KABANATA 9 - FEELINGS IS MUTUAL

46.7K 1.2K 27
                                    

KABANATA 9
FEELINGS IS MUTUAL




Bettina

NABIGLA AKO NANG makita si Kuya Joaquin na nag-aabang sa harap ng presinto. Tumingin ako kay Tanda dahil dapat ay pauwi na kami sa bahay nila. Lumakad ako palapit kay Kuya Joaquin. Akala ko ay hindi ako susunduin nito.

"Ma'am, pinapasundo kayo ni Mam Beatrice."

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam, pero tingin ko ay luluwas kayo ng Maynila."

Napatango ako at napahinga ng malalim bago lumingon kay Tanda na marahang lumapit sa amin.

"You heard that," tumango siya, "Hindi na ako makakasama sa programa niyo bukas dahil baka magstay kami sa Maynila.. Papakuha ko na lang kay Kuya Joaquin ang mga damit ko sa inyo."

Hindi siya sumagot kaya humarap na ako kay Kuya Joaquin. Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Kuya Joaquin kaya hahakbang na nasa ako nang may pumigil sa braso ko. Napalingon ako kay Tanda. Nakatingin siya sa akin at napahinga siya ng malalim.

"Itetext kita, replyan mo ako.."

Tiningnan ko siya at napahinga ako ng malalim na tumango. Demanding si Tanda. Nang bitawan niya ako ay humakbang na ako at sumakay ng kotse. Napabuga ako ng hangin at napahawak sa dibdib ko.

Hinawakan niya lang ako ay pakiramdam ko ay magkakaheart attack ako sa sobrang bilis. Ayoko nang pakiramdam na ito. Ayokong paganahin muli ito.

Umandar na ang kotse kaya nakahinga ako ng maluwag. Ayokong ikaila ang kinikilos niya towards me, pero pilit ko itong binubura sa isip ko.

Nawala ako sa iniisip ko nang tumunog ang phone ko. Napatingin ako sa labas ng bintana at napansin ko na nasa kalagitnaan na kami ng pagitan ng lugar nila Tanda at ng isla namin. Kinuha ko sa loob ng sling bag ko ang phone ko at tiningnan kung sino ba ang nagpadala sa akin ng message.

Bumalik ka kaagad.

Napairap ako dahil wala pang ilang oras ako nakakalayo ay nag-text agad si Tanda. Ma-save na nga ang name niya sa contact list ko, tutal ay tila palagi naman siyang nag-tetext. Hindi ko rin mapigilan na mapangiti sa message niya. Hindi ko siya sinagot at sinilid ko na lang sa sling bag ko ang phone ko.

Ilang sandali na lang din ay huminto na ang sasakyan; sa mismong hotel namin dito sa BF Island. Nakita ko sila Mommy, Daddy, Benj, Diko Diesel, Sangko Seige, Samuel, at Magnolia.

"Hi. I'm here!"

Napalingon sila sa akin kaya naman napangiti ako na lumapit sa kanila.

"Hi, Tina," bumeso ako kay Mags at ngumisi nang makita kung makakapit sa kaniya si Sangko ay parang tuko.

"Hi, Mags. Lagi ka na lang may tukong kasama."

Natawa ako nang magsalubong ang kilay ni Sangko.

"Sinong tuko?" banas niyang tanong pero nag-flip lang ako ng hair sa kanya at hindi na siya sinagot. Bumeso ako kay Kuya Diesel, Samuel, Benj.

"Mom, where's Diko Deo and Diko Drake?" bumeso ako kay Mom and Dad at tsaka yumakap ako sa bewang ni Dad.

"Ang Diko mo ay na kay Lara.. At ang Diko Drake mo ay nasa Maynila na. Ewan ko ba kung ano ang pinagkakaabalahan ng Diko Drake mo sa Maynila."

Napatango ako, "Kumusta ka naman doon, Anak?" tanong sa akin ni Daddy na inakbayan ako habang naglalakad na kami papasok ng hotel para magtungo sa rooftop kung saan naghihintay ang chopper.

"Ayos lang, Dad," tugon ko at napakagat-labi.

"Good. You have one week left," aniya kaya naman lalo akong napakagat labi.

"Ah, Dad, two months and one week na ang kabuuan ng penalty ko."

Napatigil siya sa sinabi ko, "What? Ang napag-usapan lang namin ni Lieutenant General Esquivar ay one month."

"Oo nga, Dad. Pero yung Tan--I mean--yung pulis na iyon ay pinatawan ako ng two months pa dahil sa pag-absent ko nung mismong kinasal si Kuya."

Hindi sumagot si Dad kaya tumingin ako sa kaniya habang pumasok kaming lahat sa elevator.

"Kung iyon ang desisyon niya ay sige, magvolunteer ka pa doon. Baka hindi ka pa tumitino kaya niya siguro dinagdagan."

Napalabi ako dahil bakit ba mas tiwala pa siya sa matandang iyon kesa sa akin.

"Dad!" angal ko sa sinabi niya.

"See?" natawa siya kaya nagpapadyak ako.

"Ano bang pinag-uusapan niyong mag-ama at tinamaan na naman ng tantrums yan, Mister?" tanong ni Mommy kay Daddy.

"It's about her volunteer work in Santa Iñez, Misis,"

"Ah.. Oo nga pala. Nabalitaan ko na pinatawag mo si Chona sa Santa Iñez, Tina? Anong pinagawa mo sa kaniya at gumastos ka ng mahigit isang daang libong piso?"

Ayan na naman po si Mommy. Wala talagang lusot. Daig ko pa ang nag-withdraw na hinabol ng bangko dahil wala akong maipakitang bank record.

"Mom, may fans kasi ako sa Santa Iñez na gusto ng kamukha kong room. Kaya tinulungan ko siya kahit sa ganoong paraan man lang."

Kita ko na tila hindi sila makapaniwalang napatingin sa akin kaya bumitaw ako ng yakap kay Dad at humalukipkip.

"Naku, Mister, tila nga napaganda ang pag-stay niya doon. Salamat sa Diyos."

"Duh, ang OA nyo!"

"Hindi kami OA, nakakagulantang lang na mabait ka pala brat," pang-asar ni Sangko Seige kaya umirap ako rito.

"Naks. Nag-iimprove na si Brat," si Diko Deo.

"Wag niyo nga akong asarin at baka kapag kayo ang inasar ko ay mapikon kayo," sabi ko.

Natawa sila kaya napasimangot ako. Napatingin ako kay Benj na humawak sa kamay ko.

"Where's my pasalubong?" tanong niya.

"Wala. Hindi naman ako nangibang bansa noh."

"You promised me," aniya kaya napairap muli ako.

"Okay, next time," napatalon siya at yumakap sa bewang ko. Big boy na si Benj at hanggang siko ko na siya. Sa lahat ng mga barakong kapatid ko ay siya ang pinakasweet. At kahit inaaway ko ay love pa rin ako.

"Mom, ano nga po pala ang gagawin natin kela Kuya?" I asked.

"Binalita kasi ng Kuya mo na buntis na ang Ate Nestle mo," dahil sa sinabi ni Mommy ay napatili ako at nagulat.

"Really?" hindi ko mapigilan na mapangiti nang tumango si Mommy. God. Magkakaroon na ako ng pamangkin. Excited tuloy akong makita sila Kuya.

Pagdating sa rooftop ay nagsisakay na kami sa chopper. Tumunog muli ang message tone ko kaya kinuha ko muli ang phone ko..

Tanda:

Kapag hindi ka pa nagreply dito, gagawin kong isang taon ang penalty mo!

Whooaa!! Galit na si Tanda. Napangiti ako at napaisip.

Me:

Bakit ba?

Wala pang ilang segundo ko siyang tinext ay agad namang nagpadala ng text sa akin si Tanda.

Tanda:

Bumalik ka agad.

At natawa ako nang may naka-insert pa na picture niya habang seryoso ang mukha. Napailing ako dahil kahit sa litrato ay masyado siyang seryoso.

"Ano bang tinitingnan mo d'yan, Tina?"

Agad na na-exit ko ang message app ko bago napatingin kay Mommy. Actually, lahat sila nakabaling sa akin ng tingin.

"Ah, wala, Mommy. Nagtext lang po sila Charmaine."

Nakahinga ako ng maluwag nang tumango siya at naalis na sa akin ang tingin nila.. Ayoko man na magsinungaling ay nagawa ko pa rin. God. Siguro ay natatakot na ako na madisappoint ko na naman sila.

Hindi ko na nireplyan si Tanda dahil bigla akong na-guilty. Ramdam ko ang vibration ng phone ko pero hindi ko na tiningnan iyon. Patungo na kami sa dati naming bahay na ngayon ay bahay na nila Kuya Duke at Ate Nestle.

Masyadong hapon na rin nang kami ay nakarating. Napangiti ako nang makita sila Kuya. Napakablooming nila at ang sweet talaga ni Kuya kay Ate. At nagkakalaman na rin ang katawan ni Ate kaya talagang buntis siya.

Nasa garden kami para magcelebrate habang hinihintay si Diko Drake. Nakatingin ako sa phone ko habang madiin akong napahawak doon.

Chad:

Bettina, can we meet?

How dare him? Tsk.. Anong akala niya sa akin na madaling mapapahulog sa kaniya? Gusto pa talaga niyang magmeet kami pagkatapos ng lahat.

Binura ko ang text and even his number. Gosh. Bakit ba hindi ko pa binura?

Uminom ako ng tubig at napaangat ng tingin nang makita ang pagdating ni Diko Drake. Pero hindi siya nag-iisa. Nagtaka ako sa girl na kasama niya. Wow! She's so chick. She's beautiful, sexy, and cool.. I feel her good vibes.

Nang ipakilala sa amin ni Diko Drake ang kasama niya na nagngangalang Joe Lin at sinabing asawa niya ito ay pare-pareho kaming nagulat.

Naiintindihan ko si Mommy kung bakit siya nagtatampo kay Diko Drake. Paano, nagpakasal nang hindi namin alam? Pero dahil dalawa na sa kapatid ko ang may asawa ay sobra akong natutuwa.. Tsaka mukhang mabait si Ate Joe Lin. Ang sexy niya. Nakakainis naman. Bakit parang lahat ng magustuhan ng mga kapatid ko ay may hinaharap na may ipagmamalaki? Nang magpafree volcanize ba si Lord sa mga babae ng boobs ay sinalo nila, at tulog ba ako nang mangyari iyon? Mabuti na lang talaga at sobrang ganda ko.

Dahil walang nangyari sa pagstay namin kela Kuya Duke ay naisipan ni Mommy na umuwi na kami. So, it means, makakapasok ako bukas.

Hinagis ko sa kama ko ang sling bag ko at hawak ko ang phone ko habang nag-iisip kung itetext ko pa ba si Tanda.

"Wag na nga lang,"

Hinagis ko sa kama ang phone ko at nagtungo ako sa banyo para mag bathtub.. Hindi ako masyadong nakapaligo nang maayos kela Tanda dahil hindi ako komportable.

-

Rico

Kinabukasan...

Napahinga ako ng malalim dahil napagpuyatan ko pa ang kahihintay sa text ni Maldita. Hindi man lang nagreply ang babaeng iyon.

Bumangon ako sa kama at kinuha ang tuwalya. Maaga ang team na pupunta sa munisipyo dahil naroon mismo ang mga taong nawalan ng tirahan dahil sa sunog. Kaya hindi pwedeng ako pa ang mahuli.

Tumapat ako sa shower nang mahubad ko ang lahat ng saplot ko. Tumingala ako habang tumatama sa mukha ko ang tubig.

Ano ba ang ginagawa niya at hindi man lang ako replyan? Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nababad sa phone at naubusan ng batterya pero ang hinihintay kong magtext sa akin pabalik ay hindi man lang sumagot.

Lumabas ako sa banyo na tanging tuwalya ang nakatapis sa bewang ko. Nawala ako sa mood at masama ang loob ko.

"Anak, kanina ko pa naririnig na tumutunog ang phone mo."

Tumingin ako kay Mama na naghahain ng almusal sa lamesa. Nang sabihin niya iyon ay agad akong nagmadaling pumasok ng kwarto ko. Kinuha ko agad ang phone ko na nakapatong sa kama.

Ang nakakabwisit ay si Joey lang pala ang nagtext. Walang gana na binagsak ko sa kama ang phone ko at huminga ako ng malalim.

Nagbihis na lang ako ng uniform ko sa pagpasok at lumabas ako ng kwarto. Naroon na sa hapagkainan ang dalawa na si Danilo at Daniella.

"Kuya, ang sarap ng tulog ko dahil ang ganda na ng room ko. Ang bait talaga ni Ate Bettina," sabi ni Daniella.

"Bakit ba hiniling mo pa na magaya sa kaniya ang room mo? Sana sinabi mo sa akin nang ako ang nagpaayos ng room mo."

"Anak, bakit ba mainit agad ang ulo mo, e, kay aga-aga?"

Napahilot ako sa sentido ko at napahinga ng malalim.

"Wala, Ma. Masakit lang ang ulo ko. Pasensya na, Daniella."

"Okay lang, Kuya," tugon ni Daniella.

"Anak, uminom ka ng paracetamol pagkatapos mong kumain para maalis yang sakit ng ulo mo. Ano ba ang ginawa mo at nangangalumata ka?"

Umiling ako kay Mama, "Wala, Ma. Hindi lang ako nakatulog agad kagabi."

Napahinga siya ng malalim at hinaplos ang buhok ko.

"Wag kang magpapakaabuso sa katawan mo, Anak. Ayokong isa sa inyong tatlo ay magkakasakit. Alam mo naman kung gaano ako nalungkot nang mawala ang Papa mo, kaya sana ay ingatan mo ang sarili mo, Anak.. Maging sa trabaho mo, delikado kaya nga't tuwing aalis ka ay nangangamba ako. Sana ay ipangako mo kay Mama na palagi kang ligtas... Maging kayo, Daniella at Danilo."

"Ma, wag kayong mag-alala.. Hinding hindi ko ipapahamak ang sarili ko.. At hinding hindi ko kayo iiwang tatlo."

Napangiti sila at nagkatinginan. Napailing ako nang tumayo si Danilo at Daniella at niyakap ako maging si Mama.

"We love you, Kuya," sabi ni Daniella kaya napangiti ako at tumango.

"Oh, siya, kumain na kayo at baka ma-late pa kayo."

Si Mama ay para pa rin katulad ng dati na kahit General na ako ngayon ay parang estudyante pa rin ako na inaasikaso niya. Kung narito lang si Papa ay hindi sana maiiwang mag-isa rito sa bahay si Mama.

Napahigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor at naisip ang mga taong walang kaawa-awang pinatay si Papa. Oras lang na makita ko sila, sisiguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan habang buhay.

"Pre!"

Tumango ako kay Joey at tumingin sa mga tao na pinapila na ng ibang volunteer mula sa munisipyo upang maidistribute ng maayos ang ibibigay sa kanilang maliit na tulong.

Sa presintong hinahawakan ko ay gumagawa talaga ako ng paraan para makalikom ng pera para sa mga ganito. Ganito kasi ang ginagawa noon ni Papa. Kahit na marami siyang ginagawa noon ay patuloy pa rin daw si Papa na nagvovolunteer upang makatulong sa mga tao.. Sa araw-araw na palaging kinukwento ni Mama ang ginagawa noon ni Papa ay nakatatak na sa akin ang ipagpatuloy ang nakasanayan niyang gawaing iyon.

Hindi naman porket pulis kami ay wala na kaming iba pang maitutulong sa kapwa bukod sa magligtas. At suportado din ito ni Chief lalo na nang dumulog ako sa kaniya para makahingi npg pondo.

"Bad mood?"

"Hindi, masakit lang ang ulo ko," nakatingin ako sa paligid upang tiyakin pa rin ang kaligtasan ng mga tao. Sa mga ganitong lugar ay meron at meron pa ring nanggugulo.

"Oo nga pala. Hindi ko ata nakitang kasama mo si Bettina?"

"Hindi papasok iyon, nagpunta ng Maynila," sabi ko.

"Ah, kaya pala," napakunot noo ako na tumingin kay Joey. Nakangisi siya habang nakatingin sa mga tao.

"Anong sinasabi mo?"

"Bad mood ka kasi hindi mo makikita ngayon si Bettina. At sa tono mo ay parang banas na banas ka."

Napaasik ako at hindi ko na siya pinansin. Naupo ako sa upuang gawa sa bato at tiningnan ang mga tao.

"Oh, palapit ang feeling asawa mo," tumingin ako kay Joey at nginuso niya ang entrance ng gym municipality. Nakita ko si Mariz na ngumiti sa akin habang palapit siya. Tumayo ako habang nagtataka na nakatingin sa kaniya.

"Mariz, napunta ka rito?"

"Ah, nabalitaan ko kasi na narito ka daw at meron daw kayong ganitong programa. Pwede bang magvolunteer din?"

Napatingin ako kay Joey nang pasimpleng banggain niya ang balikat ko.

"Wala ka bang pasok ngayon, Mariz? Hindi kaya mapagod ka?"

Umiling siya at ngumiti sa akin, "Hindi. Wala naman akong pasok ngayon dahil day-off ko. Sige na, tutulong na ako."

Agad siyang umalis sa harap namin kahit wala pa akong sagot, at nagtungo siya agad sa mga volunteer na nagpapamigay ng supot-supot na may lamang pagkain.

"Grabe din talaga ang kamandag mo, Pre.. Don't give up ang bokubolaryo sa sarili ni Mariz."

Napailing ako at muling naupo. Napahinga ako ng malalim at kinuha ang phone ko. Wala talagang text ang malditang iyon.

"Pre.."

Tinapik ako ng maraming beses ni Joey kaya napatingin ako sa kaniya. Sa iba siya nakatingin kaya nakakunot ang noo ko na sinundan ko kung saan siya nakatingin.

Napatayo agad ako at hindi makapaniwala.. Nakashades ng black, nakaleather jacket na white. Tingin ko ay nakasleeveless siya at pink ang kulay. Nakaskinny jeans at ankle black boots.

"Alam kong masyadong nakakasilaw ang kagandahan ko, Tanda. Kaya pakisara ang bibig at baka mapasukan ng langaw,"

Natawa si Joey kaya napatikom ang bibig ko pero hindi ko mapigilan na lihim na mapangiti at sumigla ang katawan ko. Pero nagseryoso ako nang maalala na hindi man lang ito nagreply sa text ko.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba ay nasa Maynila ka?" tanong ko habang napapatiim-bagang.

Pinagtaasan niya ako ng kilay at umirap siya kaya ibig kong mapailing dahil talagang hindi nawawala iyon sa reaksyon ng mukha niya kapag kaharap ako.

"Kailangan ko pa bang sabihin sa'yo ang lahat, Tanda? Mabuti nga at nagtungo ako rito."

Inalis niya ang shades sa mata niya kaya nakita ko ang maganda niyang mga mata. Sumipol si Joey kaya siniko ko ito at sinenyasan na umalis. Napapailing at natatawa itong umalis.

"Obligasyon mo at dahil hindi ka man lang nagreply sa mga text ko ay lulubusin ko na ang parusa mo. Isang taon ang ipapataw kong penalty, oras na magreklamo ka ay madadagdagan."

Bago pa siya magreact ay tinalikuran ko na siya. Lihim na napangiti ako nang inis na tinawag ako sa nakakainsultong tawag niya sa akin.

May dala-dala si Bettina na mga pagkain para sa lahat. At hakot-hakot ng mga bodyguard ng pamilya niya. At syempre, ang kaartehan niya ay imposibleng sipagin 'yan sa pag-abot sa mga tao ng binigay niya. Nakaupo siya sa bleacher habang panay ang tingin ng mukha sa salamin na dala niya.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya bago siya hinila patayo.

"Ano ba, Tanda," nagpupumiglas siya pero mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"Kami na d'yan, Miss," umalis ang volunteer na babae kaya dinala ko si Bettina sa pwesto nito. Binitawan ko ang kamay niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat habang nasa likod niya ako, "Siya ho ang mag-aabot sa inyo ng mga ipamimigay niyang pagkain sa inyo."

"What?" react ni Maldita kaya tumikhim ako habang seryoso.

"Ipakita mo na totoo ang pagbibigay mo ng tulong sa kanila. Hayaan mo, narito lang ako sa tabi mo."

Napangiti ako nang umirap siya at inis na sinilid sa bag na nakasabit sa katawan niya ang salaming hawak niya. Binitawan ko ang balikat niya at napamewang ako na pinanood siya na nagsimulang ibigay ang mga nakastyrong pagkaing dala niya.

Pati sa paghawak sa styro ay maarte pa rin ang hawak niya. Napailing ako at napangiti.

"Ang ganda-ganda mo naman, Hija," sabi nang maedad nang babae habang maputi ang buhok.

"I know that, Manang,"

"Bettina," suway ko.

"Tsk," asik niya.

"Nakakatuwa naman kayo. Mag-ano ba kayo?"

Napahimas naman ako sa batok ko at ngumiti sa Ale.

"Kuya ko ho,"

Nagsalubong ang kilay ko sa tugon ni Bettina.. Tinuhod ko ang binti niya kaya napalingon siya sa akin. Tiningnan ko siya na may inis na tingin. Bumelat siya at inirapan ako na humarap muli sa Ale.

"Ganun ba. Eh, may nobya na ba itong kuya mo?"

"Wala pa sa ngayon, Ale," tugon ko.

"Naku, wag niyo nang asahan na magkagirlpren ito, Manang. Bakla ho 'yan."

Natawa ang Ale at umalis na tila naliligayahan sa sinabi ni Bettina. Lumapit pa ako kay Bettina at nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Panindigan mo ang sinabi mong bakla ako, dahil baka bawiin mo kapag nalaman mo kung paano ako magpapakalalake sa'yo."

Napansin ko na natigilan siya kaya napangiti ako..

-

Bettina

Nagtayuan talaga ang balahibo ko sa katawan sa pagbulong sa akin ni Tanda. Sinusura ko lang naman siya pero tila hindi niya gusto ang pagtawag ko sa kaniya ng bakla.

Pagkatapos ko na magbigay ng dala kong pagkain ay napatingin ako kay Tanda. Nasa likod ko lang siya habang nagbibigay ako ng pagkain. Makisig at napakalinis niyang tingnan sa uniform niya. At talagang makikitaan mo ng kaseryosohan at katapangan ang hilatsa ng tindig ng katawan niya.

"Where's the powder room?" I asked.

"Doon. Samahan na kita," agad ko siyang pinigil sa dibdib, pero nang ma-realize ko kung saan ako nakahawak ay agad akong napabitaw.

"Kaya ko na."

Tumango siya at napahinga ng malalim. Agad na akong naglakad sa tinuro niyang powder room. Pagpasok ko ay napatakip ako ng ilong dahil ang panghi. Para pa akong masusuka. Kinuha ko ang pabango ko at winisikan ang buong paligid.

Nang medyo nangingiibabaw na ang pabango ko ay medyo um-okay na ang pang-amoy ko. Nagretouch ako at tiningnan ang kagandahan ko sa salamin.

Talagang kahit saan ako tuminging salamin ay talagang hindi nagsisinungaling.. Pero napakunot noo ako at medyo nilapit ko pa ang mukha ko sa salamin. Napahawak ako sa ilong ko dahil parang may something na hindi naayon sa face ko.

"Oh my God! Oh my God!"

Pimples! Gosh! Hindi pwede. Hindi pwede. Anong gagawin ko? Hinalughog ko ang bag ko at naghanap ng maaaring ipangtakip sa ilong ko. Napahinto ako nang makita ang face mask.

Great.

Agad ko itong sinuot at nang matakpan ang namumulang pimples ko ay nakahinga ako ng maluwag. Kailangan ko nang magpaconsult sa Derma ko.

Naglakad ako para lumabas pero napahinto ako nang makita ko sa labas si Tanda habang nakatalikod.

Ano naman kaya ang ginagawa ng matandang ito rito? Wag mong sabihin na binabantayan ako?

Pero baka magtaka siya kung bakit ako nagsusuot ng mask? Napaisip ako at huminga ng malalim. Dahan-dahan akong humakbang habang palabas. Gumilid ako ng lakad habang nakatingin sa kaniya.

Nang mapalingon siya ay napahinto ako at napapikit sa pagkainis. Napakalakas naman ng pakiramdam niya.

"Oh, tapos ka na pala. Saan ka pupunta at tila balak mo pa akong lagpasan?"

Dumilat ako at nakita ko siya na nasa harap ko na. Umayos ako ng postura at humalukipkip.

"Ah, hindi. Pabalik na ako doon."

Hindi ako makatingin sa kanya at agad siyang tinalikuran. Ramdam ko ang pagsunod niya kaya napahinga ako ng malalim.

"Wait."

Napapikit ako muli nang pigilan niya ako sa braso. Hinawi ko ang kamay niya habang hindi siya nililingon. Pero muli niya akong hinawakan sa braso at hinawakan ako sa balikat para iharap sa kanya.

"Bakit ba nakaganiyan ka pa?" tanong niya.

"Why do you care? It's my new fashion accessories."

"Talaga? Himala at hindi mo ibabalandra ang kagandahan mo? Hmm, may tinatago ka siguro?"

Umirap ako at hinawi ang kamay niya pero nabigla ako nang alisin niya ang face mask ko.

"Naman ihh!" napatakip agad ako ng mukha para hindi niya makita ang pimples ko.

"Ano ba kasi ang tinatago mo?" hinawakan niya ang kamay ko para alisin pero hinawi ko ang kamay niya. Tumalikod ako at hahakbang na sana nang mapahinto ako nang bigla siyang makarating sa harapan ko.

"Umalis ka nga d'yan," sabi ko habang nakatakip ang kamay ko sa bandang ilong ko.

"Pakita mo muna ang tinatakpan mo," ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay.

"Ayoko nga."

Hinawi ko ang kamay niya pero nabigla ako nang hawakan niya ang parehong kamay ko. Napaiwas ako ng mukha bigla pero huli na dahil tila nakita na niya.

"Patingin nga."

Umiwas ako nang sundan niya ang mukha ko. Pero agad niyang pinigil ang mukha ko at hinarap sa kaniya. Napatitig siya sa tigyawat ko kaya naman ay nagtaas-noo pa rin ako kahit na sobra akong nafufrustrate sa pimples ko.

"Bakit, tinutubuan din naman ng pimples ang katulad ko?"

Ngumiti siya kaya umiwas ako ng tingin. Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha sa akin. Napapikit ako nang halikan niya ang ilong ko kung nasaan ang pimples ko.

"Mawawala na 'yan."

Dumilat ako at nag-iinit ang pisngi ko na napatingin sa kaniya.

"A-At bakit mo naman nasabi na mawawala ito?" napakagat ako ng labi at lihim na napaasik nang mautal pa ako.

"Gusto mo ako kaya ka nagkapimples. Mawawala iyan, dahil gusto rin kita."

"A-Ano?" para akong nabingi sa sinabi niya.

"Gusto kita," para akong natigilan sa paghinga at hindi ko alam ang irereact ko.

"Aray," sinamaan ko siya ng tingin dahil pinindot niya ang pimples ko.

"Tagal mong magreact. Ano, gusto mo rin ako 'di ba?"

Tinulak ko siya sa dibdib pero natawa siya at hinawakan ako sa kamay.

"Kapal mo. Hindi kaya,"

"Talaga? Sure ka?" aniya at humakbang pa palapit sa akin habang hawak ang kamay ko. Napaatras ako at pilit na inaagaw sa kaniya ang kamay ko. Napaigtad ako nang mapasandal ako sa pader. Napatingin ako sa kaniya at nagseryoso siya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Kung hindi, bakit namumula ang mga pisngi mo? At bakit hindi ka makatingin sa akin ngayon ng diretso?" tanong niya.

"Bakit, iyon na ba ang basehan no'n?"

"Eh, ano ba ang basehan mo?" balik tanong niya.

"Huh?" nawala ako ng sasabihin dahil ako man ay hindi ko alam ang basehan kung paano nga ba nagsisimula na magkagusto ako sa isang tao. Kay Chad ay dahil siguro sa bestfriend siya ni Kuya at naeenganyo ako noon na pinagmamasdan siya habang kausap si Kuya at Kuya Xenon.

"Kapag ba hinalikan kita, masasabi mo pa rin kaya na wala kang gusto sa akin?"

Ngumiti siya at binaba ang mukha upang ilapit sa akin. Napapikit ako at kinabahan. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil kinakabahan ako habang malapit siya. Dumilat ako kaya nagtama ang mata namin. Dumikit ang labi niya sa akin. Tinikman ang labi ko at bumitaw din. Ngumiti siya at muling tinikman ang labi ko habang ako ay tila napako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw habang ramdam ko ang paglapat ng labi niya.

"K-Kapag ba naging boyfriend kita, hindi mo ako ipagpapalit sa iba? At gusto ko ako lang," sabi ko.

Ngumiti siya at hinaplos ang labi ko habang nakatingin sa mga mata ko.

"Akala ko ba hindi mo ako gusto? Bakit inaangkin mo na agad ako?"

Nagsalubong ang kilay ko at tinulak ko siya. Akala ko naman ay seryoso siya, hindi pala!

"Sandali," pigil niya sa akin pero hinawi ko ang kamay niya.

"Wag mo nga akong pinagloloko, hindi ka nakakatuwa."

Ngumiti na naman siya at napatingin ako sa kamay niya na humawak sa bewang ko.

"Hindi mo kasi sinasabi na gusto mo ako. Sabihin mo muna," aniya.

Napatingin ako sa kaniya at nag-init ang pisngi ko.

"I like you," sabi ko kaya lalo siyang napangiti.

"Okay," sagot niya kaya napakuno't noo ako.

"Anong okay?"

"Okay, pareho nating gusto ang isa't-isa.."

"And then?" ani ko habang nalilito sa nais niyang ipatungkol.

"Liligawan kita. Saan mo ba nakuha na boyfriend mo agad ako? Liligawan muna kita dahil baka magalit ang parents mo sa akin.."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Liligawan niya ako? Hindi katulad ng sa amin noon ni Chad na hindi naman ako niligawan dahil gusto no'n ay kami na agad. Pero si Tanda ay liligawan ako dahil ayaw niya na magalit ang parents ko.

"Talaga? Liligawan mo ako? Are you sure?"

"Oo nga... Tara na doon, baka hinahanap na nila tayo."

Hinila niya ako habang hawak niya ako sa kamay. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin.. Napatingin ako sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala..

Napangiti ako ng lihim dahil iba pala siya kay Chad. Akala ko ay magkapareho sila. Inaamin ko na nagkaroon ng excitement sa katawan ko nang sabihin niya na liligawan niya ako. Maraming umaakyat ng ligaw sa akin pero hindi pa nila ako namemeet ay pinapalayas na agad sila ni Daddy.

"Tanda," lumingon siya at huminto kaya naman ay tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi. Napangiti ako nang mamula ang pisngi niya, "Tara na."

Napahagikgik ako na hinila na siya. Nilingon ko siya at tila natulala pa siya. Napangiti akong muli at masayang-masaya dahil liligawan niya ako.

© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt