KABANATA 26 - NEW CASE

44.4K 972 13
                                    

KABANATA 26
NEW CASE






Rico

"PRE, MAY BAGONG intern na pinadala rito ni Chief. I-train daw ng grupo natin."

Tumingin ako kay Joey na pumasok sa opisina ko. May binabasa akong kaso na mga mababaw na case lang. At sa wakas ay hindi na rin nangyayari muli ang rape crime sa lugar.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang ikasal kami ni Bettina at ang honeymoon namin. Kaya pumasok na ako ngayon dahil tapos na ang leave ko. Ayoko sanang iwanan si Bettina ng hindi ako nakakapagpaalam, kaso napuyat ko siya dahil hindi ko tinantanan kagabi. Maaga pa naman ang pasok kaya hinayaan ko na lang na hindi siya gisingin. Tatawagan ko na lang mamaya.

"Ganun ba. Sino daw?" binalik ko ang mata ko sa binabasa ko.

"Papasukin ko."

"Sige," tugon ko at tinabi ang files na natapos ko nang ayusin. Tumingin ako kay Joey at nakita ko ang isang babae na nakauniform pang pulis.

"Ako si Alex Peña, General,"

Tiningnan ko ito at sumaludo ako nang sumaludo ito. Maganda siya pero tila konting tapik lang ay tutumba na ito.

"Sigurado ka bang pulis ang pinasok mo? Baka hindi mo kaya ang mga ginagawa ng pulis?"

"Kaya ko, General. Subukan niyo ako."

Ngumisi si Joey kaya napatango ako, "O sige. Subukan mo si Joey. Doon tayo sa open ground," sabi ko.

Umalis ako sa table ko at naunang lumabas sa kanila. Sa open ground sa likod kung saan ang shooting range kami nagtungo. Humalukipkip ako at sinenyasan ang dalawa.

Nagharap ang dalawa at pinanood ko ang gagawin ng babae. Alex daw.

Nabigla ako nang mapatumba niya si Joey na ngumingiwi. Napatango ako dahil mali pala ang tingin ko sa kakayahan niya. Wala kasi sa itsura niya na kaya niyang makipaglaban. Ngayon ay pabilisan sa pagtutok ng baril. Napatango ako dahil hindi lang mabilis siyang kumilos, naalis pa niya ang lalagyan ng bala sa baril ni Joey.

"Magaling. Mahusay para sa intern. Joey, ilagay mo siya sa information team."

"Sige, Pre."

Tumalikod na ako at naglakad para bumalik sa opisina ko.

"Ah, General, saglit po."

Napahinto ako at humarap muli nang tawagin ako ni Alex. Tumakbo siya palapit sa akin at huminto rin sa harap ko na may ilang pulgada lang.

"Sinisiguro ko po na hindi kayo mabibigo sa akin.."

Ngumiti ako at tumango, "Gawin mo. Nakikita ko ang galing mo kaya mas huhusay ka pa kapag lalong nahasa."

"Salamat po," ngumiti ito kaya tumango ako, "Ah, General, hindi po ayos ang kwelyo niyo."

Hahawakan ko sana ang kwelyo ko pero lumapit siya at inayos ang kwelyo ko. Napatingin ako sa kanya. Agad niyang binitawan ang kwelyo ko nang mapansin niyang napatingin ako sa kanya. Lumayo siya bago yumuko.

"Pasensya na po. Nakasanayan ko po kasi na ginagawa ko po iyan sa tatay ko kapag aalis siya para sa work, lagi po kasing magulo ang kwelyo niya kaya inaayos ko."

"Ayos lang.. Salamat. Sige, mag-train ka pa. Babalik na ako."

Tumunghay siya at ngumiti, "A-Ah, General, kung wala po kayong ginagawa minsan. Gusto ko po na masubukan kayo. Sa katunayan ay idol ko kayo. Lalo na po noon pong nag-aaral pa ako ay nakita ko po kayo na sinagip ang bangko sa mga holdapers. Ang astig niyo. Kaya nga po ay nagkaroon ako ng inspirasyon na pagbutihan pa ang training ko."

"Ganun ba. Ayos lang. Mamaya, kapag break."

Lalo siyang napangiti at napatalon sa tuwa kaya napangiti ako.

"Naku, salamat po."

"Walang anuman, sige."

Tumalikod na ako nang tumango siya. Hindi ko akalain na magiging inspirasyon sa kagaya niya noong estudyante ang ginawa kong pagsagip noon sa bangko. Nakakatuwa at may umi-idolo pala sa akin. At babae pang katulad niya.

"General, tumawag ho ang asawa niyo."

Nataranta naman ako nang sabihin iyon ni Acosta na nakasalubong ko malapit sa office ko. Agad akong pumasok sa office at cellphone kaagad ang kinuha ko na nakalapag sa table.

Shit! Five missed calls. Patay!

(Explain, Tanda! Bakit hindi ka sumasagot, ha? Ano, nibibingi ka na? Tsk. Excuses.) bungad niya agad.

"May hinarap lang akong bagong intern na kailangang tingnan ang skills. At kelan pa ako nabingi?"

Napangiti ako nang matahimik siya sandali. Tila bad mood ang gising.

(Kainis ka naman kasi! Bakit hindi mo ako ginising? 'Di ba papasok din ako ngayon sa boutique?)

Lumapit ako sa sofa at naupo bago dumekwatro at sumandal sa upuan.

"Bukas ka na pumasok at ako mismo ang maghahatid sa'yo doon. Magpahinga ka na lang o 'di kaya maglibang sa bahay. Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka."

(Paano, ayaw mo akong tantanan! Ang sakit tuloy ng balakang ko ngayon.)

Napahawak ako sa labi ko dahil kahit ata baho niya ay ilalantad niya. Ganyan siya kadaldal na walang hiya na tinatago sa katawan.

"Hayaan mo, mamaya ay hihilutin ko. Uwian na lang kita ng pagkain. Anong gusto mo?"

(Hmmm..) nakarinig ako ng tahol kaya napangiti ako dahil gising na rin si baby Chowchow namin.. (Gusto ko ng pinakain mo sa akin na parang tinapay na may palaman. Ano nga iyon?)

"Chicken empanada. 'Yun lang ba?"

(Oo. Anong oras ka ba makakauwi?)

Napangiti ako dahil na-miss agad ako ng maldita ko.

"Baka gabihin lang ako ng kaunti dahil maraming trabaho ang nakatambak mula nang mag leave ako. Kumain ka d'yan at sinabihan ko si Mama na asikasuhin ka."

(Ano ka ba. Kaya ko ang sarili ko. Tsaka nakakahiya kay Mother in law. Sige na nga, hintayin na lang kita kahit na miss na agad kita.)

Napakagat ako ng labi dahil napakasweet talaga niya kaya ako nababaliw.

"Sandali lang tumakbo ang oras kaya hindi ka maiinip masyado. Kailangan kong pumasok ng maaga dahil talagang ganoon ang duty ng pulis. Nandyan naman si Mama kaya hindi mo rin ako masyadong mamimiss."

(Oo na.. I love you, Tanda. Muaaah)

Natawa ako at napailing, "Mahal din kita, Maldita ko. Pakabait ka."

(Heh!) binabaan niya agad ako matapos niyang sabihin iyon kaya natawa ako. Kahit kailan talaga. Parang naatat na tuloy akong umuwi agad kahit kakapasok-pasok ko pa lang din.

Napailing ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa para ipagpatuloy na ang naudlot kong ginagawa. Kinuha ko ang wallet ko at hinugot ang larawan namin ni Bettina. Kinuha ko ang picture frame na nakatabi sa table ko kung saan nakalagay ang picture ng pamilya ko. Napangiti ako nang mailagay doon ang larawan namin ni Bettina at inayos sa pagkakatayo sa table ko ito. Ngayon ay hindi na ako maiinip sa trabaho.

Napatingin ako sa phone ko nang may magpadala sa akin sa messenger. Napakuno't noo ako nang kay Bettina galing iyon. Pagbukas ko ay napalunok ako nang ipadala niya sa akin ang larawan niyang bagong ligo habang nakatowel lang. Bigla namang nagtext sa akin si Bettina.

Bettina:

Nasaan ang victoria secret panty at bra kong pink?

Napasandal ako sa swivel chair ko at nag-alis ako ng isang butones ng uniform dahil parang naiinitan ako.

Nireplyan ko siya at sinabing nasa pinakaibaba ng drawer ng damitan namin. Ako ang nag-ayos ng mga damit niya sa closet ko kaya hindi niya alam kung saan nakalagay ang panloob niya.

Bettina:

Thanks, Tanda. Muaaahh

At talagang may pinadala pa siyang litrato na nakanguso siya at nakakindat. Paano ako makakapagconcentrate nito? Magiging laman na naman ng isip ko ang larawan niyang ito.

Tinawagan ko siya pero napakunot noo ako nang patayan niya ako. Pero agad din siyang nagtext.

Bettina:

Wag mo na akong tawagan at magseryoso ka sa work mo. At oo nga pala. Tuturuan daw ako ni Mama sa gawaing bahay. Kaya busy din ako.

Napailing ako at napangiti, "Talaga naman. Matapos mo akong akitin ay papanabikin mo ako. Humanda ka sa akin mamaya," ani ko at tinabi na sa gilid ang phone ko. Napahilamos ako nang mukha at napailing ako bago napakagat ng labi.

Matuto naman kaya sya? Nananabik tuloy akong makauwi para malaman ang ginagawa niya.

"Hay naman! Jusko hirap!" bulalas ko at tumingin na lang sa case na binabasa ko.

Hindi pa ako nagsisimula sa pagbabasa ng panibagong papel ay may kumatok muli.

"Pasok," tugon ko at kinuha ang ballpen ko para pirmahan ang release paper ng isang lalake na napagbintangan lang. Kaya makakalaya na siya.

"Pre, may mga umiiyak na nanay. May kumidnap daw sa mga anak nila."

"Ano?"

Napatayo ako at agad na binitawan ang hinaharap kong papel.

"Nasaan sila?" tanong ko kay Joey at naglakad palabas ng opisina ko.

"Nasa information desk."

Kaya naman ay tinungo ko ang information desk. Nakita ko ang tatlong nanay na tila balisa at umiiyak.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"General, hinatid daw nila sa eskwelahan ang anak nila. Pero nasa daan pa lang sila patungo sa gate nang may van na puti daw na huminto at pilit na kinukuha sa kanila ang mga anak nila. Nilabanan nila ang mga lalakeng nakabonnet ang buong mukha pero tinutukan sila ng baril," pagsasalaysay ni Alex.

Napatiim-bagang ako at ngayon ay bata naman ang malas na binibiktima ngayon.

"Sir, tulungan niyo kami. Baka kung anong gawin nila sa mga anak namin."

Napahinga ako ng malalim at hinawakan ko sa balikat ang ginang na nagsalita.

"Wag ho kayong mag-alala. Gagawin namin ang lahat at hahanapin namin ang mga anak niyo," tumingin ako kay Joey at tinanguan siya, "Acosta, kayo muna ang bahala rito at kami na ni Joey ang lalakad para mag-imbestiga," baling ko kela Acosta.

"Okay, General," sumaludo ito kaya tumango ako at naglakad ako pabalik sa opisina ko. Agad na kinuha ko ang baril ko sa drawer at sinuksok sa lalagyan ng baril na suot ko. Kinuha ko ang jacket ko at sinuot para matakpan ang uniform ko. Kailangan na lumakad kami na hindi nalalamang pulis kami. Tiyak na sa paligid ay meron pa silang bibiktimahin.

Lumabas ako ng opisina at sinuot ang sumbrero ko. Pinauwi ko muna ang mga nanay at sinabing babalitaan na lang. Inaya ko na si Joey at sumakay kami sa owner ko.

"General! General!"

Napatingin ako kay Alex na humabol. Inistart ko na ang makina bago siya maayos na hinarap.

"Bakit?" tanong ko.

"Pwede po bang sumama? Gusto kong matuto ng aktwal. Pakiusap."

Tumingin ako kay Joey na nasa passenger seat at nagkibit balikat siya kaya napahinga ako ng malalim.

"Sige, pero kung hindi mo kaya ay wag mong pipilitin at baka masira ang maging diskarte namin."

Ngumiti ito at maraming beses na tumango. Pinasakay ko siya sa likod at nang makasakay siya ay pinaandar ko na ang owner ko paalis.

"Tignan natin ang cctv sa eskwelahan, Pre. At kapag nakita natin kung may plate number ang van ay madali natin matutunton," si Joey.

"Paano kung wala?"

"Yun lang," napailing ako sa sagot niya.

Alam kong mahihirapan kami sa kasong ito dahil magaling ding magtago ang mga ganoong klaseng sindikato. Pero alam kong mahuhuli din namin ang mga iyon dahil tiyak na meron at meron muli silang bibiktimahin.

Pagdating sa school kung saan dinukot ang mga bata. Bumaba si Joey at Alex para magkalayong magmanman sa paligid. Ako'y bumaba sa sasakyan at tumawid ng kalsada. Lumapit ako sa isang tindahan.

"Ale, pabili nga ho ng tubig," dinukot ko ang wallet ko at kumuha ng bente pesos pambayad.

"Heto, hijo," inabot ko ang tubig at inabot ko ang pambayad ko rito.

"Ale, napansin niyo ho ba ang nangyaring pagdukot dito?"

Sumandal ako sa pasimano ng tindahan habang pasimpleng nagmamasid habang umiinom.

"Oo, hijo. Nakakatakot dahil bigla na lang silang susulpot at manghahatak ng bata. Umagang tapat at kasama pa ang mga magulang ay nanutok sila ng baril at natangay nila ang tatlong bata."

"May nakita ho ba kayong maaaring pagkakakilanlan sa mga kidnappers?"

Tinapon ko sa basurahan ang bote ng tubig nang maubos ko ito.

"Wala e. Sa taranta ko ay hindi ko masyadong nakita ang plate number nila."

May kumalabit sa akin kaya nagulat pa ako nang bumungad si Benj na bagot na bagot ang emosyon ng mukha habang kita mo na para siyang batang prince sa suot niyang necktie at coat.

"NB351," aniya.

"Huh?"

"NB351. White van. Seven person."

Nang maunawaan ko ay napatingin ako sa paligid at nakita ko ang dalawang kotseng itim at namukhaan ko ang isang lalake na tauhan ng mga Ford na tiyak na kasama ni Benj.

Hinawakan ko siya sa braso at naupo ako sa upuang bato ng tindahan.

"Bakit ka narito? Tsaka paano mo nalaman ang plate number ng van?"

"Nakita ko lang," flat na tonong sabi niya.

"Pero bakit narito ka?"

"I want to see my crush."

Napangiti ako at ginulo ang buhok niya dahil kay bata-bata pa e may crush na agad siya. Hinawi niya ang kamay ko kaya napangiti ako dahil nainis siya sa paggulo ko sa buhok niya.

"Kung ako sa'yo ay umuwi ka na at baka ikaw naman ang kunin ng mga kidnappers."

"I have bodyguards," simpleng tugon niya kaya napangiti ako pero para akong nakukunsume dahil parang si Bettina lang na matigas din ang ulo.

"Pero mabuti nang mag-ingat. Sige na."

"Alam mo ba ang oras ng uwian ng school na 'yan?" tanong niya at tinuro ang eskwelahan ng Santa Iñez elementary at high school.

"Oo, d'yan nag-aaral ang mga kapatid ko. Bakit mo tinatanong?"

"Anong oras?" bagot niyang ulit sa tanong niya.

"Ah, mga alas kwatro pa ng hapon."

Tumingin siya sa pambisig niya at bagot na napahinga ng malalim tila ba natatagalan siya sa oras. Tumalikod na siya kaya nagtaka na tumayo ako at pinagmasdan siya. Nakapasok pa sa bulsa ng pants niya ang kamay niya.

Ano kaya ang trip ng batang iyon? Tsaka parang matanda na kung mag-isip at kumilos.

Nang makasakay siya at ang mga bodyguards niya sa kotse ay umalis na sila.

"Pre, kapatid ni Bettina 'yon, 'di ba?" ani ni Joey na tinunguhan ko kasaama si Alex.

"Oo," tumingin ako sa kanya, "Let's go," aya ko.

"Huh? Hindi pa natin nakikita ang mga kumikidnap."

Tumawid kami ng kalsada at sumakay ako sa sasakyan ko.

"Alam ko na kung paano sila mahahanap," ani ko nang makasakay si Joey at Alex sa sasakyan at binuhay ko ang makina ng owner ko.

"Alam mo na? Paano mo nalaman agad?"

Ngumiti ako at sumulyap sa kanya, "Yung batang Ford."

"Yung kapatid ni Bettina?"

Tumango ako at umalis na kami sa lugar para bumalik sa headquarters.

"Oo,"

"Grabe din ang naitutulong sa'yo ng mga Ford. Tila magkakaproblema ka pa lang pero agad mo ding nareresolba dahil sa kanila," ani ni Joey.

"Nagmana sa ama nila. Mafia, e, kaya walang duda. Pero ang weird talaga nilang mag-isip. Lalo na yung si Benj. Parang matanda na kung mag-isip. At kay bata-bata pa ay layas na kasama ng bodyguards niya."

Natawa si Joey at napailing, "Para namang hindi weird si Bettina. Malakas din ang trip at pagkabrat no'n. Isa nang halimbawa ang headquarters natin na usap-usapan ng mga tao. Nagtataka nga ako at mahaba ang pasensya mo ngayon."

Sinapak ko ang braso niya at saglit na sinulyapan ko siya.

"Kahit ganoon 'yon ay siya ang pinakasweet at mabait din iyon. Kaya hindi rin mahirap mahalin ang tulad niya kahit na maarte at brat si Bettina."

"Sabi mo e. Inlove ka lang."

Napailing na lang ako. Wala siyang masabi ngayon dahil pareho lang kami ngayon.

"Pasensya na. Pero curious lang ako kung sino yung naka-idea sa kulay pink na kulay ng headquarters?"

Tiningnan ko sa rear view mirror si Alex nang magtanong siya, ngumiti siya.

"Asawa ko. Mahabang kwento pero kapag nakilala mo siya ay malalaman mo kung bakit ganoon," sabi ko at binalik sa daan ang tingin ko.

"M-May asawa na po kayo?" tanong niya.

"Oo, kakasal lang namin nung nakaraang dalawang linggo."

"Ikaw, Alex, ilang taon ka na ba?" tanong ni Joey at tumagilid ng upo para matingnan si Alex.

"Twenty four," sagot ni Alex.

"Bata ka pa pala. May boyfriend ka na siguro. Maganda ka."

Napailing ako kay Joey dahil d'yan siya magaling. Nabuntis na lahat-lahat si Mariz ay nagpapalipad hangin pa sa iba.

"Wala po. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend," sagot ni Alex.

"Whoa! Sa ganda mong iyan? Hindi nga?" bulalas ni Joey na tila ba siya pa ang hindi makapaniwala.

"Opo. Pag-aaral po kasi muna ang nasa isip ko."

Napatango ako dahil maganda ang pananaw niya sa buhay. Bihira sa babae ang hindi pa nagkakanobyo. Sabagay, ako nga si Bettina pa lang ang una ko, syempre huli rin.

"E, ngayon? Wala kang balak? Kahit naman pulis ka ay dapat magrelax at mag-enjoy pa rin sa buhay. Hindi ka man lang ba nagkagusto? O wala bang nanligaw sa'yo?"

Napakachismoso talaga nitong si Joey. Parang makapagtanong ay close sila ni Alex.

"Joey, tumigil ka na nga at mahiya ka naman. Personal na 'yan."

"Ayos lang, General. Sa katunayan ay may gusto din naman akong lalake. Pero wala na 'yon," aniya na tila ba mapait siyang magsalita.

"Sayang, may girlfriend na ako. Gusto mo ireto kita kay Acosta?" ani ni Joey.

Natawa si Alex, "Naku, hindi na."

Tumingin ako sa rear view mirror at nahuli ko ang tingin niya. Ngumiti siya kaya tumango ako at ngumiti bago tumingin sa daan muli.

Pagbalik namin sa headquarters ay agad na pinahanap ko sa information desk ang may plate number NB351 na white van.

"General, nakita ko na," agad na lumapit ako kay PO4 Gravador. Pinakita niya sa akin ang lumabas na information.

"Sa may Calle Ponce nakatira ang nagmamay-ari ng van. Kung gano'n," tumingin ako sa team. Nakasuot na sila ng mga protection sa katawan at may dalang sandata oras man na manlaban ang mga kinadppers, "Tara na! Wala tayong dapat na sayanging oras dahil buhay ng mga bata ang nakasalaylay!"

Tumango sila kaya tinapik ko muna ang balikat ni PO4 Gravador bago ko pangunahan ang team.

Si Joey, Alex, at Baste ay sumabay sa akin sa sasakyan. Ang iba ay gamit ang mobile patrol namin. Tinungo namin ang Calle Ponce na mga two hundred kilometro ang layo mula sa pinangyarihan.

Sa isang tabi ay ginilid ko ang owner ko nang makita ang bahay ng may-ari ng van. Sinenyasan ko ang team kaya maingat at hindi sila lumilikha ng ingay na naglakad palapit sa tila lumang bahay na pero up and down.

Tumingin ako sa paligid dahil baka mamaya ay nakatunog ang mga iyon at inaabangan pala kami.

"General, sure ba kayong nandito sila? Wala akong makita na van na puti," sabi ni Baste.

"Oo, alam kong narito."

"General, tila wala na rito ang hinahanap natin. Tila nakatunog sila," sabi ni Alex.

Kaya naman ay sinundan ko ang team na pumasok sa loob ng bahay at pagpasok ko ay limas ang lahat ng gamit. Walang mga batang kinidnap. Walang mga kalalakihan na nangingidnap.

"General, nakita ko 'tong lubid. Tila galing nga rito ang mga kidnapers at mga batang nadukot nila, pero nakatakas agad sila tila natunugan tayo."

Naalis ko ang suot na sumbrero sa ulo ko at napahilot ako sentido ko. Palpak na naman. Bwisit!

"General.."

"Bumalik muna tayo sa headquarters," tumalikod na ako at hindi ako mapakali dahil natakasan kami ng mga kidnappers. Hindi pwedeng umabot pa ng kinabukasan ito dahil baka ano na ang mangyari sa mga bata.

Sumakay ako ng owner at napahigpit ang hawak ko sa manibela habang nag-iisip ng paraan paano mahahanap ang mga bata upang mailigtas.

-

Pagbalik sa headquarters ay dumiretso ako sa opisina ko. Agad kong binuksan ang computer sa harap ko at hinanap ang buong mapa ng Santa Iñez.

Napatapik ako ng daliri sa lamesa habang tinitingnan ang bawat lugar. Alam kong hindi pa makakaalis ang mga iyon sa Santa Iñez dahil pinadala ko ang team nila Castillo para mag check-point..

Kung wala na sila sa Calle Ponce, tiyak na malayo ang pinagtataguan nila sa lugar.


Napatingin ako sa pinto nang may kumatok at bumukas ito. Nakita ko na si Alex ang pumasok.


"Anong kailangan mo, Alex?" tanong ko at binalik sa computer ang tingin ko.


"General, may hinala ako na nandoon pa rin sila.. Naalala ko ang sinabi noon sa akin ni Lola tungkol sa mga bahay na may secret underground floor. Baka doon sila nagtago kaya hindi natin sila makita sa buong bahay."


"Kung nandoon pala sila, bakit hindi mo agad sinabi nung nandoon pa tayo? Ngayon na nakaalis na tayo, tingin mo ay hindi sila aalis doon matapos nating malaman ang kuta nila?"


"Ngayon ko lang kasi naalala. Pero kung ayaw nyong maniwala sa sinasabi ko na baka nandoon pa rin sila, ako mismo ang pupunta doon para mapatunayan sa inyo na nandoon nga ang mga kidnappers at ang mga bata. Mamayang gabi ay mag-isa akong tutungo.. Sige po."


Sumaludo siya at tumalikod na. Napahinga ako ng malalim at sumandal sa kinauupuan ko bago ko pagsiklupin ang mga kamay ko. Kita ko na tila siguradong-sigurado siya sa hinala niya. Hindi naman siguro masama na paniwalaan siya. Baka posible nga na nandoon pa rin ang mga kidnappers at ang mga bata.



Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Bettina.


(Oh, Tanda?) bungad niya.


"Anong ginagawa mo?" tanong ko.


(Namamahinga lang. Tinuruan na ako ni Mama na magwalis. At marunong na ako, Tanda.) aniya na may tuwa sa tono at pagmamalaki.


"Talaga? Baka naman pinapagod mo lang ang sarili mo? Hindi mo naman kailangan na agad-agad na matuto ng gawaing bahay."


(Ano ka ba, ayos lang kaya. It's so easy.)


Napangiti ako dahil ganyan talaga ang power spirit niya. Mataas.


(Oo nga pala, bakit ka napatawag? Wala pang ilang oras mula nang magkausap tayo, ngayon ay tumatawag ka ulit. Aminin mo, namiss mo ako, no?)


Natawa ako at napahawak sa labi ko, "Oo, namiss kita.. Pero ang totoo kaya ako napatawag ay para sabihin sa'yo na gagabihin ako masyado ng uwi. May mabigat na case kasi kami na kailangan na maayos. Mga bata ang mga sangkot sa kidnapping ngayon at kailangan nilang mailigtas agad dahil baka kung ano na ang gawin sa kanila ng mga kumidnap oras na wala kaming gawing aksyon ngayon."


Natahimik siya saglit at pagkaraan ay napabuntong-hininga.


"Ganun ba.. Pero gaano ba kagabi ang uwi mo? Hihintayin pa ba kita?",

"Hindi ako sigurado sa oras, pero mabuting wag mo na akong hintayin dahil baka mapuyat ka lang. Pasensya na, kailangan lang, mahal ko."


(Pero paano ang pasalubong ko? Sabi mo ay uuwian mo ako.)


Napahilot ako sa sentido ko dahil nakonsensya ako. Dapat pala ay hindi ko na sinabi iyon para hindi siya umasa. Hindi ko naman kasi akalain na biglaan ring mangyayari ito.


"Bukas, pangako, uuwian kita bukas. Baka kasi sarado na ang tindahan ng empanada pag-uwi ko."


(Okay, I understand. Basta mag-iingat ka na lang d'yan.)


"Salamat. Babawi ako sa'yo.",


(Ano namang gagawin mo para makabawi?) tanong niya kaya napangiti ako.


"Ano bang gusto mo?) balik kong tanong.


(Hmm, gusto kong sayawan mo ako.)

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Fuck sayaw? E, hindi nga ako marunong.


"Pwedeng kanta na lang, mahal ko?"


(Tsk. Sabi mo ay babawi ka? Gusto kong makitang sumayaw ka. Don't worry, ako lang naman ang makakakita.) parang may kakaiba sa tono niya.


Napahagod ako nang buhok ko at napahimas ako sa batok ko.


(Bahala ka nga! Ayaw mo, edi wag! Wag ka nang umuwi!)


Binabaan niya ako kaya halos manlumo ako. Aist! Grabe din ang mga trip niya. Ano kaya ang naisip no'n? Dapat talaga ay iniisip ko ang mga sinasabi ko. Ako lang din ang mapapasubo sa mga topak niya.


Kaya naman kahit sa pagsugod namin muli sa bahay kung saan nagtatago ang sindikato para tambangan ay mas nakukulta ang utak ko sa gusto ni Bettina.


"Pre, ayos ka lang?" tanong ni Joey na humawak sa balikat ko.


"Oo," sagot ko habang narito na kami sa harap nang bahay.


"Bakit parang lutang ka? May problema ba?"


"Wala. At kung may nagpapalutang ng utak ko ay alam mo na kung sino ang palaging dahilan."


"Si Bettina. Bakit, pinag-tripan ka?" natatawa niyang tanong kaya umiling ako at bumaba ng sasakyan.


"Tsaka ko na poproblemahin iyon pag-uwi ko. Tara na."


Sinenyasan ko ang team at pinauna ko sila para buksan ang pinto. Nang mabuksan ay agad kaming pumasok.


"Hanapin niyo ang maaaring daanan sa ground floor!" utos ko.


"Yes, General,"


Naglakad ako habang tinitingnan ang buong sala. May mga lumang painting sa paligid. Sinaunang bahay kaya mukhang matibay pa ang bahay.


"General! Dito!" tawag ni Alex kaya lumapit kami sa kaniya na nakaluhod sa isang sulok ng sahig.


Pinagtulungan ni Joey at Baste na i-angat ang gawa sa kahoy na sahig. Nang maiangat nami'y bumungad ang isang hagdan. Nagkatinginan kami nila Joey at tinanguan ko sila.


Pinangunahan ko ang pagbaba at agad na napaiwas ako nang paputukan ako. Binaril ko ang nagtangkang barilin ako.


"Shit!" si Joey na napuruhan sa balikat.


"Ayos ka lang?" tanong ko nang mahila ko siya patago sa pader.


"Oo, pre. Mas masakit pa nga ang sampal ni Mariz."


Napailing ako at lumabas ako sa pinagtataguan namin para gantihan ng bala ang mga naglabasan nang sindikato.

Narito nga sila at may mga kargang armas ang katawan nila.

Narinig ko na ang iyakan ng mga bata pero mga ungol lang dahil nakatakip ng packaging tape ang bibig nila habang mga nakagapos.


Pinagbabaril ko ang makita ko at nawalan sila ng laban nang magpasukan na ang team ko. Binatukan ni Joey ang isa.


"Tangna nyo! Mga wala kayong magawa sa buhay, pati bata ay pinagdidiskitahan niyo."


Napailing ako dahil kahit may sugat na ay nakakabatok pa.


"Tama na 'yan. Dakpin niyo na ang mga 'yan!" utos ko.


Nilapitan ko ang mga bata at inalis sila sa mga gapos. Mahigpit benteng bata na pala ang nakukuha. Napahinga ako ng maluwag dahil mabuti at agad na nakuha namin ang mga bata.


"Alex," tawag ko kaya napatingin siya sa akin mula sa pag-alalay sa mga bata para ilabas, "Good job."


Tumango siya at ngumiti, "Salamat sa pagtitiwala, General."


Tumango ako at binuhat ang dalawang bata na maliliit pa.



Pagdating sa headquarters ay agad na tinawagan ang mga magulang ng bata. Kinulong na rin ang mga sindikato na walang tama, ang ilan ay ginamot pa muna bago ikulong.


Nang magdatingan ang reporter ay umiwas na ako at tinungo ang opisina ko. Napatingin ako sa pambisig na relo at ala una na pala mahigit.


Kinuha ko ang jacket ko at mga gamit ko bago ako lumabas nang opisina. Nakita ko sila Joey na nagpapa-interview pa. Napailing ako at tinapik ang balikat nila Acosta.


"Kayo na ang bahala rito."


"Sure, General."


Tumango ako. Ang mga hindi nakasama sa operasyon ay maiiwan dito para magduty at bantayan ang headquarters at mga preso.


"Tara na, Joey," hinila ko na ito pasakal ng braso ko sa leeg niya. Napakahilig talaga magpapansin lagi.


"Panira ka naman, Pre. Iniinterview pa ako."

"Bahala kang maiwan dito. Basta ako uuwi na," sabi ko at sumakay ng owner.


"Atat na atat ka namang umuwi ngayon. Sabik na sabik ka, e."


"Tigilan mo nga ako at umayos ka. Matanda ka na pero puro ka pa rin kalokohan."


"Pre, aminin mo, atat na ata ka lang. Ano nga ba ang pinoproblema mo kay Bettina?"


Umiling ako, "Sekretong malupit iyon. Pagtawanan mo pa ako."


"Sabi mo, e," ngumisi siya.


Sa kanto kung saan ang daan patungo sa kanila ay binaba ko na siya doon.


"Ingat, Pre!" bilin ko..


"Oo, ikaw rin. Love you, Pre!"


"Sira!" Natawa siya kaya napailing ako at pinaandar na ang owner ko. Ilang metro din ang layo ng bahay nila Joey sa amin. Pagdating sa bahay ay patay na ang ilaw sa loob ng bahay at ang buhay na lang ay ang sa terrace.


Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad palapit sa bahay. Nilabas ko ang duplicate ko ng susi at nang mabuksan ko ay dilim ang sumalubong sa akin.


Sinara ko ang pinto at binuhay ang ilaw. Naglakad ako patungo sa kwarto namin ni Bettina at pagpasok ko ay nakita ko siya na nakatalikod habang nakahiga at nakaharap sa pader. Napangiti ako at hinubad ang jacket na suot ko. Nilapag ko ito sa table at maging ang mga baril kong nakasuksok ay nilagay ko sa drawer. Naupo ako sa kama at hinubad ang sapatos ko maging ang medyas.



Tumayo ako muli habang bitbit ang pares ng sapatos ko. Nilagay ko ito sa isang tabi at tsaka ako lumapit sa closet para kumuha ng sando at short. Hinubad ko ang suot kong uniform at sinuot ang kinuhang damit.


Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumapit sa kama at nahiga sa tabi ni Bettina. Sinilip ko siya habang haplos ang braso niya.


"Nandito na ako," hinalikan ko ang ulo niya at yumakap ako sa kaniya mula sa likod. Gumalaw siya at napahawak sa braso ko. Bumaling siya sa akin habang inaantok ang mga mata.


"Narito ka na," aniya. Napabitaw ako ng yakap nang umikot siya paharap sa akin.


"Oo," humawak ako sa bewang niya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya bago ko siya halikan sa labi.


"Hmm," halinghing niya at pinigil ako, "Bakit ngayon ka lang, ha? Anong oras na?" bumangon siya at inabot ang phone niya.


"Natagalan lang sa operasyon kaya ginabi na ako masyado,"


"One thirty am. Really?" aniya na may pagdududa.


Natawa ako at inagaw sa kaniya ang phone niya.


"Tara nga rito. Tinotopak ka na naman," hinila ko siya muli pahiga at niyakap ko siya, "Matulog na tayo," dagdag ko at pumikit.


Napangiti ako nang amuyin niya ako tila ba may hinahanap siyang amoy. Bumitaw siya sa yakap ko kaya napatihaya ako nang amuyin niya pati ang leeg ko.


Tumigil siya at ngumuso kaya natawa ako dahil wala siyang naamoy sa akin.


"Wala nga akong babae.."

"Kung ganoon, gawin mo na ang hiling ko," aniya at ngumiti. Naman! Naalala pa.


"Bukas na lang. Tara na, tulog na tayo," hinawakan ko siya sa kamay para hilahin pahiga pero inalis niya ang kamay ko.


"Hindi. Hindi tayo matutulog hangga't hindi ka sumasayaw. Bukas ay aalis ka ng maaga kaya hindi na naman kita maaabutan. Dali," Napapikit ako at nagtulog-tulugan, "Tanda!" niyugyog niya ako kaya napangiti ako.


"Hindi ako marunong," dumilat ako at tiningnan siya.


"Kahit na. Dali na nang makatulog na tayo."


Napahilamos ako ng mukha at napapikit dahil kahit anong sabihin at gawin ko ay hindi siya titigil hangga't hindi ko nagagawa ang gusto niya.


Narinig ko ang iyak niya kaya napadilat ako at napabangon bigla.


"Sabi mo ay babawi ka," aniya na umiiyak.


"Oo, heto na. Tahan na," napahinga ako ng malalim at bumaba ng kama. Binaba ko ang dulo ng sando ko at napahawak ako sa batok ko habang nakatingin sa kanya.


Tiningnan niya ako tila ba hinihintay ang gagawin ko. Kaya giniling ko ang katawan ko kahit na halos mahiya ako. Napahagikgik naman siya ngayon hanggang sa natawa.


"Ang tigas ng katawan mo, Tanda. Ang sagwa. Hahaha!"


Napangiti ako nang makita ang tawa niya. Tumalikod ako at gumiling pa na lalo niyang kinatawa. Nilingon ko siya at napatigil ako nang makitang bini-videohan niya ako.


"Bettina," saway ko at agad na lumapit sa kaniya. Aagawin ko sana ang cellphone niya pero tinago niya agad sa likod.


Ngumiti siya at hinatak ang batok ko. Hinalikan niya ako kaya napahawak ako sa bewang niya at hinapit siya bago ihiga. Tumugon ako ng sabik na sabik at dinaganan siya.


Shit! Gamitan niya lang ako ng pang-aakit ay nawawala na ako sa sarili at sa nais kong gawin. Inaantok na ako pero tila marerecharge ako. Bumitiw ako ng halik at tiningnan siya.


"Masakit 'di ba ang balakang mo?"

Tumango siya, "Oo."


"Alisin ko?"

"Sige ba," aniya at ngumiti.


"Yari ka sa akin ngayon," hinawakan ko ang kumot at kinumot sa amin bago ko siya muling halikan.


© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now