KABANATA 10 - COURTING

48.3K 1.1K 32
                                    

KABANATA 10
COURTING






Rico



HUMINGA AKO NANG malalim habang tinitingnan ang ayos ko mula sa salamin. Nakalong sleeve polo ako at nakamaong pants habang pinaresan ko ng leather brown shoes ang suot ko.


Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako tinatablan ng kaba. Nakakadaga ng dibdib.


"Ready na pala ang binata ko," napatingin ako kay Mama na pumasok sa kwarto ko.


"Ayos lang ba ang porma ko, Mama? Hindi ba nasobrahan?"


Ngumiti siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.


"Ang gwapo-gwapo mo nga anak sa ayos mo.. Kaya tiyak ako na hindi ako mapapahiya sa'yo oras na humarap ka sa pamilya ni Bettina."


Napahinga ako ng malalim at napahimas sa batok ko habang napangiti. Dahil pinangako ko kay Bettina na liligawan ko siya kaya tutuparin ko. Ngayon lamang ako manliligaw sa babae, kaya sobra-sobra ang kaba ko at hindi ko alam kung ano ba ang unang gagawin sa paraan ng panliligaw.


"Alam mo ba kung paano mo liligawan si Bettina?"


"Tinuruan ako ni Joey, pero tila puro kalokohan lang ang sinasabi niya."


Natawa si Mama at inaya ako na lumabas ng kwarto ko. Pinaupo ako ni Mama sa sofa habang nakatayo siya sa harap ko.


"Ganito, Anak. Sa pagpunta mo sa bahay nila, dapat ay magalang ka na batiin ang magulang niya o sino mang tao ang nasa bahay nila. At ipakita mo at sabihin ang tunay na nararamdaman mo para kay Bettina...at heto," sinundan ko siya ng tingin. Napakuno't noo ako na lumabas si Mama, pagbalik niya ay may dala na siyang bulaklak ng gumamela na tila pinitas pa sa halaman niya. Napailing ako at tumayo, "Heto, Anak. Dapat ay meron ka man lang dala sa dalagang liligawan mo."


"Mama, wag niyo nang problemahin 'yan. Kaya ko naman hong bumili ng bulaklak na dadalhin ko."


Napahinga siya nang malalim at napatango, "Ayusin mo, Anak. Alam ko naman na tiyak na magugustuhan ka nila dahil pinalaki kitang mabuting bata."


Ngumiti ako at tumango sa kanya habang hinahagod ko ang balikat niya para kumalma siya.


Masyado pang maaga. Tulog pa nga sila Danilo at Daniella. Ala singko pa lang ng umaga. Hindi muna ako papasok ngayon at sila Acosta na muna ang pinagbilinan ko saglit sa prisinto.


Sumakay na ako sa owner ko na at inalis ko pa ang isang butones ng polo ko dahil para akong hindi makahinga sa kaba. Umalis na ako ng bahay at habang nagmamaneho ay nag-iisip ako ng mga sasabihin ko sa magulang ni Maldita.


Alam ko na magugulat si Bettina oras na malaman niyang ngayon ako mismo aakyat ng ligaw sa bahay nila. Napangiti ako at napahawak sa labi nang maalala ang pangyayari kung paano kami nagkaaminan ni Bettina.


Damn! Hindi ko akalain na magugustuhan ako ng malditang iyon. Akala ko ay mahihirapan akong akitin siya para magustuhan din ako.. Alam kong masyado akong mabilis, pero ngayon lamang ako nabighani ng husto sa isang babae. At sa mas bata pa sa akin.


Determinado ako sa panliligaw ko. Seryoso ako sa kaniya kaya gusto kong nasa tama ang lahat para naman walang masabi sa akin ang pamilya niya. Kung pangit man ang kalabasan ay hindi pa rin ako susuko.



Mahigit tatlongpong minuto ang biniyahe ko bago ako makarating sa BF Island. Humanga ako sa kalinisan at kagandahan ng lugar na ngayon ay parang syudad isla ang itsura. Asul na asul ang karagatan at ang buhangin ay pinong maputi..



Huminto ako at bumaba ng owner nang makita ko ang isang ale tila tagalinis ng dalampasigan.


"Ale, pwede ho bang magtanong?" lumingon ito sa akin at huminto sa paglalakad.


"Ano iyon, Hijo?"


Lumapit pa ako rito at huminto sa harap nito bago napahimas sa batok ko.


"Ah, alam niyo ho ba ang bahay ng mga Ford?"


Kita ko ang agad na pagtataka sa mukha niya pero mabilis siyang tumango kaya nakahinga ako ng maluwag.


"Oo, diretsuhin mo itong daan sa dalampasigan at kapag nakakita ka ng mansyon na puro puti ang pintura ay iyon na ang bahay ng mga Ford. Makikita mo rin sa gate nila ang nakaukit na Ford Family kaya malalaman mong doon na ang hinahanap mo."


"Maraming salamat, Ale," tumango ito kaya tinapik ko ang balikat nito at tumalikod na ako.


Muli akong sumakay sa owner ko at sinunod ko ang turo ng Ale. Pagkalagpas ko sa dalampasigan ay may nakita na agad akong naglalakihang bahay. Una ay ang iba't-iba ang kulay ng bahay ngunit may second floor. Pero ang kasunod nito ay mas malaking bahay na halos para nang white house ang bahay. Malaki at mas higit ang taas sa unang bahay.


Nakakalula ang ganda ng bahay at halata mo na mayaman ang nakatira. Hininto ko sa gilid ang owner ko at huminga ako ng malalim. Bumaba ako ng sasakyan at inabot ang bugkos ng bulaklak at chocolate na binili ko bago ako magpunta rito sa BF Island.


Inayos ko ang buhok ko at polo bago tumingin sa gate. May nakaukit nga na Ford Family. Lumapit ako sa gate at hinanap ang doorbell. Nang makita ko ay pinindot ko at lumayo ako ng kaunti sa gate.


"Sino 'yan?"


Nang marinig ko ang pagtawag na iyon mula sa loob ay umayos ako ng tayo at hinawakan ng mabuti ang bulaklak na dala ko. Bumukas ang maliit na gate at nakita ko ang isang ale. Tila siya kasambahay sa bahay dahil imposible namang kamag-anak ni Bettina, dahil hindi naman makikitaan na kahawig ni Bettina ito.


"Ah, ako po si Rico Dominic Esquivar, Ma'am. Aakyat ho ako ng ligaw kay Bettina."


Nakita ko na nanlaki ang mata niya at nagtaka ako nang pagsaraduhan ako nito ng pinto. Mas lalo akong kinabahan dahil tila merong mali sa pakikipag-usap ko o 'di kaya ay sa paraan ko ng pagkakasabi.



Ilang saglit lang ay bumukas muli ang gate kaya napatingin ako doon. Lumabas muli ang Ale at sa pagkakataong iyon ay lumabas siya ng gate para lapitan ako.


"Pinapapasok ka ni Sir,"


Tumango ako at ngumiti bago lihim na napalunok. Nauna siya kaya sumunod akong pumasok ng gate.. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nakita ko ang lawak ng bakuran. Namangha ako dahil napakaraming mamahaling sasakyan ang nakaparada sa isang malaking garahe. Parang sukat na ng bahay namin ang garahe lang nila. At meron din silang limang bakal at malalaking kulungan ng aso. Sa loob no'n ay may malalaking aso na tila mababangis.


Napakaganda ng bahay at punong-puno rin ng halaman ang buong paligid. At ang pader ng bahay nila ay ang kalahati ay gawa sa salamin.


"Maupo ka muna,"


"Salamat," tumango ako sa ale nang dalhin ako sa sala at naupo sa sofa habang hawak ko ang bulaklak at chocolate na dala ko. Napatingin ako sa mga litratong nakasabit sa bawat pader. Ang iba ay halos painting ng mukha ng pamilya nila. Nakita ko ang malaking portrait ni Bettina at napakaganda niya doon. Para siyang modelo.


Nakita ko rin na may pitong litrato ng lalake sa tabi ng litrato ni Bettina. At tila mga kapatid niya dahil kahawig niya. At sa gitna ng mga larawan nila Bettina ay nandoon ang wedding picture ni Sir Dimitri at tila iyong asawa niya na hawig ni Bettina.


"What are you doing here, Mr. Esquivar?"


Agad na napukaw ako at napatayo nang magsalita si Sir Dimitri na pababa ng hagdan. Nakasuot siya ng roba at tila kababangon niya pa lang sa kama.


"Magandang umaga ho, Sir," ngumiti ako habang kinakabahan.


"Good morning," tugon nito at humarap sa akin. Napatingin siya sa hawak ko kaya tumikhim ako.


"Sir, pasensya na ho sa istorbo. Pero narito ho ako ngayon para magpaalam na liligawan ko ho ang anak niyo."


Kita ko na nagsalubong ang kilay nito tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.



"Tama ba ang naririnig ko? Liligawan mo ang unica hija ko?"


Tumango ako rito at napalunok, "Yes, Sir."


Naupo ito sa sofa at sinenyasan ako na maupo kaya naupo ako. Tiningnan ako nito ng seryoso kaya nagseryoso rin ako.



"Alam mong masyado pang bata ang anak ko."


"Opo, Sir. Pero gusto ko po ang anak niyo. At seryoso po ako sa kaniya."


"Gaano mo kagusto ang anak ko?" tanong niya.


"Gusto ko ho siya na walang sukatan. Ngayon lamang ho ako nagkagusto sa babae."


Napatango ito. Napatingin kami sa kasambahay na naglapag ng kape at mainit na tinapay sa harap namin..

"Salamat," sabi ko kaya tumango ito.


"Alam mong mahirap sa ugali ng anak ko na magustuhan. Hindi ko basta-basta hinahayaan na kanino lang mapunta ang anak ko. Meron na akong mahigit limampung manliligaw na pinatalsik bago pa nila makaharap ang anak ko."


Napalunok ako at hindi ako makapaniwala na ganoon pala kadami ang nanliligaw sa malditang iyon. Napakuyom ako ng kamay dahil tama si Joey. Maraming mas bata pa sa akin ang magugustuhan ni Bettina kapag tumanda na ako.


"Bakit ho? Bakit niyo ho sila pinatalsik?"


Ngumisi siya habang hinihipan ang kape niya na nasa tasa.


"Dahil alam kong habol lang nila sa anak ko ay kayamanan."


Napatango ako at sumang-ayon sa ginawa niya. Napaangat ako ng tingin nang may marinig akong yapak. At napamaang ako dahil isang magandang ginang ang pababa sa hagdan.


"Gusto mo bang dukutin ko ang mga mata mo?"


Napatingin ako kay Sir Dimitri at kita ko ang matalim nitong tingin kaya naguluhan ako.


"Mister, sino itong bisita natin na kay aga-aga naman?"


Napagtanto ko na talaga ngang magagalit siya dahil mommy pala ito ni Bettina. Grabe, parang mas bata pa siyang tingnan sa personal kaysa sa picture. At nakikita ko sa mukha ng ginang ang mataray na mukha ni Bettina.


"Manliligaw ni Bettina," simpleng sagot ni Sir Dimitri.


"Talaga? Umaakyat ka ng ligaw?"


Tumayo ako at magalang na kinuha ko ang kamay nito bago hinalikan. Pero nagulat ako at napangiwi nang mabilis na nahawakan ni Sir Dimitri ang kamay ko bago baliin.


"She's my wife. Do you want to die now?"


"I'm sorry, Sir," sabi ko habang napapangiwi.


"Ano ka ba naman, Dimitri! Bitawan mo nga ang kamay niya at baka mabali mo."


Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan na ni Sir Dimitri ang kamay ko. Magaling ako sa pag-iwas sa mga umaatake sa akin pero hindi ko man lang nalaman ang pag-atake ni Sir Dimitri. Tila magaling siya sa ganitong atake kaya hindi ko nasundan.


"Pasensya ka na, Hijo. Seloso lang talaga itong ang asawa ko."


Nahihiya ako nang paupuin ako nito. Tumingin ako kay Sir at humingi ako ng paumanhin sa pamamagitan ng tingin.


"Anyway, bakit mo naman liligawan ang anak ko? Ikaw ba yung pulis?"


"Opo, Madamé. Tsaka gusto ko po ang anak niyo," napatili ito at hinampas si Sir Dimitri sa braso.

"Nakakakilig naman."


Nakita kong napailing si Sir habang haplos niya ang brasong hinampas ng asawa niya.



"So, ilang taon ka na ba?"


Napalunok ako pero tinatagan ko ang loob ko, "Twenty seven po, madamé."


"Tatlong taon lang pala ang agwat mo sa panganay ko," aniya at napahinga ng malalim, "Okay, pwede mong ligawan ang baby namin, pero make sure na wag mong lolokohin si Tina. Kundi, sa akin ka mismo mananagot."


Napangiti ako at nakahinga ng maluwag. Hindi ko akalain na agad akong papayagan ng ina ni Bettina na ligawan ang anak niya.



"Misis," angal ni Sir Dimitri kaya nakatikim siya ng siko kay Madamé.


"Wag ka nang umangal. Dalaga na rin naman ang anak natin, at tsaka mukha namang matino itong si... Ano nga ba ang pangalan mo, hijo?"


Napahimas ako sa batok ko at ngumiti, "Rico Dominic Esquivar ho."


"Mukha namang matino itong si Rico at may stable job naman kaya wag ka nang umangal," may binulong si Madamé kay Sir na nagpabuga ng hangin kay Sir.


"Okay, but make sure that you will never hurt my daughter, Esquivar."


"Yes, Sir. Pinapangako ko po."


Napangiti ako at napapahid ako ng kamay sa pantalon ko dahil para akong pinagpawisan doon.



-



Bettina



Nagtataka ako kung bakit hindi ako ginising ni Mommy. Naghihikab na lumabas ako ng kwarto na suot ko ay ang pantulog ko. Hindi na ako nag-abala na ayusin ang sarili ko o tingnan sa salamin dahil kahit naman bagong gising ako ay alam kong maganda pa rin ako. At wala rin namang makakakita na ibang tao.


Napahimas ako sa braso ko at bumaba ng hagdan. Narinig ko ang tawa ni Mommy tila maligalig na maligalig. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang mapahinto ako at nanlaki ang halos pikit na pikit ko pang mga mata nang makita ko kung sino ang bisita namin ngayon. Tila nagising ang diwa ko at halos mataranta ako na bumalik muli sa kwarto ko.


Oh my gosh! What is he doing here? Agad akong pumasok sa banyo ko at kahit na gusto ko pa sanang magbabad sa bathtub ay pinagpaliban ko muna.


Ginawa ko ang morning ritual ko at pagkatapos ay namili ng get up ko ngayong araw. Kinuha ko ang white t-shirt, leather black skirt. Pagkatapos kong maisuot iyon ay sinuot ko ang ankle boots ko at nagmadali akong humarap sa tukador ko.


Nagpahid ako ng mga ginagamit kong cosmetic brand at huli ay sinuot ko ang head band ko na pa-ribbon. Huminga ako ng malalim at napangiti na lumabas muli ng kwarto ko. Marahan ang lakad ko at kunwari ay hindi ko alam na narito si Tanda.



"Oh, Gising ka na pala, Anak," si Mommy todo ngiti sa akin at nginunguso si Tanda.


Tumingin ako kay Tanda na napatayo at tila naman nag-init ang pisngi ko dahil nakakatunaw siyang tumitig.


"Magandang umaga," bati niya. Shocks. Napapaypay ang kamay ko sa mukha ko dahil pinag-iinitan talaga ako ng mukha.



"Narito ka pala," sabi ko at tumingin kay Dad na tumikhim.


"Anak, nakabihis ka na pala agad. Nakakapagtaka, dahil tuwing umaga ay para kang zombie kapag bumabangon at hindi ka pa naman naliligo agad paggising mo."


"Mom," napalabi ako nang tumawa ito.


"I'm just kidding," napanguso ako, "Anyway, sinabi sa amin ni Rico na liligawan ka raw niya. At hinahayaan namin. Pero, dapat ay limitado, Tina."



Napatingin ako kay Tanda at tumango siya sa akin bago ngumiti. Grabe, hindi ko akalain na nagpaalam talaga siya sa parents ko. At ang nakakagulat ay nakuha agad niya ang blessing ng parents ko. Wala rito ang mga barako kong kapatid dahil may kanya-kanyang layas. Si Benj ay tulog pa ata.


"Ah, Madamé, Sir, ipagpapaalam ko po sana kung pwedeng ilabas si Bettina ngayon. Pangako po na iingatan ko ho siya."


"9 pm," sabi ni Dad habang seryosong nakatingin kay Tanda.


"Okay, Sir,"


"Teka, kumain ka na ba, Hijo? Magluluto pa lang kasi ako," sabi ni Mommy.


"Opo, Madamé," tumingin sa akin si Tanda at sinenyasan ako kaya tumikhim ako.


"Sa labas na lang ako kakain, Mom, Dad," sabi ko at umalis agad sa harap nila para tumungo sa kwarto ko at kumuha ng dadalhin kong bag. Wallet, Cellphone, at press powder lang ang dala ko at tsaka hanky na nilagay ko sa sling bag ko


Agad na bumaba ako at tumayo na si Tanda nang makita ako.


"Mag-iingat kayo. At Tina, wag makiri, ha?"


"Mom!" suway ko dahil nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Nakakahiya talaga! Napangiti si Tanda kaya sinamaan ko ito ng tingin.


"Oo na, sige, lumakad na kayo at tumatakbo na ang oras niyo."


Napailing ako at bumeso kay Mom at kay Dad.


"Anak, here's my card."


"No, Dad. Meron pa akong pocket money."


Tumango ito kaya nagpaalam na ako at tumingin kay Tanda. Pinauna ako nito kaya napakagat ako ng labi dahil ito ang unang beses na makikipag-date ako ng hindi sekreto sa parents ko. Tsaka ang gwapo pala lalo ni Tanda kapag iba na ang suot niya.



Inalalayan pa niya ako na sumakay sa sasakyan niya. Nasanay na rin akong umakyat sa sasakyan niya. Nung una ay hindi ko alam kung paano dahil medyo mataas kasi ang tungtungan ng paa sa pagsakay.


"Bulaklak at tsokolate para sa'yo," aniya kaya napangiti ako.


"Thanks," nagkatinginan kami at nilapit niya ang mukha sa akin. Namula naman ako nang kabitan niya ako ng seatbelt. Ngumiti siya at umalis para umikot sa kabilang side.


"Saan tayo pupunta?"


Tumingin siya sa akin nang buhayin niya ang makina ng sasakyan niya nang makasakay siya.


"Basta. Dadalhin kita sa lugar na hindi mo pa napupuntahan."


Napangiti naman ako at tumango. Pinaandar na niya ang sasakyan niya kaya naman ay namuo ang katahimikan sa amin. Pasimpleng tumingin ako sa kaniya at seryoso lang siya na nagmamaneho.


"Ang ganda mo ngayon."


Nagulat ako nang magsalita siya. Kita ko na napahimas siya sa batok niya at napangiti.


"Lagi naman akong maganda, no,"


Natawa siya at napailing kaya hinampas ko siya sa braso.


"Bakit ba tumatawa ka?"


Bumaling siya sa akin saglit at tumingin din sa daan habang nakangiti.


"Wala. Narealize ko lang kung gaano ka katiwala sa sarili mo."


"Bakit sa tono mo ay parang hindi totoong maganda ako?"


"Hindi, ikaw nga ang pinakamagandang babae na nakilala ko."


Nawala ang kuno't ng noo ko at hindi ko mapigilan ang kiligin sa sinabi niya.


"Talaga?"


Tumingin siya sa akin at napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko ng mahigpit .


"Oo."


Napakainit ng kamay niya at pakiramdam ko ay ligtas ako sa kamay niya. Nanikip ang dibdib ko sa saya nang pagsiklupin niya ang daliri namin. Nanlilit ang mahaba kong mga kamay sa kamay niyang malaki at mahaba rin.



"Ah, Tanda.."


Bumaling siya sa akin at napakuno't noo, "Wag mo akong tawagin ng ganyan. Mas ramdam ko tuloy ang magkalayo nating agwat."


"Eh, anong gusto mong itawag ko sa'yo? Tsaka mas nakasanayan ko na iyon."


"Edi, Dominic ang itawag mo sa akin. Pamilya ko lang ang hinahayaan ko na tawagin ako ng ganoon."


Napangiti ako at mahinang hinampas ang braso niya.


"O sige," huminga ako ng malalim at tumingin sa paa niya, "Ano nga pala ang size ng paa mo?"



Lumingon siya sa akin at kita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya napakagat labi ako.


"Bakit mo naman tinatanong?" natawa siya kaya hinampas ko muli ang braso niya.


"Sabihin mo na lang kasi. Napakatanong mo talagang matanda ka."


Napailing siya at napangiti, "Size 10 ako."


Halos napanganga ako sa sinabi niya. S-Size 10? Oh my god! Tila ako namula at napapaypay ako sa sarili dahil hindi ko ata ma-take.


"Bakit ba? Para kang namutla?" tanong niya kaya umiling ako.



Ayon kasi sa girls talk namin nila Chairmaine noon. At talagang nagbabasa sila ng adult book.. Wala naman akong interest pero napukaw talaga ang atensyon ko ng nalaman ko.


Kapag daw malaki ang paa ng lalake, ibig sabihin ay malaki din ang tinatago nila under the brief. Ang lakas ng loob ko pa na tinukso si Ate Nestle noon about sa size ni Kuya, pero mas grabe pala ang laki ng size ng paa ni Tanda.


"Ano nga?" makulit niyang tanong kaya umirap ako.


"Wala nga."


Napahinga siya ng malalim at pinisil ang pisngi ko.



"Ayoko ng naglilihim ka sa akin. Kaya ngayon ay palalagpasin ko iyan, pero sa susunod ay hindi na," aniya kaya umirap akong muli.


"Nanliligaw ka pa lang kaya," angal ko kaya ngumisi siya.


"Kaya nga. Pero ayokong nililihiman mo ako, paano pa kaya kapag naging asawa na kita."


Para naman akong mabubulunan sa sinabi niya.


"Asawa agad?"


Ngumisi siya at tumingin sa akin, "Syempre, kapag dise otso ka na ay trenta na ako. Nasa tamang edad ka na, kaya pwede ka nang matali sa akin."


"Akala ko ba ay ayaw mo ng boyfriend agad kita, tapos asawa agad?"


Napatingin ako sa labas nang ihinto na niya ang sasakyan niya. Tumingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang mukha ko para ipatingin sa kaniya.


"Bakit pa kita syosyotahin, kung pwede naman na asawa na agad kita."


Hinampas ko siya sa dibdib kaya natawa siya. Inalis ko ang kamay niya sa kamay ko at humalukipkip ako dahil para akong aatakihin sa bilis ng tibok ng puso ko.


"Kapal mo. Baka nga bastedin kita d'yan,"


Natawa siya kaya napatingin ako sa kanya. Bumaba na siya at tiningnan ko siya na umikot patungo sa side ko.


"Kapag ginawa mo iyon, sisiguraduhin kong dadagdagan ko ang penalty mo," aniya at napahawak ako sa kamay niya nang alalayan niya ako sa pagbaba.


"Nakakainis ka! Sinasamantala mo ang sitwasyon ko!"


Namula ako nang humawak siya sa magkabilang bewang ko at napasandal ako sa sasakyan niya.


"Wala akong alam sa panliligaw, pero alam ko kung paano ko makukuha ang gusto ko," aniya at tumitig sa akin kaya napatikhim ako at napaiwas ng tingin sa kaniya.


Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko at ngumiti siya pagkatapos.


"Tara," hinawakan niya ako sa kamay at hinila.. Napatingin ako sa pinaghintuan namin at narito kami sa isang church.


Pinagtitinginan kami kaya naman ay napabagal ang lakad ko. Tumingin siya sa akin at tumingin siya sa paligid. Hindi niya pinansin ang tingin ng mga tao sa amin at hinawakan niya ako sa likod habang tinungo namin ang loob ng upuan at humanap ng bakanteng upuan.


Naupo ako nang makahanap kami sa bandang gitna at sumunod siya na naupo sa tabi ko. Magsisimula na ang misa dahil tumunog na ang batingting na hawak ng sacristan.


"Palagi ka bang nagsisimba?" tanong ko. Tumayo kami at tumingin siya sa akin.


"Oo. Kahit tuwing Sunday lang ay pinipilit kong dumalo sa misa."


Tumingin na siya sa harap nang makarating ang pare sa altar. Napatitig ako sa kaniya dahil hindi ko alam na relihiyoso pala siya. Naupo muli kami at napatingin ako sa kaniya nang kunin niya ang kamay ko at hawakan habang nakapatong sa hita niya.



Nakinig kami sa misa at kita ko na malalim ang pinagdadasal niya. Nang matapos ang misa ay inaya na niya ako.


"Magsindi tayo ng kandila," aya niya at inakay ako palapit sa tulusan ng kandila. Kumuha siya ng kandila nang makahulog siya ng barya para sa kabayaran ng kandila.


"Ano ba ang purpose nya'n kapag nagtulos ka?" tanong ko.


"Para matupad ang dinadasal mo," aniya at pinahawakan niya sa akin ang dalawang kandila, "Magtulos ka rin."



Tumango ako at sinindihan ang kandila. I pray for happiness. To be always happy with him.



"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko pagkatapos kong magtulos at maglakad na kami para tunguhin ang sasakyan niya.


"Basta," aniya kaya umirap ako dahil lagi na lang 'basta'.


May humintong grupo ng kalalakihang tila kaedaran ko sa dinadaanan namin.


"Hi, Miss," sabi ng nasa gitna na may itsura naman pero mukhang mayabang.


"Pre, kasama ang kuya."

Napamaang ako sa sinabi ng isa. Napatingin ako kay Tanda at nakita ko na seryoso lamang siyang nakatingin sa mga lalake.


"Kuya, maganda ang kapatid mo. Pwede ko ba siyang maligawan."



"Hindi," simpleng sagot ni Tanda kaya nakahinga ako ng maluwag at pinagtaasan ko ng kilay ang mga mayayabang na lalakeng ito.


"You are not my type.. And look at you, and look at me. I'm gorgeous at hindi sasapat sa katulad mo lang ang ganda ko."


Natawa ito at ngumisi, "Confident, e. Sabagay, maganda ka talaga. Pero sinisiguro ko sa'yo na maliligayahan ka naman sa akin."

Nakakadiri naman ang lalakeng ito. Nagulat ako nang kwelyuhan ni Tanda ito at inalagay niya ako sa likod niya.


"Wag na wag mong babastusin ang nililigawan ko, kundi sa presinto ang bagsak mo."



Nilabas ni Tanda ang wallet niya at kita ko na namutla ang mga lalake.


"Sorry, Kuya."


Binitawan ito ni Tanda at napaasik siya sa mayayabang.



"Oras na mangharang at mangbastos kayo ng babae, iisa-isahin kong hanapin kayo at ikukulong. Maliwanag ba?"


Para namang siraulong nagtanguan ang mga lalake at kumaripas na ng takbo. Napatingin ako kay Tanda at seryoso pa rin ang mababakas sa mukha niya habang nakatanaw ng tingin sa mga bastos na lalake.


"Napakabastos naman no'n. Dapat ay pinakulong mo na."


Bumaling siya sa akin at napatiim-bagang siya na kinataka ko dahil parang naiinis naman siya akin.



"Bakit kasi napakaikli ng suot mong palda? Tsk."


Napamaang ako at tiningnan siya na naunang maglakad at hinila ako dahil hawak niya ang kamay ko.



"Bakit sa akin ka naman galit?" mataray kong tanong.


"Kasi sa suot mo!" aniya kaya naman ay hinarap ko siya sa akin nang makarating kami sa sasakyan niya.


"Bakit ba pati sa suot ko ay nagagalit ka? Kanina ay hindi ka nagreklamo, tapos ngayon ay nagrereklamo ka?"


"Sa susunod wag ka nang magsusuot ng ganiyan. Sakay."


Aba! Umirap ako at nagdadabog na sumakay. Sinamaan ko siya ng tingin habang umiikot siya para sumakay sa driver's seat. Humalukipkip ako at inis na tumingin sa gilid ko para hindi siya matingnan.


"Nanliligaw pa lang ay ang demanding na ng matandang ito," bulong ko.



"Ayoko lang na nababastos ka. At hindi ka pa nga nagiging akin, pinapakita mo na sa iba ang gusto kong mga mata ko lang ang makakakita."


Umirap ako pero napakagat ng labi dahil ang corny talaga niya.


"Tsss," asik ko.


"Sumunod ka, dahil baka matanggal pa ako sa posisyon ko sa trabaho kapag hindi ako nakapagpigil na bangasan ng sapak ang mga kagaya ng mga batang iyon kanina."

© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin