KABANATA 21 - NO MORE SPACE

49.1K 1K 34
                                    

KABANATA 21
NO MORE SPACE



Bettina

HINDI KO ALAM ang nangyari nang magising na lang ako na narito na sa room ko. Sa bahay namin. Napaupo ako nang maalala si Tanda pero napahawak ako sa tagiliran ko nang sumakit iyon.

Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto at nakita ko si Mommy na may dalang tray na may lamang pagkain.

"Mabuti at gising ka na."

Imbes na pansinin ang sinabi niya ay nagtanong ako, "Mom, paanong narito ako? Alam ko ay kasama ko si Dominic at nandoon ako sa kanila."

Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Mommy kaya dinumbol ako ng kaba.

"Pinaghanda kita ng favorite food mo,"

Mas lalo akong kinabahan nang hindi niya sagutin ang katanungan ko.

"Mom, bakit hindi niyo po ako sagutin? Ano pong nangyari at narito ako?"

Napahinga ng malalim si Mommy at tumingin sa akin.

"Kung hindi pa namin nalaman ay wala ka sigurong balak sabihin na napahamak ka na pala," ngayon ay seryoso si Mommy na minsan ko lamang makita kapag pinapagalitan ako. Ibig sabihin ay hindi dapat ako magbiro.

"Maliit na sugat lang naman po ito."

"Maliit? Maliit, e, halos tumirik ang mata mo sa taas ng lagnat mo dahil sa binat! Hindi ka namin hinayaan na sumama sa kaniya para lang mapahamak!"

"Mom, ayos lang ako. Ang OA niyo."

Tumalim ang tingin niya at pumamewang tila ba masungit.

"Aba! Wag mo akong madadaanan sa ganyan ngayon, Tina."

Napanguso ako at nagseryoso, "Mom, ayos lang po ako. Pupuntahan ko po si Tanda. Kasi, baka kailangan niya ng tulong ko."

Umiling si Mommy, "Hindi na. Nagpa-book na ako ng flight mo at na-enroll na rin kita sa school kung saan nag-aaral ang Ate Catherine mo nung nag-study abroad siya."

"Mom! Ayoko po sa abroad. At tsaka sa WCU po ako mag-aaral. Ayokong mahiwalay kay Tanda."

"My decision is final. No more buts. And," may kinuha siya sa bulsa niya at nakita ko na isang card na nakasobre, "He left this letter for you and he said that this is his final decision for the both of you,"

Nagtataka ako na kinuha ang sobre. Napatingin ako kay Mommy na tumalikod na para umalis. Napalunok ako at ewan ko pero kinakabahan ako sa laman ng sobre. Napahinga ako ng malalim at napasandal sa headboard ng kama ko. Napatitig ako sa sobre na pinapaikot ko lang sa kamay ko.

No, don't over think, Tina. This is just a love letter.

Napahinga ako ng malalim at napagdesisyunan na buksan na. Nakita ko ang isang card sa loob. Kinuha ko at tiningnan ang front cover nito.

Dalawang bear image na magkahiwalay..

Binuksan ko ang card. Nanginig ang kamay ko at nahirapan akong huminga.

Dear Bettina,

Wala akong lakas ng loob na sabihin ito sa'yo ng harapan. Pero isa lang ang gusto kong ipahatid sa'yo. Gusto ko muna ng space. Ayoko nang madamay ka, kaya sana ay layuan mo muna ako.

Patawad..

-Dominic

Napatitig ako sa sulat niya at umiling-iling. Hindi niya sinabi ito. Hindi siya ang nagsulat nito. Bumaba agad ako ng kama at kahit na masakit pa ang tagiliran ko ay binalewala ko iyon.

Hindi ako naniniwala rito. Hindi ganito ang kilala kong Tanda. Hindi niya sasabihin iyon.

"Bettina! Bakit bumangon ka?"

Hindi ko pinansin si Mommy at tumakbo ako ng dahan-dahan palabas ng bahay. Kahit nakapantulog pa ako at nakayapak ay wala akong pakialam.

"Kuya Joaquin!" tawag ko.

"Bettina!" si Mommy.

"Ma'am.."

"Ipagdrive mo ako sa Santa Iñez," sabi ko.

"No, Joaquin. Bettina, go back to your room!"

"Wag niyo po akong pigilan, Mommy. I need to see and talk to him."

"Let her, Beatrice. Kapag umuwi ka ritong luhaan ay sisiguraduhin mong susunod ka sa amin," si Dad.

Huminto ang kotse sa harap ko. Maglalakad na sana ako pero huminto ako habang nakatalikod sa parents ko.

"Alam ko po na hindi ako sasaktan ni Dominic. Ayoko pong mag-aral sa abroad. Mahal ko siya kaya hindi po ako aalis."

Matapos kong sabihin iyon ay lumapit na ako sa kotse at sumakay nang pagbuksan ako ni Kuya Joaquin. Tumulo ang luha ko sa takot na namumuo sa dibdib ko. Napahigpit ang hawak ko sa card at umiling-iling.

"Pakibilis lang, Kuya Joaquin," utos ko.

"Okay, Ma'am."

Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang kalangitan na makulimlim. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Ayokong maramdaman ito. Ayoko. Masakit. Ayokong isipin ang sulat dahil alam ko na hindi magagawa sa akin ni Tanda iyon. Mahal niya ako.

"Ma'am, saan po tayo?" tanong ni Kuya Joaquin.

Naisip ko na tanghali na ngayon. Kaya tiyak nasa headquarters si Tanda.

"Sa headquarters muna."

Tumango siya kaya napahinga ako ng malalim. Mga tatlumpong minuto ang biniyahe bago ko matanaw sa wakas ang headquarters. Pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan ay agad kong binuksan ang pinto at bumaba habang tinitiis ang kirot sa tagiliran ko.

Pagpasok ko sa opisina ay napatingin sa akin ang mga tauhan ni Tanda.

"Bettina."

Napatingin ako kay Joey na nagtataka na lumapit sa akin.

"Si Tanda? Nandyan siya 'di ba? Kakausapin ko lang."

Hahakbang na sana ako para magtungo sa opisina ni Tanda nang pigilan ako ni Joey.

"Wala na si Rico rito. Nagpalipat na siya ng headquarters."

Napahinto ako at tiningnan siya. Umiling ako at natawa.

"Nagbibiro ka ba? Siya ang General niyo kaya bakit siya magpapalipat?"

Nawala ang tawa ko nang makita kong seryoso siya.

"Hindi ako nagbibiro. Hindi sinabi sa akin ni Rico kung saan siya lumipat. Ako na muna ang pinalit niya ngayon sa posisyon niya."

Napalunok ako at parang hindi nagsisink-in sa akin ang sinabi niya. Umiling ako at tumalikod na dahil tutulo na naman ang luha ko.

"Kung pupuntahan mo sila sa kanila, wala ka nang makikita. Nilisan na rin nila ang bahay nila."

Tumakbo ako palabas habang hindi ko mapigilan na mapaiyak. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang hindi ako makahinga. Agad akong sumakay sa kotse.

"Ma'am, ayos lang kayo?"

Umiling ako sa kaniya at kahit hindi kayang magsalita ay pinilit ko.

"S-Sa bahay nila. Please, pakibilis," halos pumiyok ako nang sabihin iyon.

"O-Okay."

Napakapit ako sa suot kong pajama para pakalmahin ang sarili ko. Pero parang nadudurog ang puso ko habang paulit-ulit na umeecho sa isip ko ang sinabi ni Joey na wala na sila rito. Ayokong paniwalaan pero bakit naman magsisinungaling si Joey?

"Ma'am, narito na tayo."

Tumingin ako sa labas at narito na nga kami. Nagpunas ako ng luha at kahit nanghihina ay bumaba ako. Tumingin ako sa bahay nila pero sarado ang pinto. Mabagal na lumakad ako palapit sa bahay at nang makarating sa pinto nila ay huminga ako ng malalim at kumatok.

"Mama Rosaly! Tanda! Daniella! D-Danilo!" ilang beses akong kumatok at tumawag sa pangalan nila pero walang sumasagot at nagbubukas sa akin.

Napahagulgol ako at nanghihina na kumatok. Ayokong paniwalaan. Bakit niya ako iniwan?

"Ikaw pala."

Patuloy ang luha ko sa pagtulo na lumingon ako sa likod ko. Nakita ko si Mariz. Humarap ako sa kaniya.

"Wala na sila d'yan.. Bumalik na sila kung saan sila nanirahan noon."

Napalunok ako at para akong natuliro dahil maging si Mariz ay iyon ang sinabi.

"Alam mo, wag mo nang hanapin si Rico. Panoorin mo ito."

May inabot siyang phone sa akin. Nang hindi ko abutin ay nilagay niya sa kamay ko. Ayoko man na patulan siya ay hinarap ko sa akin ang screen at pinindot ang play nang makita ko ang video.

"Nakita mo ang halikan namin. Ako ang mahal niya at hindi ikaw. Na-realize niya na masyado kang bata para sa kaniya. Na hindi kayo bagay dahil masyado kang maarte, immature, at mayaman."

Binagsak ko sa sahig ang cellphone niya dahilan para mabasag.

"Bakit mo sinira ang phone ko?!" galit niyang bulyaw sa akin.

Hindi ko siya pinansin at tulalang naglakad ako paalis sa bahay. Parang nanghihina ako. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha.

"Ma'am.."

"Umuwi na tayo," malamig kong utos at sumakay ako ng kotse.

Napakuyom ako ng kamay at tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam na ganito ang dadatnan ko paggising ko. Gusto niya ng space pero parang ang ibig niyang sabihin ay gusto niya ng break-up. Umalis siya. ganoon ba talaga nauuwi palagi ang puso ko? Pagkatapos kong magmahal ng todo at gawin ang lahat para sa lalaking mahal ko ay iiwan din ako na parang walang closure.

Ganun ba talaga ang tadhana sa akin? Hindi man lang ako kayang harapin ng lalakeng mahal ko para sabihin na ayaw na.

Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si Tanda. Alam ko na dahil sa kaniya kaya lumalakas ang loob ko at napapakita ang pagbabago ko. Pero may ginawa ba akong mali para paggising ko ay iiwanan na lang niya ako?

Lintek matandang iyon! Kay panget-panget nya! Ang tanda-tanda na. Hindi naman talaga siya bagay sa akin. Akala niya. Ipagkakalat ko sa lahat kung gaano siya kawalang kwenta! Kung gaano kabaho ang bunganga niya. Kung gaano kapanget ng katawan niya. At kung gaano kasama ang ugali niya. Magkarayuma sana sya! At...at argh! Bakit ba kasi nabulag ako sa matandang masungit na pinaglihi sa kapre na iyon? Sa ganda kong ito. Tsk. Maraming gwapo at mas higit sa kaniya, akala niya.

"Ma'am, narito na tayo."

"Oo, alam ko! Peste kayong mga lalake! Sa susunod ay mag wig ka at magsuot ka ng dress! Ahitin mo ang bigote mo."

Umirap ako kay Kuya Joaquin at bumaba agad sa kotse. Dire-diretso akong naglakad papasok. Nakita ko sila Mommy pero agad akong umakyat sa taas.

Pagdating sa kwarto ay napahinto ako. May maliit na mabalbong aso na agad akong sinalubong. Umiiyak ito at lumingkis agad sa paa ko.

Napatingala ako at napapikit. Dumilat ako at pinaypayan ang mata ko.

"C'mon, Bettina, hindi niya kasalanan,"

Breath in.. Breath out.

Dahan-dahan na yumuko ako at binuhat si Baby Chowchow. Agad na dinilaan nito ang mukha ko kaya niyakap ko siya. Napapikit ako at tumulo ang luha ko.

Naalala ko ang sa amin ni Tanda kapag nakikita si Chowchow. Lumakad ako palapit sa kama ko at nilapag doon si Chowchow na agad na naglakad sa pwesto niya, sa unan ko. Napatitig ako sa kaniya habang panay ang patak ng luha ko.

Pinunasan ko ang luha ko at huminga ako ng malalim.

"From now on.. Your name is Woch-woch. You hear me, woch-woch?"

Umiyak lang ito at natulog. Padapa akong humiga sa kama at hinaplos ang balahibo ni Woch-woch.

"Kapag hinanap mo si Tanda, sasabihin ko sa'yo na uugod-ugod na siya. Hayaan na natin siya. Gusto niya daw ng space. Baka sa outer space nagpunta. Baka mas pinili niya ang powerpuff girls."

Pumikit ako at sinubsob ko sa unan ang mukha ko. Napapapadyak ako ng paa sa inis. Argh! Lagi na lang ako naiiwan sa ere! Hindi na pwede 'to!

"Ahhhh!!!"

Hiyaw ko. Rinig ko agad ang mga yabag at pagbukas ng pinto.

"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?" si Yaya.

Hindi ako sumagot. Hindi ako bumangon. Hindi ko inalis sa unan ang mukha ko. Ang alam ko lang ay may yumuyugyog sa balikat ko.

"Hija, bata ka pa. Alam ko na marami kang mararating. At kahit na ninety percent ay sobrang ganda mo, maldita, maarte, ang panget ng ugali mo; at ang ten percent mo ay mabait at talentadong dalaginding; wala ka pa ring katulad sa mundong ito. Ang lalake, marami nya'n. Kung ganyan na iniwanan ka lang ay para ka nang kinakatay, sige, bahala ka. Nakakapanget kaya iyan. Makakamukha mo si Fiona."

Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa sinabi niya.

"Hindi po ako umiiyak. Tsaka kahit umiyak ako ay maganda pa rin ako. Wag nga kayo," sabi ko habang nakasubsob pa rin sa unan.

Natawa si Yaya at hinagod ang likod ko na lagi niyang ginagawa kapag umiiyak ako dahil sa pagkapikon sa mga kapatid ko. I miss the younger Bettina. Walang iniisip at nararamdaman na sakit. Hindi alam ang salitang love. Basta masaya nung bata ako. Kalaro lamang ang mga brothers ko. Naiiyak ako kapag pinipikon nila, pero ubod din ng saya kapag sila ang napipikon ko.

"Okay, kunwari na lang ay hindi ka umiiyak. Magpagaling ka at sundin mo ngayon ang parents mo. Gusto ni Yaya bago pa man tumanda ng tumanda ay makita ko ang masaya at successful Bettina. Magagawa mo ba ang hiling ni Yaya?"

Napahinga ako ng malalim at bumangon ng dahan-dahan. Humarap ako sa kaniya at nag-indian seat habang nakahawak sa sugat ko. Napangiti siya at pinunasan ang luha ko. Agad akong yumakap sa kaniya. Kung may Mommy ako ay may nanay rin ako. I love them both.

"Yes, yaya. I will."

-

Three years later......

Nakangiti na pinagmamasdan ko ang kasal nila Ate Catherine at Samuel. Sa nagdaang taon ay palagi akong umuuwi ng pilipinas para lang saksihan ang kasal ng mga kapatid ko. Nasa tahimik na rin si Diko Diesel, Sangko Seige, Diko Deo, at ito nga si Samuel. Marami na rin akong cute na pamangkin.

Gaya ng gusto ng parents ko ay nag-study ako sa abroad at ngayon ay isa na akong newbie fashion designer. Pumasok ako ngayon sa shop ni Mommy sa Manila bilang designer.

Nagsisimula na akong gumawa ng mga sarili kong design. Meron na siguro akong limang wedding dress design at ipapakita iyon sa isang fashion week event.

Sabihin natin na nag-matured na ako. Ngayong disi-otso na ako ay masasabi ko na naging ganap na akong adult. Nawala na ako sa menor de edad feels.

"Hi, Tina,"

Ngumiti ako kay Shem na assistant ko. Nilapag ko sa table ko ang bag na dala ko at agad kong hinarap ang tahing wedding dress na gawa ko. Nakasuot ito sa mannequin.

"Tina, meron nga palang tumawag dito at sinabi na magpapagawa daw sa'yo ng wedding dress para sa fiancé niya."

"Huh? Hindi pa naman ako tumatanggap ng client? Bakit sa akin?"

Bago pa lang ako kaya hindi pa ako sumusubok na gumawa sa ibang tao ng gown. Kinakabahan kasi ako na pumalpak. This is my first time and I want to do the step by step procedure.

"Ewan ko nga. Sabi ko ay hindi ka pwede dahil bago ka pa lang. Basta daw pupunta na lang daw siya rito. Binabaan nga ako, e."

Sino naman kaya iyon? Anong akala niya binabayaran ako para masunod lang ang gusto niya?

"Hayaan mo, kapag nagpunta rito ay ako ang bahala."

Tumango si Shem. Kinuha ko sa bibig ko ang nakaipit na needle. Tinusok ko iyon para malaman kung hanggang saan ang fit ng sukat ng gown na nakaplano sa gusto ko.

"Oh em gee!" bulalas ni Shem.

Tiningnan ko siya at nakita ko na nakatingin siya sa entrance ng boutique. Lumingon ako at natigilan ako kaya nabitawan ko ang needle na hawak ko.

Agad akong umiwas ng tingin at napatalikod. Iniba ko ang expression ko at muling hinarap ang ginagawa ko.

"Good day, Sir," maligalig na bati ni Shem.

"Magandang araw rin, Miss. Ako ang tumawag para magpagawa ng wedding gown."

"Ouch!" napadaing ako nang matusok ako ng needle.

"Ayos ka lang, Tina?" tumango ako at sinubo ang daliri kong dumugo. Tumingin ako sa lalakeng pumasok na walang iba kundi si Dominic. Ibang-iba ang ayos niya ngayon. Naka-leather jacket siya na black habang simpleng panloob na maroon v-neck shirt at kupas na maong na pantalon. ganoon pa rin ang hairstyle niya.

"Hindi kami tumatanggap ng order," lakas-loob kong sabi habang nakataas ang kilay ko.

"Gusto ko kasi na ikaw ang gumawa ng wedding gown ng fiancé ko."

So, may fiancé na siya? Parang pinapangalandakan pa niya. Who cares?

"Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi nga ako gumagawa."

Imbes na pansinin ang pagtataray ko ay naupo siya sa sofa at kinuha ang magazine.

"Gusto ng fiancé ko sa'yo. Hindi ka naman gagawa ng ganyan kung hindi ka marunong. Magbabayad ako kahit magkano, gawin mo lang," aniya na hindi tumitingin at sa magazine nakatutok ang mata.

Siniko ako ni Shem kaya napatingin ako sa kaniya.

"Kilala mo siya? Bakit may something sa inyo?"

"Tumigil ka nga, Shem."

Tumingin ako kay Dominic na tumayo at naglakad palapit sa amin. Tiningnan niya ang ginagawa kong gown. Actually, my dream gown.

"Gusto ko ito para sa fiancé ko," aniya kaya agad akong humarang sa gown ko.

"Hindi siya for sale at hindi nga ako gumagawa. Kaya umalis ka na," mariin kong sabi sa kaniya habang matapang siyang tinitingnan sa mata.

"Katulad lang siya ng size mo," nabigla ako nang hawakan niya ang tagiliran ng boobs ko, "32," aniya at bumaba ang kamay niya sa bewang ko at hinapit ako, "22," at bago pa bumaba ang kamay niya ay sinampal ko siya.

"Bastos!" sabi ko.

"Tingin ko ay wala nang size na pinaka-kasya. Gawin mo ang ganoong size. Babalik ako rito para sa iba pang details."

Halos habol ko ang hininga ko sa galit dahil ang walanghiyang matandang panget na iyon ay matapos akong hawakan at sabihin iyon na parang siya ang magdedesisyon ay tsaka lalayas.

"Omg. I think there's something fishy to the both of you. But God! It's so hot! Parang type kong magpasukat sa kaniya ng vital statistics. Kung ganoon ang medida ay palagi akong gagamit."

Inirapan ko si Shem at nagngingitngit ako sa galit na lumapit sa table ko. Naupo ako sa swivel chair at binuklat ang sketch pad ko.

"Oh, hindi mo tatapusin? Ito daw ang gusto niya."

"Hindi. Bakit ko siya susundin?"

"Tila nangangamoy bitter ka? Ex mo iyon?"

Ex? Naghiwalay ba kami? Siguro nga ex na. Three years na ang nakalipas at wala na.

"I'm not bitter," wala sa mood kong sabi at nag-sketch ng panibago.

"Kung hindi ka bitter, bakit tila galit na galit ka sa lalake? Ayaw mo no'n, malay mo magustuhan ng fiancé niya ang gagawin mo. At 'pag nagkataon ay iyon na ang unang gawa mo na nagamit ng ibang tao."

Umiling ako kay Shem at hindi na siya sinagot. Napapikit ako dahil wala sa mood ang style ng sketch ko. Pinunit ko ang papel at umulit muli. At nag-sketch ulit, pero pinunit ko rin ulit.

"Oh, gabi na pero iyan pa rin ang problema mo. Tambak na ang buong floor mo ng papel na scratch mo."

Napahinga ako ng malalim at sumandal sa upuan bago pumikit.

"Uuwi na ako. Ikaw?"

"Mauna ka na," sabi ko habang nakapikit.

"Okay."

Narinig ko ang papalayo niyang yapak kaya napahinga ako ng malalim. Hindi ako makapag-concentrate. This is his fault! Argh!

Dumilat ako at napabuga ng hangin bago umayos ng upo. Tumayo ako at nilapitan ang dream wedding dress ko. Ayokong ipasuot sa ito sa iba, lalong-lalo na kung sino mang poncio pilatong fiancé niya.

Wala akong narinig sa kaniyang 'sorry'. Napaka-demanding pa niya para utusan ako na gawin lang ang wedding gown ng fiancé niya. Is she better than me? Well, I think. Pagkakasalan nga niya ang fiancé niya, e. Nag-effort pa siya na asikasuhin ang wedding gown nang mag-isa.

Aist. You don't care, Tina.

Napahinga ako ng malalim at napahaplos ako sa gown na konti na lang at matatapos na. Pinagbuhusan ko ito ng emosyon pero parang nawala ng parang bula ang lahat. Nawalan ako ng gana.

Lumapit ako sa bag ko at pinatay ang ilaw sa table ko. Lumakad ako palabas at masyadong malalim na ang gabi. Napahinga ako ng malalim habang naglalakad sa street. Dahil nais kong maging independent, hindi na ako pumayag na may bodyguard. I can protect myself. I'm a big girl now.

Marami pa ring tao sa paligid kahit na oras na ito na dapat nasa bahay na ang lahat. Bumuga ako ng hangin dahil hindi pa rin ako makahinga sa muling pagtatagpo namin ng matandang iyon.

Nakakita ako ng isang bar kaya naisipan kong magpaantok. D'yan lang naman ang penthouse ko kaya kahit malasing ako ay makakauwi pa rin ako.

Pumasok ako at isang banayad na tugtugin lamang ang bumungad sa akin. Sakto at gusto ko ng hindi masyadong maingay.

"One ladies drink, please," pagkasabi ko no'n ay naupo ako sa high chair sa harap ng bartender.

"Coming!" tugon ng bartender.

Pumalumbaba ako at napahinga ng malalim. Ayos na sana ako pero ngayon ay parang bumalik ang three years ago. Sana hindi na lang siya nagpakita kung sasaktan lang din naman niya ako. Ang kahulugan pala ng space sa kaniya ay wala na. Tapos na. Kung sana niliwanag niya, edi sana hindi ko na inasahan iyon.

Nilapag ng bartender ang order ko kaya kinuha ko ang baso. Inalog ko ito at tsaka ako sumimsim. Magpapakalasing lang ako para sa selebrasyon ko sa pagkasira ng pag-asa ko.

Kapag bumalik ang lintek na matandang iyon. Talagang makakatikim siya sa akin ng mag-asawang sampal. Kapal niya. Ngayon ko lang na-realize na pinapamukha sa akin ng matandang iyon na madali siyang nakahanap. Well, siguro hindi naabot ng beauty ng fiancé niya ang beauty ko. Pang kalawakan ang beauty ko at tiyak ako na uugod-ugod na at matandang kaedaran lang din ang nakuha niya.

Natawa ako sa naisip ko at sunod-sunod na nilagok ko ang inorder kong alak.

"Isa pa," ani ko.

Order ako ng order at hindi ko na mabilang ang nainom ko. Umiikot na rin ang paningin ko pero umiling-iling ako.

"I-Isa pang ladies drink. I-Isa pa," hindi na ako makapagsalita nang maayos dahil nadidighay ako. Pumalumbaba ako at pumikit. Napangiti ako habang nag-iisip ng gagawin kong prank sa matandang iyon para makaganti.

"Wag mo nang bigyan."

Inaantok na dinilat ko ang mga mata ko. Lumingon ako sa tabi ko nang may maramdaman akong humawak sa akin.

"Tara na, lasing ka na."

"S-Sino ka? P-Parang kamukha mo ang uugod-ugod na panget na matandang pulis?" mahinang sinampal-sampal ko ang mukha nito at natawa ako, "Hay, a-ang panget-panget. M-Mukhang mojojo. Ang baho pa ng a-amoy.. Ano ba!"

Inis na hinawi ko ang kamay niya nang humawak ito sa bewang ko. Sinabunutan ko siya nang pangkuin niya ako.

"Shit!"

"M-Minumura mo ako? G-Gusto mong ubusin ko ang buhok mo, ha?"

Bumitaw ako sa buhok niya at nagpabigat ako. Bahala siyang mabigatan dahil wala akong pakialam kung sino man siya.

"A-Amoy matanda ang kasama ko. Lalalala.."

Naramdaman ko ang malambot na kama kaya umikot ako at dumapa. Napahinga ako ng malalim at ngumuso. Hay, sarap humiga.

"A-Ano ba!"

Hinawi ko ang tumabi sa akin dahil niyakap ako nito. Mas lalo akong niyakap nito at sumubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Hindi na ako makapaghintay," bulong niya. Hinarap ako nito kaya pilit kong idinidilat ang mata ko. Malabo ang mukha ng lalake.

Napahawak ako sa dibdib nito nang sakupin nito ang labi ko. Hindi ako makaiwas dahil nanghihina ako sa halik niya. Napayakap ako sa leeg niya at gusto ko ang labi niya na parang kay tagal kong hinanap.

Nang parang mag sink-in sa akin ang pamilyar na halik ay agad akong napabitaw. Tiningnan ko ang taong kahalikan ko at halos manlamig ako nang mawala ang kalasingan ko para lang makita ang matandang ito.

Sinampal ko siya at tinulak pero hinawakan niya ang mukha ko at siniil ako ng halik. Tinulak ko siya sa dibdib pero kinuha niya ang mga kamay ko at mariing pinako sa taas ng ulo ko.

Bumigat ang hininga ko at nanghihina na rin ang piglas ko. Hindi dapat ako bumigay. Hindi pwedeng dahil sa simpleng halik niya lang ay akala niya ay ayos na.

Umiwas ako ng halik at pinagsasampal ko siya. Hindi ko mapigilan na mapaiyak dahil parang sasabog na ang naipon kong sama ng loob. Napatakip ako ng mukha at pinilit kong wag mapahagulgol pero hindi ko na maiwasan.

"Umalis ka na," sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko pero tinabig ko lang. Hinawakan ko siya sa dibdib para paalisin sa ibabaw ko pero masyado siyang matigas.

"Maldita ko," malambing niyang sabi at pilit na hinawakan ang mukha ko para punasan ang luha ko.

"Don't call me that!" tiningnan ko siya kahit na parang hindi ko kaya. Umiiyak akong tiningnan siya, "You left me with only a letter. And now, you want me to be your fiancé's designer. You want space, ha? Kung gano'n, gusto ko na ng closure."

Gumalaw ang panga niya at napahinga ng malalim.

"Ginawa ko lang iyon dahil ayokong madamay ka pa sa pagharap ko sa Dark Sun. Hindi ako sigurado noon na hindi sila gagawa ng masama lalo't nakalaya ang mga alagad nila. Kaya tinatanong ko sa parents mo kung ano ang magandang gawin para sa ikabubuti mo. Pasensya na kung nasaktan kita, pero mahal na mahal kita kaya ko lang nagawa iyon."

Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko?

"Kung gano'n, bakit ka magpapakasal sa iba?"

Ngumiti siya at pinunasan ang luha ko. Bumangon siya kaya napapunas ako sa luha ko. Hinila niya ako sa bewang at paupong pinaupo ako sa kandungan niya paharap sa kaniya.

"Ikaw kasi iyon," natatawa niyang sabi at hinalikan ang labi ko. Napatingin ako sa kaniya.

"A-Ako?"

Tumango siya at ngumiti kaya napalunok ako sa pagkahiya. Binayo ko ang dibdib niya at sinabunutan siya.

"Letche ka! Nakakainis kang matanda ka!"

"Shit! Tama na.. Mauubos ata ang buhok ko sa'yo."

Niyakap niya ang bewang ko at tumayo siya sa kama habang buhat ako. Yumakap ako sa leeg niya at niyakap ang binti ko sa bewang niya.

"Alam mo naman na nangako ako sa sa'yo. Kapag disi-otso ka na ay magpapakasal na tayo."

Hinagod niya ang likod ko kaya napangiti ako at mas humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Wala kang iba?" tanong ko at tiningnan ko siya.

Huminto siya sa paglalakad at nginitian ako, "Syempre, wala."

Ngumuso ako dahil hindi ko mapigilan na maligayahan sa nalaman ko.

"Ako lang talaga?"

Natawa siya at naglakad muli. Tumingin ako sa paligid at hindi ko pala penthouse ito.

"Ikaw lang," bulong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya na kinangiwi niya. Natawa ako at nagkatinginan kami.

"A-Ah, ibaba mo ako, gusto kong makita ang loob ng condo mo. Iyo ba talaga ito?"

"Oo," aniya pero hindi niya ako binaba at humigpit ang yapos niya sa bewang ko.

"T-Tanda," naiilang ako sa titig niya at sa pagkakayapos niya.

"Sobra kitang namiss, alam mo ba 'yon?" aniya sa kakaibang tono na parang gigil na gigil siya.

"Hindi, malay ko ba," pilosopong sabi ko at pilit akong bumababa sa kaniya pero inaangat niya lang ako ng husto para hindi ako makababa.

Lumakad siya patungo muli sa kama kaya kinabahan ako. Marahang hiniga niya ako at sumunod siya bago ako muling halikan. Napakapit ako sa t-shirt niya at napatugon sa halik niya.

Naramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya sa loob ng t-shirt ko kaya kinilabutan ako. Naging mabilis ang paghalik niya kaya napasunod ako. Humahaplos ang kamay niya sa bewang ko at nagbibigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin.

Bumitaw siya at tiningnan ako. Kakaiba ang tingin niya at kinabahan ako.

"Hindi ko na mapipigil," aniya at napayakap ang binti ko sa bewang niya nang idiin niya ang katawan sa akin. Napapikit ako dahil nahihiya ako. Anong sasabihin ko? Kinakabahan ako. Gosh! Bakit ba niya pinaparamdam? Kinikilabutan tuloy ako.

"Ah-eh," Dumilat ako at agad din akong umiwas ng tingin nang makita ang tingin niya na tila hinihintay ang tugon ko.

Oh my gosh!

Naghubad na siya ng t-shirt. Lalong nag-init ang pisngi ko dahil tumambad sa akin ang maganda niyang katawan.

"Naiinip na ako," aniya.

"Sandali kasi. Atat ka naman masyado."

"Isa," aniya sa nagmamadaling tono.

"Sige na nga,"

Ngumisi siya at hinaplos ang legs ko. Kinilabutan naman ako. Nilapit niya muli sa akin ang mukha niya at tinitigan ako.

Gumapang ang mga kamay niya sa likod ko at niyakap ako. Sinakop niya muli ang labi ko kaya napayakap ako sa leeg niya at pumikit na tumugon sa kaniyang halik na wala nang makakapigil.

Kinakabahan man ako sa gagawin namin pero bahala na. Mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko nang mawala siya.

© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now