 2 - PENALTY

46.4K 1.1K 47
                                    

KABANATA 2
PENALTY





RICO




ILANG BESES NANG minamatyagan at nalulusob ang country club dito sa bayan ng Santa Iñez na kalapit ng isla ng BF Island. Makukulit ang nagpapatakbo no'n kahit ilang beses nang sinasarado at na-raid. Kaya ngayon ay lahat ng mahuhuli ay hindi na pakakawalan.


"Eww! Napakabaho naman dito. And even the floor, yuck! God!"



Napahilot ako sa bridge ng ilong ko dahil kanina pa ako natutulilig sa kaartehan ng babaeng nahuli ko sa country club. Hindi ko mainterview ng maayos dahil napakapilosopo.


"Lieutenant!"



Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang assistant ko na si Baste. Sumandal ako sa swivel chair ko at tiningnan siya ng seryoso.


"Alam ko na kung sino iyan."


Napakuno't noo ako dahil bakit pa siya bumubulong habang pasulyap-sulyap sa babaeng nag-iinarte.



"So, who is she?"


Kinuha ko ang ballpen at log book para ilagay sa record ang pangalan ng babae.


"Kayo na lang ang magbasa ng research ko."


Binaba niya sa table ko ang profile ng babae kaya napailing ako at kinuha. Nakaindicate ang picture ng babae. Kaya binasa ko ang pangalan.


Bettina Serina Ford..


"Ford?" tanong ko.


"Yes, Lieutenant. Anak ng businessman at may-ari ng BF Island. Patay tayo dahil bigatin pala ang nahuli natin," bulong niya.


"Tsk. Kahit sino pa siya ay hindi pa rin maaaring makaligtas ang gaya niya na pumapasok sa illegal na lugar para magpakasaya."



Binasa ko pa ang profile ng babae at halos manlaki ang mata ko nang makita ang edad nito.


"What the! Fifteen years old?"


"Hoy! Wala bang aircon dito? Ang init, ah! At wala bang couch or bed? Napakabulok nang presinto niyo!"


Tumingin ako sa babae na nakatayo at diring-diri sa kinalalagyan niya.



"Shut up!"


Napakuyom ako ng kamay habang nakatingin sa suot nito. Menor de edad pero nagpupunta na sa ganoong klaseng lugar at lasing pa! At ang suot!



"Shut up ka rin, Tanda! How dare you  put me in this place? You don't know me, no? I am the famous and so gorgeous Bettina Serina Ford. Kapag nalaman ni Daddy ito, you are dead!"


Napahilot ako sa sentido ko dahil sumasakit ang tenga ko sa katalasan ng boses niya.


"Lieutenant, pakawalan na natin. Baka mapahamak tayo. Mafia din ang ama niya."



Bago pa ako makasagot sa suggestion ni Baste ay humahangos na lumapit sa amin si Sergeant Vincent Acosta.


"Sir!" sumaludo siya kaya tumayo ako at sumaludo rin.


"Bakit ka humahangos?" naupo muli ako at tiningnan siya.


"Sir, nandiyan si Mr. Dimitri. At nais niya kayong makausap."

Dimitri?

Napahinga ako ng malalim at tumango bago tumayo. Napatingin ako sa babae na panay ang kamot sa balat tila kating-kating. Naglakad na ako patungo sa entrance ng police station namin.



Nakita ko ang isang lalake na panay ang tingin sa paligid ng police station at kaharap si Chief. Agad akong lumapit at sumaludo kay Chief Trinidad.


"Chief."


"Lieutenant General Esquivar," sumaludo ito kaya binaba ko na ang kamay ko.


"Oo nga pala. This is Mr. Ford. Nandito ba ang anak niya?"


"She's here," seryosong tugon ko.


"Saglit lang Mr. Ford. Mag-uusap lang kami ni Esquivar."


Tumango si Mr. Ford kaya inakay ako ni Chief bago tapikin ang balikat ko.


"Pakawalan mo na."


"Ho? Pero naroon siya sa naging operasyon namin sa bar. Hindi porket mayaman siya ay pwede na lang makaligtas ang anak niya."


"Esquivar--"


"No, he's right."



Napalingon kami kay Mr. Ford nang sumingit siya sa usapan namin. Tumitingin tingin siya sa paligid habang nasa likod ang mga kamay niya. Tumingin siya sa amin, especially sa akin.



"She's a minor; I know you know that, Mr. Esquivar," aniya.


Tumango ako rito, "Yes, Mr. Ford. Pero kailangan niyang maparusahan. Volunteer work sa programa namin bilang parusa niya."



"Okay. Mag vovoluteer siya at ako mismo ang maghahatid sa kaniya sa lugar na nais niyong pagdalhan sa kaniya. But give her time.."



Tumingin sa akin ng seryoso si Mr. Ford. Inaamin ko na malakas ang pwersa niya at kapag tumingin siya ay tila niya nababasa ang nasa isip ko.


"Dad!"


Yumakap ang malditang babae sa dad niya at pagkatapos ay nakangisi ito na tiningnan ako.



"Dad, napakasama ng mga pulis dito. Lalo na siya!" aniya at talagang dinuro ako, "Grabe, nilagay nila ako sa maruming lugar at nakakadiri ang amoy. Look at me. My skin. I have rashes."


"Enough, Bettina. I'm sorry for my daughter's big mouth."


Natawa sila Acosta at Baste, at maging ang mga kasamahan naming kapulisan sa sinabi ni Mr. Ford.


"Dad! You, why are you laughing, ha?" baling nito kela Baste.


"We have to go, Chief Trinidad and Lieutenant General Esquivar," paalam ni Mr. Ford kaya tumango ako at nakipagkamay sa kaniya.


"Dad! Hindi niyo ba nakikita? Inaresto nila ako pero wala naman akong kasalanan! Palibhasa ang tanda-tanda na ng mga pulis na ito kaya malabo na ang mga mata nila. Ang ganda-ganda ko para pagbintangan akong prostitute. Duh!"


Nagtagis ang bagang ko sa panlalait ng babaeng ito. Hinila na ni Mr. Ford ang anak nito habang takip ang bunganga kaya hindi na makapagsalita.



"Grabe! Nakakailang lait na ang batang iyon? Mabuti na lang sobrang ganda niya."


Tumalikod na ako sa kanila habang mabibigat ang paa na tinungo muli ang office ko. Pabagsak na naupo ako sa upuan ko dahil sumasakit ang ulo at tenga ko sa nakakatilig na boses ng babaeng iyon.


"Esquivar, tila bad mood ka. Bakit tila pinagdidiinan mong may kasalanan iyon? Nabasa ko ang naging kaso at inosente siya. Mabuti at pumayag si Mr. Ford sa volunteer work ng anak niya."


Tumingin ako kay Joey na isang lieutenant. Kasa-kasama ko na mula pa sa pag-aaral at sa training.


"Bagay lang sa kaniya. Hindi mo ba alam na hinuhuli ko pa lang ay puro na panlalait ang inabot ko. At ang bata-bata pa niya tapos pupunta sa ganoong lugar na akala mo ay isang prostitute sa bar kung makapagsuot ng ganoon."



Natawa si Joey kaya binato ko ito ng ballpen. Nang-aasar pa alam naman niyang seryoso ako.


"Inis ka ba? Ngayon lang kita nakitang inis na inis at nagbigay ng matinding parusa sa inosente?"


Hindi ko ito pinansin at kinuha ko ang chapa at jacket ko. Maraming sumasaludo sa akin pero meron ding ilan na taliwas ang pagkadisgusto sa akin..


Sumakay ako sa jeep ko at pinaandar habang seryosong nagmamaneho. Pinasok ko ang pagpupulis dahil gusto kong mawala ang lahat ng masasamang loob. At na-insulto ako sa batang babaeng iyon na nilait ang lugar na pinagtatrabahuhan ko.



Prineno ko ang jeep ko nang makarating sa harap ng tinitirahan ko. Patay ang ilaw kaya alam kong tulog na sila.


"Rico!"


Napatigil ako sa paglapit sa pinto ng bahay namin nang marinig ko ang pagtawag sa akin. Napahinga ako ng malalim nang makita si Mariz.



"Ginabi ka."


Tumango ako at napahinga ng malalim bago ko binuksan ang pinto gamit ang duplicate key ko.


"Oo, maraming trabaho. Pero bakit gising ka pa?"


"Ah, kasi hinintay kita. Meron kasi akong nilutong sinigang na paborito mo. Hindi ka pa kumakain, 'di ba?"



Ngumiti ako at tumango bago napatingin sa sinigang na dala niya.


"Salamat, Mariz. Pero dapat ay hindi mo na ginagawa ito. Hindi mo naman obligasyon."



"Ano ka ba! Parang hindi tayo magkababata. Tsaka, tingnan mo, parang pagod na pagod ka at tila may kakaiba sa'yo. Bad mood ka ba?"


Ginulo ko lang ang buhok niya at kinuha ang inabot niyang mangkok ng sinigang.



"Sige na, umuwi ka na at titingnan kita hanggang makapasok."


Tumango ito at tiningnan pa ako bago siya ngumiti at tumalikod. Matagal ko na ring kilala si Mariz at simula pa lang nang lumipat kami rito sa Santa Iñez nung binata ako ay siya at ang Lola niya ang una naming nakilala. Mabait na babae si Mariz: disente at may pinag-aralan din. Nakatapos siya ng kursong culinary at dedikado sa trabaho upang suportahan ang lola niya. Maganda din siya at masipag.


"Oh Dominic, mabuti at nakauwi ka na. Kumain ka na ba, Anak?"


Nagmano ako kay Mama at tiningnan siya. Siya ang babaeng batayan ko sa babae. Napakabait ni Mama at masipag pa.


"Kumain na ako, Ma. Sila Daniella at Danilo?"



Tinungo ko ang kusina at nilapag sa lamesa ang bigay na sinigang ni Mariz. Nilapag ko sa upuan ang jacket ko at naupo sa silya.


"Natutulog na ang dalawa dahil may exam pa sila bukas. Wag mo na silang alalahanin. Ang sarili mo nga ang dapat mong isipin. Heto, kumain ka at tila pagod na pagod ang gwapo at matapang kong anak."


Napailing ako at humawak sa bewang niya. Nilapag niya ang plato ko at maging ang kanin.


Binitawan ko ang bewang niya at kinuha ang kutsara't tinidor.


"Kay Mariz ba galing ito?"

"Opo," sumandok ako ng kanin at hinigop ang sabaw ng sinigang.


"Talagang napakabait ng batang iyon. Kung magkakagirlpren ka ay si Mariz sana ang boto ko sa'yo."


"Ma!" saway ko dahil hayan na naman siya sa panunukso niya.


"Oh, bakit? Mabait, maganda, disente, at maalaga si Mariz. Tsaka kilala na natin siya dahil matagal na rin natin siyang nakilala. Kung alam ko lang, may gusto sa'yo si Mariz."




Napailing na lang ako at hindi na pinansin ang panunukso niya. Uminom ako ng tubig nang mapansin kong kinuha ni Mama ang jacket ko. Ganyan siya. Lahat ng gamit o damit ko ay agad niyang sinisinop para labhan o itiklop. Kaya ko naman gawin ang mga gawain, lalo na kapag sa sarili ko. Pero palagi na lang akong bine-baby ni Mama.


"Wow! Ang gandang bata naman nire. At bakit may profile ka nito?"


Nabulunan ako at agad na napalingon kay Mama na hawak ang papel na nakasulat ang profile ng malditang babae.



"Wala iyan, Ma. Na-raid ko sa Country Club," uminom ako ng tubig habang napapahimas sa batok ko.



"Na-raid? Sure ka? Parang hindi naman magagawa ng magandang babaeng ito ang pumunta sa na-raid niyong mga lugar. At mukha siyang mayaman."



Tumayo na ako at lumapit kay Mama na patungo na sana sa laundry room namin.


"Ma, kung alam niyo lang kung gaano kaarte ang babaeng iyan. Halos laitin ba naman ang police at akala mo ay sobrang dumi ng rehas para sa kaniya. Sumasakit ang tenga ko tuloy dahil nakakatulig din ang boses niya. Kung hindi lang dumating ang ama niya ay baka mabulok siya sa sinasabi niyang nakakadiring rehas."


Ngumiti si Mama at binalik sa akin ang papel kaya kinuha ko.


"Mukha naman siyang sweet.."


Napailing ako dahil bakit ba ang daming nauuto ng babaeng iyon na akala nila ay anghel iyon.


"Ma, nilait ako no'n. Anong sweet doon? Tsaka napakabata pa pero kung magsuot ay akala mo ay matanda na."


"Syempre, dalaga na rin ito. At bakit nga ba uwi-uwi mo pa ang profile niya?" aniya na may tingin na tila ba may panunukso.


"Ma, mali kayo ng iniisip. May atraso pa ito kaya dapat na ilagay ko sa listahan ng parurusahan. Sige na, Ma, matutulog na ako."


Hindi ko na pinansin si Mama at tinungo ko na ang kwarto ko. Naupo ako sa kama ko at napahilamos ng mukha. Hanggang ngayon ay parang tulig na tulig pa rin ang tenga ko. Grabe ang batang iyon. Kung ganoong klase ang mapapangasawa ko ay baka tumandang binata na lang ako.



Hinubad ko ang sapatos ko at medyas bago napahiga sa kama. Napailing ako at napangiti.



-

Bettina


Napahalukipkip ako habang narito sa airport. Nakakainis! Wala naman akong kasalanan pero bakit ako pa ang napaparusahan? Nakakabwisit talaga ang lalakeng pulis na iyon!



"Bettina, stop being childish. Mag-aral ka ng mabuti at pagbalik mo ay meron ka pang gagawin.. Alalahanin mo ang kuya mo," sermon ni Dad na siyang naghatid sa akin dito sa airport.


Napanguso ako at kumapit sa braso niya upang magmakaawa at baka tumalab. Kasi naman! Sa America na lang daw ako mag-aral para daw tumino ako. At simula ng hindi pa nahahanap si Kuya ay wala pang pahinga sila Dad. Kaya wala din akong choice para tumanggi dahil ang dami nang problema ang dinudulot ko sa kanila.


Hindi na din naman ako makakapasok sa WCU dahil alam kong magpaparinig lang at baka mapaaway lang ako kapag nagkita kami nila Tanya at kaibigan niya.



"Hindi mo ako madadaan sa ganiyan. Be serious, you are not a child anymore. And do this for your brother."



Napayuko ako at napatango nang banggitin niya si Kuya. I miss him so much. I'm very guilty to what happened to him. Gusto kong humingi ng sorry pero paano ko gagawin kung hanggang ngayon ay hindi pa nakikita si Kuya.



Nagsalita na ang announcer bilang hudyat na maaari na akong pumasok sa departure area. Bumeso ako kay Dad at niyakap siya dahil tiyak na sobra ko siyang mami-miss.


"I know you can do it alone, Tina."


Tumango ako sa kanya at ngumiti. Napahinga ako ng malalim habang sukbit ng braso ko ang hand bag ko habang hawak ko ang pasaporte at ticket ko. Naglakad na ako na taas-noo bago ko sinuot ang shades ko.



For you, Kuya. Babawi ako at sana bumalik ka kaagad sa pamilya para makita mo ang pagbabago ko.




-


Seven months later...




"Finally! I'm so happy to be back!"


Umikot ako habang hawak ang hand bag ko. Napangiti ako nang maamoy muli ang hangin nang pilipinas.


"Tina!"


Napatingin ako sa paligid at napangiti ako nang makita ko ang sundo ko.


"Mags!"


Agad na nagmadali akong tumakbo palapit sa kaniya at nagtatalon na nagyakapan kami.


"God! I miss you so much, Mags."


"Ako man, Tina. Ang ganda-ganda mo lalo."


Napangiti ako dahil napakahonest talaga ni Mags.


"Syempre ikaw rin ang ganda mo. But anyway, how are you? Kumusta na kayo ni Sangko?"


Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi siya makatingin at nag-blush siya. Nang itaas niya ang kamay niya ay napatakip ako ng bibig at agad na napangiti nang makita ang singsing sa kamay niya.


"Oh my God! Is this true? Road to forever na?"


"Pero hindi pa alam ni Ate ito kaya sana ay wag mong sasabihin, ha? Maghahanap pa ako ng tyempo," aniya.


"Sus! Kahit ilihim mo pa ng matagal yan ay malalaman din at walang sekretong hindi nabubunyag."


Tiningnan niya ako kaya umiwas ako ng tingin. Well, for seven months: I know I moved on. It's not a big deal for me anymore.



"Tina, wag mong sabihin--"


"No, I'm not bitter. Nakamove-on na ako. Ang sinasabi ko lang ay wala talagang sekretong hindi nabubunyag. Kaya isang lesson na rin sa akin iyon. Tsaka sa ganda kong ito, ako pa ba? He's not deserving for me. And he's not the only man in the Earth."


Natawa siya at napailing, "Tila nagmatured ka na nga. Tama 'yan."


Lumingkis ako sa braso niya at nginitian siya kaya natawa siya. Ang saya-saya ko talaga at kasama ko na muli ang bestfriend ko. At masaya ako dahil tila magkakatuluyan na rin sila ni Sangko. Magiging sister ko na talaga siya.


Naisip ko si Kuya. Hindi na talaga siya nahanap gaya ng sabi ni Mommy. Kaya alam ko rin na sobrang ginugugol ni Ate Nestle ang sarili niya sa restaurant namin sa Maynila para makalimot. Kung narito lang si Kuya, makikita niya na iba na ako at talagang hihingi ako ng tawad sa kaniya.



"K-Kuya,"



Napahinto ako nang mapatingin sa entrance nang NAIA terminal 3. Napabitaw ako kay Mags at hindi ko mapigilan na mangilid ang luha dahil totoong buhay siya!

Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap ko siya ng sobrang higpit.


"Buhay ka Kuya. Salamat buhay ka," sabi ko habang napapaiyak sa sobrang tuwa.


"Masamang damo ata ako kaya matagal ang buhay ko," biro niya.


Umiling ako at bumitaw ng yakap sa kaniya, "No. Hindi ka masama. Ikaw nga ang pinaka the best Kuya for me. Masayang-masaya ako at buhay ka." sabi ko at ngumiti, "Tiyak na matutuwa sila mommy pag nakita at nalaman na buhay ka pa," dagdag ko pa.


"Matutuwa rin ako dahil makakasama ko muli kayo," aniya at hinaplos ang buhok ko. Napatingin siya sa suot ko na pink sleeveless top na kita ang pusod at tiyan ko habang may leather jacket ako na suot. At isang leather black skirt with black ankle boots, "Pero teka, bakit ganiyan ka manamit ha?" sita niya.


Hay, talagang bumalik na ang kuya ko. Dahil naramdaman ko muli ang pagiging strict niya when in comes to me. I really miss him. This is the best welcome back for me.


Umuwi kami sa bahay at kita ko ang gulat sa mukha nila Mommy at ng mga kapatid ko. Hanggang sa dumating din si Sangko Seige. Si Dad, alam na pala niyang buhay si Kuya at hindi pa niya sinabi.


Pero atleast, sobrang saya muli ng pamilya namin dahil kompleto na muli kami. Nasabi ko na kela kuya na graduate ako ng agriculture sa States. Yes, it's true. Nag-aral ako dahil gusto ko lang at nalilibang din naman ako kahit na nagpasaway rin ako doon sa mga professor ko.


Nakagraduate ako na pinasang awa na lang. Gusto kong matawa kapag naalala ko ang itsura ng professor ko na imbes na magtanim ako ay nag-sun bathing pa ako. Ano sila hilo? Bagong pedicure lang ang kuko ko tapos pagtatanimin lang nila ako? Tsaka bumawi naman ako sa answer and question kapag may tanong sila. Ayoko lang ng activity dahil ayokong masira ang beauty ko.


Sinabi ko kela Mommy na magwowork ako sa hacienda nila Kuya Xenon. Pero kinagabihan ay pinatawag ako ni Dad sa office niya. And I don't know why?


"Hi, Dad!"



Napaangat siya ng tingin sa akin. Lumapit ako sa kaniya at naupo ako sa kandungan niya bago ko siya niyakap dahil sobra ko talagang na-miss ang daddy ko.


"Bakit niyo po ako pinapatawag? I need to rest na. I'm stressed at may jetlag pa ako."


"Hindi ka sa hacienda nila Xenon magtatrabaho."


Napabitaw ako ng yakap at napakuno't noo ako na napatingin sa kaniya.


"So, where? Tsaka gusto ko sa farm. Magagamit ko ang agriculture course ko."


Inayos niya ang damit ko dahil suot ko ang pantulog ko na nighties dahil dalaga na talaga ako kaya nagsusuot na ako ng ganoon. Napailing siya sa suot ko at tila hindi approve.


"Anong akala mo hindi ko malalaman na hindi ka naman nagseryoso? You are not a child anymore. Do you remember?"

"Yes. Kaya nga po ang sexy ko na. Dalaga na ako kaya wag niyo na akong pagbabawalan sa suot ko."


Napailing siya at inayos ang buhok. Kaya love na love ko si Daddy. He's a sweet dad. At talagang gandang-ganda siya sa anak niya.


"Hindi sa suot mo. Sa ugali mo. Wala ka namang ginawang activity sa school. At tinatarayan mo daw ang mga professor mo. Tsaka wag kang magsusuot ng ganito kapag sa ibang bahay. You are the only princess to me and I want you to always be safe. At kapag may nagustuhan ka ay gusto ko na ipapakilala mo sa akin, understand?"


Napanguso ako at muling yumakap sa kanya. Pumikit ako dahil kapag ganito ang sinasabi ni Dad ay parang mawawala siya. Alam ko na palaging nasa panganib ang buhay niya dahil marami siyang kaaway na bad person, kaya palagi din siyang nagpapabaon ng mga bilin kahit pa hindi naman siya mamamatay. Pero natatakot ako na mangyari iyon. Ayokong mawala si Dad. Hindi ko kaya.

"Tsaka mo na malalaman kung saan ka magtatrabaho. Dadalhin kita doon," aniya pero hindi na ako nakinig.

-


Dimitri



"Oh, nakatulog na 'yan,"


Napatingin ako sa misis ko na pumasok sa office. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa anak namin na nakatulog habang nakayakap sa akin.


"She's a brat daughter."


Natawa si Beatrice at napahalukipkip bago napailing.


"Sino ba ang nagluho sa mga gusto nya'n? 'Di ba, ikaw?"


"Yeah. Kaya dapat na tumino na ito. Hindi natin alam kung kailan tayo mabubuhay sa mundong ito. Kaya dapat na bago mangyari iyon ay maiayos na si Bettina."


Napatango ang misis ko at napahinga ng malalim.


"Anong plano mo? Talaga bang hahayaan mo na ibang tao ang magturo d'yan sa anak natin?"


Binuhat ko ang anak ko na parang bata pa rin kung matulog habang nakayakap sa akin. Malaki na talaga ang dati ay kilik-kilik ko lang noon.



"Don't worry, tiwala ako sa taong iyon. At may kasalanan din ang batang ito. Nilait niya ang taong iyon at ang presinto nito. Hayaan mong makatikim ng hirap ito, baka tumino."


Natawa ako nang hampasin ako sa braso ni Beatrice. Ang pinakamamahal kong asawa.



"Grabe ka naman sa anak natin. Kapag narinig niya lahat iyan, naku, tiyak na magpapadyak iyan at magtatampo sa'yo."


Napailing ako at napangiti dahil ako ang sinasabi niya na nag-spoil sa anak namin, pero tila sa kaniya nagmula. At nagmana pa sa kaniya.



--
Bettina


Suot ang summer dress ko at big summer hat habang nakashades na tumingin ako sa pinagbabaan sa akin ng tauhan ni Dad. Akala ko nga sasamahan ako ni Dad pero may importante daw siyang lakad kaya sa tauhan na lang namin niya ako pinahatid.


Inalis ko ang shades ko dahil pamilyar ang presintong nasa harap ko.


"Wait! What are we doing here? Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko kay Kuya Joaquin.


"Ma'am, sinusunod ko lang si Sir."



Umirap ako at haharap na sana ako sa kotse nang mapatingin ako sa lalakeng bumaba sa jeep.



"Mabuti naman at tila nandito ka na para simulan ang parusa mo. Follow me."



Napamaang ako sa pagkasuplado at kaseryosohan ng matandang iyon. Tapos tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa tila ba nababaliw na ako sa outfit ko.


"No way! Kuya Joaquin, Let's go!"



Nang humarap ako kay Kuya Joaquin ay tila nanlaki ang butas ng ilong ko nang makita na nakasakay na ito sa kotse.


"Sorry, Ma'am, pero sabi ni Sir ay siya na daw ang bahala sa inyo," aniya at sinenyasan ang matandang pulis, "Sige po, mauna na ako."



Matapos nitong sabihin iyon ay pinaharurot na nito ang kotse paalis kaya nataranta ako.


"Kuya Joaquin! Come back here! Gosh!" sigaw ko.


Napapapadyak ako sa inis dahil ayokong magtrabaho rito.



"Kung tapos ka na sa pagwawala mo, sumunod ka at pumasok."


Lumingon ako sa matandang gwapong lalakeng ito at sinamaan ko siya ng tingin.


"Ayoko nga! Napakadumi ng police station niyo. And look at me, nababagay ba ang katulad ko sa ganiyan? I'm allergic to germs."


"Sumunod ka dahil kapag nag-inarte ka d'yan, tingnan natin kung hindi ka masunog sa bilad sa araw."


Hindi ako makapaniwala na talagang sinabihan ako ng ganoon ng matandang pulis na ito. Napatingin ako sa mga kasamahan niyang pulis na lumabas at napatingin sa amin.


Umirap ako at taas-noo na naglakad. Binangga ko ang matandang pulis bago ako naglakad papasok ng police station na inis na inis.

© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon