KABANATA 4 - FACE OFF

44.7K 1.2K 31
                                    

KABANATA 4
FACE OFF




Bettina


GIGIL NA GIGIL ako sa pagbunkal ng lupa upang itanim lang itong iba't-ibang klase ng buto ng gulay sa likod ng police station. Napahinga ako ng malalim dahil wala akong choice kundi gawin dahil kailangan ko rin na mauto si Rico Dominic Esquivar. Nalaman ko lang ang pangalan ng matanda na iyon nang mapansin ko ang name plate niya sa table niya.


Pinagpapawisan na ako dahil alas sais pa lang ng umaga ay nagtungo na ako rito. Suot ko ang black leggings, white loose shirt na tinali ko pa ang dulo para makita ang pusod ko. Nakawhite rubber shoes din ako at nakapusod ang mahaba kong buhok. Nakasummer hat naman ako kaya medyo pambawas din sa init. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo ko gamit ang likod ng palad ko kahit suot ko ang gloves para hindi magkasugat ang mga kamay ko.


Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang mga buto. Napatingin ako sa lawak na nabungkal ko at napangiti ako dahil nagawa ko lahat ito.


This is my achievement. In my life hindi ko pa nagagawa ang ganito, kay masarap din pala sa feeling.


Napangiti ako at humuni ng kanta habang isa-isa kong nilagyan ng mga buto ang bawat bungkal sa bawat uri ng gulay na tinatanim ko.


Sabi ni Tanda ay itong tinatanim ko daw ay makakatulong para sa pagkain ng mga tinutulungan nilang bata. Kaya naman nagdalawang-isip ako sa pag-aayaw ko rito.


Well hindi naman halata pero mabait kaya ako. Tsaka tinuro ni Mommy na maging mabait daw sa kapwa. Mabait naman ako tsaka honest din.



Hinubad ko ang gloves na suot ko at lumapit ako sa hose. Binuhay ko ng malakas ang hose at lumapit ako sa mga tinanim ko. Diniligan ko sila gaya ng nakita kong instruksyon sa plastic ng mga buto.



Natigilan lang ako nang may biglang bulto ng tao sa likod ko at hinawakan ang hose na hawak ko.


"Malulunod ang mga tinanim mo sa dami ng tubig na nilalagay mo."


Nagulat ako at umalis sa bisig ni Dominic kaya naiharap ko sa kanya ang hose.


"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang tila nanlalaki ang mata ko.


"Shit!" inagaw niya sa akin ang hose pero hindi ko binigay kaya lalo siyang nabasa. Tinapat niya sa akin ang hose kaya ako naman ang nabasa.



"Oh my gosh! Stop it!" napatili ako at narinig ko ang tawa niya nang tuluyan niyang maagaw sa akin ang hose.


Tumakbo ako pero ang siraulong matandang ito ay hindi pa rin ako tinigilan. Tumakbo ako at natawa, pero hinabol niya ako kaya napatili na tumakbo pa ako. Naghahabulan kami sa paikot na pinagtaniman ko.



Nanlaki ang mata ko nang biglang dumulas ang mga paa ko. Napatili ako at napadaing nang bumagsak ako sa putikan.


"Awts!" napaiyak ako dahil ang sakit ng balakang ko.


"'Yan kasi. Ang kulit mo."


Napatingin ako kay Tanda na napailing habang nakangiti. Sinamaan ko siya ng tingin dahil tila pinagtatawanan niya pa ako.


"Itayo mo nga ako!"


Napailing siyang muli at hinawakan ako sa kamay para itayo, "Ayan na po," aniya tila sarkastiko pa ang tono.


"Eww! Oh my god! Ang dumi-dumi ko na! Kadiri!"


Napapadyak ako habang mas lalong napaiyak dahil nang mapatingin ako sa suot kong puting t-shirt sa likod ko ay puno na ng putik ito.



"Tsk, ang arte," bulong ni Tanda na umabot sa pandinig ko.


"Anong maarte? Hindi mo ba nakikita? Ang dumi-dumi kaya nito. God. Feeling ko ay umaakyat na ang lahat ng germs sa katawan ko."


Natawa siya tila ba tuwang-tuwa sa pagmamarikolyo ko.


"Tumalikod ka nga," hinawakan niya ako sa balikat para ipatalikod sa kaniya. Naramdaman ko ang tubig kaya lumingon ako sa likod ko at natigilan ako nang makita na naalis ang putik, pero may mantsa na.


"May mantsa na," ngumuso ako dahil fave t-shirt ko pa naman ito na may nakaimprintang malarosas na labi na nakabuka.



"Madali lang 'yan. Labhan mo o kaya bumili ka ng bago, tutal marami naman kayong pera."



Tumingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa damit ko at humalukipkip na hinarap ko siya.


"Hindi ako marunong maglaba at fave shirt ko ito. Kaya paanong naging madali iyon?"



Napataas ako ng kilay nang makita ko na nakatingin siya sa dibdib ko. Kaya napababa ako ng tingin at halos umusok ang ilong ko bago ko i-ekis ang mga braso ko sa dibdib ko para takpan.


"Manyak!"


Napaangat siya ng tingin at kita ko ang tuwa sa mata niya bago siya mapahalakhak ng tawa.


"How dare you!"


Napailing siya at natawa pang muli, "Baby bra," aniya.


Tila umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi niya.


"A-Anong sabi mo? B-Baby bra?"


"Oo," tumalikod na siya at tumawa muli. Agad ko siyang hinabol at tumalon ako bago ko siya sinampa sa likod at sinakal sa leeg.


"Bawiin mo ang sinabi mo! Victoria secret ang brand ng bra ko, tapos nilalait mo ako na baby bra lang!"


Sinabunutan ko siya kaya todo hapit niya sa katawan ko para ibaba. Dahil sobra ang inis ko ay kinagat ko siya sa tenga ko na kinahiyaw niya.


"Ouch! Damn it!" aniya na dumadaing kaya binitawan ko na ang tenga niya at agad akong bumaba.


Tumakbo ako patungo sa police station para pumasok. Napahinga ako ng malalim at mabibigat ang hakbang na naglakad. Napatingin ako sa dibdib ko na bakat ang bra ko.


Sino siya para sabihin na nakababy bra ako? Ngayon pa lang ako nahiya dahil sa sinabi niya. God. Kasalanan ko bang hindi ako pinagpala. Kainis!



"Oh," umirap ako nang makasalubong ko ang kaibigan ni Tanda na sa pagkakatanda ko ay Joey ang pangalan.


"Hoy! Bumalik ka nga rito!" inis na tawag sa akin ni Tanda ngunit hindi ko na siya pinansin.


Kinuha ko ang sling bag ko at kinuha ko sa loob no'n ang phone ko. Hindi ko pa natatawagan si Kuya Joaquin nang may humablot ng braso ko.



"Bakit ba?" inis kong tanong at inagaw ko ang braso ko sa kaniya pero mahigpit siyang nakahawak.


"Bakit mo ako kinagat, ha?" aniya kaya tumingin ako sa tenga niya na namumula.

"You deserved it!" sumbat ko.


"Paano kung maimspeksyon ito dahil may kagat ito ng maldita?"


Napabuka-sara ang bibig ko at nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Napatikom ang bibig ko at pinagtaasan siya ng kilay.



"Ah, ganoon," tinuhod ko ang pagkalalake niya na kinamutla niya kaya ngumisi ako, "Ayan ang kamandag ko, tikman mo."



Tinalikuran ko sila at lihim akong napahalakhak nang marinig ang sigaw niya.



-


RICO



Shit!



Napahimas ako sa hita ko habang nakaupo sa swivel chair ko. Sobrang sakit ng ginawa ni Bettina at tila nawalan ako ng lakas dahil iyong sensitibong parte pa ng katawan ko ang tinuhod niya.


"Ano ba kasi ang ginawa mo at para na namang bumubuga ng apoy iyon?"


Sinamaan ko ng tingin si Joey na nakaupo sa lamesa ko habang tawa ng tawa sa nasaksihan niyang pagtuhod sa akin ni Brat.


Nang maalala ko ang eksena sa likod nang pulisya ay natawa ako ng lihim. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa dibdib niya dahil bumakat ang suot niyang panloob dahil white t-shirt ang suot niya.


"What? Talaga? Baby bra?"


Sinenyasan ko si Joey na wag maingay dahil baka marinig ni Brat. Napangisi ako dahil hindi ko mapigilang lumabas sa utak ko ang baby bra niya.



"Kaya naman pala halos umusok ang ilong.. Pero bata pa naman siya, lalaki pa siguro iyon."


Binato ko siya ng ballpen dahil iba na ang patutunguhan ng sinasabi niya.


"Tigilan na nga natin ang usapan, baka mabastos na natin siya."


Nang mahimasmasan ako ay hinubad ko ang suot kong uniform dahil nabasa. Tumayo ako kahit na medyo masakit pa.


"Naks. Tila ba iba na iyan, Lieutenant General," pang-aasar ni Joey.


"Ul*l. Tigilan mo nga ako, Joey."


Sinuot ko ang sandong pang exercise ko kapag nagtitraining. Pagkatapos ay kinuha ko ang towel na baon ko at pinunasan ang buhok ko.


"Kung ganoon, ano ang tawag mo sa sinasabi mo?" aniya na talagang hindi ako titigilan.


"Syempre, babae pa rin iyon kaya dapat na nirerespeto."


Ngumisi siya kaya napailing ako at muling naupo sa swivel chair ko.


"Alam mo, tagal na nating magkakilala pero wala ka pang nagiging girlprend. Sa batch natin ay madami kang admirer na magaganda at ang sesexy, pero hindi mo pa pinapatulan. Tapos, 'di ba may kapitbahay ka.. Ano nga bang name no'n?"

"Mariz."


"Oo, Mariz. May gusto sa'yo iyon, Pre. Bakit hindi mo syotain?"


Napahinga ako ng malalim at tiningnan siya, "Tigilan mo nga ako. Bumalik ka na sa pwesto mo."


"Umiiwas ka lang, e. Ano, baka naman 'yung batang maldita ang type mo?"


Binato ko siya muli ng ballpen pero nasalo niya lang.


"Dami mong tanong. Hindi kita sasagutin, kaya tantanan mo na ako."


Sasagot pa sana siya nang pumasok si SPO3 Carpio. Natahimik si Joey dahil alam niyang badvibes sa amin si Carpio.


"Pinapasabi ni Chief na kailangan daw ni Mr. Romulo ng security para sa kanilang kampanya."


"Sige."


Tiningnan pa kami nito bago ito umismid at tumalikod na.. Tumayo si Joey at lumapit sa pinto.


"Sama talaga ng awra para sa akin ni Carpio. Halata mong inggit sa posisyon mo," anas niya.


"Tama na, Joey. Baka may makarinig pa sa'yo."

"Kahit may makarinig pa ay alam kong sang-ayon sila sa akin. Masyado kayang nagpapakitang gilas 'yang si Carpio kay Chief."


Napailing na lang ako at tumayo na para lumabas upang masabihan ang mga tauhan ko upang ihanda at bigyan ng instruksyon para sa seguridad ni Konsehal Romulo.


Paglabas ko ay napahinto ako nang makita na hawak ni Carpio si Bettina sa braso. Agad akong lumapit at hinila si Bettina kaya napabitaw si Carpio. Nilagay ko sa likod ko si Bettina kaya nagkatinginan kami ni Carpio.



"Anong ginagawa mo sa kanya, SPO3 Carpio?"


Natawa siya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.. Bago pa siya sumagot ay umeksena si Bettina.


"Ano bang ginagawa mo? Mabuti nga at concern pa siya sa akin dahil nakita niya na nagkagasgas ang siko ko," aniya at umirap.


Napatingin ako sa siko niya at hinawakan pero nilayo niya lang bago siya ngumiti kay Carpio.


"Thank you, Kuya. Mabuti ka pa napansin mo agad, kesa sa iba d'yan; masungit na, hindi pa gentleman."


Natawa si Carpio kaya napamulsa ako at napakuyom ang mga kamay ko.


"Tara sa clinic namin," aya ni Carpio.


At talagang sasama si Brat, ha?



"Wag na, ako na ang gagamot, tutal ako naman ang may kasalanan."


Bago pa makaapela si Brat ay hinawakan ko siya sa braso at hinila.. Nagpupumiglas siya pero wala na rin siyang nagawa nang pumasok kami sa opisina ko.


"Ano ba! Bakit ka ba nanghahatak?"


"Maupo ka d'yan, kukunin ko lang ang medicine kit ko."


Binitawan ko ang braso niya at sinara ang pinto. Lumapit ako sa lamesa ko at binuksan ang drawer. Kinuha ko ang medicine kit ko at tumingin ako kay Brat na panay ang irap.


Napailing ako at lumapit. Nilapag ko sa sofa sa tabi niya ang mga panglinis ng sugat at niluhod ko ang isang tuhod ko habang nasa harap niya.



"Wag alcohol," banta niya kaya ngumisi ako at kinuha ang betadine.


Sya na ang ginagamot, siya pa ang mapili at magaling sa nanggagamot sa kaniya. Kakaiba talaga ang pagkabrat nitong batang ito. Kung hindi ko siya matanto ay baka mapasama siya sa akin.


Pinatakan ko ng betadine ang bulak at hinawakan ko siya sa braso bago iharap sa akin para malinis ng maayos ang gasgas ng siko niya. Sa sobrang kinis at kaputian niya ay pansin na pansin ang gasgas. Nakaramdam ako ng konsensya dahil sa pinaggagawa ko sa kaniya ay nasugatan siya.


Nang malinis ko ang sugat niya ay kumuha ako ng band aid at kapirasong bulak para lagyan muli ng betadine at itapal sa sugat. Nang ayos na ay napatingin ako sa mukha niya at nakita ko na nakatulog na pala siya.


Napatitig ako sa maamo ngunit napakagandang mukha na ngayon pa lang ako nakakita. Marami akong nakikitang maganda, pero inaamin ko na mas unique at ma-karisma ang mukha ni Maldita  Sa kaniyang noo na makinis, kilay na kaakit-akit dahil sa maayos na kurba, habang ang mga mata niya ay may pagkasingkit ngunit may mahahabang pilik mata, tapos sa ilong na maliit ngunit matangos na nababagay sa maliit na hugis ng kaniyang mukha, at huli, sa kaniyang labi na basa at tingin ko ay malambot na may mala-rosas na kulay.



Napalunok ako habang nakatitig sa kaniya at sa labi niya. Bumuka ang labi niya kaya napapikit ako at tumayo. Napailing ako at tinampal ang pisngi ko.


Lumapit ako sa lamesa ko at tinukod ko ang mga kamay ko sa lamesa at natawa sa sarili bago napailing muli dahil para akong nahipnotismo. Tumingin ako muli kay Bettina at napahinga ng malalim. Lumapit muli ako sa gawi niya at niligpit ko ang mga pinaggamitang gamot habang hindi tumitingin sa kaniya. Pero nabigla ako nang mapansin na mahuhulog na ang ulo niya kaya agad kong sinalo.


Napalunok ako at napatingin muli sa mukha niya. Inayos ko ang ulo niya habang nakatitig sa kaniya. Napahaplos ang daliri ko sa pisngi niya at napakakinis ng balat niya at napakalambot. Napatingin ako sa labi niya at hindi ko mapigilan na haplusin din.


Nahihirapan akong huminga habang nakatitig sa labi niya na nahahaplos ko. Napakalambot nga at nakakaakit. Napatukod ang kamay ko sa inuupuan niyang sofa, sa gilid niya, at napalapit ang mukha ko habang nakatitig sa mukha niya na sobrang lapit na sa akin.



Titikman ko lang. Tikim lang.



Napakuyom ako ng kamay at panay ang lunok ko habang unti-unting lumalapit ang labi ko sa kaniya. Pero nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay agad akong lumayo kay Bettina at sa medicine kit ko tinuon ang atensyon.


"Oh, Lieutenant."


Napalingon ako kay Acosta na nakatingin sa akin tila ba hindi ma-explain ang reaksyon niya.


"Bakit?" napahinga ako ng malalim at tumayo habang hawak ang medicine kit. Napapikit ako nang matalikod ako kay Acosta. Hindi ko alam kung bakit ba ginawa ko iyon.


"May bisita ka."



Lumingon ako kay Acosta at tumango bago lumapit sa table ko.


"Bakit kayo pinagpapawisan, Lieutenant?" tanong niya.


"Wala, mainit kasi sa opisina at ginamot ko lang siya kaya nakatulog din siya agad," pagpapaliwanag ko.


"Ah, ganoon pala," napatango ito pero tila meron itong naiisip kaya ganoon ang tingin na tila naghihinala sa paliwanag ko.



Nang umalis na ito ay napahagod ako sa buhok ko at napahinga ng malalim. Napatingin ako muli kay Bettina at napailing.


Bumuga ako ng hangin at lumabas ng opis ko, pero nagulat ako nang bumulaga sa akin si Mariz.


"Oh, Mariz!"


Napangiti siya na nagtataka, "Bakit parang gulat na gulat ka? Tsaka pinagpapawisan ka ata?"



Pinunasan niya ang pawis ko pero agad kong pinigil ang kamay niya at ako na ang nagpunas ng sarili habang pekeng natawa.


"Nagulat lang ako nang bumulaga ka. Ano nga palang ginagawa mo rito?"


Ngumiti siya at tinaas ang dala niyang paper bag.


"May niluto ako para sa pananghalian mo. Tara, kainin mo na habang mainit pa."


Ambang hahakbang siya para pumasok sa opisina ko ay agad kong hinatak ang pinto para sumara. Nagtataka siya na napatingin sa akin.


"Mainit d'yan sa opisina ko dahil walang aircon at lilinisin ko pa kasi. Doon na lang tayo sa kitchen namin."



Napatango ito pero napatingin sa pintuan ng opisina ko. Inakay ko na siya at pinauna. Lumingon ako sa pinto at napahinga ng malalim dahil daig ko pa ang gumawa ng krimen sa nangyayari sa akin.



"Bakit nga ba nag-iba ang kulay ng police station niyo? Akala ko nga ay iba na ang nakatayo at lumipat na ang station niyo, pero nang makita ko ang sign board ng pulisya ay hindi pala. Kakatuwa, pink na pink. Tsaka umaliwalas ang buong paligid. 'Yun nga lang, baka sabihin na bakla kayo," aniya nang makaupo kami sa upuan habang narito sa mahabang lamesa.


"Meron lang na volunteer dito na pasaway at nagdedesisyon ng sarili kahit hindi ko naman inaaprubahan."


Natawa siya habang napapaisip, "Sino naman iyon? Girl ba? siya ba yung nakapinta sa pader?"


Napatango ako kaya mabagal na tumango siya habang tila nag-iba ang expression niya.


"Bakit nga ba nagpunta ka rito? Sabi ko sa'yo ay wag mo na akong dalhan o bigyan ng pagkain dahil hindi mo naman obligasyon. At may pagkain naman dito na niluluto kaya dapat ay hindi ka na nagdala."


"Ano ka ba. Lagi naman kitang dinadalhan. Tsaka gusto lang kitang bisitahin dahil hindi ka ata napauwi nung nakaraan. Sabi ng Mama mo ay dito ka daw muna natutulog dahil marami ka daw inaasikasong kaso."


Tumango ako at napasiklop ng kamay, "Oo, marami nga."


Ngumiti siya at nilabas ang bawat lalagyan ng dala niyang pagkain.


"Teka, kukuha ako ng plato mo at kutsara," tumango ako at tiningnan siya na tumayo. Tiningnan ko ang dala niya at meron talagang sinigang.


"Oh, meron ka na palang kakainin,"


Napaangat ako ng tingin nang makita si Joey. Napakuno't noo ako nang makita na may kasunod siyang delivery man ng isang sikat na mamahaling restaurant.



"Dala ni Mariz. Dami mo atang pera ngayon at sa mamahaling restaurant ka pa umorder," sabi ko.


"Actually, hindi ako ang nag-order nito," aniya at nilapag sa lamesa ang mga plastic ng inorder na pagkain.


"Sino?" tanong ko.


"Rico, bakit ganito ang plato at kutsara't tinidor niyo?"


Napalingon kami kay Mariz na nagtataka na nakatingin sa plato, kutsara at tinidor. Natawa si Joey dahil alam niya kung sino ang may pakana.


"Naku, wag mong galawin 'yan. Baka bugahan ka ng apoy kapag nalamang gagamitin mo 'yan," sabi ni Joey kaya sinenyasan ko ito na tumigil.


"Huh? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Mariz.


"Hey! It's mine."



Napatingin kami sa nagsalita at napatingin ako kay Bettina na gising na pala. Inagaw niya kay Mariz ang plato at kutsara't tinidor niya. Actually, kaniya daw si Barbie.. At sa amin ay yung may tatlong cartoon character na may malalaking ulo.


"Paanong naging sa'yo iyan?" tanong ni Mariz kaya tumayo na ako dahil baka makatikim siya ng bala na ibubuga ni Bettina.


"Are you blind? It's my signature utensils," hinarap ni Bettina kay Mariz ang kutsara't tinidor niya. At meron nga itong 'Simply Bettina' na nakatatak at signature niya.


"Hey, tama na. Bettina, wag mo na siyang tarayan at hindi niya lang alam. Maupo ka na, Mariz at ako na ang kukuha ng mga plato."


Napataas ng kilay si Bettina kaya sinenyasan ko si Joey na bantayan dahil baka magkairingan ang dalawa.


Tinungo ko ang kusina at kumuha ng mga plato saka kutsara't tinidor. Ginawang bahay na ito ni Bettina na wala man lang permiso ko. Lahat ng gamit ay pink at malalaman mo talaga kung ano ang paborito niyang kulay dahil halos lahat ng isuot niya o ilagay niya sa police station ay puro pink.


Shete! Nakakabakla pero tila kasundo na niya ang mga tauhan ko kaya napapayag na gawin niya ang gusto sa police station. Paano ba naman, operan ba naman ng masasarap na pagkain? Tatanggi pa ba ang mga gunggong na sawa na sa kinakain namin sa araw-araw, kaya takam na takam sa mamahaling pagkain na inoorder ni Bettina.


Pagbalik ko ay nandoon na din ang mga ilang tauhan ko na nakiki-join sa pagkuha sa inorder ni Bettina.


Nilapag ko ang kinuha kong plato at kutsara bago napatingin kay Bettina at Mariz na magkatabi habang tila nagpapakiramdaman.



"Rico, try mo itong sinigang. Paborito mo ito, 'di ba?"


Tumango ako at kumuha ng kanin. Napatingin ako sa mga tauhan ko na sarap na sarap sa pagkain. Hindi na nagawang magplato.



"Tanda, try this japanese premium wagyu tenderloin beef," sabi ni Bettina at nilagyan ako sa plato.


"Ano ba 'yan, mukhang hindi luto. Tsaka masyadong masebo ang beef. Rico, meron pa akong dala na adobo. Ito ang kainin mo," sabi naman ni Mariz at nilagyan ako ng adobo.


Napahinga ako ng malalim at rinig ko ang pagsipol ni Joey habang napatigil sa pagkain ang mga tauhan ko.


"Wat ever," iyon na lang ang nasabi ni Bettina at kumuha ng sarili niyang pagkain, "Hmm, ang sarap talaga ng lutong bf island. 'Di ba, boys?" pagpaparinig ni Bettina..


Kumain na ako at una kong tinikman ang bigay ni Bettina dahil sa dalas niyang mag-order ng pagkain ay tila ako nagsawa sa nakadalasan kong kainin. Napatango ako dahil masarap at hindi masebo ang baka niya.


"Rico, try mo itong sinigang," ani ni Mariz kaya tumango ako at humigop ng sinigang. Tumingin ako kay Bettina na kinakagat ang masauce na baka at nang dilaan niya ang labi niya ay nalunok ko bigla ang nginunguya kong baka.



Napaubo ako at umiwas ng tingin kay Bettina nang mapalingon sa akin ang lahat. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil tila nagbara ang baka.



"Teka," pumunta si Joey sa likod ko at gamit ang mga kamay ay pinush niya ng diin sa tiyan ko kaya ilang angat pa niya sa akin ay nailuwa ko ang baka.



Napainom agad ako ng tubig dahil para akong natuyuan ng lalamunan doon.


"Sabi ko sa'yo ay wag mo nang kainin ang bigay niya. Nabulunan ka pa tuloy," sabi ni Mariz.


Shit.


Napatingin ako kay Joey na napatapik sa balikat ko.


"Nakita ko iyon," bulong niya at ngumisi bago umalis sa likod ko.



Damn!

© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz