KABANATA 6 - FALLING

45.1K 1.1K 44
                                    

KABANATA 6
FALLING






Rico



"PRE, HALATA KA na masyado."

Lumingon ako kay Joey na nagmamaneho habang nasa front seat ako ng police patrol car at nasa likod ang ilang tauhan ko na sasama sa paniniguro ng seguridad ni Konsehal Romulo.

"Ano bang pinagsasabi mo?" napailing ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Dumadamoves ka kay Bettina. Sabi na, e, interasado ka sa bata."

Tiningnan ko siya at tinawanan, "Puro ka malisya. Ginawa ko lang iyon para magtanda siya."

"Ganun? Sure ka na ginawa mo lang iyon para magtanda? Hindi mo ginawa dahil ayaw mong mamiss ang malditang bata?"

"Geez, wag mo na nga akong tanungin. Ihinto mo na d'yan sa kanto."

Inihinto na niya ang police patrol car na dala namin at agad akong bumaba. Bumaba sila Baste na dala ang k9 dog para tingnan ang bawat kalye para makasiguro sa dadaanan ni Konsehal.

Malayo pa naman ang halalan ng bayan pero ngayon pa lang ay nagsisimula na agad mag-ingay ang bawat partido. At tiyak rin na magiging mahigpit ang laban dahil ang makakalaban ni Konsehal Romulo sa pagiging mayor ay si Vice Mayor Fajardo.

Nakadikit na rin ang mukha ng dalawa sa bawat pader at may mga tarpaulin pa. Napahinga ako ng malalim dahil kung ako sa kanila ay hindi na kailangan pa na dikitan ng ganyan ang bawat pader sa lugar para lang ibandera ang mukha nila. Kung ako sa kanila ay paghirapan nila na suyuin ang mga tao na ginagamit ang pawis nila. Hindi iyong nagiging kalat pa sa mundo ang ginagawa nilang mga banner at papel na nakapaskil at nakasulat ang pangalan nila.

"Sir, clear."

Tumango ako at tumawag sa radio para tanungin sila Michael kung nakaalis na ba ng barangay si Konsehal.

"Yes, Lieutenant. 35 centimeter."

Pinatay ko na ang radio at naglakad-lakad ako habang bitbit ang submachine gun ko. Tiningnan ko ang buong paligid para tingnan kung may hindi ba kanais-nais. Sa hindi sinasadya ay nalihis ang tingin ko at napatingin ako sa isang mataas na building. Parang merong maitim doon na biglang nawala.

(Lieutenant, nandyan na ang motorcade na sinasakyan ni Konsehal. Roger Michael.)

"Okay," pinatay ko na ang radio at sinenyasan sila Joey na maghanda. Tumingin muli ako sa building at naningkit ang mata ko. Pero nawala doon ang tingin ko dahil dinig ko na ang campaign song na gamit ni Konsehal. Hindi naman namin kinakampihan si Konsehal. Ako ay wala akong kinakampihan sa kanila ni Vice Mayor. Ang amin lang ay tungkulin namin na protektahan ang mga taong nais ng serbisyo namin.

Kung sino man sa kanila ang makita ko na tunay sa kanilang nais ay siya ang iboboto ko, pero sa ngayon ay wala pa akong napipili.

Agad na ring naglabasan ang mga tao na nais makita si Konsehal. Agad na humarang ang team dahil baka masagasaan sila ng gamit na sasakyan.

"Pasensya na po, Ale. Gumilid ho muna kayo at baka masagi po kayo ng sasakyan."

Inalalayan ko ito sa pag-usod dahil baka ma-out of balance, lalo't matanda na rin ito. Nakita ko ang isang bata na kay liit-liit pa ay nasa kalye na. Binuhat ko ito nang ambang didikit ito sa kotse.

"Wag nang makulit. Hihinto din 'yan, kaya makakalapit din kayo kay Konsehal," paliwanag ko sa mga tao at binaba sa tabi ang bata.


Napahinga ako ng malalim at tumingin sa sasakyan ni Konsehal na huminto na. Bumaba si Konsehal Romulo. Nakangiti ito na agad sinalubong ang mga tao. Isa-isang kinamayan ang mga taong nais na lumapit sa kanya.

Nang makalapit ito sa pwesto ko ay tumingin ito sa akin.

"Ikaw ba ang namumuno sa mga kapulisan dito sa Santa Iñez na umaalalay sa akin?"

Naglahad ito ng kamay kaya napatingin ako sa kamay nito. Nakalong sleeve siya at pormal ang kanyang suot. Inabot ko ang kamay nito at tumango.

Napangiti ito at nagbitaw kami ng
kamay, "Tila maunawain ka. At ginagalang ng mga tao."


Napakuno't noo ako pero siguro ay nakita niya ang pagsaway ko sa mga tao.

"Madali lang naman ho mapakiusapan ang mga tao ng hindi sila tipong tinataboy o sinasaktan."

Lalo itong napangiti na kinalabas ng isang gintong ngipin nito sa baba.

"Minsan ay maimbita kita para magkape."

Tumango na lang ako kahit na hindi ko maunawaan ang pag-aaya niya. Humarap siya sa mga tao at hinayaang yakapin siya ng mga tao.

Napatingin muli ako sa building at napamura ako bago ikasa ang submachine gun na hawak ko.

"Dapa!" sigaw ko kaya nagkagulo ang mga tao at pinadapa ko si Konsehal. Nagpaputok ako sa kinalalagyan ng sniper na nasa building na balak na paputukan si Konsehal.

"Sa rooftop building ng mall!" maawtoridad kong utos kela Acosta, "Baste, maiwan kayo rito."

Pagkatapos kong pagbilinan ang ilan na magbantay sa paligid ng mga tao at ni konsehal ay pasunod na tumakbo na rin ako para humabol kela Joey na nauna na para maabutan pa ang sniper.

Pag-apak na pag-apak namin sa mall ay agad na naging tensyonado ang mga tao nang makitang nagtatakbuhan kami.

"Sir," lumapit sa akin ang gwardya.

"May sniper sa rooftop. Wag mo munang palalabasin ang mga tao. I-check ang lahat ng gamit. At wag magpapadaanan sa ibang exit."

Tumango ito at tumawag ito sa radio niya. Kinuha ko ang radio ko at tinawagan sila Joey na paakyat sa rooftop. Tiningnan ko ang mga taong lumalabas na iniinspeksyon ang mga gamit. Isa lang naman ang maaaring paglabasan ng sniper. Pero napa'shit' ako at tumakbo palabas nang may maisip.

Tinungo ko ang tapat kung saan ko nakita ang sniper at agad ko itong tinutukan ng baril nang makita na nasa gitna pa lang ito habang pababa sa pader at gamit ang mga lubid na dala niya sa pagbaba niya.

"Bumaba ka ng maayos! Kundi, hindi ako maaatim na paputukan ka!" seryoso kong sigaw.

Napatigil ito sa pagbaba at napatingin sa akin. Hindi ko siya makilala dahil nakabalot ng itim na tela ang buong mukha niya at tanging mga mata lang ang kita.

Lumapit ako habang pababa siya. Tinutok ko ang baril sa kanya habang inaabangan siya. Kinuha ko ang radio para sabihan sila Joey.

"Nakita ko na ang sniper. Lumabas na kayo nang mall."

Binaba ko na ang radio at agad kong nilapitan ang lalake nang makababa ito.


"Ihagis mo ang mga baril mo."

Nakataas ang kamay nito na hinubad ang dalang bag na naglalaman nang baril niya. Agad kong kinuha ito habang nakatutok sa kanya ang baril ko.

"Magpapahamak ka pa ng ibang tao, ha."

Hinawakan ko ito sa ulo at pinaluhod. Inalis ko ang takip sa ulo niya at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na tao.

"Sino ang nag-utos sa'yo?" tanong ko.

Napaangat ako ng tingin nang makita sila Joey na huminto. Tumango ako at pinasa sa kanila ang pagposas sa lalake. Inalis ko ang kasa ng baril ko at napahinga ng malalim.


"Lieutenant General Esquivar!"

Nabigla ako nang merong mga reporter na agad na nagsilapitan sa akin. At ngayon ko lang napansin na maraming tao ang nakatanghod at nanood sa ginawa kong aksyon.

"Marami ang humahanga sa'yo ngayon dahil sa tapang mong mahuli ang sniper. Anong masasabi mo na nag-viral ka na ngayon?"

Napahawak ako sa batok ko at napahimas dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

"Ah, ginagawa ko lang ang tungkulin ko. At hindi lang naman ako ang dapat na hanganan dahil hindi lang ako nag-iisa para magpakahirap na hulihin itong sniper. Kasama ko ang team ko at kaligtasan lang din naman ng mga tao ang importante kaya dapat na matapang talaga kaming harapin ang mga taong nais na makapanakit ng iba. Sige.."

Tumango ako kela Joey na hawak ang sniper na pinosasan nila. Nakiraan kami sa mga tao at nakahinga lang ako ng maluwag dahil hindi ko akalain na ganoon ang magiging reaksyon ng mga tao sa paghuli ko sa sniper.

Agad na sinakay sa police patrol car ang sniper at humarap ako kay Konsehal Romulo na lumapit sa akin. Akala ko ay nakaalis na ito? Naririto pa pala.

"Pinahanga mo ako lalo sa determinasyon mo at galing sa mabilis na pakiramdam mo na may magtatangka sa buhay ko," aniya.

"Bilang isang pulis ay hindi lang sa malapit ang dapat inaabot nang pangdamdam ko, dapat ay nasa malayo rin. Hindi pa kayo dumadating ay may napapansin na ho akong kakaiba sa rooftop ng mall kaya doon ho mas nagpokus ang atensyon ko."

Napangiti ito lalo at tinapik ang balikat ko, "Gusto sana kitang maimbitahan na kumain minsan para mapasalamatan. Isama mo rin ang mga team mo."

"Naku, hindi na po kailanga---" Hindi pa ako natatapos ay pinigil na niya ako.

"Aasahan ko iyon, Lieutenant General Esquivar."

Napahinga ako ng malalim at tumango. Hinintay ko muna na makasakay siya sa kotse niya at palibutan ng ibang kotse ang kotse niya na nakasakay ang mga bodyguard niya. Nang makaalis ito ay tsaka lang ako lumapit sa sasakyan namin.

"Instant celebrity ka, Pre. Pati si Konsehal ay hanga sa'yo."

Napailing ako dahil hindi naman ako natutuwa sa atensyong nakukuha ko ngayon. Mas agaw atensyon, mas delikado.


--


Bettina



Inis na inis ako dahil sa matandang Dominic na iyon! Argh! Three months? Kada mali ko ay dinadagdagan niya ng buwan! Kainis! Bago ko pa ata matapos ang isang buwan kong penalty ay nadadagdagan naman!

Mabuti na lang ang inis ko ay napalitan ng saya nang makita na may dahon na ang mga butong tinanim ko. Kaya naman masipag ako sa pagdilig sa kanila.

"Naku, bilis-bilisan niyo sa paglaki, dahil kung hindi ay lulunurin ko kayo."


Nang matapos ako sa pagdidilig ay nag-unat ako ng likod dahil masakit din sa likod ang pagdidilig ko. Inalis ko ang summer hat ko sa ulo at nagpaypay ako dahil sobrang init na.

"Ah Ma'am, hindi pa po ba kayo papasok?"

Napatingin ako sa isang tauhan ni Tanda na pinapayungan ako habang nagdidilig ako.

"Wala naman akong gagawin sa loob," inalis ko ang gloves ko at binigay sa kaniya bago ko kunin sa kaniya ang payong ko.

Maglalakad na sana ako nang mapahinto ako. Napangiti ako at humarap muli kay Kuya Acosta. Katulad nang dinig kong banggit dito ni Tanda.

"Saan ang shooting range niyo?"

Kita ko na namutla ito at umiling kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ma'am, mapapagalitan ako ni Lieutenant."

Napahinga ako ng malalim at pinalungkot ang reaksyon ko.

"Gusto ko lang naman na matuto na bumaril para madepensahan ang sarili ko. Lagi na lang ako nabubully sa school. Huhu," tiningnan ko siya at kita ko na naaawa na siya kaya mas kunwari na umiiyak pa ako, "Pero sige, kung ayaw mo ay wag na lang. Hahayaan ko na lang na pagtulong-tulungan akong bugbugin ng mga tao."

Humakbang ako at kunwari ay yumuyugyog pa ang balikat ko sa pag-iyak.

"Ah, sige po, Ma'am."

Lihim na napangisi ako at humarap ako sa kaniya habang kunwari na nagpupunas ng luha.

"Talaga?"

"Opo."

Ngumiti ako at tumigil sa akting ko, "Good. Let's go."

Napakamot siya ng ulo kaya lalo akong napangisi. Sa pinakalikod pala ang shooting range. Napatango ako at naexcite nang makita ang pinagtitrainingan nila.

Agad akong lumapit sa mga baril at tuwang-tuwa na hinawakan ko ang mga ito.

"Maganda siguro na may konting color naman ang baril niyo. Masyado nang gamit na gamit ang itim."

"Naku Mam, wag niyo na pong planuhin ang iniisip niyo. Mas astig po ang black," pigil niya agad sa akin at tila ba siya na-trauma sa isa-suggest kong kulay.

"Pero mas maganda ang pink gun, right? It's more cool than the usual gun."

"Mam, please.. Parang awa niyo. Wag ang mga baril."

Nagtaka ako nang lumuhod pa siya na nagmamakaawa. Umirap ako at nag-flip ng hair dahil bakit ba parang gagawin niya ang lahat wag ko lang palitan ng kulay ang baril nila.

Ang ganda-ganda ng pink at mas astig iyon dahil sila lang ang may ganoon.

"Aist. Okay. Okay. Ang OA mo, ha?" kinuha ko ang isang baril na saktong-sakto sa kamay ko at tila ako naging komportable, "Tumayo ka d'yan at turuan mo ako."

"Okay po. Hay, thanks God," aniya at bumulong sa huli pero hindi ko na pinansin..

Pinagsuot niya ako ng ear piece para daw hindi ako mabingi sa lakas ng putok ng baril. Sinuot ko rin ang salamin para mas malinaw kong makikita ang patatamaan ko at para hindi ako mapuwing.

Tumingin ako kay Kuya na nakatayo sa gilid ko habang kabadong-kabado.

"Anong tinatayo-tayo mo pa d'yan?"

"Ho?" naguluhan siya kaya napaasik ako. Sinenyasan ko siya gamit ang ulo ko. Mas lalo siyang namutla nang mahulaan ang ibig kong sabihin.

"Heto. Patatamaan ko ang mansanas. Ilagay mo sa ulo mo."

"M-Mam.."

Takot na takot siya na kinataka ko. Pulis siya pero duwag. Aist.

"Okay. Ilagay mo na lang doon ang mansanas."

Rinig ko ang paghinga niya ng malalim. Tila ba  nakahinga siya ng maluwag. Sinunod niya ang utos ko kaya naman naghanda na ako ng posisyon at kinasa ang baril. Nang mailagay niya ang mansanas ay unti-unti kong kinalabit ang trigger at nang tuluyan ko nang nakalabit ay nabigla ako sa lakas nang nginig sa kamay ko ng paglabas ng bala.


Hindi natamaan ang mansanas kaya naman ay napahinga ako ng malalim dahil mahirap din pala. Ibababa ko na sana ang mga kamay ko nang mabigla ako nang may humawak sa mga ito.

"Ibalanse at tatagan mo ang katawan mo. Tapos medyo itagilid mo ang ulo mo para mas makita mo ang patatamaan mo. At idistansya mo ang mga paa mo at iabante mo ang isang paa mo kaunti," napataas ang kilay ko dahil si Tanda ang nasa likod ko na tinuturo ang tamang posisyon ko. Hindi na ako nag-apela dahil tila tuturuan na niya ako. Hinawakan niya ang bewang ko at inayos sa tamang posisyon, "Kapag isang kamay mo lang ang gamit sa pagbaril ay dapat nasa dibdib mo ang isang kamay. Pero kung dalawang kamay ang gagamitin mo sa pagbaril ay dapat nakahawak itong isang kamay mo sa hawakan ng baril. At huli, ang bigat ng katawan mo ay dapat nasa daliri sa paa mo, mas mabigat sa nakaabante mong paa."

Inayos niya ang pagkabend ng mga kamay ko at kinasa niya ang baril habang hawak ang mga kamay ko. Kung hindi lang niya ako tinuturuan ay masasabi ko na nananamantala siya. Pero mukha namang hindi.

"Okay, tirahin mo ang mansanas na ilalagay ni Acosta."


Lumapit muli si Acosta para ilagay ang mansanas na babarilin ko.

"Bitawan mo kaya ang kamay ko. Paano ako matututo at makakagalaw kung nakadikit ka?"

Natawa siya kaya umirap ako. Umalis siya sa likod ko kaya tinaliman ko ang tingin sa mansanas. Napangisi ako habang iniisip na si Tanda ang babarilin ko. Tutal ay kailangan ko siguro ng dahilan para makatama ako.

"Ready?" aniya kaya tumango ako. Nang mag signal na siya ay kinalabit ko muli ang trigger habang iniisip ang lahat ng turo niya.


Nang tumama ang bala sa pinakagitna ng mansanas at tumalsik ito ay napatili ako sa tuwa. Agad na inagaw sa akin ni Tanda ang baril.

"Teka, magpapractice pa ako," angal ko at inagaw sa kaniya ang baril. Matangkad siya kaya halos talunin ko ang baril nang itaas niya.

"Dalawang beses lang kita pinagbigyan. Hindi ka pa pwede sa ganito. Dapat ay sa student gun ka muna."

Napatigil ako sa sinabi niya at napakuno't ang noo ko.

"Student gun? Ano iyon?"

Kinuha ni Acosta sa kanya ang baril na inagaw sa akin at maging ang mga baril na nakalatag sa lamesa.

"Michael, dalhin mo rito ang student gun," utos niya.

Humalukipkip ako pero naexcite pa rin ako dahil makakagamit pa rin ako ng baril.

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo rito?" tanong niya habang nakatingin kay Acosta na nililigpit ang mga baril.

"Ahmm, nagdilig pa lang ako," tugon ko at tiningnan ang kuko ko.

Shocks! Kailangan ko na palang magpamanicure at pedicure.

"Nakikinig ka ba?" asik niya kaya nawala ako sa pagtingin sa kuko ko.

"Huh?"

Napailing siya at tila nainis kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Pagkatapos mo rito ay ayusin mo ang files na ibibigay ko at pagsunod-sunurin mo ayon sa apelyido ng mga preso."

"Yeah, watever," tanging sagot ko at napatingin sa dala ni pulis na payat. Napangiti ako dahil mukhang magandang baril pala ang sa student gun.

"Here. Kahit magpakasawa ka rito ay pwede," aniya at inabot sa akin ang baril. Ngumisi siya kaya umirap ako habang kinukuha ang baril sa kanya.

Nang mahawakan ko ay bakit ang gaan? Tsaka parang peke. Kinasa ko ay nahirapan akong ikasa. Nang kinalabit ko ang trigger ay napaface-palm ako nang lumabas ay bala ng pellet gun. It means toy gun.


"Ako ba ay pinagloloko mo?"

Nagtawanan ang kapwa niya pulis at siya ay nagpipigil ng tawa habang napapailing at nakapamewang.

"Oh, anong nirereklamo mo? Talagang ganyan ang ginagamit sa mga baguhan pa lang."

Binitawan ko ang laruang baril sa lamesa at mag wawalk-out sana ako pero bumalik ako sa harap niya. Malakas na inapakan ko ang paa niya na kinangiwi niya.

"You deserved it," inis kong sabi sa kaniya at nagwalk-out ako.


Argh! Peste talaga ang matandang iyon! Sarap sabunutan.


Inis na inalis ko ang salamin at ear piece sa tenga ko. Tinapon ko lang iyon sa damuhan at pumunta ako sa loob.


-


Rico





Tumigil ako sa pagsusulat sa record book ko upang ilagay ang kaso ni June Peters. Isang professional american sniper na kinuha para ipapatay si Konsehal Romulo.


Pasimpleng tiningnan ko si Bettina na ramdam ko ang inis sa akin. Napahawak ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin ng hindi niya ako binabara. Malay ko ba kasing maiinis siya sa binigay kong baril. Hindi pa naman talaga siya pwede sa totoong baril dahil delikado.


Tumayo ako at huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya na prenteng-prente na nakaupo sa sofa habang inaayos ang files na pinapaayos ko.



"Ah, gutom ka na ba?"


Wala siyang naging reaksyon sa tanong ko dahil parang wala siyang naririnig habang patuloy sa pag-ayos ng files. Napahawak muli ako sa batok ko at naupo sa medyo malayo sa kaniya.


Pinigil ko ang braso niya sa paghawak sa papel. Napatingin siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.


"Narinig mo ba ako?"


Napatingin ako sa tenga niya at lihim na napaasik ako nang makita na may suot pala siyang earphone.


"Bakit?" aniya at hinawi ang kamay ko.


"Kumain ka muna."


Tiningnan niya ako kaya napatitig ako sa kaniya.


"Kumakain na ako," napatingin ako sa kaniya nang may dinukot sa gilid niya at may sinubo na parang tinapay. Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng files kaya napamaang ako.


Napatikhim ako at tumayo dahil nabara na naman ako. Hindi pa ako nakakabalik sa lamesa ko nang biglang bumukas ang pinto.


"Kuya!!"


Nagulat ako nang makita ang dalawang kapatid ko. Agad silang yumakap sa akin kaya ginulo ko ang buhok nila.


"Bakit nandito kayo? Tapos na ba ang klase niyo?"


"Oo, Kuya. Nakita namin sa internet ang viral video mo. Ang galing-galing mo talaga, Kuya. Hangang-hanga ang mga kaklase ko sa'yo," sabi ni Daniella.


Magsasalita sana ako nang mapatingin sila kay Maldita na patuloy lang sa pag-aayos sa files at tila may sariling mundo.


"Siya na ba iyan? Wow! Ang ganda-ganda pala niya lalo sa personal. At ang puti-puti niya," tuwang-tuwa sabi ni Danilo.


Pipigilan ko pa sana sila nang bigla silang lumapit kay Maldita at naupo sa tabi nito. Napatingin si Bettina sa dalawa na bakas ang pagtataka sa mukha at tumingin ito sa akin habang nakataas ang kilay tila sinesenyas kung sino ang bigla na lang dumikit sa kanya.


"Mga kapatid ko."


"Hi, Ate. Ang ganda-ganda mo. Ako si Rica Daniella," bibong-bibong sabi ni Daniella habang nakakapit na sa braso ni Bettina.


"Ako naman si Rick Danilo. Ang ganda-ganda mo nga, Ate. Idol na kita."


Akala ko ay tatarayan ni Maldita ang dalawa pero natulala ako nang ngumiti ito.


"I'm Bettina Serina Ford. Anyway, I'm gorgeous, not just beautiful."


Napailing ako at natawa dahil napanganga ang dalawa sa pagtatama sa kanila ni Bettina.


"Kapatid niyo ba 'yan?" tanong ni Maldita at tinuro ako.


Napatingin sa akin ang dalawa at tumango kay Bettina na tumingin muli rito. Napatikhim naman ako dahil sa akin natuon ang usapan.



"Oo, kuya namin siya, Ate. Bakit?" tugon ni Daniella.


"Ah, parang hindi."


Napamaang ako sa sinabi nito pero napahagikgik naman si Daniella.


"Oo, kuya namin 'yan. Sabi nga niya sa amin ay maganda ka daw."


Para naman akong nag-init sa kinatatayuan ko nang hindi ko inaasahan na babanggitin ni Daniella iyon.



"What? Really?" natatawang paniniguro ni Bettina kaya hindi ko alam kung paano ko babawiin ang sinabi ni Daniella..


"Oo. Ang ganda-ganda mo nga. Ikaw lang kaya ang sinabihan ni Kuya ng maganda sa amin."


"Daniella!" suway ko rito.


"I see.. Marunong ka naman palang tumingin ng maganda, Tanda," ngumisi si Bettina kaya umiwas ako ng tingin.


"Ate, anong secret mo sa kagandahan mo? Turuan mo naman ako."



Nawala na ako sa eksena nang magkaroon ang tatlo ng sariling mundo. Humalukipkip ako at tiningnan sila. Bumukas muli ang pinto at pumasok si Joey. Napatingin siya sa tatlo na nagkakatuwaan. Lumapit siya sa akin at tumabi. Humawak siya sa balikat ko at tinapik.


"Iba din ang damoves mo. Hakot ng kapatid para mapalapit pa sa'yo."


Siniko ko ito at agad na napatingin kay Bettina dahil baka narinig nito.



"Anong pinagsasabi mo d'yan? Hindi ko alam na magpupunta rito ang mga kapatid ko."


Ngumisi siya tila ba hindi naniniwala, "Okay, sabi mo, e."


Hindi ko na siya pinansin at bumalik na ako sa swivel chair ko.


"Oo nga pala, Pre. Tumawag si Chief at dumaan ka daw sa opisina niya."


Napatingin ako sa kanya, "Para saan daw?"


"Paparangalan ka ata. At gusto ka daw makausap ni Konsehal Romulo."


Napatango ako at napaisip. Alam ko na merong kailangan sa akin si Konsehal Romulo.. Pero baka naman maling hinala lang ako.


"Kuya."


Napatingin ako kela Daniella nang tawagin ako nito. Tumayo na sila at maging si Maldita.


"Saan kayo pupunta?" tanong ko habang nakakuno't ang noo ko.


"Kuya, pupunta kami sa bahay natin. Ipapakilala namin kay Ate si Mama."


Napatayo ako at napatingin sa relo ko. Tapos na pala ang oras ni Bettina.


"I'm done with it. So, we have to go."



Napatingin ako kay Bettina na nilapag ang lahat ng files sa table ko.


"Wait, ihahatid ko na kayo doon," niligpit ko ang record book ko.


"No. Na-text ko na rin si Kuya Joaquin. At nakaalis na siya papunta rito."


Napatingin ako kay Bettina nang sabihin niya iyon, "Half hour pa makakarating iyon. Tsaka mas safe kung ako ang mag-uuwi sa mga kapatid ko. Kaya ako na ang maghahatid sa inyo."


Wala na siyang masabi kaya kinuha ko na ang jacket ko.


"Pre, pupunta ka pa kay Chief," pigil sa akin ni Joey kaya tinapik ko ang balikat nito.


"Ihahatid ko muna sila bago ako dumiretso sa opisina ni Chief. Ikaw na muna ang bahala rito."


Pinauna ko nang lumabas ang tatlo at sumunod na ako habang kasunod ko si Joey. Sumaludo ako sa mga tauhan ko na sumaludo sa akin.


"Ate, dito ka na sa unahan, kami na lang ni Danilo sa likod," sabi ni Daniella at kumindat sa akin kaya napahimas ako sa batok ko at sumakay sa driver's seat.


Hinintay ko na makasakay sila.. Sumakay na ang dalawa kong kapatid sa likod ko pero si Bettina ay hindi pa.


Bumaba muli ako at umikot sa kabila.. Tiningnan ko siya na pinagmamasdan pa ang owner ko.


"Malinis ang owner ko. Kaya sumakay ka na," sabi ko dahil baka puro kaartehan na naman ang nasa isip nito.


Nagdadalawang-isip pa siya kaya napailing ako. Napatili siya nang pangkuin ko siya.


"Ano ba! Ibaba mo nga ako!"


Pinaghahampas niya ako kaya napailing ako at agad siyang inupo. Sinamaan niya ako nito ng tingin at umayos ng upo sa upuan.


"Ayiiiee!! How sweet!" tukso ng mga kapatid ko.



Natawa ako at napahawak muli sa batok ko habang umiikot para magtungo sa driver's seat. Nang makaupo ako ay inistart ko na ang owner. Tumingin ako kay Bettina na lumilibot ang tingin sa owner ko.


"Kumapit ka, baka mahulog ka na lang bigla sa akin," sabi ko kaya napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Ano?" aniya kaya napailing ako.

"Wala," ngumiti ako at pinaandar na ang owner paalis ng police station.


© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now