KABANATA 3 - PINK POLICE STATION

43K 1.1K 24
                                    

KABANATA 3
PINK POLICE STATION





Bettina




BAGOT NA BAGOT ako na nakatingin sa gwapong pulis na matandang ito habang sinasabi niya sa akin ang mga gagawin ko raw dito sa police station.


"Meron kaming programa rito tuwing sabado na tumutulong ng volunteer sa gobyerno na nagpapakain sa mga nasalanta ng bagyo noong nakaraan. Kaya tutulong ka."


"What ever," umirap ako habang nagpapaypay gamit ang summer hat ko. Gosh. Kung alam ko lang na dito lang pala ako pupunta, edi sana hindi ganito ang sinuot ko.


"Lieutenant General!"


May humahangos na kapwa niya pulis na may radio phone na hawak.


"Si SPO 3 Martinez," nilahad nito sa matandang pulis pero gwapo ang radio phone.


"Roger. Anong nangyayari, Martinez?"


Tiningnan ko ang pulis na ito na pansin ko na ginagalang siya ng ibang pulis at tila mataas ang antas niya sa kapulisan. Seryoso siyang nakikipag-usap and I find him...hot. Well, hot nga siya pero kasing init niya ang ugali niya.


"Roger. Hostage taking sa bayan. Speaking Gutierez."


"Okay, pupunta na kami d'yan. Roger,"


Tumingin siya sa mga kasamahan niyang pulis at nag-instruction siya ng gagawin. Kita ko ang pagmamadali nila sa pagkuha ng sandatang baril. Habang ako ay pinapanood lang sila. Bumalik sa opisina niya si Tanda kaya napahinga ako ng malalim at humalukipkip.


Kung aalis sila, eh di hindi niya malalaman na hindi naman ako naglinis dito sa police station nila. Kasama kasi ito kaya nakakainis dahil talagang ginagantihan niya ako.



"Dapat pagbalik ko ay malinis at magmukhang bago itong police station. Dahil oras na hindi ka kumilos, mas matatagalan ka rito."


Umirap ako nang makalabas si Tanda habang sinusuot ang belt na lalagyan ng baril niya sa katawan. Nagsuot siya ng jacket habang nasa harap ko. Tumingin ako sa kuko ko at hindi siya pinansin.


"Nakikinig ka ba?" asik niya.

"Yeah. Yeah. Dapat malinis at mukhang bago itong police station niyo. Sige na, babu!"


Sinenyasan ko siya na animo'y pinapalayas. Napailing na lang ito at tumakbo kasunod ng mga tauhan niya. May ilan na lang na naiwan kaya napangisi ako.


Kinuha ko sa sling bag ko ang phone ko at may pinindot akong apat na numero. Naupo ako sa silyang nakita ko at nag-cross legs habang pinapaikot ko sa daliri ko ang ilang hibla ng dulo ng buhok ko.



(Hello. This is White Hardware shop.)


"This is Bettina Serina Ford," tanging sabi ko.


(Oh, M-Ma'am, kayo po pala.)


"Yes, ako nga ito. Meron akong kailangan sa inyo at gusto ko na ideliver niyo agad dito sa police station sa Santa Iñez. Magpadala din kayo ng maraming tao dahil kailangan isang oras ay tapos na ang ipapagawa ko."


(Okay po, Ma'am.)


Binaba ko na ang tawag at tinext ang kailangan ko. Pagkatapos ay humalukipkip ako. Napapatingin sa akin ang mga pulis tila ba binabantayan kung kikilos ako.


Tsk.. Annoying.


Napatapik ang daliri ko sa phone ko na nasa kandungan ko habang nagbibilang ng trentang segundo sa pinataw kong oras sa White Hardware Shop.



"Miss, tumawag si Lieutenant General. Pinapaalala ang duty mo."



Napairap ako nang may lumapit na sa akin dahil pansin nila na hindi ako kumikilos.


"I know. Just wait, okay?"



Napakamot ito sa ulo kaya napailing ako at pumitik. Nakita ko si Manong hardware na hingal na hingal na pumasok.



"Anong kailangan mo?" tanong ng pulis na nasa entrance ng police station.


"Manong!" tawag ko kaya tinuro ako ni Manong bago lumapit.


"Mam, nandito na po lahat."


Tumayo ako at nilabas ko ang pitaka ko. Nag-abot ako ng check na worth of fifty thousand. Mabuti na lang at binigay ni Dad ang check card ko.


"Good. This is worth of fifty thousand. Keep the change."


"Naku, salamat, Ma'am," aniya.


"Go, umpisahan niyo na," utos ko kaya tumango ito.



Naupo muli ako at sinuot ang shades ko. Humalukipkip ako at pumikit para umidlip. Napakadali naman pala ng solusyon at makakaalis na rin ako rito pagkatapos nila.



-


RICO




Sinenyasan ko ang mga tauhan ko na palibutan ang buong building kung saan nandoon ang hostage area. Pumasok ako sa pinto ng bangko habang hawak ang baril ko. Agad kong pinaputukan ang nakita ko at agad din akong nagtago sa pader nang paputukan ako ng kasama nito.



One down..



Base sa sinabi ni Sergeant Acosta ay sampu ang nanghohostage sa hostage area kaya siyam na lang sila. Gumapang ako sa sahig habang matalas ang mga mata na nagmatyag.. Nakita ko ang tatlo kaya mula sa pagtatago sa counter ay tumayo ako at pinaputukan ang tatlo na tumumba.


Tumalon ako nang paputukan ako ng isa nilang kasama. Napadaing ako dahil bumagsak ako sa sahig. Pero agad din akong nagtago sa pader. Naglagay ako ng panibagong bala at muling kinasa ang baril.


Four down..


Six left. Nakita ko ang mga tauhan ko kaya sinenyasan ko sila. Lumusob sila kaya hindi na nakaporma ang anim dahil mas marami kami.

Napahinga ako ng malalim at pinalabas ang mga empleyado ng bangko. Binatukan ko ang mga nang hostage dahil nanggigigil talaga ako sa mga kagaya nila na handang manakit ng kapwa para lang magkapera.


"Naku, salamat po."



Napatingin ako sa ginang na humawak sa braso ko. Napatango ako rito. Tila siya ang manager ng bangko.


"Walang anuman ho. Tungkulin namin ang proteksyonan ang bayan kaya kami naririto. At sa susunod ho ay magdouble kayo ng security para hindi na maulit ito."


"Oo, gagawin ko iyan. Salamat, hijo."


Tinapik ko ito sa balikat at sinuksok ko na ang baril ko sa pantalon ko. Pinaiwan ko ang ilang pulis na tauhan ko para sa imbestigasyon at para tingnan kung ligtas na ang loob ng bangko.



Sumakay na ako sa jeep owner ko na pinamana pa sa akin ni Papa. Napahigpit ang hawak ko sa manibela dahil naisip ko muli si Papa. Kinseng taon pa lang ako nang mawala agad sa amin si Papa. Isa siyang driver noon ng pampasaherong jeep. Malakas ang kita ni Papa kaya napundar niya rin itong owner at nakapagpatayo kami ng maayos-ayos na bahay.


Pero dahil pinangarap niyang maging pulis ay nag-ala bayani siya na sinagip ang babaeng ginagahasa ng tatlong lalake na alam ko ay mataas ang antas sa buhay. Pero kapalit ng pagtulong niya ay ang kaniyang buhay.


Sobra ang galit na binabaon ko mapahanggang ngayon, at kaya ako nagpulis dahil gagawin ko ang lahat para mahanap ang tatlong iyon. Wala akong pakialam kung mas mayaman sila ngayon, dahil gagawin ko ang lahat para lang pagsisihan nila ang ginawa nila sa Papa ko.



"Dominic."


Nawala ako sa iniisip ko nang pukawin ako ni Joey. Napahinga ako ng malalim at binuhay ang owner.



"Naalala mo ulit."


"Yeah.."


Umalis na kami sa pinangyarihan ng hostage taking at tinungo ang daan pabalik sa police station. Mahigit tatlong oras din ang inabot bago namin natapos ang pangyayari.


"May lead ka na ba kung sino ang tatlong lalake na pumatay sa Papa mo?"



"Wala pa. Pero alam ko ang pagkakakilanlan sa kanila gaya ng sinabi ni Papa bago siya maputulan ng hininga."



May tattoo na maitim na araw ang tatlong lalake sa kanilang braso. Kaya oras na makita ko iyon ay malalaman ko kung sino sila.



"Oo nga pala. Sure ka ba na paglilinisin mo ng buong police station ang batang Ford."



Speaking of her. Kumusta na kaya ang babaeng malditang iyon? Nakapaglinis kaya iyon?


"Oo, para maalis ang kaartehan."

Natawa si Joey kaya ngumisi ako at niliko ang owner sa daan patungo sa police station.



"Maglilinis kaya iyon?"


"Kapag hindi siya naglinis ay mas lalo siyang matatagalan sa araw na binigay kong parusa sa kaniya. Ang isang buwan niya ay madadagdagan."


"Talino mo rin, no. Pero mukhang mas matalino sa'yo ang batang iyon."


Lumingon ako kay Joey sa sinabi niya. Natawa siya at tumingin sa akin. Ngumuso siya sa unahan kaya tumingin ako sa police station na ilang pulgada na lang ang layo namin.



Napapreno ako at hindi makapaniwala na napatingin sa police station. Agad akong bumaba at tiningnan ang police station.



Tumakbo ako papasok at napahinto ako bago napatingin sa buong paligid.


"Anong nangyari rito?"


"Oh, nandiyan ka na pala, Tanda."


Napatingin ako sa malditang babae na nag-unat ng braso at inalis ang shades. Tumayo siya at tiningnan ang buong paligid.


"Hay, ang sarap sa mata ngayon tingnan ang police station niyo. I love pink. Ngayon ay tiyak na mag-eenjoy na ako sa police station niyo. Ganda, 'di ba?"



Napagulo ako sa buhok ko at napatiim-bagang sa babaeng ito.


"Alam mo ba ang ginawa mo, ha? police station ito. Kaya bakit mo binaboy? Ano na ang sasabihin ng mga tao kapag nakita nila ito? Iisipin pa nila na mga bakla kami!"



Huminga ako ng malalim dahil puputi ata agad ang buhok ko sa babaeng ito. Kahit twenty seven pa lang ako ay tila tatanda na ako kung ganito ang problemang hindi ko kayang iresolba.



"Lieutenant, kain na."


Napatingin ako kela Rodriguez, Santos, at Feliciano na mga may kinakain.


"Nagustuhan niyo ba ang bagong itsura ng police station niyo, guys?"



"Oo, Miss. Tsaka sarap ng mga pagkain. Busog na busog ako," sabi naman ni Dantes.


"Oh, see. Nagustuhan nila. Siguro naman tapos na ang duty ko ngayon? Naglinis na ako gaya ng sabi mo."


"Linis? Linis tawag mo rito, ha?"


Tiningnan ko siya ng seryoso pero ang batang ito ay napahikab pa tila balewala ang pinapakita kong pagkainis.



"Ang dami mong arte," lumakad siya at lumapit sa pader kung saan ay nakapinta pa ang mukha niya, "Sabi mo ay dapat magmukhang bago ang police station niyo, tapos ngayon ay nagagalit ka," dagdag niya.


"God!" napahilot na lang ako sa bridge ng ilong ko dahil para akong maha-highblood kahit wala naman ako no'n.


"Ito ang sign na ako ang nagpinta nito. Love Bettina," aniya habang gumagawa pa ng signature sa tabi ng mukha niya.


Grabe! Grabe talaga! Hindi ko alam ang gagawin at tila ako mababaliw kung magtatagal dito ang malditang ito.


Napatingin ako kay Joey na napangiti at tinapik ang balikat ko habang napailing sa akin.


"Tila ikaw ang pinaparusahan sa pagparusa mo sa kanya. Pero in ferness maganda ngayon ang police station. Iyon nga lang, pang babae," natawa siya kaya hinawi ko ang kamay niya sa balikat ko, "Tara, ikain mo na lang ang init ng ulo mo. Mukhang mamahalin pa ang pinapakain sa atin ng batang iyan," aya niya at nagtungo sa mga kapwa naming pulis na kumakain.


Napatingin ako sa malditang babae at napailing na lang ako. Nagkamali ako ng sinubok.



Napatingin ako sa entrance nang makita kong may pumasok. Agad akong lumapit at sumaludo kay Chief.


"Akala ko ay nawawala na ang police station at iba na ang nakatayo. Bakit naging pink lahat ng kulay ng police station, Esquivar?"


Napahimas ako sa batok ko at sinenyas si Bettina na kung anu-ano ang sinusulat sa pader sa tabi ng pinta ng mukha niya.


"Oh, I see," natawa si Chief habang napapailing.



"Chief! Tara na po! Maraming masasarap na pagkain dito. Bigay ni Miss Bettina!"


"Talaga?"


Tinapik ako ni Chief kaya tumango ako rito. Umalis siya sa harap ko para tunguhin ang mga pulis na kumakain. Tumingin ako kay Bettina nang lumapit ito.


"Pwede na ba akong umuwi? Tapos na naman ako sa pinagagawa mo."



"Hindi pa," tinalikuran ko siya at nagtungo ako sa office ko. Alam kong nakasunod siya dahil bumubulong pa siya tila sinusumpa pa ako.



"Bakit hindi pa?"


Naupo ako sa swivel chair ko at hinubad ang jacket ko.


"Dahil hindi mo ginampanan ng maayos ang inutos ko. Two months ka magvovolunteer dito. At kapag nagreklamo ka ay dadagdagan ko pa."


"What? How dare you! No, this is not right! I will call my dad and I will tell this to him!" aniya na puro kaartehan.


Nagkibit balikat ako sa kaniya at tiningnan siya na tinatawagan ang daddy niya.


"Look at this," ani ko at nilapit sa kaniya ang papel. Nang hindi niya macontact ang dad niya ay padabog na kinuha niya ang papel.


"What is this? Agreement? And Dad signed this!"


"Yes, Miss Bratty. Kaya kahit magsumbong ka pa ay walang saysay. Dahil hinayaan ako ng dad mo na gawin ang lahat ng gusto kong ipagawa sa'yo. And it's effective today."


Ngumisi ako sa kanya nang makita ko na nanggagalaiti siya. Ininis mo ako, pwes bibigyan kita ng leksyon.


"Argh! You!" aniya at dinuro ako habang inis na inis na nakatingin sa akin.


"Yes? Me?" ani ko at sumandal sa swivel chair ko.


"You'll regret this!" aniya at nagdadabog na lumisan sa opisina ko.


Napahalakhak ako dahil nagawa kong inisin ang malditang iyon. Napailing ako at napangiti.



"Bakit parang toro iyon na manunugod?" tanong ni Joey na may dalang plato na puno ng pagkain.


"Wala. Sinimulan ko lang na putulan ng sungay."


Natawa si Joey at nilapag sa lamesa ko ang dala niya.


"Pre, baka naman iba na 'yan. Iba ang ngiti mo."


Binato ko siya ng ballpen at napailing sa kaniya.


"Anong pinagsasabi mo? Tumigil ka nga. Tsaka baka kasuhan ako ng ama niya ng child abuse."


"Ngayon lang kita nakita na nawala sa kondisyon nang makita ang batang iyon. Aminin mo, maganda siya. Hindi pala. Sobrang ganda. Kung mga kasing-edad lang natin siya ay ganoon ang mga tipo ko. Ang flawless tapos parang manika ang mukha. At tsaka madali niyang nauto ang mga kapwa natin pulis."


Napadaing si Joey kaya napatingin kami sa bumato sa ulo niya.


"Bakit mo ako pinagpapantasyahan, ha? Gusto mong idemanda kita?"


Lihim akong natawa dahil namula si Joey sa prankang sinabi ni Bettina.


"Hindi naman sa ganoon, Miss. Nagagandahan lang ako sa'yo."


Kita kong nag-iba ang expression ni Brat at lumapit ito.


"Mabuti at alam mong tumingin ng maganda. Magkakasundo tayo," ani ni Maldita at tinapik sa balikat si Joey.


Natawa ako dahil lakas din ng confidence nito sa sarili.

"Bakit ka tumatawa, ha? May nakakatawa?"


Pinigil ko ang ngiti ko habang siya ay pinagtaasan ako ng kilay.


"Wala."


"Tsk,"


Napailing sa akin si Joey at sumenyas na lalabas na siya. Tumango ako kaya umalis na siya.


"Anong kailangan mo?" tanong ko dahil nagtataka ako bakit bumalik ito mula sa pagwawalk-out.



"Sige, payag na ako na mag volunteer dito.."


Natawa ako at tiningnan siya kung hindi ba niya ako niloloko.


"Mabuti naman.."


"Pero..." dagdag niya.


"Pero?"


"Tuturuan mo ako na humawak ng baril."



Napakuno't noo ako sa hiling niya. Seryoso siya base sa nakikita ko. At hindi pilya ang mukha.


"At bakit nais mong matuto? Tsaka, mafia ang ama mo, 'di ba? Bakit hindi ka sa kaniya magpaturo?"


"Basta. Gusto kong matuto. Kaya tuturuan mo ako kahit ayaw mo."


Hindi ako makapaniwala na napatingin sa likod niya nang tumalikod na siya para umalis. Napailing ako dahil akala ko ay tuluyan siyang magpapakumbaba para sa hiling niya. Pero mas pinairal talaga niya ang pagiging brat niya.



What a woman.

© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now